MANILA, Philippines — HINIHIMOK ngayon ng House of Representatives Committee on Senior Citizen ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay ang P500 na buwanang pension ng mga senior citizens kada tatlong buwan sa halip na ang kasalukuyang schedule na kada anim na buwan.
Una rito, isang House Resolution No. 1047 ang inihain ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na nagsusulong na mabago ang releasig ng social pension ng mga senior citizen mula sa DSWD.
Sa ilalim ng proposal ni Rodriguez, dapat na kada tatlong buwan ang tanggap ng mga senior citizens nga kanilang P500 na buwanang pension para sa kabuuang P1,500.
Ads
Sa ngayon, nakakatanggap ng P3,000 na pension kada anim na buwan ang mga indigent na mga senior citizens.
“[COVID-19] has affected and disrupted the lives of all Filipinos, with the end to this pandemic still nowhere in sight as the number of cases still continue to increase,”
“Due to lockdowns and quarantines in many parts of the country, many businesses struggled, resulting in loss of jobs for many Filipinos, including senior citizens who are still productive members of society,” ang naging pahayag ni Rodriguez.
Agad namang pinagtibay ng mga mambabatas ang nasabing resolution dahil absent din sa hearing ang mga representante ng DSWD.
“Failure on their part, Mr. Chairman, I would move for the approval of this resolution of Deputy Speaker Rufus Rodriguez with no participation from Social Welfare who don’t seem to be interested in the subject anyway,” ang naging deklarasyon ni Deputy Speaker Lito Atienza.
Ads
Sponsored Links
Una nang inihayag ng Malacañang na hindi na kailangan ang personal appearance ng mga senior citizens para sa validation at pagkuha ng kanilang pension simula ngayong Marso.
Konsiderasyon umano ito para sa kanilang kaligtasan mula sa Coronavirus disease o Covid-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inatasan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Covid-19 ang mga "pension-issuing agencies and their servicing banks and other financial institutions to adopt alternative modes of validation for senior citizen pensioners,"
Ito'y dahil ang mga matatanda ang isa sa mga high-risk groups sa Covid-19.
"The IATF considered the health and safety of senior citizen pensioners in approving this resolution and directed relevant government agencies to issue the corresponding memorandum circulars for its implementation by March 1, 2021," dagdag pa ni Roque.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment