MANILA, Philippines — DAHIL sa biglaang pagtaas ng mga bagong kaso ng coronavirus disease o Covid-19 sa buong bansa, naglabas ngayon ng paalala ang Social Security System o SSS para sa lahat na mga pensioners nito.
Sa inilabas na abiso ng SSS sa kanilang official Facebook Page na Philippine Social Security System — SSS, mariing pina-alalahanan ng ahensiya ang lahat na mga pensionado na hangga't maaari, iwasang pumunta sa mga SSS branches.
Ito'y dahi isa sa itinuturing na vulnerable sector sa Covid-19 ang mga senior citizens.
Sa halip na personal na pumunta sa mga SSS Branches, ina-anyayahan ang mga SSS pensioners na panatilihin na lamang na updated ang kanilang contact information gaya na lamang ng mobile number at email address.
Ads
Layunin nito na masigurong matatanggap ng mga SSS pensioners ang mga mahahalagang updates at advisories ukol sa anumang kaganapan o pagbabago sa SSS lalo na kung ito ay may kinalaman sa kanilanng buwanang pension.
Para sa retirement at disability pensioners, narito ang paraan upang ma-update ang inyong contact information gamit ang inyong My.SSS Account sa SSS website:
- Mag-log in at i-click ang "Update Contact Info" sa ilalim ng Member Info tab.
- Pumili ng impormasyon na nais i-update at i-supply ang tamang detalye ng napiling impormasyon. Pindutin ang "Next" button.
- Siguruhing tama ang mga detalye at wasto ang lahat na contact details na inyong ilalagay bago ito isumite sa SSS. Pindutin ang "Submit" button.
- Makikita sa screen ang Transaction Number, petsa at oras ng transaksiyon, at ang PDF copy ng inyong "Online Data Change Request."
Makakatanggap din ng email notification sa inyong registered email address.
Ads
Sponsored Links
Maaari ding mag-update sa pamamagitan ng SSS Mobile App:
- Mag-log in gamit ang User ID at Password sa inyong My.SSS account.
- I-tap ang "My Information", pagkatapos ay ang "Update Information" at "Contact Details."
Sa mga SSS pensioners lalo na sa mga retirement at disability pensioners na wala pang online account sa My.SSS account, maaaring sundan ang mga sumusunod na steps para makapag-rehistro.
1. Bisitahin lamang ang website ng SSS na www.sss.gov.ph
2. I-click ang "I'm not a robot," at sagutin ang CAPTCHA.
3. Piliin ang Member Login tab sa homepage. I-click ang "Not yet registered in My.SSS?"
4. Basahin nang mabuti ang web registration reminders at i-check ang certification kung ito ay inyong naunawaan. I-click ang "Proceed".
5. Pumili mula sa listahan ng isang impormasyong naka-report sa SSS. I-supply ang hinihiling na impormasyon sa Online Member ID Registration.
Pagkatapos, i-accept ang Terms of Service.
Pindutin ang "Submit."
6. Hintayin ang email mula sa SSS na naglalaman ng activation link.
7. I-click ang activation link at i-supply ang last 6-digit ng inyong CRN o SSS number para makapag-assign ng password at ma-access ang inyong My.SSS account.
Para naman sa mga Survivor pensioners, mag-update ng contact information sa pamamagitan ng pagsusumite ng Pensioner's Data Change Request Form na maaaring ma-download ang form mula sa SSS Website sa corporate email ng pinaka-malapit na SSS branch sa inyong lugar.
Halimbawa: cubao@sss.gov.ph | sanjuan@sss.gov.ph | calamba@sss.gov.ph at iba pa.
©2020 THOUGHTSKOTO