Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Coronavirus Disease. Show all posts
Showing posts with label Coronavirus Disease. Show all posts

Thursday, October 07, 2021

Bakunado kana ba laban sa Covid-19? Sumali sa Bakunado Panalo Raffle ng DOH at Manalo ng P1M!




MANILA, Philippines — UPANG mahikayat ang karamihan na magpabakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19, hindi ngayon nagpahuli ang Department of Health o DOH sa mga pakulo gaya ng ginagawa ng ibang bansa.

Sa post ng DOH sa Facebook page nito, nakalagay na may tsansang manalo ang bakunadong individual mula P100,000 hanggang P1 million na cash sa “Resbakuna Bakunado Panalo” program.

Isang daang winner ang pipilin mula Oktubre hanggang Disyembre habang P1 million naman ang cash prize sa grand draw na gagawin bago matapos ang taon.
Ads


Narito ang guidelines ng nabanggit na raffle:

Ano ang bakunado plano?
  • Ang Bakunado Panalo ay isang raffle na bukas sa mga Pilipinos nagpabakuna kontra-COVID-19.
Sinu-sinu ang pwedeng sumali at manalo?
  • Isa itong nationwide raffle. Lahat nang nabakunahan na 18 na taon pataas ay maaring sumali. Ang mga sumusunod ay hindi maaaring sumali sa raffle:

  • Kamag-anak ng mga tauhang kabilang sa nag-organisa ng raffle;

  • Mga opisyal ng gobyerno, mula nasyonal hanggan sa nibel ng barangay;
Paano sumali? Hanggang kailan pwedeng sumali?
  • Para makasali sa raffle, kailangan niyo munang mag-register. I-text ang RESBAKUNAREG <space> NAME/AGE/ADDRESS to 8933 para mag-register. (Hal. RESBAKUNAREG Juan Dela Cruz/45/Blk 6 Lot 18 Golden Subd. Pasig City)

  • Pagkatapos mag-register, pwede kayong kumuha ng raffle entry sa pamamagitan ng pagtetext ng RESBAKUNA <space> 1st letter ng vax brand/pang-ilang dose/LGU/date ng bakuna to 8933. (Hal. RESBAKUNA M/2/Pasig City/March 5, 2021)

  • Pwedeng sumali mula October 4, 2021 hanggang December 15, 2021. Magpabakuna para dumami ang pagkakataong manalo!
May bayad po ba para sumali sa raffle?
  • Ang bawat entry sa e-raffle ay PHP 1.00 ng cellphone load lamang.
Ilang raffle entry ang matatanggap ko kapag nagpabakuna?
  • Makakatanggap ng 1 raffle entry ang lahat ng may isang dose, at 3 entry kung fully vaccinated na ang isang indibidwal.

  • Para sa seniors, doble ang matatanggap na raffle entry sa kanilang pagpapabakuna.

  • Makakatanggap ng 1 raffle entry ang lahat ng may isang dose, at 3 entry kung fully vaccinated na ang isang indibidwal.

  • Para sa seniors, doble ang matatanggap na raffle entry sa kanilang pagpapabakuna.
Ads

Sponsored Links




Dapat ba nakakumpleto na ng bakuna para makasali? Pwede bang sumali kahit nakaka-isang dole pa lamang ng bakuna?
  • Maaaring sumali kahit isang dose pa lamang ang iyong bakuna. Siguraduhing kumpletuhin mo ang iyong ikalawang dose para mas maraming pagkakataong manalo!
Ilang tao ang pwedeng gumamit ng iisang cellphone number?
  • Isang pangalan lang po ang pwedeng nakarehistro kada-cellphone number o SIM card.
Pwede bang sumali ang mga senior citizen sa raffle?
  • Pwede sumali ang mga senior sa raffle. Ang mga Senior ay makakakuha ng dobleng entry sa kanilang pagsali.
Anu ano ang mga premyo na pwedeng mapanalunan?
  • Para sa buwan ng Oktubre and Nobyembre, mayroong 50 na mananalo ng PHP 5,000.
  • Sa grand draw sa Disyembre:
10 ang mananalo ng PHP 100,000,
1 ang mananalo ng PHP 500,000,
1 ang mananalo ng PHP 1,000,000

Paao pipilian ang mga mananalo?
  • Gagamit ng isang e-raffle system kung saan isasalang ang bawat raffle entry.
Kailan magaganap ang bawat draw sa e-raffle?
  • Ang resulta ng bawat raffle draw ay ilalabas sa katapusan ng bawat buwan.
Paano ko malalaman kung ako ang nanalo?
  • Hintayin ang tawag mula sa 8933 para malaman kung nanalo ka!

  • Maliban sa tawag, ipopost din ang pangalan mo sa DOH website (doh.gov.ph/vaccine) at sa lahat ng DOH platforms.
Paano ko makukuha ang aking premyo?
  • Ang premyo ay ipamimigay sa pamamagitan ng mga e-wallet.
Paano ko mapapatunayan na ako ay bakunado?
  • Kapag mananalo, kayo ay aming tatawagan. Kailangan lamang i-submit ang mga sumusunod:
Valid ID
Vaccination card
SIM card na ginamit sa pag-submit ng raffle entry

Paano iaannounce ang mga mananalo?
  • Maliban sa text, ipopost din ang pangalan mo sa DOH website (doh.gov.ph/vaccine) at sa lahat ng DOH platforms.
Paano ko malalaman kung ilang raffle entry ang meron ako?
  • I-text lamang ang RESBAKUNA<space>CHECK sa 8933.
Paano kung may katanungan pa ako tungkol sa raffle?
  • I-text lamang ang RESBAKUNA<space>HELP sa 8933.



©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, June 21, 2021

P18 Billion sa Bayanihan 2, 'di pa nagagamit ayon sa Palasyo




MANILA, Philippines — HINDI pa nagagamit ang nasa P18 billion na pondo para sa Covid-19 response ng Pilipinas sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Ang masaklap, nakatakdang mag-expire ang nabanggit na pondo sa katapusan ng buwan. Ito ang kinumperma ng palasyo ng Malacañang.

Ayon kay Malacañang Spokesman Harry Roque, umaabot sa P123.2 billion o 87.01% ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang nagamit.

"Tama po na mayroon pa tayong P18.4 billion or 13 percent na hindi pa nao-obligate," pahayag ni Roque sa isang press briefing. Hindi naman nito nilinaw kung bakit hindi nagamit ang natitirang pondo.


Ads



Una rito, isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda ang "special session" habang naka-recess ang Kongreso upang mapalawig ang validity ng Bayanihan 2.

Babala nito na kung matatapos na ang legislative funding sa Hunyo 30, matatapos na rin ang budget para sa Covid-19 contact tracers na kinuha sa ilalim ng Bayanihan 2.


Ayon naman kay Roque na tatanungin niya si Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapatawag ito ng special session o hindi.

"We respect po the wisdom of Congress dahil sila naman po talaga ang nagbibigay ng polisiya" saad ni Roque.

Ads

Sponsored Links



Una rito, nag-recess na ang Kongreso noong Hunyo 5 at babalik ang session sa Hulyo 26 kasabay ng ika-anim na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Sa Senado naman, hindi umano prioridad ang pagpasa ng Bayanihan 3.

Ayon kay Senate President Vicente "Tito" Sotto III na nais nilang unahin ang pagtalakay sa extention ng Bayanihan 2.

Sa ngayon, pending pa sa committee level ang kanilang bersiyon ng panukalang batas na may layuning palawigin ang validity ng Bayanihan 2. Tatalakayin umano nila ito sa pagbabalik ng session sa Hulyo 26.


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, May 03, 2021

10-araw na paid leave sa mga nag-positibo sa Covid-19 isinusulong!





MANILA, Philippines — ISANG panukalang batas ngayon ang inihain ni Senator Leila de Lima na nagsusulong ng paid leave para sa mga public at private employees na mag-popositibo sa coronavirus disease o Covid-19 at kinakailangang sumailalim sa quarantine.

Napag-alaman na umaabot hanggang 21 araw o mahigit pa ang quarantine ng mga taong nag-positibo sa Covid-19 lalo na't kung naging severe ang kanilang kaso.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2148 na inihain ng naka-detain na si De Lima, mabibigyan ng 10 araw na paid  Covid-19 leave ang mga kwalipikadong empleyado sa kondisyon na makaka-sumite ang mga ito ng mga kinakailangang medical records.


Ads


Sinabi ni De Lima na sa pamamagitan ng bayad na leave, mapapangalagaan nito ang kapakanan ng mga manggagawa at ng kanilang pamilya at masisiguro din ang kaligtasan at maiiwasan ang hawaan sa trabaho.

“Filipinos valiantly choose to work, to provide for their families and to save the economy, despite the danger this pandemic poses,” ani De Lima.

“Thus, it is only right that these employees be provided with the incentive of having paid leaves when they are confirmed to be COVID-19 positive and they need to undergo quarantine or isolation."

“With the colossal and detrimental effects of the pandemic, employees are forced to stay in a job that is low paying despite health hazards due to the virus and consequences of contractualization,” 


Ads

Sponsored Links



“Those who are gainfully employed, while fortunate, struggle to do their jobs by personally reporting to their workplace despite risk of acquiring the virus on the way to and from work and even in the workplace itself,” dagdag pa ng senador.

Sakop din ng House Bill No. 2148 ang mga empleyadong hindi makapag-trabaho sa pamamagitan ng telecommuting o work-from-home arrangement dahil sa Covid-19.


Sa Kongreso naman, inaprobahan na noong Disyembre ng House labor and employment committee ang panukalang batas na magbibigay ng 14-day paid pandemic leave sa mga manggagawa.

Sa ilalim ng House Bill No. 7909 o Paid Pandemic Leave Law of 2020 mabibigyan ng full 14-day paid leave ang isang private sector employee na nag-positibo sa Covid-19.

Sa mga empleyadong mag-aapply ng paid pandemic leave, kinakailangan lamang ng mga ito na mag-sumite ng medical records at proof of eligibility sa kanilang employer para sa immediae action.

Itinakda din ng panukalang batas na hindi dapat lumagpas sa tatlong araw ang processing nito.

Babayaran naman ng gobyerno ang mga employer para sa pandemic leave benefits ng kanilang mga empleyado gamit ang pondo mula sa Department of Labor and Employment o DOLE, Social Security System o SSS at sa naipong savings.

©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, March 25, 2021

P10,000 Ayuda Bill, isinusulong na ipasa agad! Sino-Sino ang Mabibigyan Sakaling Maging Batas? Alamin!




MANILA, Philippines — HINIHIKAYAT ngayon ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang House of Representatives na mag-convene bilang Committee of the Whole o mag-sagawa ng special session upang pag-usapan ang 10K Ayuda Bill.

Layunin ng panukalang batas na mabigyan ng financial assistance ang bawat pamilyang Pilipino sa kinakaharap na krisis dala ng coronavirus disease o Covid-19 pandemic.

Sa ilalim ng House Bill No. 8597, sinusulong nito na mabigyan ng bawat pamilyang Pilipino ng one-time P10,000 na assistance o P1,500 kada miyembro ng pamilya, alinman ang mas mataas.

Malaking tulong umano ito at magagamit para sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan o sa pagsisimula ng negosyo habang hinihintay ang kompletong roll-out ng Covid-19 vaccines.


Ads


Sa press statement na inilabas ng dating speaker na inihain nito at ng kanyang mga kaalyado noong Pebrero 1, “has not been discussed up to now” and “has been languishing at the Committee on Social Services headed by Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas.”

“Sana makiramdam ang Congress and we convert into a Committee on the Whole or in any way that we can, kung kailangang humingi ng special session, para ipasa ‘to,”  ang naging pahayag ni Cayetano.

“Ginawa natin noong Bayanihan 1 ‘yan. Ginawa natin noong Bayanihan 2. There’s no reason why we can’t do it again,” dagdag pa nito.


Samantala, isang resolution naman ang inilabas ng Sangguniang Panlungsod ng Tarlac City na nagsasabing ang 10K Ayuda Bill “ensure that every Filipino is given additional assistance in recognition of the fact that we have all been affected by the pandemic, economic setbacks, and all the hardships brought about in the year 2020.”

Ang nasabing resolution ay pinirmahan ni Vice Mayor Genaro Mendoza at lahat na 12 miyembro ng SP.


Ads

Sponsored Links



Malaking tulong umano ang nabanggit na panukalang batas lalo na at prioridad na mabigyan nito ang mga vulnerable sector ng bansa gaya na lamang ng mga mahihirap, senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at displaced o retrenched workers.

Sa ilalim ng panukalang batas, prioridad din ang mga medical frontliners, kasama na ang mga barangay health workers, pamilya ng mga overseas Filipino workers, mga individual na walang nakuhang assistance sa alinmang social amelioration programs ng gobyerno at mga Filipino citizens na may hawak ng national ID.

Mababasa din sa resolution ang pahayag ni Cayetano na  “although Filipinos are known for their grit and resilience, assistance to our countrymen is still needed to help them survive and get back on their feet amid the pandemic while a viable vaccine program for all Filipinos is being rolled out by the government.”


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, March 17, 2021

Mga foreigners, ROFs na hindi OFW, ban muna sa pagpasok sa Pilipinas




MANILA, Philippines — DAHIL sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nag-popositibo sa Covid-19, sinuspende na ng gobyerno ang pagpasok sa Pilipinas ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos (ROFs) na hindi Overseas Filipino Workers o OFW.

Magsisimula ito sa Marso 20, Sabado hanggang Abril 19.

Kaugnay nito, inatasan din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang mga concerened agencies na limitahan ang inbound international passengers sa 1,500 kada araw.

Layunin umano nito na mapigilan ang mas pagtaas pa ng Covid-19 cases at mapigilan din ang pagpasok sa bansa ng iba't-ibang coronavirus variants mula sa iba't-ibang bansa.


Due to the increasing number of new cases of COVID-19 here in the Philippines, the National Task Force against COVID-19...

Ads


Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 5, ang mga sumusunod ay exempted naman sa entry ban at maaari pa ring pumasok sa Pilipinas.
  • Mga may hawak ng 9(c) visas
  • Medical repatriation at kanilang mga escorts na inindorso ng DFA-OUMWA o OWWA
  • Mga distressed ROfs na inindorso ng DFA-OUMWA
  • Emergency, humanitarian, at iba pang analogous cases na inaprobahan ng NTF-COVID-19.
Ads

Sponsored Links



Sa ngayon, nakikita umano ang surge o labis na pagtaas ng Covid-19 cases matapos nakapagtala ng 5, 404 na kaso noong Lunes, Marso 15. Ito umano ang ika-apat sa pinaka-mataas na kasong naitala sa isang araw mula noong nagsimula ang pandemya.

Sa datus ng Department of Health, Martes ng gabi, Marso 16, umaabot na 631,320 ang kumpermadong kaso ng Covid-19 sa buong bansa.

Sa nabanggit na bilang, 57, 736 ang active cases, 12, 848 ang namatay habang 560, 736 naman ang naka-recover.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, January 27, 2021

10 Bagay na Dapat Tandaan Kung Magpapabakuna Laban sa Covid-19





MANILA, Philippines — KINUMPERMA ng gobyerno ng Pilipinas na nasa 1 million doses ng bakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19 ang darating sa bansa sa darating na Pebrero.

Ang nasabing mga bakuna ay mula sa Astrazenica, Pfizer mula sa COVAX facility, at Sinovac.
Dahil dito, posible umanong mas maagang masimulan ang pamamakuna sa bansa.

Kung naghahanda ka sa pagpapabakuna, narito ang 10 mga bagay na iminumungkahi ng mga health experts na dapat nating gawin at hindi dapat gawin.

Ads


1. Magpa-bakuna kung schedule mo na.

Kung sa ibang bansa, may registration na ginagawa sa mga state o local health department para sa mga nagpapabakuna laban sa Covid-19, malaki ang posibilidad na ganito din ang mangyayari sa Pilipinas.

Una nang inihayag ng gobyerno na mauuna sa bakuna ang mga medical frontliners na susundan ng mga men-in-uniform o mga pulis at sundalo; mga vulnerable individuals, at mga indigents o mga residenteng walang kakayahang bumili ng bakuna.

2. Bago mag-duda, mag-research muna.

Huwag hayaang maapektuhan ng mga maling impormasyon ang desisyon mong magpabakuna. Hindi maikakailang may mga maling impormasyon na kumakalat sa social media ukol sa Covid-19 vaccine.

Kung may pagdududa sa bakuna, mag-research at magbasa mula sa mga pinagkakatiwalaang source gaya na lamang ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na isa sa maraming trusted organizations na may science-based facts ukol sa virus at sa mga available na bakuna.

Ads

3. Magpabakuna kahit nag-positibo na ng Covid-19.

Ayon sa CDC, malaki ang posibilidad ng re-infection sa Covid-19 dahilan kung bakit importanteng mabakunahan ang lahat laban sa nabanggit na sakit, kabilang na ang mga unang nag-positibo at gumaling sa virus.

Ngunit ayon sa CDC, para sa mga nabigyan ng monoclonal antibodies o convalescent plasma nang magkasakit ng Covid-19, kailangan mong maghintay ng 90 araw bago magpabakuna. Importante din na magpa-suri sa doktor bago magpa-schedule sa Covid-19 vaccine.

4. Huwag magpabakuna kung kasalukuyan kang may Covid-19 o na-expose sa Covid-19 positive.

Kung nag-positibo ka sa Covid-19 o na-expose sa taong may Covid-19, huwag kang pumunta sa vaccination site para magpabakuna hanggang sa hindi pa nawawala ang iyong sakit o kung hindi pa natatapos ang iyong isolation period.

Ito ang inihayag ni Dr. Michael Ison, professor sa division of infectious diseases and organ transplantation sa Northwestern University's Feinberg School of Medicine.

"Quite simply, you don't want to get people who are waiting in line sick. You don't want to get the health care staff sick," ang naging pahayag ni Ison.

Sponsored Links



5. Magpabakuna kahit na mayroon ka pang mga sintomas ng Covid-19 buwan na ang lumipas.

Dumarami ang bilang ng mga taong nagiging coronavirus "long-haulers" o mga taong patuloy na nakakaranas ng fatigue, brain fog, pananakit ng katawan at ulo, at iba pa, ilang buwan matapos napatay na ang virus sa kanilang sistema.

Ayon kay vaccine scientist Dr. Peter Hotez, professor at dean sa National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine sa Houston, hindi dapat maging rason ang mga nararanasang Covid-19 reactions para hindi magpabakuna. 

"We think long-haul symptoms are not due to active virus infection, but to prolonged inflammatory responses to the virus," ang naging pahayag ni Hotez.

6. Huwag magpaturok ng ibang bakuna sa loob ng 14 na araw matapos magpabakuna sa Covid-19

Ayon sa CDC, maghintay ng hindi bababa sa 14 na araw bago o pagkatapos magpaturok ng isa pang bakuna, kabilang na rito ang bakuna sa flu o shingles, upang makakuha ng bakuna sa Covid-19.

Ngunit kung aksidenteng nabakunahan ka sa loob ng dalawang linggo, importanteng ma-kompleto mo ang Covid-19 series ayon sa schedule nito.

7. Ipaalam sa mga vaccine staff ang iyong mga allergies at nakaraang allergic reactions.

Bihira ngunit may mga taong nakakaranas ng moderate-to-severe allergic reactions matapos nabigyan ng Moderna at Pfizer mRNA vaccines Dahil dito, siguruhing masabi sa mga vaccine staff o sa mga nurses sa vaccination site ang iyong mga nakaraang allergic reactions.

8.  Huwag magmaneho agad.

Ayon sa CDC, requirement sa lahat na nakatanggap ng coronavirus vaccine na maghintay ng 15 minuto bago mag-maneho. Kung mayroon namang severe allergic reaction ang isang tao, kinakailangan nitong maghintay ng hanggang sa 30 minuto bago magmaneho. Ito'y dahil posible umano ang adverse reaction gaya na lamang pagkahilo o mas malala pa habang nagmamaneho.

Kabilang sa mga common reactions ng bakuna ay ang pananakit at pamamaga ng injection site. May mga pagkakataon din umano at madalas nangyayari sa second Covid-19 shots kun saan nakakaranas ang mga nabakunahan ng Covid-like signs kagaya na lamang ng lagnat, labis na pagkapagod, pananakit ng ulo at panginginig.

9. Magpabakuna sa pangalawang shot ng Covid-19 vaccine inerekomendang time frame.

Ayon kay vaccine scientist Dr. Peter Hotez, professor at dean sa National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine sa Houston, importante ang ikalawang bakuna para sa siguradong proteksiyon.

"In looking at the Phase 1, Phase 2 data, what I saw with a single dose is some people had high levels of virus-neutralizing antibody, others were nonresponders,"

"So the major reason for the second dose is to get everybody to respond. If you just get a single dose, you don't really know where you stand."

Ayon sa CDC ang Pfizer-BioNTech doses ay dapat ibigay sa pagitan ng 21 araw habang ang pangalawang dose ng Moderna ay dapat ibigay 28 araw pagaktapos ng unang dose.

Ngunit kun problema umano ang pagpa-schedule para sa ikalawang dose, maaaring maghintay ng ilang araw pagkatapos ng due date o mas mahaba pa.

10. Panatilihin ang pagsusuot ng facemask at social distancing pagkatapos magpabakuna.

Ayon sa CDC, importante pa rin ang pagsusuot ng facemask at social distancing pagkatapos ng first at second dose ng Covid-19 vaccine.

Ito'y dahil ang first dose ay hindi nakakakapag-bigay ng sapat na immune response upang maproteksiyunan ang nabakunahan at mga taong nasa paligid nito. Ang ikalawang dose ng bakuna ang inaasahang magbibigay ng 95% protection sa loob ng isa hanggang dalawang linggo mula ng ibinigay ito, depende sa uri ng bakuna.

Sakabila nito, sinabi ng CDC na kahit fully vaccinated na ang isang tao, maaari pa rinitong maging carrier sang coronavirus.

"We ... don't yet know whether getting a COVID-19 vaccine will prevent you from spreading the virus that causes COVID-19 to other people," pahayag ng CDC.

Dagdag pa ng CDC upang maproteksiyunan ang iba, panatilihin ang pagsusuot ng facemask at social distancing, iwasan ang mga matataong lugar at ugaliin ang paghuhugas ng kamay.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, October 06, 2020

Para Makasama ang Kabit, Lalaki sa India, Nagpanggap na may Covid-19!




Nalagay sa international headlines ang 28-anyos na lalaki sa India matapos itong nag-sinungaling sa kanyang pamilya at nagpanggap na nag-positivo sa Coronavirus Disease o Covid-19 bilang rason upang makasama ang kanyang babae.

Ayon sa ulat, tinawagan ni Manish Mishra ang asawa nito at ipina-alam na nag-positibo ito sa Covid-19 at ayaw na umano nitong mabuhay pa. Agad umano nitong pinatay ang kanyang telepono dahilan upang mangamba ang kanyang pamilya.

Agad namang tinawagan ng asawa ang kapatid ni Manish at sinabihan siya nitong mag-file ng missing person report sa Navi Mumbai Police.

Sa isinagawang imbestigasyon nalaman na ginamit ng 28-anyos na supervisor bilang rason ang kinakatakutang Covid-19 na sakit upang iwan ang pamilya nito at sumama sa kanyang kabit.

Ads


Nakumperma umano ito sa imbestigasyon matapos sinuyod ng mga kapulisan ang lahat na mga laboratoryo sa huling lokasyon nito at walang Manish Mishra na isinailalim sa Covid-19 test.

Sunod na pinuntahan ng mga pulis ang employer ng lalaki na isang logistics company at dito nalaman na tinanggal na ito sa trabaho matapos nasangkot sa kasong fraud.

Inimbistigahan din ng mga pulis ang mga kaibigan ni Manish at dito nalamang may kinakasama itong iba.

“We sent a team to his last known location, where we got his motorcycle and key, his backpack that he carried to work, and his helmet,” 

“We even checked the Vashi creek with the help of local fishermen, but could not find his body. We were certain that he was alive and so we kept looking.”

“Based on the last cell phone location in Airoli, we scanned all CCTV camera footage from the area and found him getting into a car,” ang naging pahayag ni Sanjeev Duhmal, senior inspector ng Vashi police.

Ads

Sponsored Links




Ayon sa mga pulis, tinanggal sa trabaho si Mishra at nasangkot sa financial fraud. Matagal na rin umano itong may babae dahilan upang iwan nito ang kanyang asawa at anak. Ito umano ang dahilan kung bakit nagpanggap itong may sakit at nagplanong magpakamatay.

Na-trace naman ng mga otoridad ang sasakyang sinakyan nito sa Ratnagiri at natunton ito sa Bhawarkua, Indore sa Madhya Pradesh kung saan nakatira ito sa kanyang babae.

Noong Setyembre 15 lamang ito kinuha ng mga pulis at ibinalik sa Navi Mumbai kung saan muli itong nakasama ng kanyang pamilya.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, September 08, 2020

COVID-19: Paano Mo Malalaman na Mahina ang Immune System Mo?




Kasabay ng pagdami ng kaso ng coronavirus disease o Covid-19, importanteng malakas ang immune system ng isang tao, upang hindi ito basta-basta tamaan ng sakit, o kung tamaan man, mabilis itong makaka-recover.

Tinatawag na amazing mechanism ang immune system ng tao at trabaho nitong protektahan ang katawan laban sa anumang sakit at impeksiyon.
Upang magawa nito ng mabuti ang kanyang trabaho, kailangang maging malakas ang immune system ng tao ngunit may mga bagay-bagay na nagpapahina ng immune system gaya na lamang ng sakit o mga bad habits.

Kung mahina ang immune system mo, malaki ang posibilidad na madali kang tamaan ng sakit at matagal din na makakarekober.


Ads


Narito ang ilan sa mgan karaniwang dahilan kung bakit humihina ang immune system ng isang tao.

1. Kulang sa tulog

Importante ang sapat tulog para sa overall health ng isang tao. Ayon sa mga pag-aaral nagpapahina ng immune system ang insomnia o kakulangan sa tulog. Sakali umanong kulang o mas mababa sa limang oras ang tulog ng isang tao, kulang din ang oras ng immune system upang i-repair ang mga pinsala sa mga muscles at tissues ng katawan.

2. Sobrang exercise

Maganda sa katawan ang exercise, ngunit kung nasubrahan, maaring makasira ito ng mga muscles na kailangang i-repair. Sakaling nakatutuk umano ang immune system sa pag-repair sa mga over-exercised musles, mawawalan ito ng kapasidad upang protektahan ka laban sa sipon, bacteria at iba pang karamdaman.


3. Poor Diet!

Naka-depende sa good nutrition ang bawat bahagi ng katawan kasama na ang immune system. Kung madalas processed foods na puno ng taba, sugar at salt ang kinakain mo, mauubusan ito ng nutrients na kinakailangan sanyang trabaho na protektahan ka laban sa mga sakit.

Ads

4. Sobrang pag-inum ng alcohol

Nakakapababa ng white blood cell count ang alcohol. Dahil dito, nawawalan ng kapasidad ang immunue system na puksain ang mga virus na pumapasok sa katawan.

5. Paninigarilyo

Walang benipisyong dala ang paninigarilyo. Ang mataas na level ng tar at chemicals at mababang oxygen supply ay nagdudulot ng cancer, heart disease asthma at nagpapahina din ng immune system.
Kung mahina ang ating immune system, malaki ang posibilidad na mabilis tayong kapitan ng sakit gaya na lamang ng Covid-19 ngunit paano mo masasabi na mahina ang immune system mo?


Sponsored Links



Narito ang anim an signs ng mahinang immune system

1. Madalas na napapagod

Maraming dahilan kung bakit napapagod ang isang tao. Maaring kulang sa tulog dahil sa stress, anemia o chronic fatigue syndrome. Ngunit kung hindi mo alam kung bakit ka napapagod at hindi nakakatulong ang dagdag na tulog, maaring mahina ang iyong immune system.

2. Madalas na nagkakasakit

Lahat naman nagkakasakit, pero kung madalas kang dapuan ng iba't-ibang sakit, maaring dahil ito sa mahina mong immune system.
Kung madalas kang nakakaramdam ng bladder infections, mouth ulcers, sipon at trangkaso, panahon na upang magpatingin ka sa doktor.

3. Allergies

Maraming tao ang may allergies ngunit kung madalas mo itong nararamdaman, gaya na lamang ng bad reaction sa pagkain o skin rashes, joint pain at stomach troubles, maaaring dahil ito sa mahina mong immune system o autoimmune disease.


4. Matagal gumaling na mga sakit

Masasabing underperforming ang inyong immune system kung hindi ka gumagaling mula sa mga simpleng sakit kagaya ng sipon, ubo at trangkaso. Madalas, nawawala ang mga ganitong uri ng sakit sa loob ng isang linggo, ngunit kung umaabot ng buwan, senyales ito na nahihirapan ang katawan sa pakikipag-laban laban sa impeksiyon.

5. Digestive problem

May epekto sa immune system ng isang tao ang quality ng intestinal bacteria nito sa katawan. Kung madalas kang magkaroon ng diarrhea, ulcers, gas, bloating, cramping o constipation, maaring senyales ito na hindi na maganda ang trabaho ng immune system mo.

Maraming uri ng gut bacteria na tumutulong para sa healthy na immune system gaya na lamang ng probiotics lactobacilli and bifidobacteria. Denidepensahan nito ang katawan laban sa impeksiyon at sinusuportahan ang function ng immune system.

 Kung mababa ang amount ng friendly bacteria, maaring maging dahilan ito ng compromised immune system.


May direktang epekto sa kalusugan ang mahinang immune system, mula sa pagkalagas ng buhok hanggang sa sobrang kapaguran. Para mapalakas ang immune system, kailangan kumain ng balanced diet, exercise, sapat na tulog at iba pa.

Sa panahon ngayon, maliban sa pagsusuot ng face mask at face shield at regular na paghuhugas ng kamay, importe din na malakas ang ating immune system habang pinapayuhan naman na manatili sa bahay kung walang importanteng lakad o trabaho upang maka-iwas sa coronavirus.




©2020 THOUGHTSKOTO