Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS Payment Reference Number. Show all posts
Showing posts with label SSS Payment Reference Number. Show all posts

Tuesday, December 08, 2020

6 Easy Steps para Makakuha ng PRN sa'yong My SSS Account





MANILA, Philippines — BILANG individual member ng Social Security System o SSS, magiging bahagi na ang paggamit ng Payment Reference Number o PRN sa pagbabayad ng anumang uri ng loan sa SSS.

May iba't-ibang paraan para makakuha ng PRN. Maaari itong makuha sa mga text message o Email mula sa SSS. Magpapadala ang SSS ng PRN Loans Billing Notices sa mobile number at email ng miyembro na naka-rehistro sa SSS.

Maaari din itong makuha sa mga SSS Branches sa pamamagitan ng Self-service Express Terminals o SETs, E-centers, at over-the-counter.

At isa sa pinaka-madali ay ang pagkuha ng PRN sa My.SSS Account sa SSS website.





Ads


Para sa mga individual members ng SSS gaya ng mga self-employed, voluntary at OFW-members, narito ang simpleng paraan para makakuha ng PRN sa pagbabayad ng inyong mga SSS loans.

Step — 1

Mag-log in lamang sa iyong My.SSS account.
I-enter ang iyong User ID at Password.
I-tick ang box sa tabi ng "I'm not a robto"
I-click ang "Submit".

Kung wala kang account sa SSS, alamin kung paano magparehistro — 5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online.

Kung may account ka naman, ngunit nakalimutan mo ang iyong username o password, alamin ang apat na paraan para marekober mo ito —  Forgot Password? 4 Ways Para Ma-Recover Ang Iyong My.SSS Online Account.


Step — 2

I-click ang RTPL tab upang makita ang active Payment Reference Number o PRN.
Tingan ang larawang nasa ibaba.


Step — 3

By default, ang "Amount to be Paid" portion ay parehas lamang sa "Amount Due.
Ngunit maaari mong baguhin ang "Amount to be Paid" sa pamamagitan ng pag-enter ng halagang nais mong bayaran.

Ngunit laging tandaan na maaaring magbayad ng mas maliit o mas malaki sa amount due ngunit hindi maaaring magbayad ng mahigit sa halaga ng "Outstanding Balance" ng iyong loan.

Lalabas naman ang error message sakaling mas malaking amount ang inilagay sa "Amount to be Paid" kumpara sa iyong Outstanding Balance.




Ads

Step — 4

I-click lamang ang "Save All" kung tapos mo nang baguhin ang amount o halaga ng iyong babayaran.

Maglalabas naman ng promt ang website na nagsasabing na-update na ang iyong record.



Step — 5

I-click lamang ang "PRN" para makita at ma-view ang modified PRN.



Step — 6

I-check ang lahat na detalye kung tama at i-click ang "Print".



Sponsored Links



Huwag kalimutang i-print ang PRN ng dalawang kopya. Isa para sa payor at isa para sa SSS.

ung may printed PRN kana, i-presenta lamang ito kung ikaw ay magbabayad sa mga sumusunod:
  • SSS Branches na may Automated Tellering Systems
  • RTPL-compliant SSS Collecting Partners (Banks and Non-Banks)
Hintayin ang payment posting notification na ipapadala ng SSS sa registered mobile number at email address mo ukol sa pagbabayad na ginawa.




Una nang inihayag ng SSS na simula Pebrero 1, 2021, magiging mandatory na ang paggamit ng PRN sa mga miyembrong magbabayad ng SSS loan.

Layunin umano nito ang mabilis at wastong posting ng loan payment sa account ng miyembro.


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, December 07, 2020

Magbabayad ng SSS Loans? Magiging Mandatory na ang Pag-gamit ng PRN!




MANILA, Philippines — IKAW ba ay self-employed, voluntary o OFW member ng Social Security System o SSS? Alam mo na ba ang tungkol sa mandatory na paggamit ng Payment Reference Number o PRN para sa pagbabayad ng loan? Ito'y sa ilalim ng Real-Time Processing of Loans (RTPL) ng SSS na mag-sisimula sa Pebrero 1, 2021, sakop ang buwan ng Enero 2021.

Ayon sa SSS, simula noong Nobyembre 9, 2020, sinimulan na rin nila ang pagpapadala ng Loan Billing Statement na may PRN sa mga employers at individual members.

Sa ngayon, maaari pang magbayad ng SSS loan kahit walang PRN, ngunit ayon sa ahensiya, hanggang Enero 31, 2021 na lamang ang huling araw na tatanggap ang mga ito ng non-PRN loan payments.

Ads


Magiging mandatory naman ang paggamit ng PRN para sa loan payments simula Pebrero 1, 2021.

Saan Makukuha ang PRN para sa mga Loans?
  • Ipapadala ng SSS sa pamamagitan ng text message o e-mail sa rehistradong mobile number o email address ng individual member o employer.
  • Makukuha din ito sa My.SSS registered account ng employer o individual member
  • PRN Loans Inquiry over the counter o sa mga e-Service Centers
  • Makukuha din ito sa mga Self-Service Express Terminals (SETs) sa mga SSS Branches


Ads

Narito naman ang proseso ng PRN Loans para sa mga employers at individual members.





Sponsored Links



Saan Maaaring Magbayad ng SSS Loans Gamit ang PRN?
  • Sa mga SSS Branches na may Automated Tellering Systems
  • RTPL-compliant SSS Collecting Partners (Banks at Non-Banks)
  • Sampung iba pang collecting partners na kasalukuyang nagpapatupad ng system enhancement at testing upang maging RTPL-compliant.



Sa pamamagitan umano ng paggamit ng PRN, magiging mabilis at wasto ang posting ng loan payment sa loan account ng member-borrower ng SSS.


©2020 THOUGHTSKOTO