4. Kumuha ng Insurance
Isa sa pinaka-importanteng investment sa buhay ang pagkuha ng insurance. Madalas, binabalewala lamang ito ng mga Pilipino dahil hindi naman ito kailangan agad. Ngunit hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas, dahilan kung bakit importante na handa tayo sakaling may dumating na hindi inaasahang pangyayari o trahedya.
Sa pamamagitan ng 13th month pay mo, maaari mong simulan ang pagkuha ng life insurance, car insurance, home insurance o health insurance.
5. Gamitin bilang Emergency Fund!
Kung ayaw mong gastusin ang iyong 13th month pay, maaari mo itong idadag o gamitin bilang emergency fund. Sa panahon ngayon, importante ang pagkakaroon ng emergency fund na hindi bababa sa anim na buwan ng iyong living expenses.
6. Ilaan sa Retirement Fund!
Maaaring napaka-aga pa para paghandaan ang iyong retirement, ngunit hindi ibig sabihin na babalewalain mo na lamang ito sa ngayon. Kung walang ibang paglala-anan ng 13th month pay, maaari mo itong i-impok sa bangko bilang retirement fund.
7. Gamitin sa Bakasyon
Maaari mo ring gamitin ang iyong 13th month pay sa pagbakasyon sa ibang lugar. Hindi maikakaila na halos tatlong taon din na walang bakasyon ang karamihan dahil sa Covid-19 pandemic. Wala mang financial return ang pagbakasyon sa ibang lugar, nakakabuti naman ito sa physical at mental well-being ng isang tao.
8. Gamiting pampa-ayos ng bahay
Magandang ideya din na gamitin ang 13th month pay sa pagpapa-ayos ng bahay. Maaaring gamitin ang pera sa pagpapa-pintura, pagpapalit ng mga tumutulong bubong at iba pang maka-buluhang repair upang masiguro ang comfort at kaligtasan ng mga naka-tira.
9. Gamitin para sa pamilya
Pamilya ang dahilan kung bakit tayo nagta-trabaho, kaya bakit hindi mo gamitin ang 13th month pay mo sa kanila sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagay na kailangan nila. Mag-isip ng mga makabuluhang bahay na kailangan ng mga magulang, kapatid, asawa o mga anak at bilhin ito bilang regalo. Hindi lang ito makakatulong sa kanilang pamumuhay, magiging masaya din sila ngayong Pasko.
10. I-share ang iyong mga blessings!
Season of giving ang Pasko at isa sa pinaka-magandang paraan sa pag-selebrate nito ay ang pag-bahagi ng iyong mga blessings sa iba kahit sa simple o maliit na paraan.