Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, June 11, 2020

Nawalan ng Trabaho? SSS Will Give Up to P20,000 Unemployment Benefit, Narito ang Proseso!

"Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga,” pahayag ni SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas tungkol sa maaaring makuhang cash benefit ng isang contributing member ng SSS na nawalan ng trabaho.
SEE MORE:



SSS Pension Loan Para sa mga Pensyonado up to Php 200K


Magkano ang Matatanggap Mong SSS Pensyon Base sa Iyong Kontribusyon


Inaasahan na ng Social Security System na dadami ang mga aplikante para sa unemployment benefit, kasabay ng pagdami ng mga negosyong nagsasara o nagbabawas ng tauhan dahil sa lockdown. Panoorin ang video.
Ads


Pahayag ni SSS VP Fernan Nicolas sa GMA Network Unang Hirit: “Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga. Ang kailangan lang nilang i-present ay ‘yung certification galing sa DOLE na sila ay involuntarily separated. Tapos i-present nila ‘yung savings account kung saan natin ide-deposit." 

Ang unemployment benefit ay matatanggap sa loob ng 5 days hanggang 7 days basta may ATM o cash card na binigay ang aplikante para doon magcrecredit ang cash aid. Ang pera ay hahatiin at matatanggap sa loob ng dalawang buwan. Ang mga miyembro na nawalan ng trabaho ngunit nakatanggap ng benepisyo mula sa mga ahensiyang namimigay ng cash assistance ay pwede pa ring mag-apply. Itong benepisyo ay galing mismo sa SSS at hindi sa gobyerno. 


Paano nga ba ang proseso ng pag aaply ng SSS Unemployment Benefit?

Tanong: Ano ang Unemployment Benefit?
Sagot:

Ito ay isang cash benefit na ibinibigay sa lahat ng empleyado, kabilang ang mga Kasambahay at Overseas Filipino Workers (land based at sea based), sapilitang nawalan ng trabaho.
Sponsored Links

Noong nakaraan Oktubre 2018 ang proposal ng SSS na “Social Security Act of 2018” o Section 14-B ng Republic Act No. 11199 ay naaprubahan na ng gobyerno at naging isang ganap na batas. Nakapaloob dito ang pagpapatupad ng Unemployment Benefit para sa miyembrong sapilitan na nawalan ng trabaho at ito ay naging epektibo noong March 5, 2019.

Base sa official website ng Social Security System, narito ang mga listahan ng mga maaaring mag-apply sa SSS Unemployment Benefit:


  • Hindi lalampas sa edad na 60 years old na natanggal sa trabaho 
  • Nakapagbayad ng hindi bababa sa 36 monthly contributions (3 years)
  • Mga hindi nakatanggap ng kahit anong employment benefit sa loob ng tatlong taon mula sa buwan ng nawalan ng trabaho 
  • Mga trabahador na nawalan ng trabaho sa kadahilanan ng pagbaba ng ekonomiya, pandemya, kalamidad o sakuna.
  • Mga trabahador na nawalan ng trabaho base sa kanilang sitwasyon ay maaari ring mag apply ngunit magbabase  ito sa assessment at desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE). 
Sponsored Links

Baka may ibang mga katanungan sa SSS, panoorin sa video sa itaas baka nasagot na ang iyong mga katanungan. 

Mga dokumento,hakbang at kung saan dapat isumite sa pag-pa file ng benepisyo:

1. Original at photocopy ng isa (1) sa mga sumusunod na primary ID cards/documents

· UMID (SSS/GSIS)
· SSS Card
· Alien Certificate of Registration
· Driver’s License
· Firearm Registration
· License to Own and Possess Firearms
· NBI Clearance
· Passport
· Permit to Carry Firearms Outside of Residence
· Postal Identity Card
· Seafarer’s Identification and Record Book; or
· Voter’s ID Card

2. Sertipikasyon na nagpapatunay ng uri at petsa ng sapilitang pagkakatanggal sa trabaho mula sa DOLE kasama ang alinman sa sumusunod :

· Notice of Termination mula sa Employer
· Affidavit of Termination of Employment

3. Narito sa mga sumusunod kung saan maaaring mag file ng application para sa DOLE certification

· DOLE Field o Provincal Office kung saan nakabase ang kompanya
· POLO kung saan ng o operate ang kanilang employer o DOLE Field o Provincial Office kung saan naninirahan ang OFW, para sa mga OFW.

Sponsored Links



SEE MORE:



P20,000 SSS CALAMITY LOAN ASSISTANCE PROGRAM (CLAP)


SSS Pension Loan Para sa mga Pensyonado up to Php 200K


7 MABILIS NA PARAAN PARA MAKONTAK ANG SSS


Magkano ang Matatanggap Mong SSS Pensyon Base sa Iyong Kontribusyon


Pag-IBIG Fund Target Mairelease ang Cash Loan in 20 Days


No comments: