Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, February 02, 2021

SSS Advisory: Proof of Ownership, Requirement na sa DAEM!




MANILA, Philippines — KINUMPERMA ngayon ng Social Security System o SSS na requirements na sa mga employers at miyembro nito ang pag-submit ng proof of ownership sa kanilang mga inenrol na disbursements accounts. 

Ayon sa SSS, dagdag ito na security measure upang masiguro na mapupunta sa rightful payees o sa tamang tao ang SSS proceeds mula sa mga inaplayang loan o benipisyo.

Maliban sa dagdag seguridad, layunin din umano nito na maproteksiyunan ang mga employers at miyembro mula sa mga mapanlinlang na pag-enroll ng mga bank details at hindi otorisadong pag-file ng benipisyo o loan applications.




Ads


Dahil dito, nire-require na ng SSS ang lahat na mga employers at members na mag-upload ng proof of ownership ng kani-kanilang mga bank o e-wallet account sa Disbursement Account Enrollment Module o DAEM sa mismong website ng SSS.

Sinimulan umano ng SSS ang pagpapatupad ng nabanggit na requirements noong Disyembre 14, 2020 sa mga employers habang Disyembre 21, 2020 naman sa mga members.


ALAMIN: Mga Importanteng Reminders Mula sa SSS Upang 'Di Ma-delay ang Pagtanggap ng Pension o Loan!
Ads

Sponsored Links



Dahil sa bagong requirements, kinakailangan na ng mga miyembro at employers na mag-upload ng mga sumusunod na dokumento kung saan makikita ang kompletong account name at account number upang mapatunayan ng pag-aari o ownership sa nasabing mga account:
  • Passbook
  • ATM Card
  • Validated Deposit Slip
  • Bank Cerftificate/Statement Issued not earlier than 2019
  • Screenshots o mobile app account, kung gumagamit ng e-wallet kagaya na lamang ng PayMaya



Sakaling ma-upload, ipapaalam ng SSS sa mga employers at member-claimants sa pamamagitan ng email kung na-verified at na-aprobahan na ng SSS ang inapload na proof of account.

Samantala, may mga exempted naman sa pagpasa ng proof of ownership. Ito'y yaong mga member-claimants na may sumusunod na disbursement account na naka-enroll sa DAEM:

  • UMID card enrolled ATM
  • Bank account migrated from the Sickness and Maternity Benefits Payment thru the Bank o SMBPB Module at yaong mga ownership na una nang na-verify
  • UnionBank Quick Card
  •  DB Cash Padala thru MLhuiller




©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: