Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Sunday, April 05, 2009

Kabayang OFW, May Murang Pabahay Dito!

Wala pa kaming bahay, although, meron akong mahigit isang ektaryang naipundar na lupain sa probinsiya plus ang aming ancestral house sa Mindanao. Other than that, ang tanging maipagmamalaki ko lang is ang magkaroon ng cute and healthy na baby who brings joy and happiness to this young dad at mabait na misis, who will stand by me and support me in every good thing that I do.

We all somehow dream na magkaroon ng bahay at lupa, yung sariling atin where we can live and do what we want. A house with a couple or more bedrooms, a living room and a kitchen where we can gather to watch good movies and dine together as a family plus mga gamit ni misis para laging may masarap na cakes, brownies, at ref na puno ng vegetables and fruits.

Mga simpleng pangarap sa isang simple at naguumpisang pamilyang OFW. Si Mrs. Thoughtskoto ay isang accountant na galing ng PSBA, pero sa ngayon, okay pa naman kami, plus maliit pa si Babytots, kaya plain housewife muna, and I love it and she's enjoying it.

Actually ang primary focus namin is for her to stand as the light ng house, to guide the kid/s (lol) as they grow para maging mabuting mga nilalang na may pagmamahal sa magulang, gumawa ng tama at pumili ng tama, at may paniniwala at takot sa Diyos. After all, kahit anong yaman natin dito sa mundo kapag di masaya ang ating pamilya, at mga anak, wala pa ring kuwenta ang success or yaman. Sabi ko nga sa kaibigan, sila talaga ang ating tunay at tanging yaman.

I mean look at what and where we are now? It's because of our parents or those wonderful mature people na nakapaginfluence satin to be what we are.

Anyway, matagal na namin pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Mga isang taon na! hehe

And the ever diligent Mrs. Thoughtskoto found this site. May mga pre-owned na house and lot, sa napakamurang halaga. Merong house and lot na mahigit sa 150,000 pesos, 200T, 300T, 400T depended sa kakayanin mo at sa laki ng lot area and floor area. Meron sa NCR, Bulacan, Batangas, Laguna, Cavitem Rizal, and even sa mga cities at provinces saan man sa 7,100 island ng Pilipinas.

See the complete list here.

There are over 3,000 list of house and lot available, at the Bahay Financial Services.

We always point out sa mga kakilala at kaibigan na the only thing na hindi bumababa ang value after you bought it ay yung gold at lupa or property. Ang gold medyo risky nga lang siya, lalo pa galing ng Saudi, pero ang lupa, di nila kahit kelan man mananakaw, and when you buy it now for a 1000 pesos, the next day, it will be worth 1500 if you plant coconut trees and fruits dun sa lupa na yun.

So invest your money wisely! Get a property now!

(Haha, pwede na ba ako maging realty agent?) Hayaan niyo pag nadevelop ko na ang lupang minana ko, hehe)

©2009 THOUGHTSKOTO

20 comments:

pamatayhomesick said...

aba at ahente ang dating natin ngayon,wala bang komisyon!(joke).

tama kayo isang malaking bagay ang may sariling bahay at lupa simple man o magarbo ito.kaya ko naisipan magtrabaho sa lupang buhangin.at natupad naman sa loob ng dalawang taon pagsisikap.

makakatulong toh sa kabayan natin na gustong magkaron ng maipundar na house and lot...salamat dito pards!

A-Z-3-L said...

unang tanong...

Saang PSBA galing si Misis? Manila o QC?

kase kung Manila pareho lang kami ng Alma Mater... nga lang alam na alam kong mas nauna akong gumraduate kesa kay Misis... (aminado ako! matanda na ako baby face nga lang! db?)

PSBA naming hirang
Pagibig namin ay tunay
Tanglaw ka't aming gabay
Sa landasin ng buhay

Ang sagisag mo at pangalan
Saan man ay itatanghal
Kaya't dinggin ang sumpa namin...
Katapatan ay di magmamaliw!

PSBA, PSBA,
batis ka ng karunungan.
(nakalimutan ko na :(.... waaaa!)

ABOUT SA BAHAY NA!!!

Tama kuya Kenji, if you have more money better to invest it sa pagbil ng land. kase ang land hindi nagdedepreciate ang value. ang land pwedeng taniman kung fertile ang soil. ang land title pwedeng isangla sa bank kung nagigipit na. ang land pwedeng patayuan ng bahay! at ang land... pwedeng gawing hacienda in the future!

sige.. sige.. pag ahente ka na... bibilhan kita ng lupa!

mightydacz said...

naks naman salamat sa paalala natamaan ata ako doon spend money wisely nyahahaha slight lang ayos ha binisita ko na ung link at pinagiisipan ko na kung saan lugar

Sardonyx said...

Tama yan, mag invest ng maaga. Mabuti nga sa Pilipinas hindi bumabagsak ang presyo ng bahay at lupa samantalang sa US nose dive ang depreciation nito. Nakabili na rin kami ng lupa.....lupa sa paso hahaha joke lang. Mag realty agent ka na lang kaya as your sideline hehehe bagay na bagay kasi eh.

poging (ilo)CANO said...

wawawiii....

sa rizal ung s akin...dun matatagpuan ang aking munting kubo na wala pang nakatira hanggang ngayon.....kaya maswerte siya..sino?...toinkz..

salamat sa pag-ibig.......dahil sa 'yo may kubo ako..lolz..

Loida of the 2L3B's said...

Dear Thoughtskoto,
Good evening. Talagang napaka-thoughful mo di lang sa sarili mong family but also to all of us na mga kababayan mo.. It's really nice to know your dreams. Simple pero nakakabilib, ksi nga full of love and commitment. I highly admire your ways of taking care of your family and the way you look at things. I can feel that the actualization of your small dreams will lead you to a much bigger accomplishment. You got the brains, the guts and so does the glory.. Good luck to you and your family.
Care, Ate Loida

Nebz said...

Everything starts from a dream. I'm sure isang araw, matutupad din ang iyong mga pangarap.

At naniniwala rin ako sa patotoo mo na kahit ang bahay, kung wala namang saya sa loob, parang balewala rin. Na ang mga anak ang natatanging yaman ng mga magulang.

Irerekomenda ko ung links na itinuro mo. Cut ko ha. Joke.

Francesca said...

Meron akong kilala dito sa france, nagpatayo ng seven rooms kasi nga mga anak niya sama sama daw hanggat pag tanda nila.
Eh nag sipag abroad din pala.

Now walang nakatira sa mansion na 7rooms, kundi katulong,and in France they are renting a 3rooms, for 700€(50,000pesos per month)
from their retirement which half of it goes to rent.

Gives me a thought about buying property in phils, when I might not be there on my old age...

Maganda din yung me sarili ka talagang pugad.

It is everyone's dream talaga.
wag lang sobrang laki ba...

2ngaw said...

Salamat sa link pre, kasalukuyan akong naghahanap ng bahay eh...

caryn said...

i think investing in real estate is a good, solid way to channel funds from abroad ;-) good tip kenji!

Mr. Thoughtskoto said...

Ever, hehhee, salamat salamat parekoy! oi, ang galing mo naman, nakapundar ka na after 2 years, hmmmn, alaki a sahod! Thank you sa pagvisit!

Azel, PSBA Manila sia, malapit sa may FEU sa RECTO. hehe Kilalang kilala niya daw si Abulencia, yung teacher ng anak ng teacher...hahaha. Hayaan mo't bigay ko sau ang YM niya para chat chat kau about sa Alma Mater.

Dacz, ang mahal naman ng LACOSTE sa Al rashid, may type si mrs. thoughtskoto dun, yung red na bag, 6T Riyal? huwatt! Oi, ang mahal ng suot mong shoes sa profile mo. 2T!!! Grabe! mag-ipon ka na habang binata.

Miss Sardz, napatawa ako ng malakas, may lot ka na nabili, hehehe, yun nga lang sa paso!!! wahahaha! Lagyan mo ng House na word, para house and lot sa paso na. Ang galing mo magpatawa, I admire talaga those bloggers na magaling magpatawa.

Ken said...

Poging James, alam mo, nagiisip kami na sa Rizal na rin magstay, hmmn, san ka ba dun? U mean dahil sa love nakapagpundat ka na? hehehe, swerte nga ni... hahaha, alam ko yan!

Ate Loida, what a very touching comment! I feel elated, and im sure, my wife too when she wakes up and read the comments. Thank you. You make my day!

Hi Nebz! Thanks for agreeing. True naman talaga. "There is no success that can compensate for failure in the home" sabi nga ni David Mckay.


Ate France, ang laki nga ng bahay, pero I think it will not worked out. You cannot gather your family together and sama sama sa isang haws because they have a life of their own and they will live their life as what they want.

Lord CM, the Lord of Fire, hehehe, thank you parekoy!

Miss Caryn, thank you for visiting!

Life Moto said...

"Sabi ko nga sa kaibigan, sila talaga ang ating tunay at tanging yaman"

touch ako dito home sick tuloy lalo bro. Nice info sa housing na ito specially sa nagbabalak mag invest. Have a nice day!

desertjackal said...

Thanks for the info...

Pwedeng-pwede na po maging realty officer heheheh.

The Pope said...

Maraming salamat, very informative and this is what we should prioritize in our life bilang OFW. I have passed the link you have provided to my friends thru e-mails which surely will interest them.

Yes, why don't you consider getting a property in Rizal, I'm from Antipolo, and the place is really beautiful.

Another great post, purihin ka kaibigan, a blessed Holy Week and advance happy Easter to you and your family.

Josiet said...

Thanks for the link Mr. Kenji. Will have a look later...=)

Ken said...

Thank you guys and welcome! Have a wonderful and meaningful Lenten Season to all!

Anonymous said...

idma sydneys drummond desist depend psychology compliance nagar convinced ethiopia ride
masimundus semikonecolori

Jonha said...

Nice nice, I've always been so interested about investing, salamat sa link. Syangapala, LDS ka din ba talaga?

Philippines Real Estate said...

Despite the political problems that continue to plague the country, Filipinos are quite lucky when it comes to acquiring low-cost housing at an affordable price.