Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, November 06, 2020

Online Application para sa 2nd Tranche ng DOLE CAMP, Bukas Na!




BUKAS at maaari nang aplyan online ang ikalawang tranche ng cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP). Ang nasabing programa ay para sa mga manggagawa sa private sektor na nawalan ng trabaho o naapektuhan ng pandemya dulot ng coronavirus disease o Covid-19.

Ayon kay DOLE Sectretary Silvestre Bello III, isang online system ang i-denevelop ng DOLE na may layuning ma — "streamline, simplify, and digitize the submission of applications of the affected workers."

Bahagi umano ng sistema na mapadali ang proseso ng application maliba pa't maiiwasan din nito ang physical contact at masiguro ang kaligtasan ng publiko at mga empleyado ng DOLE.


Ads


Ang online application system para sa programa ay maaaring ma-access sa https://reports.dole.gov.ph.

Sa nasabing website, piliin lamang ang “Apply for CAMP Financial Assistance” at pumili sa mga sumusunod;
  • Apply as Establishments
  • Apply as DOT Accredited Establishment
  • Displaced and Temporarily Laid-off Workers
Kung nag-a-apply bilang establishemento, importanteng may ERS account ang kliyente o mag-rehistro muna upang maipagpatuloy ang application.
Kung nag-a-apply bilang laid-off worker, ilagay lamang ang mga datus na kailangan. Sa ngayon, kung ang isang kliyente ay nag-a-apply para sa CAMP, maaari na nitong ma-check ang proseso ng kanyang application.


Ads

Sponsored Links



Una nang inihayag ng DOLE na hindi na maaaring maka-avail sa 2nd trance ng CAMP ang mga private sector workers na una nang naging benipisyaryo ng iba't-ibang social amelioration program ng gobyerno ng kinabibilangan ng mga sumusunod;
  • small business wage subsidy
  • social security system unemployment benefit
  • cash assistance for rice farmers
  • DSWD Programs
Sa ilalim ng CAMP, magbibigay ng DOLE ng one-time P5,000 financial aid sa mga kwalipikadong beneficiaries upang maibsan ang epekto ng Covid-19 sa kani-kanilang mga trabaho.

Narito ang proseso at iba pang impormasyon ukol sa DOLE-CAMP!


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: