MANILA, Philippines — MATAGAL nang panawagan ng mga pensioner ng Social Security System o SSS ang kanilang P1,000 dagdag pension.
Ngunit patapos na ang taong 2020, hindi pa rin ito naibibigay sa kanila.
Kaugnay nito, pinasiguro ng SSS na hindi nila sinasara ang posibilidad na maipatupad ang ikalawang bahagi ng P2,000 na pension increase, ngunit pinag-aaralan umano itong mabuti lalo na't bumaba ang contribution ngayong taon dahil sa pandemyang dulot ng coronavirus disease o Covid-19.
Ads
Sa isang public briefing program na in-ere sa PTV 4, sinabi ni SSS president and chief executive officer Aurora Cruz Ignacio na napakaraming mga miyembro ng SSS ang hindi nakapag-bayad ng kanilang contribution matapos nawalan ng trabaho at dahil na rin sa iba't-ibang community quarantine na ipinatupad na nagiging dahilan ng movement restrictions.
“We are studying this implementation of the second tranche of pension hike because under the law, SSS funds should be actuarially sound before we implement it,” ang naging pahayag ni Ignacio.
Napag-alaman na P1,000 na dagdag pension lamang ang ipinatupad ng SSS noong 2019 mula sa P2,000 na inaprobahang social pension increase.
Ads
Sponsored Links
Ayon sa SSS, ipinagpaliban ang pagpapatupad ng P1,000 dagdag pension ngayon taon matapos pinag-aralan ang epekto nito sa actuarial life ng pension fund.
Paliwanag ni Ignacio, malaking tulong sa pagpapalago ng pondo ng SSS ang ipinatupad na dagdag contribution noong nakaraang taon, ngunit napakalaki din umanong pondo ang inilabas ng SSS sa mga miyembro nito ngayon taon dahil sa pandemya at mga kalamidad.
Kabilang umano rito ay ang calamity loans at unemployment benefit packages na inilabas sa mga binagyo.
“We are now managing our funds because contributions are declining. We want to cover them (pensioners) that’s why we extended the contribution payments to collect these,” dagdag pa ni Ignacio.
Una rito, binigyan ng SSS ang mga miyembro nito ng hanggang Nobyembre 30 na bayaran ang mga hindi nabayarang contributions noong mga panahong may movement restrictions na ipinatupad ng gobyerno dahil sa coronavirus disease o Covid-19 infections.
Ang mga miyembro umanong nakapag-bayad bago pa man ang ibinigay na extended contribution payment deadline ay hindi mapapatawan ng multa.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment