Ang Social Security System (SSS) ay magbibigay ng P20,000 calamity loan para tulungan ang mga miyembro nito sa gitna ng kinakaharap na krisis dahil sa enhanced community quarantine at paglaban sa sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19) ayun kay SSS head of public affairs Fernan Nicolas.
Ads
Ayun pa sa opisyales, lalabas ang programa at benepisyong ito sa susunod na dalawang linggo at pwedeng makapagapply ang miyembro ONLINE at hindi kailangang mag-apply ng personal dahil sa nakakahawang sakit na Corona Virus.
“Pino-program lang po namin ang aming computer system kasi first time po na mago-offer kami ng calamity loan using the online facility, kasi nga po bawal lumabas ang mga tao,” ayun kay Nicolas sa interview sa radyoTV na Dobol B sa News TV. Sundan ang proseso ng pa-aapply ng PAG-IBIG CALAMITY LOAN dito.
“By second week of April po, puwede na po iyang ma-avail. Mai-implement na po namin iyan.”
Ayun pa kay Nicolas, ang mga miyembro ng SSS also said that SSS na may kasalukuyang salary loan ay pwede pa ring makabenepisyo o makapag-apply ng calamity loan basta ang isang miyembro ay patuloy na nagbabayad ng kanyang loan sa tamang oras.
Ads
Sponsored Links
“As long as hindi ka delinquent borrower, puwede ka sa calamity loan,” saad ni Nicolas.
Ang bawat aktibong miyembro ay pwedeng makapag-apply ng salary loan online sa pamamagitan ng paglog-in sa MySSS o sa website ng SSS. Sundan dito ang proseso paano makapag-apply ng SALARY LOAN ONLINE gamit ang mobile phone.
“Sa regular salary loan, wala ng masyadong documentation na kailangan. May form lang online, at ipa-process po ito ng SSS. Ginagawan po namin ng paraan na maipasok ito sa savings account nila,” patuloy pa ni Nicolas.
Sa mga pensyonado naman ay pwede silang makapag-apply ng SSS Pensioners Loan. Sundan ang SSS PENSIONERS LOAN dito
Ang mga SSS members naman na nawalan ng trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, ay pwedeng makakuha ng benepisyo ng unemployment benefit program na pwedeng magbigay sa miyembro ng mahigit sa P20,000, depende sa salary ng isang empleyado. Ito po ay hindi utang at hindi babayaran sa SSS kundi ayuda o tulong dahil sa pagkawala ng trabaho. Dapat miyembro ka ng SSS at nagbabayad sa loob ng 36 months o tatlong taon.
“Ito po ang ayuda natin para makapagsimula sila ulit,”
SEE ALSO:

Kahit Nasa Bahay, Pwede Mag-Apply ng PAG-IBIG Calamity Loan Online. Ito ang Paraan!
Ano-Ano at Magkano ang Makukuha mong SSS Benefits Dahil sa Lockdown at COVID19?
©2020 THOUGHTSKOTO