Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, February 05, 2021

Bakuna Laban sa Covid-19: Sino ang Mauuna?



MANILA, Philippines — INAASAHANG darating sa Pilipinas ngayong buwan ng Enero ang unang batch ng mga bakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19.

Dahil dito, inaasahan din ang agad pagsisimula ng pamamakuna laban sa Covid-19. Pero ang tanong, sino ang mauuna? Kaugnay nito, inilabas ng Task Force on Covid-19 ang mga grupo na mabibigyan ng prioridad para sa Covid-19 vaccination.

Ang Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) umano ang bumuo ng listahan at aprobado na ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Kagaya ng inaasahan, mga frontline workers sa mga health facilities ang pinaka-una sa listahan.

“They have highest exposure by their nature of work and should be protected to preserve the health system capacity,” ang bahagi ng pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ads


Susunod sa mga health workers ang mga senior citizens dahil ang mga ito ang nasa age group na may mataas na bilang ng mga namamatay dahil sa Covid-19. Pangatlo ang mga person with comorbidities.

Narito naman ang kompletong listahan na inilabas ng ahensiya:
  • A1: Frontline workers in health facilities both national and local, private and public, health professionals and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc.
  • A2: Senior citizens aged 60 years old and above
  • A3: Persons with comorbidities not otherwise included in the preceding categories
  • A4: Frontline personnel in essential sectors including uniformed personnel and those in working sectors identified by the IATF as essential during Enhanced Community Quarantine
  • A5: Indigent population not otherwise included in the preceding categories
  • B1: Teachers, social workers
  • B2: Other government workers
  • B3: Other essential workers
  • B4: Socio-demographic groups at significantly higher risk other than senior citizens and indigenous people
  • B5: Overseas Filipino workers
  • B6: Other remaining workforce
  • C: Rest of the Filipino population not otherwise included in the above groups

Ads

Sponsored Links



Samantala, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na pipiliin ang mga lugar na mauuna sa Covid-19 vaccination base sa mga sumusunod na mga basehan:
  • Current active cases, attack rate per 100,000 population in the past four weeks and population density
  • Vaccination site and/or readiness of local government unit, particularly, its supply chain capacity
Nilinaw din ni Roque na ang unang batch ng Pfizer/BioNTech vaccine ang ibibigay sa mga healthcare workers.


Inaasahang darating sa Pilipinas ang 117,000 doses ng Pfizer/BioNTech ngayong buwan sa pamamagitan ng Covax Facility, na inisyatibo ng World Health Organization.
  • Ang unang batch ng mga bakuna ay ibibigay umano sa mga frontliners sa mga sumusunod na pasilidad:
  • COVID-19 dedicated hospitals
  • COVID-19 referral hospitals
  • DOH-owned hospitals
  • LGU hospitals
  • Hospitals for uniformed services/personnel
  • Private hospitals
Target ng Pilipinas na maka-secure ng kabuuang 146 hanggang 148 million vaccine doses para sa pamamakuna sa 70 million population ngayong taon lamang.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: