Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, February 09, 2021

Ano ang Pag-IBIG MP2 at Bakit Dumarami ang mga Filipinong Nag-I-invest Dito!




MANILA, Philippines — SA kabila ng pandemya dala ng coronavirus disease o Covid-19, kinumperma ng Pag-IBIG Fund na mahigit sa P13 billion ang naipon ng mga miyembro nito na nag-invest sa Modified Pag-IBIG 2 Savings program o Pag-IBIG MP2. 

Ayon sa Pag-IBIG, ito na ang pinaka-malaking amount na naimpok ng mga miyembro sa programa simula noong 2010.

Kaugnay nito, umaabot na sa 338, 248 na ang bilang ng mga miyembro na may savings sa MP2 Savings ng Pag-IBIG Fund.

Kung naghahanap ka ng paraan upang mapalago ang inyong pera, maaari mong ikonsidera ang Pag-IBIG MP2 Savings Program. Savings program ito na suportado ng gobyerno, ngunit hindi kagaya ng mga typical savings account dahil itinuturing itong "low-risk yet high-return investment."

Ads


Interesado kaba? Narito ang mga bagay na dapat mong malaman ukol sa Pag-IBIG MP2, paano mag-appy at mag-invest sa savings program.

Ano ang Pag-IBIG MP2?

Ang Modified Pag-IBIG II, o mas kilala bilang MP2 ay isang optional savings program para sa mga current at former Pag-IBIG Fund members na gustong magpalago ng kanilang savings, maliban pa sa Pag-IBIG regular savings.


Ano ang mga Key Features ng Pag-IBIG MP2?

Sa pamamagitan ng MP2, nagiging madali, abot-kaya at kumikita ang savings ng mga Filipino. Kung hindi kapa sigurado kung magbubukas ka ng MP2 account, narito ang ilang pangunahing impormasyon ukol sa programa;
  • Budget-friendly investment – Sa halagang P500 per month, maaari kanang mag-invest sa MP2. Wala itong penalty kung may makaligtaang contribution sa loob ng ilang buwan ngunit mas mabuti kung regular ang pag-remit sa iyong MP2 contributions.

  • Government-guaranteed savings – Makakasiguro ka na hindi mawawala ang pera mo dahil guaranteed ito ng government of the Philippines.

  • Tax-free dividends – Matatanggap mo ang inyong MP2 dividends na walang tax deductions kada taon o sa loob ng limang taon.

  • Up to 7% annual dividend rate –  Mas mataas ang interest rate ng Pag-IBIG MP2 kun ikukumpara sa regular na Pag-IBIG savings program, maging sa mga bank accounts, time deposits at iba pang investment.

  • No limit to the amount you can save – Mag-hulog ng pera sa inyong MP2 account ayon sa budget. Para sa mga one-time payments na higit sa P500,000, requirement ang personal o manager's check.

  • Multiple MP2 savings accounts – Maaari kang mag-bukas ng mas maraming MP2 account ayon sa gusto mo. Ideal ito kung nag-iimpok ka para sa iba't-ibang goal gaya na lamang ng para sa emergeny, tuition, travel, retirement at iba pa.

  • Five-year maturity period – Limang taon ang maturity ng MP2 Savings kung saan maaari mo na itong ma-withdraw. Dahil dito, ideal ang Pag-IBIG MP2 para sa medium-term investment goal.

Ads


Sino ang Maaaring Mag-enrol sa MP2 Program?

Kwalipikado ka sa MP2 Savings Program kung kabilang ka sa mga sumusunod:
  • Active Pag-IBIG Fund members regardless of monthly income
  • Former Pag-IBIG members with other sources of monthly income
  • Pensioners, regardless of age, who have paid at least 24 monthly Pag-IBIG I contributions before retirement
Maaari namang mag-apply para sa Pag-IBIG MP2 ang mga inactive members na tumigil na sa pagbabayad ng kanilang Pag-IBIG contributions sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanilang bayad hanggang umabot ito sa minimum 24 monthly contribution requirement.

Paano Mag-apply para sa Pag-IBIG MP2?

Maaari kang mag-enroll sa Pag-IBIG MP2 Savings Program online o personal sa mga branches ng Pag-IBIG.

Narito ang Pag-IBIG MP2 Online Enrollment Procedure
  1. Bisitahin ang Modified Pag-IBIG II Enrollment page at www.pagibigfundservices.com/MP2Enrollment.
  2. Ilagay ang iyong Pag-IBIG Membership ID o MID number, apelyido, pangalan at birthday.
  3. I-type ang CAPTCHA code.
  4. I-click ang Submit button.
  5. Sa Desired Monthly Contribution field, ilagay ang amount na nais mong ihulog kada buwan para sa iyong Pag-IBIG MP2 Savings.
  6. Pumili sa mga sumusunod na dropdown menus:
  • Preferred Dividend Payout: Nais mo bang matanggap ang iyong MP2 dividends kada taon o sa katapusan ng limang taon.
  • Mode of Payment: Paano mo huhulugan ang iyong MP2 contributions? Sa pamamagitan ba ng salary deduction, over-the-counter sa alinmang Pag-IBIG branch, o sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund-accredited collecting partners.
  • Source of Funds: Ang iyong pangunahing pinagkukunan ng kita kung saan magmumula ang iyong pambabayad sa MP2.
I-click ang Submit button.

Makikita mo ang iyong natapos na Modified Pag-IBIG II Enrollment Form na may 12-digit MP2 account number. Maaari mo itong i-save o i-print.

Narito naman ang Pag-IBIG MP2 Manuel Enrollment Procedure

1. Pumunta lamang sa pinakamalapit na Pag-IBIG Branches sa iyong lugar.
2. Dalhin ang mga sumusunod na requirement;
  • Valid ID
  • Accomplished Modified Pag-IBIG II Enrollment Form
  • ATM card or passbook of your bank account where you’d like to receive your MP2 savings and dividends
Paano Mag-Invest sa Pag-IBIG MP2?

Maaari mong simulan agad ang pag-iimpok sa ilalilm ng MP2 Savings Program pagkatapos ng inyong enrollment. Maaari kang mag-hulog ng one-time lump sum payment o monthly contribution ng mas mababang halaga sa iyong Pag-IBIG MP2 Savings Account.

May tatlong pangunahing paraan para makapag-hulog sa iyong MP2 contributions at iyo ay ang mga sumusunod:
  • Salary deduction by your employer
  • Personally at any Pag-IBIG branch
  • Or through any accredited collection partner
Sa mga empleyado, pinaka-magandang mode of payment para sa Pag-IBIG MP2 ay ang salary deduction kung saan ang MP2 savings ay automatic na ikakaltas mula sa sahod at ire-remit sa MP2 account.


Sponsored Links



Saan Maaaring Mag-bayad ng MP2 Contributions?

Over-the-Counter Payment Centers:
  • 7-Eleven 
  • Bayad Center
  • ECPay
  • M. Lhuillier
  • SM Business Centers, including Savemore and SM Hypermarket bills payment counters
Online Payment Channels:
  • Pag-IBIG MP2 Online Payment Channels
  • Pag-IBIG Online Payment Facility
  • PayMaya, Visa, Mastercard, and JCB credit cards
  • Gcash app
  • Gcash wallet
  • Coins.ph app
  • Coins.ph wallet
  • Moneygment app
  • Moneygment wallet, bank deposit, PayPal, ECPay, Dragonpay, 7-Eleven
Sa alinmang online payment facility, tandaang piliin ang “Modified Pag-IBIG 2” bilang payment type at ilagay ang iyong MP2 account number.

Paano mo ma-check ang iyong Pag-IBIG MP2 Savings Online?

Maaaring ma-monitor ang iyong hulog sa Pag-IBIG MP2 sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG. Ngunit bago magawa ito, kailangan mo munang magkaroon ng Virtual Pag-IBIG Account.

Kung mayroon kang active na Virtual Pag-IBIG account, maaari mong ma-verify ang iyong Pag-IBIG MP2 savings online sa pamamagitan ng mga sumusunod na steps:

1.  Mag-log in sa iyong Virtual Pag-IBIG Account
2. Sa left menu, piliin lamang ang “MP2 Savings” sa ilalim ng Products tab.
3. Makikita mo na ang iyong Pag-IBIG MP2 contribution sa screen.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: