MANILA, Philippines — NAIS mo bang may matutunang bago ngayong 2021? Bakit hindi mo i-consider ang pag-aaral ng libre sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa pamamagitan ng online? Malaking tulong sa career o sa paghahanap ng trabaho ang dagdag a skills o kaalaman kaya't kung may libreng oras ka, bakit hindi mo subukan itong 28 online courses na ina-alok ng TESDA ngayong taon.
Sa pamamagitan ng TESDA Online Program o TOP, maaaring makapag-enroll ang kahit na sino at mag-aral ng iba't-ibang kurso ng libre. Hindi mo na rin kailangan pang pumunta sa mga training centers dahil online ito. Ang kailangan mo lamang gawin ay mag-enroll at makinig sa guro sa pamamagitan ng computer, laptop o cellphone na konektado sa internet.
Bukas ang online program ng TESDA para sa mga out-of-school youth, mga walang trabaho, college students, Overseas Filipino Workers o OFWs, maging mga professionals na gustong magkaroon ng dagdag na skills. Wala ding educational attainment na requirement sa pag-aaral sa TESDA.
Ads
Ngayong 2021, narito ang listahan ng mga TESDA Online Courses na maaari mong pagpilian!
- Agriculture
- Aquaponic Food Production
- Fruit Grower
- Appreciation Course on Flexible Learning
- Automotive
- Automotive Battery Servicing
- Diesel Engine Tune Up
- Construction
- Plumbing NC II
- Electrical and Electronics
- Computer System Servicing NC II
- Electrical Installation and Maintenance NC II
- Solar Night Light Assembly
- Entrepreneurship
- STAR Online Training Program
- iSTAR Program
- Managing Your Personal Finance
- Start and Improve Your Business (SIYB)
- Heating, Ventilation, Air Conditioning, and Refrigeration
- Packaged Air Conditioner Unit Servicing
- Human Health / Health Care
- Massage Therapy NCII
- Barangay Health Services NC II
- Information and Communication Technology
- Android 4.0 Programming in Java
- SMART Android Mobile Apps Development for Beginners
- SMART Technopreneurship 101
- Web Development using HTML5 and CSS3
- C# Fundamentals for Beginners
- Lifelong Learning Skills
- Job Interview Skills Training Course
- Skills to Succeed Academy
- Maritime
- Ships’ Catering NC III (Updates)
- Performing Solid Waste Management in the Workplace
- Practicing COVID-19 Preventive Measures in the Workplace
- Process Food and Beverages
- Food Processing NC II
- Social, Community Development and Others
- Beauty Care Services (Nail Care) NC II
- Tourism
- Bread and Pastry Production NC II
- Cookery NC II
- Food and Beverage Services NC II
- Housekeeping NC II
- Front Office Services NC II
- TVET
- Trainers Methodology I
- Trainers Methodology II
- 21st Century Skills
- Environmental Literacy
- Communication
Ads
Sponsored Links
Paano Magpa-rehistro para sa TESDA Online Account?
May napili kana ba? So mag-e-enroll kana? Ang tanong ngayon, paano nga ba magpa-enroll para makapag-aral online sa TESDA? Bago magpa-enroll, kailangan mo munang magkaroon ng TESDA online account. Para magawa mo ito, kailangan mo ng computer o laptop o smartphone na konektado sa internet.
STEP 1 — Mag-sign up at i-activate ang iyong account sa pamamagitan ng pagpunta sa website ng TESDA na — www.e-tesda.gov.ph.
STEP 2 — I-click lamang ang “Log In” sa kanan at itaas na bahagi ng windows. Makikita mo ang "Log In" page at sa ibaba ng "Is this your first time here?", i-click lamang ang "Create New Account".
STEP 3 — Ilagay lamang ang mga hinihinging information gaya ng username at password, mga personal information kagaya ng pangalan, email address, sex, civil status, employment status, birthdate, highest educational attainment, at age group.
Importanteng masagutan ang mga blangkong may pulang exclamation point (!).
Huwag kalimutan ang iyong password dahil gagamitin mo ito sa mga susunod mong log ins.
Kumpletuhin ang mailing address kasama na ang street, barangay, city or municipality, province, region, at contact number.
Pumili ka rin ng iyong learner/trainee/student classification. Halimbawa, students, out-of-school youth, micro-entrepreneur, overseas Filipino worker (OFW), at persons with disabilities (PWD).
Kung natapos mo nang punan ang mga hinihinging impormasyon, i-check lamang ang "I'm not a robot" at i-click ang “Create my new account.”
Paano naman mag-enroll sa TESDA Online Courses?
STEP 1 — Gamit ang iyong account sa TOP website, mag-log in gamit ang iyong username at password.
STEP 2 — Pag nakapag-log in na, makikita mo na ang TOP front page at listahan ng mga available na kurso. I click lamang ang kursong nais mong pag-aralan.
STEP 3 — I-click lamang ang link ng module na gusto mong pag-aralan.
STEP 4 — Sa kaliwang bahagi ng navigation pane, sa ilalim ng administration panel, i click lamang ang “Enrol me in this course” link.
STEP 5 — Lalabas ang message box na magtatanong kung nais mo ba talagang mag-enroll sa module? I click lamang ang “Yes” button para magpatuloy!
Sa simpleng paraan na ito, maaari na po kayong makapag-aral ng libre sa TESDA.
©2020 THOUGHTSKOTO
1 comment:
I'm wondering what happen to this so called on line course. So far wala man .Correct me if am wrong.
Post a Comment