MANILA, Philippines — Bilang miyembro ng Social Security System o SSS, malaki ang posibilidad na nakatanggap kayo ng email mula sa ahensiya nitong buwan ng Disyembre ukol sa SSS Disbursement Account Enrollment Module o DAEM.
Napapaloob sa nasabing email ang dagdag na requirement na hinihingi ngayon ng SSS sa mga miyembro nitong mag-a-apply ng loan o benipisyo mula sa pension fund.
Ayon sa SSS, layunin nitong mapangalagaan ang mga miyembro laban sa "unauthorized access" sa kani-kanilang mga My.SSS accounts.
Ads
Para masiguro na mapupunta sa totoong miyembro ang loan o benipisyo, minabuti ng SSS na magdagdag ng security measures upang maiwasan ang hindi tamang paglalagay ng bank details at hindi otorisadong pag-file ng benipisyo o loan applications.
Ang nasabing pagbabago ay ipinatupad na ng SSS simula Disyembre 21 kung saan ang mga miyembro ay kinakailangan nang mag-sumite ng proof of ownership ng bank o e-wallet account na naka-enroll sa kanilang Disbursement Account Enrollment Module o DAEM sa SSS Website.
Dahil dito, nire-request ng SSS ang mga miyembrong mag-log in sa kani-kanilang mga My.SSS Account sa SSS Website at i-submit o i-upload ang alinman sa mga sumusunod bilang proof of account sa pamamagitan ng DAEM. Siguruhing makikita dito ang iyong kompletong pangalan at account number o mobile number para sa verification o approval ng inyong disbursement account.
- Passbook
- ATM Card
- Validated Initial Deposit Slip
- Bank Certificate o Bank Statement (issued not later than 2019)
- Screenshot ng mobile app account para sa e-wallet
Ads
Sponsored Links
Dagdag pa ng SSS na ipapa-alam sa miyembro sa pamamagitan ng email kung na-verified o na-aprobahan ng SSS ang inyong proof of account.
Nilinaw ng ahensiya na sa mga verified at approved accounts lamang nila ihuhulog ang loan o benefit proceeds inapply ng miyembro sa ahensiya.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment