MANILA, Philippines — INILABAS na ng Social Security System o SSS ang guidelines para sa pagpapa-enrol ng mga miyembro nito sa bagong mandatory provident fund o MPF Program.
Magsisimula ngayong Enero 2021 ang bagong provident fund ng SSS na tatawaging Worker’s Investment and Savings Program (WISP) na magbibigay ng dagdag na protection sa mga miyembro ng SSS.
Ayon sa SSS sa ilalim ng WISP, mabibigyan ng retirement, total disability at death benefits ang mga miyembro nito maliban pa sa regular na mga benipisyong nakukuha ng mga ito sa SSS.
“It allows faster accumulation of a worker’s savings because of the employer share in the contribution. Moreover, WISP contributions will be invested following the principles of safety, high yield, and liquidity, and as provided under the SS Act of 2018, which will yield additional pension income for contributing members,” ang naging pahayag ni SSS president and chief executive officer Aurora Ignacio.
Sakop ng WISP ang lahat na SSS members na may contribution sa regular SSS program at may monthly salary credits na mahigit sa P20,000. Sakop din nito ang mga miyembrong wala pang final claim sa kanilang regular SSS program.
Bukod sa higit P20,000 sahod, puwede ring sumali sa programa ang mga overseas Filipino worker, self employed, at voluntary members.
Ads
Babayaran naman ang contribution sa WISP kasabay ng pagbabayad sa contribution sa ilalim ng Regular SSS program.
“Enrolment in the MPF Program shall be automatic when MSC exceeds P20,000 starting applicable month of January 2021,”
“MPF contributions shall be the prescribed contribution rate times MSC in excess of P20,000 up to the prescribed maximum MSC,” pahayag ng SSS.
Simula Enero 2021, obligado nang kakaltasan ang mga kuwalipikado sa programa.
"It's a provident fund, it's another layer, it's your second layer of protection. Additional benefits ito to supplement your pension benefits," paliwanag ni Joy Villacorta, vice president ng benefits administration ng SSS.
Bilang halimbawa, ang isang empleyado na may MSC na P25,000 at 13% ang contribution rate, kailangan nitong magbayad ng P3, 250. Sa nabanggit na halaga, P2,600 ang mapupunta sa regular social security fund at P650 naman sa WISP fund.
Papatawan ng penalty na 2% per month sa kanilang total contributions ang mga miyembrong hindi o huling makapagbayad ng contribution.
Ads
Sponsored Links
Paliwanag ng SSS, hindi naman pinapayagan ang withdrawal of contributions sa nabanggit na programa.
Magiging basehan naman ng WISP benefits ang naipong accumulated account value ng isang miyembro at panahon ng claims para sa retirement, total disability o death.
Sabay namang ibibigay sa miyembro ang mga benipisyo nito kasama na ang SSS regular benefits sa pamamagitan ng lump sum o annuity
“Annuity shall be given in the form of fixed amount of monthly pension, to be paid until the member’s account value is fully settled, covering at least 15 years,” dagdag sa pahayag ng SSS.
Sakali naman umanong namatay ang pensioner, mapupunta sa beneficiary nito sa pamamagitan ng lumpsum ang natitira nitong balanse sa programa.
©2020 THOUGHTSKOTO
2 comments:
Self employed Lang po asawa ko exempted po ba sya SA wisp?
Hi nice readiing your blog
Post a Comment