MANILA, Philippines — HINDI pa rin nawawala ang pangamba ng publiko sa coronavirus disease o Covid-19 maging sa bagong mga variants nito. Maliban dito, hindi pa nasisimulan ng gobyerno ang vaccination program nito laban sa Covid-19.
Dahil dito, mas mabuting mag-ingat parin sa mga pinupuntahan.
Kaugnay nito, hinihiling ng Social Security System o SSS ang mga miyembro nito na gamitin ang mga accredited payment channels sa pagbabayad ng contributions o loan upang maka-iwas sa overcrowding sa kanilang mga tanggapan o branches sa buong bansa. Layunin umano nito na masiguro ang kaligtasan ng bawat miyembro.
Ads
Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, may panganib pa rin na ma-expose ang mga tao sa Covid-19 kahit inalis na ang karamihan sa mga ipinatupad na Covid-19 restrictions.
“Although community quarantine restrictions are gradually lifted, the risk of exposure to Covid-19 is still there. It would be beneficial for our members to consider paying their SSS contributions through the most convenient and safe option for them. Aside from SSS branches, we also have accredited bank and non-bank collecting partners that offer over-the-counter and online payment channels,” ang naging pahayag ni SSS President at CEO Aurora Ignacio.
Ayon sa ahensiya, tinatanggap ang SSS payments sa mga sumusunod na mga Real Time Processing of Contributions o RTPC compliant banks at Remittance and Transfer Companies o RTCs bilang mga accredited collecting agents ng SSS.
Ads
Sponsored Links
Samantala, sa inilabas n Circular No. 2021-001 ng SSS, narito ang mga accredited collecting agents ng ahensiya mula Nobymebre 2020 hanggang Oktubre 2021.
Universal Commercial Banks
- Asia United Bank Corp.
- Bank of Commerce
- Bank of the Philippine Island (BPI)
- China Banking Corp.
- CTBC Bank (Philippines), Inc.
- East West Banking Corporation
- Metropolitan Bank & Trust Co.
- MUFG Bank, Ltd.
- Philippine Bank of Communications
- Philippine National Bank (PNB)
- Philippine Trust Co.
- Philippine Veterans Bank
- Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC)
- Robinsons Bank Corp.
- Security Bank Corp.
- Standard Chartered Bank
- Union Bank of the Philippines
- United Coconut Planters Bank, Inc.
Thrift Banks
- Bank One Savings and Trust Corp
- Philippne Business Bank
Rural Banks
- Partner Rural Bank (Cotabato), Inc.
- Rural Bank of Lanuza (Surigao del Sur), Inc
Remittance and Transfer Companies (RTCs)
- CIS Bayad Center, Inc.
- Electronic Commerce Payment, Inc.
- I-Remit, Inc.
- LMI Express Delivery, Inc.
- PayMaya Philippines, Inc.
- Pinoy Express Hatid Padala Services, Inc.
- SM Mart, Inc.
- Ventaja International Corp.
Dagdag pa ng SSS na ang mga nabanggit lamang na mga bangko at RTC ang naka-komleto ng mga requirements para sa renewal ng kanilang accreditation para sa period na November 2020 hanggang October 2021 base na rin sa Revised Guidelines for Accreditation of Banks to Act as Collecting and Paying Agents of SSS na inaprobahan sa ilalim ng SSC Resolution No. 691 s.2019 na may petsang Setyembre 25, 2019 at Revised Guidelines for Accreditation of Remittance and Transfer Companies as Collecting and Paying Agents of SSS na inaprobahan naman sa ilalim ng SSC Resolution No. 351-s.2020 na may petsang Hulyo 8, 2020.
Source: https://bit.ly/396580v
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment