Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, May 27, 2021

Pres. Duterte, Pinirmahan na ang Batas na Pipigil sa SSS Contribution Hike




MANILA, Philippines — INAPROBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay kapangyarihan sa Chief Executive ng bansa na ipagpaliban ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System o SSS sa panahon ng state of calamity dahil sa Coronavirus disease o Covid-19 pandemic.

Ito'y base sa inilabas na dokumento ng Malacañang noong Huwebes, May 27.

Sa dokumento, inaprobahan ng pangulo ang Republic Act 11548 na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas sa rekomendasyon ng Social Security Commission na suspendihin ang 1 porsyentong pagtaas sa contribution rate at monthly salary credits ng SSS.


Ads


Naka-saad sa batas na epektibo ito habang nasa ilalim ng state of calamity ang bansa. Matatandaan na ideneklara ni Pangulong Duterte ang state of calamity sa bansa sa pamamagitan ng Proclamation 929 noong nakaraang taon at pinalawig hanggang Setyembre ngayong taon sa pamamagitan ng Proclamation 1021.

Una nang inihayag ng SSS na naayon sa batas ang pagtataas ng monthly contribution rate sa 13% simula ngayong taon. Dahil dito, tataas P70 pesos ang monthly contribution ng mga miyembro.

Ayon kay SSS Chairman and Finance Secretary Carlos Dominguez na sa pamamagitan ng rate increase, masisiguro ang long-term viability ng pension fund, mapapalapad ang coverage at benepisyo para sa mga miyembro at kanilang mga benepisyaryo sa ilalim ng Social Security Act of 2018

"Any drop in collections may lead to cash flow and liquidity issues. This could endanger the SSS’ ability to provide its members and their beneficiaries with benefits and loan privileges," pahayag ni Dominggo.


Ads

Sponsored Links



Ayon naman sa ibang mambabatas, hindi napapanahon ang rate hike dahil sa Covid-19 pandemic kung saan maraming mga negosyo ang nahihirapang kumita at milyon-milyon ang nawalan ng trabaho.

Hiling na lamang nito sa SSS na pagbutihin pa ang kanilang collection scheme upang mapataas ang pension fund.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: