Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, June 03, 2020

Nasa 505 na Opisyal ng Gobyerno at iba pa at 104 na Barangay Kapitan Iniimbistigahan Dahil sa SAP

 Nasa 505 katao na opisyales ng lokal na gobyerno at ibang pribadong individual kasama na ang 104 na mga kapitan ng barangay ang kasalukuyang iniimbistigahan sa kasong korapsyon dahil sa pamamahagi ng SAP cash subsidy.
Ads

301 Barangay Officials, nahaharap sa kaso dahil sa illegal na pamamahagi ng SAP
Inutusan na ni Interior Secretary Eduardo Ano ang PNP o pulisya na kasuhan ang mga opisyal na nanamantala. 
Ads
Sponsored Links
Sa 17.58 milyong benepisyaryo na nakatanggap ng ayudang cash sa gobyerno, halos 4.22 milyon ang nakalista sa 4Ps o pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ang mas maraming nakinabang ay ang 13.29 milyon na hindi mga 4Ps recipients, at may 62,028 na mga transport workers sa Metro Manila ang nakatanggap ng cash assistance. Nagtalaga naman ng P101.42 bilyong pondo at sa kasalukuyan ay nakapamahagi na ng P100.68 bilyon.

Nasa 505 na Opisyal ng Gobyerno at iba pa at 104 na Barangay Kapitan Iniimbistigahan Dahil sa SAP

Read:
Sa gitna ng nagaganap na COVID-19 crisis sa bansa, 134 barangay officials ang kinasuhan kamakailan dahil sa pagkakasangkot sa mga anomalya na may kinalaman sa pamimigay ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).    Ads    Sa website ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inanunsyo ng ahensya na parami na nang parami ang mga mamamayang lumalapit sa kanila upang ireklamo ang mga barangay official sa kanilang lugar dahil umano sa katiwaliang may kinalaman sa SAP. Ang nasabing tala, nangangahulugan daw ng 320 percent increase sa mga bilang ng barangay officials na humaharap na ngayon ng criminal charges, na 42 lamang ang kabuuan noong Mayo 20.    “Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” dismayadong wika ni DILG Secretary Eduardo M. Año.    'Marami pang kakasuhan'    Aniya, may siyam na kaso pang isasampa ang Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) sa mga susunod na araw at kasalukuyan din nitong minamadali ang case build-up ng 86 na kaso. Pinasalamatan ng DILG Chief ang PNP-CIDG dahil sa mabilis na aksyon nito sa mga reklamo mula sa publiko.  Ads          Sponsored Links       Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya sa Department of Justice at sa Prosecutor General sa pagbibigay order sa lahat ng provincial at city prosecutors na unahin ang preliminary investigation ng mga kaso laban sa mga barangay official na dawit sa SAP anomalies.    “We are grateful to the DOJ and the Prosecutor General for prioritizing these cases. We need to send a strong message to corrupt barangay officials that their criminal activities will not be tolerated,” aniya.    Ilan sa mga kaso    Sa Boac, Marinduque, isang barangay chairman, dalawang barangay kagawad, at SK chairperson ang kinasuhan dahil sa ilegal na pangongolekta ng P50 processing fee mula sa mga SAP beneficiary. May naiulat din na ganitong insidente sa in Binmaley, Pangasinan, kung saan ang kapitan at ang isang tauhan nito ay naireklamo sa pagsingil ng P1,000 mula sa isang residenteng tumanggap ng SAP assistance.    Sa Sta. Maria, Ilocos Sur naman, isinuplong ng mga residente ang isang punong barangay dahil sa pagkaltas ng tig-P2,000 mula sa 132 SAP recipients.    Mayroon din mga kinasuhan dahil sa paglalagay ng pangalan ng kani-kanilang mga kamag-anak sa listahan nga SAP beneficiaries kahit hindi naman sila kabilang sa mga "poorest of the poor" at mga nawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng lockdown.

Ang Criminal Investigation and Detection Group  o CIDG ay nakatanggap na ng mga reklamo sa mahigit 380 katao simula April 1 hanggang June 1 tungkol sa kanilang lokal na mga opisyal na diumano ay nananamantala sa programa ng gobyernong pamimigay ng tulong pinansyal. Maliban sa mga barangay kapitan, ayun pa kay
CIDG deputy director for administration Brig. Gen. Rhoderick Armamento na kasama sa mga iniimbistigahan ay ang 70 barangay councilors, 35 treasurers at 23 health workers.

Ayun pa kay Gen. Armamento, dalawa na ang inaresto na sila  Marcialo Mendoza, 41, executive officer ng Barangay New Cabalan in Olongapo City, at Ivor John Casinas, secretary at project coordination ng Barangay Poblacion 2 in Bansalan, Davao del Sur. Inakusahan ang mga suspek ng pamimigay ng ayuda sa kanilang mga kamag-anak at hindi qualipikadong beneficiaries at hinati-hati ang pera sa mga mahihirap na pamilyang hindi kasali sa listahan.

Halos nasa 108 kaso na ang naisampa ng CIDG sa korte kasama na ang paglabag ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act. 
DILG: 301 barangay officials nahaharap ngayon sa kasong kriminal para sa iba
June 3, 2020

Inihayag ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 301 barangay officials ang nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal matapos makumpleto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang pag-iimbestiga/case-build up sa mga naiulat na umanoy anomalya sa pamamahagi ng unang tranche ng Social Amelioration Program.

“Hindi po hihinto ang DILG at ang PNP sa paghabol sa mga kurakot na barangay, LGU officials, at personnel na ito. Inatasan mismo ni Secretary Año ang PNP na siguraduhing makakasuhan ang mga ito para maparusahan sila sapagkat talaga namang nakakagalit na sa panahon ng krisis kung kailan kailangang-kailangan ng ating mga kababayan ng tulong ay nagagawa pa nilang manloko ng mga kabarangay nila,” sabi ni DILG Underscretary and Spokesperson Jonathan E. Malaya.

Sinabi niya na ang mga 301 na bilang ng mga barangay officials na haharap sa kasong kriminal ay hanggang Hunyo 2 pa lamang, kaya dapat asahan ng mga tao ang pagsampa ng higit pang mga kasong kriminal sa mga darating na araw habang 76 pa ang iniimbestigahan pa lamang.

Sa kabuuan, 381 na ang nagreklamo at dumulog sa PNP-CIDG at sa mga kanilang regional field units para magbigay ng pahayag tungkol sa mga tiwaling gawain ng kanilang mga barangay officials sa pamamahagi ng SAP, aniya.

Batay sa pinakahuling ulat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang 57 punong barangay at 57 barangay kagawad ang bumubuo sa malaking bahagi ng mga kasalukuyang nahaharap sa mga kasong kriminal.

Ang mga barangay secretaries, health workers, treasurer, SK chairman, pati na ang mga opisyal at mga kawani ng LGUs ay nasampahan na din ng mga kasong kriminal. Samantala, 125 namang civilian co-conspirators ang sangkot din kasong kriminal.

Sinabi niya na lumabag sa Republic Act (RA) 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 11469 na kilala bilang Bayanihan to Heal as One Act, at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases ang 301 na opisyal.

Sinabi ni Malaya na dahil nakatakda nang ipamahagi ang 2nd tranche ng SAP financial assistance sa mga mahihirap na pamilya, patuloy na tatanggap ang DILG at PNP ng mga reklamo at iimbestigahan ang mga ulat. “Patuloy po ang pagtanggap namin ng mga sumbong and we encourage our kababayans na ireport ang mga ganitong uri ng kalokohan.”

Pinuri din ni Malaya ang mga residenteng nag-ulat ng mga kasong ito at sinabing “isang malaking bahagi ng tagumpay na ito ay dahil sa lakas ng loob at katapangan ng ating mga kababayan na nagreport ng mga tiwaling opisyal at kawani na ito. Salamat po.”

Mga naiulat na kaso ng katiwalian sa mga barangay

Si Punong Barangay Ariel Hiquina ng Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan kasama ang kanyang mga kasabwat na Barangay Health Worker na si Elizabeth Oligan at ang municipal health worker na si Nancy Bombarda ay kasama sa mga nasampahan ng kasong kriminal dahil sa umano’y paghati sa tulong ng SAP na inilaan para sa isang sambahayan lamang.

Ayon kay Malaya, naiulat na noong huling linggo ng Abril 2020, ang mga nagrekklamo ay binigyan ng mga Social Amelioration Card (SAC) Forms upang punan, at sinabi ni Oligan na ang isang SAC form ay hahatiin sa dalawa, na nangangahulugang paghahatian ng dalawang tao ang P5,500 na tulong pinansyal.

“Ang mga opisyal na ito ay hindi nagpapatakbo ng mag-iisa kaya itong si Oligan kalaunan ay nakilala na sinasabing kumilos diumano na may basbas ng kapitan at isang tao ng munisipyo kaya sila ngayong tatlo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 at Section (a) naman ng RA 11469,” sabi ni Malaya.

Nagkakahalagang P1,600 ang naiulat na binawas mula sa nakatanggap ng SAP financial aid na humantong sa mga kasong kriminal na isinampa laban kay Punong Barangay Edison Franco kasama ang kanyang mga kasabwat na mga opisyal din ng Barangay Balite, Villaba, Leyte. Ayon sa mga ulat, si Franco, sa pakikipagsabwatan sa kanyang barangay treasurer, health worker, at Day Care teacher, diumano'y gumawa ng paraan para magbawas ng P1,600.00 para ibigay umano sa mga residenteng hindi napasama sa listahan ng mga benepisyaryo.

“Mga ganitong kaso ang ipinapakiusap naming iulat ng mga residente kaya patuloy ang paghikayat namin na kanila na maglakas-loob at isumbong ang mga walang pusong ito at sisiguraduhin namin na ito ay maaksyunan,” sabi ni Malaya

source and here
©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: