MANILA, Philippines — IKAW ba ay self-employed, voluntary o OFW member ng Social Security System o SSS? Alam mo na ba ang tungkol sa mandatory na paggamit ng Payment Reference Number o PRN para sa pagbabayad ng loan? Ito'y sa ilalim ng Real-Time Processing of Loans (RTPL) ng SSS na mag-sisimula sa Pebrero 1, 2021, sakop ang buwan ng Enero 2021.
Ayon sa SSS, simula noong Nobyembre 9, 2020, sinimulan na rin nila ang pagpapadala ng Loan Billing Statement na may PRN sa mga employers at individual members.
Sa ngayon, maaari pang magbayad ng SSS loan kahit walang PRN, ngunit ayon sa ahensiya, hanggang Enero 31, 2021 na lamang ang huling araw na tatanggap ang mga ito ng non-PRN loan payments.
Ads
Magiging mandatory naman ang paggamit ng PRN para sa loan payments simula Pebrero 1, 2021.
Saan Makukuha ang PRN para sa mga Loans?
- Ipapadala ng SSS sa pamamagitan ng text message o e-mail sa rehistradong mobile number o email address ng individual member o employer.
- Makukuha din ito sa My.SSS registered account ng employer o individual member
- PRN Loans Inquiry over the counter o sa mga e-Service Centers
- Makukuha din ito sa mga Self-Service Express Terminals (SETs) sa mga SSS Branches
Ads
Narito naman ang proseso ng PRN Loans para sa mga employers at individual members.
Sponsored Links
Saan Maaaring Magbayad ng SSS Loans Gamit ang PRN?
- Sa mga SSS Branches na may Automated Tellering Systems
- RTPL-compliant SSS Collecting Partners (Banks at Non-Banks)
- Sampung iba pang collecting partners na kasalukuyang nagpapatupad ng system enhancement at testing upang maging RTPL-compliant.
Sa pamamagitan umano ng paggamit ng PRN, magiging mabilis at wasto ang posting ng loan payment sa loan account ng member-borrower ng SSS.
Basahin: Mag-a-apply ng SSS Calamity Loan? Narito ang mga Guidelines na Dapat Mong Malaman Bago Mag-apply!
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment