Kasabay ng pagdami ng kaso ng coronavirus disease o Covid-19, importanteng malakas ang immune system ng isang tao, upang hindi ito basta-basta tamaan ng sakit, o kung tamaan man, mabilis itong makaka-recover.
Tinatawag na amazing mechanism ang immune system ng tao at trabaho nitong protektahan ang katawan laban sa anumang sakit at impeksiyon.
Upang magawa nito ng mabuti ang kanyang trabaho, kailangang maging malakas ang immune system ng tao ngunit may mga bagay-bagay na nagpapahina ng immune system gaya na lamang ng sakit o mga bad habits.
Kung mahina ang immune system mo, malaki ang posibilidad na madali kang tamaan ng sakit at matagal din na makakarekober.
Ads
Narito ang ilan sa mgan karaniwang dahilan kung bakit humihina ang immune system ng isang tao.
1. Kulang sa tulog
Importante ang sapat tulog para sa overall health ng isang tao. Ayon sa mga pag-aaral nagpapahina ng immune system ang insomnia o kakulangan sa tulog. Sakali umanong kulang o mas mababa sa limang oras ang tulog ng isang tao, kulang din ang oras ng immune system upang i-repair ang mga pinsala sa mga muscles at tissues ng katawan.
2. Sobrang exercise
Maganda sa katawan ang exercise, ngunit kung nasubrahan, maaring makasira ito ng mga muscles na kailangang i-repair. Sakaling nakatutuk umano ang immune system sa pag-repair sa mga over-exercised musles, mawawalan ito ng kapasidad upang protektahan ka laban sa sipon, bacteria at iba pang karamdaman.
3. Poor Diet!
Naka-depende sa good nutrition ang bawat bahagi ng katawan kasama na ang immune system. Kung madalas processed foods na puno ng taba, sugar at salt ang kinakain mo, mauubusan ito ng nutrients na kinakailangan sanyang trabaho na protektahan ka laban sa mga sakit.
Ads
4. Sobrang pag-inum ng alcohol
Nakakapababa ng white blood cell count ang alcohol. Dahil dito, nawawalan ng kapasidad ang immunue system na puksain ang mga virus na pumapasok sa katawan.
5. Paninigarilyo
Walang benipisyong dala ang paninigarilyo. Ang mataas na level ng tar at chemicals at mababang oxygen supply ay nagdudulot ng cancer, heart disease asthma at nagpapahina din ng immune system.
Kung mahina ang ating immune system, malaki ang posibilidad na mabilis tayong kapitan ng sakit gaya na lamang ng Covid-19 ngunit paano mo masasabi na mahina ang immune system mo?
Sponsored Links
Narito ang anim an signs ng mahinang immune system
1. Madalas na napapagod
Maraming dahilan kung bakit napapagod ang isang tao. Maaring kulang sa tulog dahil sa stress, anemia o chronic fatigue syndrome. Ngunit kung hindi mo alam kung bakit ka napapagod at hindi nakakatulong ang dagdag na tulog, maaring mahina ang iyong immune system.
2. Madalas na nagkakasakit
Lahat naman nagkakasakit, pero kung madalas kang dapuan ng iba't-ibang sakit, maaring dahil ito sa mahina mong immune system.
Kung madalas kang nakakaramdam ng bladder infections, mouth ulcers, sipon at trangkaso, panahon na upang magpatingin ka sa doktor.
3. Allergies
Maraming tao ang may allergies ngunit kung madalas mo itong nararamdaman, gaya na lamang ng bad reaction sa pagkain o skin rashes, joint pain at stomach troubles, maaaring dahil ito sa mahina mong immune system o autoimmune disease.
4. Matagal gumaling na mga sakit
Masasabing underperforming ang inyong immune system kung hindi ka gumagaling mula sa mga simpleng sakit kagaya ng sipon, ubo at trangkaso. Madalas, nawawala ang mga ganitong uri ng sakit sa loob ng isang linggo, ngunit kung umaabot ng buwan, senyales ito na nahihirapan ang katawan sa pakikipag-laban laban sa impeksiyon.
5. Digestive problem
May epekto sa immune system ng isang tao ang quality ng intestinal bacteria nito sa katawan. Kung madalas kang magkaroon ng diarrhea, ulcers, gas, bloating, cramping o constipation, maaring senyales ito na hindi na maganda ang trabaho ng immune system mo.
Maraming uri ng gut bacteria na tumutulong para sa healthy na immune system gaya na lamang ng probiotics lactobacilli and bifidobacteria. Denidepensahan nito ang katawan laban sa impeksiyon at sinusuportahan ang function ng immune system.
Kung mababa ang amount ng friendly bacteria, maaring maging dahilan ito ng compromised immune system.
May direktang epekto sa kalusugan ang mahinang immune system, mula sa pagkalagas ng buhok hanggang sa sobrang kapaguran. Para mapalakas ang immune system, kailangan kumain ng balanced diet, exercise, sapat na tulog at iba pa.
Sa panahon ngayon, maliban sa pagsusuot ng face mask at face shield at regular na paghuhugas ng kamay, importe din na malakas ang ating immune system habang pinapayuhan naman na manatili sa bahay kung walang importanteng lakad o trabaho upang maka-iwas sa coronavirus.
Basahin: OWWA, may tig-P10,000 na educational assistance sa mga anak ng mga OFWs na apektado ng COVID-19
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment