Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, November 18, 2020

Mga Nasiraan ng Bahay Dahil sa mga Nagdaang Bagyo, Maaaring Mag-Loan sa SSS Hanggang P1 Million





MANILA, Philippines — Miyembro kaba ng Social Security System o SSS na nasiraan ng bahay dahil sa nangyaring pananalasa ng magkasunod na bagyong Quinta, Rolly, Ulysses? Alam mo ba na may Direct House Repair and Improvement Loan ang SSS para sa mga miyembro nitong naapektuhan ng bagyo.

Ang Direct House Repair and Improvement Loan ay inaalok ng SSS sa mga sumusunod nitong miyembro:
  • Employed
  • Self-employed
  • Voluntary
  • Overseas Filipino Workers o OFWs
Ngunit niliaw ng SSS na para lamang ito sa kanilang mga miyembro na nakatira sa mga lugar na isinailalim na sa State of Calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil pananalasa ng sunod-sunod na mga bagyo partikular na sa Luzon.


Ads


Sa official Facebook Page ng SSS na Philippine Social Security System, sa ilalim umano ng Direct House Repair and Improvement Loan, maaaring maka-avail ng loan hanggang P1 million ang isang miyembro.

Qualification para sa SSS Direct House Repair and Improvement Loan:
  • Ang miyembro ay may hindi bababa sa 24 monthly contributions at tatlo sa mga ito ay naihulog sa nakaraang 12 buwan bago pa man ang buwan ng loan application
  • Hindi hihigit sa 60-anyos ang edad sa petsa ng loan application
  • Hindi pa nabibigyan ng Direct House Repair and Improvement Loan
  • Hindi pa nabibigyan ng anumang final benefit o refunded SSS contribution
  • Kung may-asawa, up-to-date ang pagbabayad sa lahat ng kanilang mga loan sa SSS


Kinumperma ng SSS na wala ng processing fee para sa nasabing loan program na may annual interest rate na 8% para sa mga loan hanggang P450,000 at 9% naman para sa mga loan na higit sa P450,000.


Ads




Sponsored Links

Maaaring bayaran ang loan program na ito hanggang 20-taon, dagdag pa ang anim na buwang moratorium.

Ang nasabing programa ay maaaring aplayan sa Member Loans Department sa SSS Main Office para sa mga taga-National Capital Region at sa Housing and Acquired Asset Management Sections naman para sa mga hindi taga-NCR.

Maaaring makuha ang Direct House Repair and Improvement Loan sa link na ito — https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=SSSForm_Direct_House_Repair.pdf

Matatandaan na sa bagyong Rolly lamang, iniulat ng NDRRMC na mahigit sa 100,000 mga kabahayan ang nasira dahil sa hagupit ng bagyo. Hindi pa kasali sa bilang ang mga sinira ng mga sumunod na bagong Quinta at Ulysses.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: