Sa gitna ng ipinatutupad na community quarantine laban sa COVID-19, apektado ng lockdown restrictions ang mga nagmamay-ari ng motorsiklo at ang mga umaangkas sa mga ito ngayong limitado lamang ang masasakyan.
Bagama't maaari namang gamiting ang nasabing sasakyan, may mga bagay pa rin na kailangang sundin ang mga mamamayan. Ano-ano nga ba ang mga dapat tandaan para makaiwas sa huli at iba pang aberya?
Ads
Kahit maaari na muling umalis nang magkaangkas sa isang motorsiklo ang mag-asawa, may mga kailangan pa rin tandaan ang mga nagmamaneho ng nasabing sasakyan at ang kanilang mga backride.
"Papayagan na natin 'yong backriding sa mga couple at 'yong prototype model na sinumbmit ni [Bohol] Gov. Arthur Yap, approved na yan ng NTF [National Task Force] at ito 'yong prototype na gagamitin natin,” saad ni Interior Secretary Eduardo Año, vice chairman ngInter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID), sa isang panayam sa Teleradyo.
Ads
Sponsored Links
Sa nasabing modelo, maaaring magsakay ng pasahero sa likuran ng motorcycle drivers dahil may mga divider at handle sa pagitan ng nagmamaneho at ng back ride nito. Sa pamamagitan umano nito, maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 dahil hindi halos magkakadikit ang dalawang taong nasa motorsiklo.
“May barrier between rider and passenger pagkatapos may handle sa side nung barrier at the same time kailangan mag wear ng mask at nakahelmet yung rider at passenger,” pagpapaliwanag ng opisyal.
Samantala, paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque, papayagan lamang ang back-riding kung makapagpapakita ng patunay ang isang married couple na nakatira sila sa iisang bubong. Kailangan din daw na sumunod sa minimum health standards ang mag-asawa; at mananatiling mandatory ang paggamit ng protective shields para maiwasan pa rin ang physical contact sa pagitan nilang dalawa.
“The couple must abide with minimum public health standards, such as wearing face masks and helmet, and follow the speed limits,” aniya.
'Mag-asawa Lang'
Upang maging malinaw din ang tungkol sa pagpayag ng gobryerno sa back riding, binigyang-diin ni Roque na mag-asawa lamang ang pinapayagan nila. Hindi raw kasi magiging madali kung titiyakin pa ng mga nagbabantay sa checkpoints na magkamag-anak o magkapamilya talaga ang dalawang taong magkaangkas.
“Sa ngayon po talaga, ang naparating sa akin ni Secretary An~o at Secretary Galvez, limitado po sa mga mag-asawa,” wika ng opisyal.
Ang mag-asawa ay maaaring magpakita ng identification cards at photocopy ng kanilang marriage contract sa mga awtoridad.
READ MORE:
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment