Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Contact Us If YOU WANT TO INVEST FOR HOUSE and LOT NEAR And WITHIN TAGAYTAY

Name

Email *

Message *

Thursday, December 17, 2020

Paano Maitama ang Iyong SSS Membership's Records




Manila, Philippines — Bilang isang miyembro ng Social Security System o SSS, napaka-importanteng i-check kung tama ang lahat na impormasyong nasa membership record mo.

Ito'y dahil malaki ang posibilidad na ma-delay ang proseso ng loan o benefit claim sa SSS kung may makikitang discrepancies sa pangalan o birthday ng isang myembro.

Ito'y dahil mabusisi na ang SSS kung lehitimo ang ideneklarang pangalan at birthday ng SSS member lalo na kung ito ay nag-apply para sa final benefit claim kagaya na lamang ng Retirement, Total Disability at Death.



Ads


Sa ngayon, mas madali na para sa mga SSS members na i-check ang kanilang membership information online o sa pamamagitan ng kanilang My.SSS accounts na hindi na kinakailangan pang bumisita sa mga SSS branches.

Kabilang sa mga particular record na dapat i-verify para ma-update, mabago o maitama ay ang mga sumusunod:
  • Name (First, Middle, Last)
  • Date of Birth
  • Membership Type
  • Membership Status
  • Marital Status
  • Gender
  • Beneficiaries (Spouse, Children, others)
  • Contact Information (Address, Telephone/Mobile Number, E-mail Address)
  • Bank Information
Para mabago o maitama, kailangan lamang ng miyembro na punan ang Member Data Chage Request Form o SS Form E-4 na maaaring makukuha sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar o ma-download mula sa SSS website na www.sss.gov.ph.


Ads

Sponsored Links



Iba-iba ang mga documentary requirements na kailangang isumite kasama ng request form dahil na-aayon ito sa particular record na gusto mong baguhin o itama, maliban na lamang sa kopya ng UMID o SSS ID Card o alinmang valid IDs para sa proper identification ng account ownership.

Para sa Change of Name o Correction of Date of Birth:

Kailangan lamang mag-sumite ng Birth Certificate o passport, kung wala nito, mag-presenta ng Certificate of Non-Availability of Birth Records mula sa City o Municipal Civil Registrar o Philippine Statistics Authority o National Archives.

Mag-presenta ng dalawang valid IDs na may pirma at picture o documents kung saan makikita ang date of birth.


Para sa Change of Membership:

Walang required documents para sa pagbabago ng membership status mula sa self-employed o voluntary.

Ngunit kailangang mag-presenta ng Marriage Contract o Marriage Certificate at working spouse's consent kung ang pagbabago ay para sa Non-Working Spouse.

Para sa Basic Updating ng Membership Status mula sa “Temporary to Permanent,”:

Kailangang mag-sumite ng Birth Certificate, kung wala nito, Certificate of Non-Availability of Birth Records mula sa City o Municipal Civil Registrar o Philippine Statistics Authority
Baptismal Certificate o Driver’s License, o Passport, o PRC Card o Seaman’s Book.

Kung wala ka ng nasabing mga IDs, mag-presenta ng alinmang IDs na may pirma at isang picture o dokumentong nagpapakita ng tamang pangalan at date of birth.


Para sa Change of Marital o Civil Status:

Mula sa Single papuntang Married, kailangang mag-sumite ng miyembro ng Marriage Contract/Marriage Certificate.

Mula sa Married papuntang Legally Separated, kailangang mag-sumite ng Decree of Legal Separation.

Mula Married papuntang Widowed, kailangang mag-sumite ng Death Certificate of spouse o Court Order on the Declaration of Presumptive Death of spouse.

Para sa Correction ng Sex o Gender:

Kailangang mag-sumite ng miyembro ng Birth Certificate, o Passport, o kopya ng SSS personal record kung saan makikita ang gender o court order na nagbibigay ng petition para sa correction ng gender na may maling entry ng gender sa birth certificate.

Para sa Updating ng mga Beneficiary o Beneficiaries:

Kailangang mag-sumite ng Marriage Contract o Marriage Certificate kung ang asawa ang idadagdag.

Birth certificate o Baptismal certificate kung ang anak ang ilalagay bilang benepisyaryo.

Para sa deletion of previously reported spouse, kailangang mag-sumite ang miyembro ng Decree of Legal Separation.

Kung legally separated, death certificate ang kailangang isumite kung namatay ang asawa habang Certificate of Finality of Annulment o Annotated Marriage Contract/Certificate kung na-annul o ideneklaran void o walang bisa ang kasal.

Wala namang dokumentong kailangang isumite para sa pag-a-update ng Contact Information at maaari itong gawin sa SSS Mobiel App o sa My.SSS account sa SSS website.

Kaugnay nito, hinihiling ng SSS sa mga miyembro na i-verify na ang kanilang mga membership record dahil importante ito para sa mabilis at hassle-free na processing ng loan at benefit applications.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: