Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS unemployment benefits. Show all posts
Showing posts with label SSS unemployment benefits. Show all posts

Thursday, June 11, 2020

Nawalan ng Trabaho? SSS Will Give Up to P20,000 Unemployment Benefit, Narito ang Proseso!

"Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga,” pahayag ni SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas tungkol sa maaaring makuhang cash benefit ng isang contributing member ng SSS na nawalan ng trabaho.
SEE MORE:



SSS Pension Loan Para sa mga Pensyonado up to Php 200K


Magkano ang Matatanggap Mong SSS Pensyon Base sa Iyong Kontribusyon


Inaasahan na ng Social Security System na dadami ang mga aplikante para sa unemployment benefit, kasabay ng pagdami ng mga negosyong nagsasara o nagbabawas ng tauhan dahil sa lockdown. Panoorin ang video.
Ads


Pahayag ni SSS VP Fernan Nicolas sa GMA Network Unang Hirit: “Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga. Ang kailangan lang nilang i-present ay ‘yung certification galing sa DOLE na sila ay involuntarily separated. Tapos i-present nila ‘yung savings account kung saan natin ide-deposit." 

Ang unemployment benefit ay matatanggap sa loob ng 5 days hanggang 7 days basta may ATM o cash card na binigay ang aplikante para doon magcrecredit ang cash aid. Ang pera ay hahatiin at matatanggap sa loob ng dalawang buwan. Ang mga miyembro na nawalan ng trabaho ngunit nakatanggap ng benepisyo mula sa mga ahensiyang namimigay ng cash assistance ay pwede pa ring mag-apply. Itong benepisyo ay galing mismo sa SSS at hindi sa gobyerno. 


Paano nga ba ang proseso ng pag aaply ng SSS Unemployment Benefit?

Tanong: Ano ang Unemployment Benefit?
Sagot:

Ito ay isang cash benefit na ibinibigay sa lahat ng empleyado, kabilang ang mga Kasambahay at Overseas Filipino Workers (land based at sea based), sapilitang nawalan ng trabaho.
Sponsored Links

Noong nakaraan Oktubre 2018 ang proposal ng SSS na “Social Security Act of 2018” o Section 14-B ng Republic Act No. 11199 ay naaprubahan na ng gobyerno at naging isang ganap na batas. Nakapaloob dito ang pagpapatupad ng Unemployment Benefit para sa miyembrong sapilitan na nawalan ng trabaho at ito ay naging epektibo noong March 5, 2019.

Base sa official website ng Social Security System, narito ang mga listahan ng mga maaaring mag-apply sa SSS Unemployment Benefit:


  • Hindi lalampas sa edad na 60 years old na natanggal sa trabaho 
  • Nakapagbayad ng hindi bababa sa 36 monthly contributions (3 years)
  • Mga hindi nakatanggap ng kahit anong employment benefit sa loob ng tatlong taon mula sa buwan ng nawalan ng trabaho 
  • Mga trabahador na nawalan ng trabaho sa kadahilanan ng pagbaba ng ekonomiya, pandemya, kalamidad o sakuna.
  • Mga trabahador na nawalan ng trabaho base sa kanilang sitwasyon ay maaari ring mag apply ngunit magbabase  ito sa assessment at desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE). 
Sponsored Links

Baka may ibang mga katanungan sa SSS, panoorin sa video sa itaas baka nasagot na ang iyong mga katanungan. 

Mga dokumento,hakbang at kung saan dapat isumite sa pag-pa file ng benepisyo:

1. Original at photocopy ng isa (1) sa mga sumusunod na primary ID cards/documents

· UMID (SSS/GSIS)
· SSS Card
· Alien Certificate of Registration
· Driver’s License
· Firearm Registration
· License to Own and Possess Firearms
· NBI Clearance
· Passport
· Permit to Carry Firearms Outside of Residence
· Postal Identity Card
· Seafarer’s Identification and Record Book; or
· Voter’s ID Card

2. Sertipikasyon na nagpapatunay ng uri at petsa ng sapilitang pagkakatanggal sa trabaho mula sa DOLE kasama ang alinman sa sumusunod :

· Notice of Termination mula sa Employer
· Affidavit of Termination of Employment

3. Narito sa mga sumusunod kung saan maaaring mag file ng application para sa DOLE certification

· DOLE Field o Provincal Office kung saan nakabase ang kompanya
· POLO kung saan ng o operate ang kanilang employer o DOLE Field o Provincial Office kung saan naninirahan ang OFW, para sa mga OFW.

Sponsored Links



SEE MORE:



P20,000 SSS CALAMITY LOAN ASSISTANCE PROGRAM (CLAP)


SSS Pension Loan Para sa mga Pensyonado up to Php 200K


7 MABILIS NA PARAAN PARA MAKONTAK ANG SSS


Magkano ang Matatanggap Mong SSS Pensyon Base sa Iyong Kontribusyon


Pag-IBIG Fund Target Mairelease ang Cash Loan in 20 Days


Saturday, April 04, 2020

SSS P20K Calamity Loan Makapag-apply na Online

Ang Social Security System (SSS) ay magbibigay ng P20,000 calamity loan para tulungan ang mga miyembro nito sa gitna ng kinakaharap na krisis dahil sa enhanced community quarantine at paglaban sa sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19) ayun kay SSS head of public affairs Fernan Nicolas.

Ads

Ayun pa sa opisyales, lalabas ang programa at benepisyong ito sa susunod na dalawang linggo at pwedeng makapagapply ang miyembro ONLINE at hindi kailangang mag-apply ng personal dahil sa nakakahawang sakit na Corona Virus. 

“Pino-program lang po namin ang aming computer system kasi first time po na mago-offer kami ng calamity loan using the online facility, kasi nga po bawal lumabas ang mga tao,” ayun kay Nicolas sa interview sa radyoTV na Dobol B sa News TV. Sundan ang proseso ng pa-aapply ng PAG-IBIG CALAMITY LOAN dito.

“By second week of April po, puwede na po iyang ma-avail. Mai-implement na po namin iyan.”

Ayun pa kay Nicolas, ang mga miyembro ng SSS  also said that SSS na may kasalukuyang salary loan ay pwede pa ring makabenepisyo o makapag-apply ng calamity loan basta ang isang miyembro ay patuloy na nagbabayad ng kanyang loan sa tamang oras. 
Ads


Sponsored Links


“As long as hindi ka delinquent borrower, puwede ka sa calamity loan,” saad ni Nicolas.

Ang bawat aktibong miyembro ay pwedeng makapag-apply ng salary loan online sa pamamagitan ng paglog-in sa MySSS o sa website ng SSS. Sundan dito ang proseso paano makapag-apply ng SALARY LOAN ONLINE gamit ang mobile phone

“Sa regular salary loan, wala ng masyadong documentation na kailangan. May form lang online, at ipa-process po ito ng SSS. Ginagawan po namin ng paraan na maipasok ito sa savings account nila,” patuloy pa ni Nicolas.

Sa mga pensyonado naman ay pwede silang makapag-apply ng SSS Pensioners Loan. Sundan ang SSS PENSIONERS LOAN dito

Ang mga SSS members naman na nawalan ng trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, ay pwedeng makakuha ng benepisyo ng unemployment benefit program na pwedeng magbigay sa miyembro ng mahigit sa P20,000, depende sa salary ng isang empleyado. Ito po ay hindi utang at hindi babayaran sa SSS kundi ayuda o tulong dahil sa pagkawala ng trabaho. Dapat miyembro ka ng SSS at nagbabayad sa loob ng 36 months o tatlong taon.


“Ito po ang ayuda natin para makapagsimula sila ulit,” 
SEE ALSO:

Image may contain: phone

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, March 21, 2020

Ano-Ano at Magkano ang Makukuha mong SSS Benefits Dahil sa Lockdown at COVID19?

Ayun sa panayam kay SSS VP Fernan Nicolas, sa programa ni Erwin Tulfo, iniisa isa niya ang mga pwedeng maging benepisyo ng mga miyembro at kung magkano ang makukuhang pera sa SSS. 
It was mentioned in this video about Salary Loan, Calamity Loan, Employment Compensation Benefit and Sickness Benefit

Ads

Kung miyembro ka ng SSS, pwedeng mag-apply ng loan at magkano ang matatanggap ng isang miyembro? Narito ang sagot ng SSS:
Up to P40K salary loan, and up to P20K calamity loan, which will be available next week. Those members na nagpositive sa COVID19 will receive SICKNESS BENEFIT of up to 14 days, and if you cannot recover, you can avail of sickness benefit up to 120 days. Sickness benefit is computed if you are paying on a monthly salary credit of atleast P20K pesos, you can have P600 x 14 days benefit or up to P600 x 120 days.

Kung nawalan o natanggal sa trabaho dahil sa COVID19, meron ang SSS na unemployment insurance, na matatanggap mo ng libre at hindi mo babayaran sa SSS. Kung ang monthly salary credit mo ay P20K a month, bibigyan ka ng libreng P20K pesos for 2 months na unemployment benefit na magagamit mo sa pag-apply ulit hanggang sa makarecover ka dahil sa pagkawala ng iyong trabaho. 

Ads

Sa mga miyembro ng SSS na nadapuan ng Covid-19, may sickness benefit kayo. Alamin ano pa programa ng SSS sa pamamagitan ng kanilang spokesman na si SSS Vice President Fernan Nicolas. pic.twitter.com/pzQeWFlHsW
Sponsored Links

 Anong requirement ng mga pwedeng mag-avail ng mga benepisyo? Dapat may 36 months contribution ka na at active ka na nagbabayad sa SSS.

Para naman sa mga pensioners naman ay pwede naman silang mag-advance ng 3-month pension from April, May, and June and they can also apply for pensioner's loan up to P200K. 



PAANO MAG-APPLY NG SALARY LOAN ONLINE? TINGNAN DITO

Pwede Kang Makaavail ng Pag-IBIG Calamity Loan na P20K Pataas Depende sa Total Contribution

DOLE Magbibigay ng P5000 Unemployment Benefit sa mga Apektado ng COVID19

SEE ALSO:



©2020 THOUGHTSKOTO