Mamimigay ang Meralco ng 2 bill ngayong buwan at kasama na dito ang hulugang pagbabayad ng mga customer sa Metro Manila at iba pang lugar. Asahan na na mas mataas ang konsumo na mababasa sa kanila kaysa sa kinasanayang konsumo. Ito raw ay dahil maagang pumasok ang tag-init, at mas lumakas ang gamit ng mga tao ng mga appliances dahil nasa bahay lang ang mga ito.
Samantala, may option na magiging installment o maaaring hulugan ang electricity bill nang 6 na buwan, mula Hulyo hanggang Disyembre, o apat na buwan, mula Hulyo hanggang Oktubre, depende sa konsumo.
“Sa mga gumagamit ng 200kwh or lower kada buwan ay binigyan ng option to pay ng 6 months. Anim na gives ika nga po. For the consumers na more than 200kwh kada buwan, 4 na buwan naman ang installment period natin,” paliwanag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.
Nangako naman ng MERALCO na hindi nila puputulan ng kuryente ang mga hindi makakabayad na mga consumer pagkatapos ng mga buwan na itinakda para sa installment.
Ads
Matapos mabulaga sa malaking bill sa kuryente nitong Mayo, huwag na raw mabigla kung mas malaki pa ito ngayong Hunyo. Makikita na raw kasi roon ang apat na buwang konsumo sa kuryente ng mga customer. May paliwanag dyan ang Meralco.
Ads
Sponsored Links
Ang basehan ng Meralco billing estimate ay ang nakalipas na 3 buwan (December 2019, January 2020, at February 2020) na itinuturing na “low consumption” months dahil mas malamig ang panahon kumpara sa mga maiinit na buwan ng March, April, at May 2020. Ang inyong bill ay maaaring naapektuhan ng mga sumusunod:
•Mas mataas na konsumo during ECQ - Mas maraming naglalagi sa bahay kaya maaaring mas madalas at mas matagal ang paggamit ng mga appliances.
•Mainit na panahon na ng konsumo - Kapag mainit sa labas, ang mga appliances na may compressors tulad ng aircons at refrigerators ay mas nahihirapan. Kaya kahit hindi humaba o dumalas ang paggamit sa mga ito, ang konsumo nito ay mas mataas. Sa aral ng Meralco Power Lab, tumataas nang 25% to 40% ang electricity consumption during summer months kahit hindi nadagdagan ang oras ng paggamit nito. At kung mas madalas o mas mahaba ang oras ng gamit nito, mas tataas pa lalo ang konsumo.
• Ang konsumong hindi naisama sa March at April bills ay kasama na sa inyong May bill
Upang matulungan kayo na lubos itong maunawaan, we encourage you to visit this link: https://company.meralco.com.ph/.../understanding-your-may....
Narito ang buong post ng paliwanag ng Meralco hinggil sa mataas na bill sa kuryente.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment