Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, October 12, 2021

Korte Suprema, nagbabala sa mga mapang-abuso, lasinggero at babaerong asawa: 8 taong pagkakakulong at multa





MANILA, Philippines — NAGBABALA ngayon ang Korte Suprema sa mga mapang-abuso, lasinggero, at babaerong mga mister na maaaring makulong ang mga ito ng hanggang sa walong taon at multang hindi bababa sa P100,000.

Ito ang babala ng Korte Suprema matapos nitong pinagtibay ang desisyon ng trial court at Court of Appeals na naghahatol sa isang mister sa kasog paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act under Republic Act No. 9262.

Una rito, binago ng Korte Suprema ang pangalan ng mister, asawa nito at kanilang mga anak sa inilabas na desisyon upang mapangalagaan ang dangal at reputasyon ng mga biktima.

Oktubre 7 nang inilabas ang kopya ng nabanggit na desisyon na isinulat ng nag-retiro na ngayon na si Associate Justice Edgardo L. Delos Santos.


Ads


Maliban sa pagkakakulong at multa, inatasan din ng korte na sumailalim sa mandatory psychological counseling o psychiatric treatment ang mister at i-report ang pagsunod nito sa trial court sa loob ng 15 araw matapos nitong sumailalim sa counseling o pagpapagamot.

Binasura din ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng mister.

Sa summary ng desisyon na inilabas ng public information office o PIO ng Korte Suprema, nakasaad ang testimonya ng asawa na sa loob ng kanilang 23-taong pagsasama, madalas ang paglalasing at pambabae ng mister nito.

Noong Oktubre 2010, nagkaroon umano sila ng pagtatalo at pinalayas ito kasama ang kanilang mga anak sa kanilang conjugal home. Kinumbinse naman ng nakakatandang kapatid ang tatlo nitong kapatid na babae na bumalik sa kanilang bahay at pinilit ang kanilang ama na suportahan sila, habang nanatili naman sa kanilang ina ang ika-lima nilang kapatid.

Sa pamamagitan ng text messages, ipina-alam ng tatlo sa kanilang ina ang madalas na paglalasing ng kanilang ama at pagdadala nito ng babae sa kanilang bahay. Ipinakilala umano ng petitioner o ng ama sa kanila bilang "tita" ang nabanggit na babae.

Napag-alaman na lamang ng asawa na nakatira na sa kanilang conjugal home ang babae ng mister nito kasama ang kanyang mga anak.

Ads

Sponsored Links



Ayon sa SC PIO:  “The Court ruled that ‘a judicious study of the case reveals that all the elements of the crime charged were duly established.’”

Sa ilalim ng Section ng Section 5(i) ng RA9262, ang mga elemento ng paglabag ay  “the offended party is a woman and/or her child or children; the woman is either the wife or former wife of the offender, or is a woman a woman with whom such offender has a common child, and for the woman’s child or children, they may be legitimate or illegitimate, or living within or without the family abode,”

Maliban dito, nakasaad din ang elements of the crime na “the offender causes on the woman and/or child mental or emotional anguish; and the anguish is caused through acts of public ridicule or humiliation, repeated verbal and emotional abuse, denial of financial support or custody of minor children or access to the children or similar such acts or omissions.”

Ayon sa Korte Suprema, may ebidensiya sa kasong inihain laban sa mister at ang offender party isang babae kung saan mayroon itong limang anak. Isa sa mga nito ang tumestigo din sa pagtataksil ng kanyang ama at sa pagtira ng babae nito kasama nila sa conjugal home ng kanilang mga magulang.

Dagdag pa ng Korte Suprema na may patunay na ang mister ay nakagawa ng psychological violence sa pamamagitan ng marital infidelity at public ridicule o humiliation, na naging dahilan ng mental anguish at emotional suffering sa asawa nito.


Sa ruling ng Korte Suprema nakasaad ang sumusunod:

“WHEREFORE, premises considered, the Petition for Review on Certiorari is DENIED. The Decision dated March 19, 2018 of the Court of Appeals in CA-G.R. CR No. 39690 are hereby AFFIRMED with MODIFICATION: (1) Petitioner XXX is found GUILTY beyond reasonable doubt of violation of Section S(i) of Republic Act No. 9262 and is hereby sentenced to suffer an indeterminate penalty of six (6) months and one (1) day of prision correccional as minimum, to eight (8) years and one (1) day of prision mayor as maximum. (2) Petitioner is ORDERED to PAY a fine in the amount of Pl00,000.00; and (3) Petitioner is DIRECTED to UNDERGO mandatory psychological counseling or psychiatric treatment and to report his compliance therewith to the court of origin within 15 days after the completion of such counseling or treatment. SO ORDERED.”


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: