MANILA, Philippines — WALA nang makakapigil pa sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth sa pagpapa-implementa sa plano nitong taasan ang kontribusyon ng mga miyembro nito simula Enero 2021.
Sa inilabas na pahayag ng PhilHealth, layunin umano ng dagdag kontribusyon simula Enero na masigurong may sapat na pondo ang ahensiya para sa healthcare benefits ng 110 million na miyembro nito base na rin sa mandato ng Republic Act No. 11223 or the UniversalHealth Care (UHC) Law
“The premium adjustment is provided for in Section 10 of the UHC Law and its implementing rules and regulation, the guidelines of which are contained in Circular 2020-005 published by PhilHealth on March 5, 2020,”
Ads
Katumbas ito ng P350 na kontribusyon para sa mga sumasahod ng hanggang P10,000 kada buwan habang P350 hanggang P2,499.99 para sa mga may buwanang sahod na P10,000 hanggang P70,000.
Nasa P2,450 ang fixed contribution para sa mga sumusuweldo ng P70,000 pataas.
Pinaghahatiaan ng employer at empleyado ang pagbabayad ng kontribusyon sa PhilHealth habang buo naman itong papasanin ng self-paying members, professional practitioners, land-based migrant workers at iba pang direct contributors na walang employer-employee relationship.
“Contributors of employed members (including Kasambahays) shall be equally shared shared between employees and employers, while those of self-paying members, professional practitioners and land-based migrant workers and other direct contributors with no employee-employer relationship are computed straight based on their monthly earnings and paid wholly by the member,” ang naging pahayag ng PhilHealth.
Ads
Sponsored Links
Sa ilalim ng UHC Law, tataas ng 0.5% kada taon ang premium rate simula 2021 hanggang umabot ito ng 5% sa 2025.
Dagdag pa ng Philhealth na malinaw sa batas ang kahalagahan ng social health insurance contributions ng mga miyembro upang magkaroon ng sapat na pondo para sa mga sumusunod na programa:
- Automatic membership of all Filipinos into the National Health Insurance Program
- Immediate eligibility of all Filipinos to PhilHealth benefits
- Assignment of every Filipino to a primary care provider
- No copayment or no Balance Billing for confinements in basic or ward accommodations
- Lifetime PhilHealth coverage
Paglilinaw ng PhilHealth, naiintinidihan naman umano nila ang epekto ng kasalukuyang pandemya sa mga negosyo at pangkabuhayan ng mga Filipino, ngunit kailangang ipatupad ang UHC Law na may layuning makapag-bigay ng mas magandang healthcare services lalo na sa kinakaharap na coronavirus disease 2019.
©2020 THOUGHTSKOTO