MANILA, Philippines — LUSOT na sa dalawang komite sa House of Representatives ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa pangulo na suspindihin ang mga contribution hike sa panahon ng national emergencies.
Inaprobahan ng Committee on Health ang House Bill No. 9316 o panukalang batas na nagbibigay kapangyarihan sa chief executive ng bansa na suspindihin ang naka-schedule na constribution increase ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth, sa pag-amyenda sa section 10 ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Law.
Sa isinagawang hearing, sinabi ni Nerissa Santiago, Acting Executive Vice President at COO ng PhilHealth, na maaapektuhan ang ilan sa kanilang programa dahil pagka-antala ng contribution hike.
Ads
Ihinalimbawa nito ang pagpapatupad ng kanilang out-patient program na "Konsulta" sa ibang mga lugar sa bansa na magiging limitado umano habang mababawasan naman ang iba pang benefit packages.
Sa ilalim ng batas, magbabayad ng 3.5% sa kanilang buwanang sahod ang mga miyembro ng Philhealth simula 2021 na tataas hanggang sa umabot ito ng 5% sa 2025.
Ngunit naantala ang implementasyon nito dahil na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, inaprobahan din ng Committee on Government Enterprises and Privatization ang House Bill No. 8317 na nagbibigay kapangyarihan sa pangulo na suspindihin ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System o SSS, na nag-aamyenda sa section 4 ng Republic Act 11191 o Social Security Act of 2018.
Ads
Sponsored Links
Sa isinagawang hearing, kinumperma ni SSS President at CEO Aurora Ignacio na mawawalan ng nasa P15 billion ang ahensiya kung matutuloy ang suspensiyon.
Tataas din umano ang mga hindi pa nabayarang liabilities ng SSS kung hindi itutuloy ang contribution hike ngayong taon.
Ang dalawang panukalang batas ay inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco at ipinadala na sa plenaryo para sa second at third reading.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment