MANILA, Philippines — DAHIL sa sunod-sunod na malalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas nitong huling quarter ng taon, magbubukas ang Social Security System o SSS ng assistance package para sa mga miyembro at pensioners nitong nasa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Ang nasabing assistance package ay magsisimula sa Nobyembre 27, 2020 at para ito sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pinsalang iniwan ng mga bagyong Rolly, Quinta at Ulysses.
Ads
Kabilang sa nasabing mga assistance package ay ang mga sumusunod:
- Calamity Loan Assistance Program o CLAP
- Three-month Advance Pension for SS and Employees’ Compensation pensioners
- Direct House Repair and Improvement Loan
Ads
Sponsored Links
Nilinaw naman ng SSS na sa Nobyembre 27 hanggang Pebrero 26, 2021 lamang ang application para sa CLAP at Three-month Advance Pension.
Buong taon naman maaaring aplayan ang Direct House Repair and Improvement Loan mula sa petsang inilabas ang circular para rito.
Umaasa naman ang SSS na makakatulong ang nasabing assistance package sa mga binagyong miyembro at pensioners.
Basahin: Kailangan ng Emergency Loan Dahil sa Bagyo o Iba pang Kalamidad? Narito ang 5 Maari Mong Mautangan
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment