Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, September 21, 2020

SSS Pension Computation: Magkano ang Matatanggap Mo Sa'yong Pag-Retiro?





Matagal-tagal ka na ring nagtatrabaho, ngunit may ideya kaba kung magkano ang pension mo mula sa Social Security System o SSS kung ikaw ay magre-retiro. Isa ang pension mo sa SSS sa mga maari mong pagkukunan ng panggastos sakaling magre-retiro kana.

Laging tandaan na ang halaga ng pension mo ay naka-depende sa ibinayad mong contribution, bilang ng active years mo bilang SSS member at bilang ng mga dependents mo na minor kung mayroon pa sa panahon ng iyong pag-retiro.

Taong 2017 nang inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1,000 na increase sa SSS pension ng mga retirees, hindi man kalakihan pero malaking bagay na!


Ads


Cash payment na ibibigay ang SSS pension na iyong matatanggap sa panahong hindi kana makakapag-trabaho dahil sa katandaan.

May dalawang paraan upang ma-qualify para sa retirement benefits.
  • Ikaw ay SSS member at nasa edad 60-anyos, hindi na nagtatrabaho o tumigil sa pagiging self-employed, nakapag-bayad ng hindi bababa sa 120 mothly contribution bago pa man ang semester ng iyong retirement.

  • Ikaw ay SSS member na nasa edad 65-anyos, may-trabaho o wala, at nakapag-bayad ng hindi bababa sa 120 monthly SSS contributions bago pa man ang semester ng iyong retirement.

Ads

Sponsored Links



May tatlong formulas na ginagamit upang ma-compute ang SSS pension, saan man sa tatlo ang magbibigay ng highest amount, yon ang magiging final pension mo.

1. PHP 300 + 20% of average monthly salary credit (AMSC) + 2% of AMSC for each credited year of service (CYS) in excess of ten years + PHP 1,000

2. 40% of the average AMSC + PHP 1,000

3. PHP 1,200 if CYS is somewhere between 10-20 years; PHP 2,400 if CYS is 20 years or more + PHP 1,000

Ngayon, doon tayo mag-focus sa first SSS pension formula, dahil ang formula na ito ang magbibigay sa iyo ng highest possible amount ng pension.

Halimbawa:

Ang senior citizen na si Anna ay kumikita ng P30,000 at nakapag-contribute sa SSS sa loob ng 40 taon. Ayon sa contribution table ng SSS na naging epektibo noong Abril 2019, ang kanyang AMSC ay P20,000.

Ito ang magiging SSS pension computation ni Anna.

Monthly Pension (MP) = PHP 300 + (20% of AMSC) + [2% of AMSC x 30 years (40 years – 10)] + PHP 1,000

MP = PHP 300 + (0.20 x 20,000) + (0.02 x 20,000 x 30) + PHP 1,000

MP = PHP 300 + PHP 4,000 + PHP 12,000 + PHP 1,000

Monthly SSS Pension = PHP 17,300


Ngayon kung hindi kaya ng powers mo ang formula na nasa itaas, mas madaling i-calculate ang SSS pension mo sa pamamagitan ng Online SSS Pension Calculator.

Mas madali at mas mabilis itong paraan sa pag-calculate ng iyong SSS pension. Makikita ang SSS Retirement Benefit Estimator sa website mismo g SSS na sss.gov.ph.


Kailangan lamang na i-enter ang iyong birthdate, buwan at taon na nagsimula kang maghulog sa SSS o kung kailangan ka naging miyembo at ang kasalukuyang buwanang sahod.

Ibigay lamang ang hinihinging captcha code at i-click ang ‘Compute’ button. 


Ipapakita ng SSS calculator ang dalawang sets ng monthly pension:

Isa para sa iyong pag-retiro sa edad na 60-anyos at isa naman kung ikaw ay magre-retiro sa edad na 65-anyos. Makikitang mas mataas ang SSS pension kung pipiliin mong mag-retiro sa edad na P65.



Paano mo matatanggap ang iyong SSS Pension?

Kung ikaw ay magreretiro at kukuha na ng pension, ire-require ka ng SSS na mag-bukas ng single savings account at isumite ang kopya g iyong passbook, ATM card, initial deposit slip, bank statement o Visa Cash Card enrollment form. 

Babayaran ka ng SSS ng iyong pension sa pamamagitan ng iyong designed bank.

Maaari mong matanggap ang iyong SSS pension sa mga sumusunod na paraan:
  • Lifetime Monthly Pension. Magsisimula ang iyong monthly pension pagkatapos mong mag-apply para sa iyong retirement benefit. Kung ikaw ay 60-anyos at nagnanais na mag-trabahong muli, sususpendihin ang iyong monthly payment hanggang sasapit ka ng 65-anyos.

  • Lump Sum Payment. Maari mong piliin na tanggapin ang unang 18 buwan ng iyong pension sa discounted rate na idi-determina ng SSS. Magpapatuloy ang iyong monthly pension sa ika-19 na buwan at sa mga susunod na buwan.

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, September 19, 2020

3 Easy Steps on How to Check Your SSS Contribution Online!





Maraming rason kung bakit kailangang i-check regularly ang inyong SSS contribution. Kung ikaw ay isang empleyado, kailangang i-check mo ang iyong contribution upang malaman kung aktuwal na nire-remit ng iyong employer ang tamang amount ng iyong contribution.

Kung self-employed ka naman o voluntary member, namomonitor mo ang iyong SSS contribution at agad mong malalaman kung may nakaligtaan kang bayad para agad mo itong maitama.

Importante ding alam mo ang takbo ng iyong contribution para ma-qualify ka para sa SSS loan o mga benipisyo nito. Halimbawa na lang sa SSS loan kung saan kailangan ang hindi bababa sa 36 posted monthly contribution sa loob ng hindi bababa sa 12 buwan.

Ads


Para naman maka-avail ng sickness o maternity benefits, nire-require ng SSS ang hindi bababa sa tatlong buwang contribution sa loob ng 12 buwan bago pa man ang semester ng pagkakasakit o panganganak.

Sa panahon ngayon, napakadali na ang pag-check ng SSS contribution dahil hindi mo na kailangang pumunta pa sa SSS branch o makipag-ugnayan sa inyong HR department dahil magagawa mo ito, anytime, anywhere basta't may internet connection ka.


Ads

Sponsored Links



Sa ngayon, maaari mo nang ma-view ang iyong SSS contribution online sa pamamagitan ng website ng Social Security System o SSS sa simpleng apat na steps lamang!

STEP — 1

Bisitahin lamang ang SSS website — sss.gov.ph at i-check ang "I am not a Robot" saka i click ang "Submit".

Sa kanang bahagi, makikita mo ang "PORTAL" kung saan sa ilalim nito, makikita mo ang tatlong option na "Member, Employer, Small Business Wage Subsidy Program."

Piliin at i-click lamang ang "Member".


Basahin ang 5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online kung ikaw ay wala pang account sa SSS Online.

STEP 2 

Lalabas ang "Member Log-In" at i-enter lamang ang iyong My.SSS account’s user ID at password. 


Kung nakalimutan mo ang iyong user ID o password, i-click lamang ang “Forgot User ID or Password?” sa ilalim ng Submit button. 

Dadalhin ka nito sa panibagong page kung saan kinakailangan mong i-enter ang inyong SS Number o 12 digit na Common Reference Number (CRN) na makikita sa iyong SSS o UMID ID.

I click lamang ang submit at i-check ang iyong email para sa instruction mula sa SSS sa pag-reset ng iyong My.SSS account login details.


STEP 3

I-click lamang ang "INQUIRY" at nasa ilalim nito ang limang option na kinabibilangan ng mga sumusunod:
  • Benefits
  • Contribution
  • Eligibility
  • Loans Info
  • Sickness/Maternity
I-click lamang ang "Contribution" at makikita mo na ang iyong kabuuang contribution!

Dito mo makikita ang mga buwan na walang posted contribution na posibleng nawalan ka ng trabaho o hindi pa na-remit ng employer mo ang iyong contributions.

Sa ilalim nito makikita mo ang iyong total number of SSS contribution at kabuuang amount na iyong naibayad.







©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, September 18, 2020

ALAMIN: Mga Loans na may 60-Days Extention sa Pagbabayad sa Ilalim ng Bayanihan 2




Panibagong grace period na naman sa pagbabayad ng mga loans ang ipapatupad ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan 2 Law. Sa ilalim ng batas, one-time 60-days na grace period ang ipapatupad na may layuning maibsan ang hirap ng publikong nakakaranas ng krisis sa ngayon dahil sa pandemyang dala ng coronavirus.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act, inuutusan nito ang mga sumusunod na magpatupad ng grace period sa pagbabayad ng mga loans na na may due date bago pa man ang Disyembre 31 na walang interes, penalties at iba pang charges.
  • Banks
  • Financing companies
  • Lending companies
  • Real Estate developers
  • Insurance Companies
  • Pre-Need Companies
  • Public and Private Financial Institutions
Ads


Sakop din ng batas ang mga loan sa mga sumusunod;
  • Government Service Insurance System
  • Social Security System
  • Home Development Mutual Fund (Pag-ibig Fund)
Pinapayagan ng batas ang extention ng maturity ng mga "existing, current and outstanding loans" na kinabibilangan ng mga sumusunod;
  • Salary Loan
  • Personal Loan
  • Housing Loan
  • Commercial Loan
  • Motor Vehicle Loans
  • Amortizations
  • Financial Lease Payments
  • Credit Card Payments

Ads

Sponsored Links



Nakasaad sa batas na “All loans may be settled on staggered basis without interest on interest, penalties and other charges until December 31, 2020 or as may be agreed upon by the parties,”
 
“Nothing shall stop the parties from mutually agreeing for a grace period longer than 60 days.” 

Maliban sa 60-days na moratorium sa loan payments, nakasaad rin sa Bayanihan Law ang 30 araw na palugit sa pagbabayad ng water, electric, telecommunication at iba pang utility bills sa mga lugar na sakop ng Enhanced Community Quarantine o ECQ na walang extra charges.


Pagkatapos umano ng grace period, maaring bayaran on staggered basis ang hindi nabayarang utility bills sa loob ng hindi bababa sa tatlong buwang installments.

Binibigyan din ng 30-araw na grace period ang pagbabayad sa renta sa mga residential at commercial establishments na walang interest, penalties at iba pang charges.

Ayon sa batas, “No increase in rent shall be imposed during the same period.” 



©2020 THOUGHTSKOTO

Dagdag na 400,000 Beneficiaries, Tatanggap ng Cash Aid mula sa SAP 2




Marami na ang nakatanggap ng kanilang cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP ng gobyerno ngunit marami din ang hindi pa nabiyayaan hanggang sa ngayon.

Dahil dito, sisimulan na umano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash subsidies sa mga "eligible" beneficiaries na na-identify ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE).


Ads


Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista makakabenipisyo nito ang higit sa 142,000 na beneficiaries ng DOLE sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Program #Barangay Ko, Bahay KO (#BKBK) Disinfection/Sanitation Project, at mahigit sa 292,000 na recipient ng DA.

Sila umano ang dagdag na makaka-benipisyo sa second phase ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim g Joint Memorandum Circular (JMC) na nilagdaan ng walong government agencies noong Hunyo 9, 2020.

"Sa kasalukuyan ay prinoproseso ang payroll upang makapagsimula tayo sa pamamahagi ng ayuda. Inaasahang nasa mahigit 142,000 benepisyaryo ng Department of Labor and Employment at higit sa 292,000 benepisyaryo ng Department of Agriculture  ang tatanggap ng karagdagang ayuda,” ang naging pahayag ni Bautista sa isinagawang press briefing.


Ads

Sponsored Links




Makakatanggap din umano ng top-up assistance mula sa DSWD ang mga beneficiaries ng DOLE at DA.

"Sa pakikipag-ugnayan sa DOLE at DA , naisumite  na ang mga listahan ng benepisyaryo na nakatanggap ng emergency subsidy mula sa kanilang ahensya. Ito ay sumailalim din sa deduplication process upang matiyak na walang benepisyaryo ang tumatanggap o tatanggap ng ihigit sa isang emergency subsidy package,” dagdag pa ni Bautista.


Sa ilalim ng JMC No. 2, ang natitirang balanse sa regional subsidy ng first trance ay ibibigay kasama sa second trance ng emergency subsidy. 

Sa ilalim g JMC No. 2, sakop ng 2nd phase ng SAP ang mga sumusunod na lugar;
  • Region III, maliban na lamang sa Aurora Province
  • National Capital Region 
  • CALABARZON
  • Benguet
  • Pangasinan
  • IloIlo
  • Cebu Province
  • Bacolod City
  • Davao City
  • Albay Province
  • Zamboanga City

Samantala, nilinaw naman ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje ang mga dahilan kung bakit hanggang sa ngayon, hindi pa tapos ang distribution ng SAP 2 sa pamamagitan ng digital payout lalong lalo na sa Metro Manila na may access naman sa internet.

“Ayon sa ating ulat, nagkaroon ng mga failed transactions ang ating mga financial service providers. Sa NCR po ay mayroong mahigit kumulang 853,000 na kaso ng failed transactional accounts.”

Kabilang umano sa mga dahilan nito ay ang pagkaka-iba ng pangalan ng mga beneficiaries sa kanilang mobile wallet registration at sa kanilang payroll, dobleng mobile numbers at kawalan ng cellphone numbers sa iba.




©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, September 16, 2020

Paano Mag-Apply sa Project-EASE ng OWWA?





Ano ang Project-EASE ng OWWA?

Tinatawag na Educational Assistance Through Scholarship in Emergencies (EASE). Ito ay isang component ng CARE Program para sa mga Oversease Filipino Workers o OFW na naapektuhan ng Coronavirus Disease o Covid-19 pandemic. Layunin ng programa na makapag-bigay ng educational assistance na P10,000 per annum na hindi hihigit sa apat na taon para sa mga college level na qualified dependent ng mga active OWWA-OFW members.

Sino ang kwalipikado para sa Project EASE?

Kwalipikado sa programa ang mga dependents ng mga active OFW members, land-based, sea-based at mga Balik Manggagawa na na-repatriate mula noong ideneklara ang Covid-19 outbreak sa bansa noong Pebrero 1, 2020 hanggang sa panahong ma-deklara na itong kontrolado ng World Health Organization o WHO.



Ads


Sino ang mga eligible dependents ng mga OWWA member-OFWs?
  • Anak ng kasal o single parent OFW
  • Kapatid ng single na OFW

Sino naman ang hindi covered o hindi qualified sa Project EASE?
  • Mga dependents na may kasalukuyang scholarship grants sa ilalim ng ODSP, EDSP, ELAP-Education at CMWSP
  • Mga in-active OWWA Members
  • Undocumened workers











Ads

Sponsored Links




Ano Ano ang mga Requirements?
  1. Accomplished application form para sa Project EASE na makikita sa website ng OWWA

  2. I-submit ito sa email ng OWWA Regional Welfare's Office sa inyong lugar kasama ang kopya ng mga sumusunod:
  • Valid Passport

  • Flight Ticket of boarding pass o arrival stamp/sticker na naka-attached sa passport bilang patunay na nakabalik ito ng bansa mula Pebrero 1

  • Official Receipt o iba pang proof of OWWA membership para sa validation

  • Proof of relationship sa OFW, alinman sa mga sumusunod;

  • Birth certificate ng anak kung ang active OFW ay kasal o single parent

  • CENOMAR ng OFW at birth certificate ng OFW at kapatid nito, kung ang active OWWA member-OFW ay single

  • Certificate of Grades of the dependent mula sa last school year o semester na pinasukan nito na may passing mark sa lahat na subject


Paano Mag-Apply para sa Project-EASE?
  • Ang qualified active OWWA member-OFW na nakabalik sa bansa simula noong Pebrero 1, 2020 ang siyang magpa-file ng application para sa kanilang designated child beneficiaries sa pamamagitan ng online platform na http://owwa.gov.ph at i-submit ang lahat na mga requirements sa pamamagitan ng email ng OWWA RWO.

  • Makakatanggap ng serial reference o tracking number ang aplikante sa pamamagitan ng SMS o email para ma-monitor nito ang status ng kanyang application

  • Ang mga aplikante naman na nag-sumite ng hindi kompleto o hindi valid na mga requirements ay makakatanggap din ng SMS o e-mail ng mga kulang o invalid na mga requirements.

  • Ang mga naaprobahang application ay mabibigyan ng downlable at printable Scholarship Agreement online, para sa pirma at notarization

  • Ang napirmahan at notaryadong Scholarship Agreement ay kailangang maipadala muli sa concerned Regional Welfare's Office.

  • I-aanunsyo ang mga kwalipikadong beneficiaries para sa Project EASE at matatanggap ng mga ito ang assistance sa pamamagitan ng bank remittance direkta sa bank account ng student-beneficiaries.


Paalala ng OWWA na iisang slot lamang ang ibibigay sa mga mag-asawang OFW na kapwa eligible sa nabanggit na programa. Importante din na mayroong active account number ang kwalipikadong beneficiaries ng Project-EASE na nakapangalan sa kanila para sa pagtanggap ng nasabing remittance kada taon.




©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, September 15, 2020

ALAMIN: Sino-Sino ang Makakatanggap ng Tulong sa Ilalim ng Bayanihan 2





Nasa P165.5 Billion ang pondong napapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2  na gagamitin ng gobyerno laban pandemyang dulot ng coronavirus disease o Covid-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang maitutulong ng Bayanihan II sa muling pagbubukas ng ekonomiya, suporta sa mga negosyo at muling pagpapalago ng mga ito sa harap ng krisis.

Bahagi ng stimulus plan ang P140 billion na halaga ng regular appropriations at dagdag na standby fund na P25.5 billion.

Ngunit, saan ba mapupunta o sino-sino ang makikinabang sa ganito kalaking halaga ng pera?


Ads


Ayon sa batas, mapupunta sa mga sumusunod ang nasabing pondo!
  • P3 billion ang mapupunta sa Department of Health para sa dagdag na mga face mask, personal protective equipment, shoe covers, at face shields habang P13.5 billion ang inilaan para sa emergency employment at compensation ng mga health workers.
  • P4.5 billion ang mapupunta sa construction ng mga temporary isolation, quarantine facilities, at pagpapalapad ng mga kasalukuyang public hospitals.
  • P4.5 billion sa Department of National Defense bilang gastos sa pag-isolate at pagpapagamot ng mga bumabalik na overseas Filipino workers na nag-positibo sa Covid-19. P820 million sa Department of Foreign Affairs para sa repatriation efforts.
  • P13 billion ang gagamitin sa pagtulong sa mga displaced workers sa pamamagitan ng cash-for-work at iba pang uri ng tulong habang P6 billion sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang cash assistance sa mga lugar na isinailalim sa lockdown.
  • P5 billion ang inilaan sa pag-hire at training ng nasa 50,000 na mga contact tracers.
  • P10 billion bilang standby fund para sa Covid-19 testing at pagbili ng mga COVID-19 medicines at vaccines sakaling mayroon nang ma-develop.

Ads

Sponsored Links

Listahan ng ibang sektor na makakatanggap din ng pondo sa ilalim ng Bayanihan II
  • P39.472 billion bilang capital infusion sa mga government banks upang makapagbigay ang mga ito ng mas maraming loans, lalo na sa mga maliliit na negosyo.
  • P24 billion bilang assistance sa mga magsasaka at sa Plant, Plant, Plant initiative ng Department of Agriculture
  • P9.5 billion sa Department of Transportation upang matulungan ang mga negosyong labis na naapektuhan ng pandemya
  • P4.1 billion para sa tourism industry na kinabibilangan ng P100 million para sa training at subsidiya sa mga tour guides
  • P4 billion para sa Department of Education para sa implementasyon ng blended learning
  • P3 billion para sa development ng mga smart campuses sa buong bansa
  • P2 billion bilang pambayad sa mga interest ng local government loans mula sa mga state-run banks
  • P1.5 billion bilang assistance sa mga local government units
  • P1 billion para sa scholarship ng TESDA
  • P600 million bilang subsidies at allowance sa mga estudyanteng labis na naapektuhan ng pandemya
  • P300 million bilang subsidies at allowance ng mga teaching at non-teaching personnel, at part-time faculty ng mga state universities at colleges
  • P180 million bilang allowance para sa mga national athletes at coaches
  • P15 million para sa UP Diliman’s Computational Research Laboratory
  • P10 million bilang research fund ng Health Technology Assessment Council
  • P2.5 million para sa computer-based licensure ng Philippine Red Cross.

©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, September 14, 2020

Mga estudyante, maaari nang maka-utang ng hanggang P150K sa LandBank




Another good news para sa mga estudyanteng gustong magpatuloy sa kanilang pag-aaral ngunit kulang sa pinansiyal. Inilunsad na ng Land Bank of the Philippines ang educational loan program nito kung saan maaring maka-utang ng hanggang sa P150,000 ang isang estudyante sa pamamagitan ng kanilang mga magulang o guardians.

Tinatawag na Interim Students' Loan for Tuition toward Upliftment of Education for the Development of the Youth o i-STUDY ang programa kung saan pinapayagang maka-loan ang mga borrowers ng halagang katumbas ng isa o dalawang semesters.

"This program will not only help families who have kids they want to send to school, but will also assist private schools and downstream industries to sustain and continue their operations," ang naging pahayag ni LandBank president and chief executive officer Cecilia Borromeo.


Ads


Ayon sa LandBank, P150,000 ang maximum loan amount per student at hindi lalagpas sa P300,000 per borrower.

Nasa 5% naman ang interest rate per annum at fixed ito sa kabuuang term. May penalties naman itong 24% per annum.

Para sa loan tenors, pinapayagan naman ng LandBank ang short-term loan na payable sa loob ng isang taon sa pamamagitan ng 360-day promissory note. Pinapayagan din ng bangko ang term loan na payable hanggang tatlong taon.

Lump sum ang pagbibigay ng loan na direktang mapupunta sa account ng paaralan.


Ads

Sponsored Links



Sino ang Eligible Borrowers?

Parents, Guardians o Benefactors

Ano ang mga Eligibility Criteria

1. Parents, Guardian/Benefactors
  • Filipino Citizen of legal age and with established repayment capacity
  • A co-borrower shall be required if the principal borrower is more than 60 years old and/or with no established repayment capacity
  • Must have established credit history and good credit standing. The Lending Units (LUs) shall check the borrower's historical two (2) months of card payments/billings, utility billings if updated prior to COVID-19
  • Must be a permanent resident/has resided with minimum two (2) years in area of residence
  • Must have a combined monthly net take home pay (after loan amortization) of P20,000, per enrolled student.
2. Co-borrower
  • Not be more than 60 years old and Filipino Citizen;
  • With good credit standing and must have established repayment capacity, as evidenced by Certificate of Employment Employment Contract (if employed), Business Permit (if Self-employed), among others
  • Must be a permanent resident/has resided with minimum two (2) years in area of residence
3. Students
  • Filipino Citizen
  • Not over 30 years old at the time of application
  • Incoming student who are qualified under the admission and retention requirements of school or technical vocational institutions recognized/accredited by CHED/TESDA/DepEd
  • Not a current beneficiary of the Universal Access for Quality Tertiary Education Act of 2017 (R.A. 10931) or any scholarship program or of any privilege having free tuition fees as honor student
  • Of good moral character as certified by school
Ano ang Eligible Purpose ng loan?

Finance tuition/enrollment-related fees


Ano ang mga Documentary Requirements?

PRE-PROCESSING

For parents, guardians/benefactors/co-borrower:
  • Duly accomplished loan application form
  • For salaried individuals:
  • Certificate of Employment/Contract of Employment;
  • Copy of three (3) months latest pay slip;
  • Latest BIR-filed Income Tax Return
For Self-employed:
  • Copy of Business Permit
  • Latest BIR filed Income Tax Return
  • Valid Government-issued ID
  • Proof of billing address and payment record from at least two (2) utility/service companies
                For Students
  • Admission slip/Enrollment Form with Student ID issued by an education institution or technical vocational institution (for incoming student) or proof of enrollment (present or latest enrollment or registration form for continuing student)
  • Form 138/Certified True Copy of Grades during previous semester attended
  • Certificate of Good Moral Character from the dean/guidance counselor or any authorized personnel from the school
  • Schedule of payment of school fees and other enrollment related expenses for the subject school semester or school year, as the case maybe, duly certified by the registrar or authorized personnel of the educational institution.
Note: Some documents need not be submitted if the same shall be provided by the school.

PRE-RELEASE
  • a. Opening of LANDBANK deposit account by the borrower where repayment of the loan shall be debited
  • b. Certificate of completion of academic requirements duly certified by the registrar or equivalent from previous school year or previous semester
  • c. Schedule of payment of school fees and other enrollment related fees for the current term duly certified by the registrar or authorized personnel of the institution
  • d. Duly received by the school, the Authority for LANDBANK to receive copies of documents from school related to the student's records
  • e. The borrower shall give its consent to disclose credit information to other banks, financial institutions, the Banker's Association of the Philippines Credit Bureau and other credit bureaus or institutions.
POST-RELEASE

A. No more than five (5) calendar days after completing the enrollment
  • Photocopy of validated Enrollment Assessment Form/ Registration Form and teller validated accomplished copy of the Bills Payment Slip
  • Valid student ID issued by the institution immediately within five (5) days from date of issuance (for the student)
  • Official Receipt/s as proof of payment of tuition fee, other enrollment related school fees
  • Authority to Debit Account
B. Within two (2) weeks from end of the term or as soon as available
  • Certificate of completion from educational institutions or equivalent document from technical-vocational institution duly certified by the registrar or equivalent
Saan maaaring mag-sumite ng loan application?

Ang lahat na student loan application na may kompletong required pre-loan processing documents ay maaring i-sumite sa pinakamalapit na LandBank Lending Center sa inyong lugar. Siguruhin din na sumailalim ito sa kompletong enrollment assessment ng paaralan.

Para sa dagdag na impormasyon, maaring bisitahin ang website ng LandBank sa link na ito —https://www.landbank.com/loans/business-loan/i-study


©2020 THOUGHTSKOTO

Hiring ng 50,000 Contact Tracers, Sinimulan na ng Gobyerno; Qualified Ka Ba?





MATAPOS pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang "Bayanihan to Recover as One Act" o Bayanihan 2 Law, agad na sinimulan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hiring at training ng hindi bababa sa 50,000 na contact tracers sa buong bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magiging “the game-changer in the country’s COVID-19 response" ang nasabing mga contact tracers"
"Again, we thank the President and Congress for allocating much-needed funds for our COVID response,” ayon kay Año.


Ads


Sinabi ng DILG na 20,000 contact tracers ang itatalaga sa Luzon, 15,000 sa Visayas at dagdag na 15,000 sa Mindanao na ia-assign sa iba't-ibang mga Contact Tracing Teams ng mga Local Government Units.

Sa ngayon, may 97, 400  na contact tracers sa buong bansa at makakamit umano nito ang target na 150,000 contact tracers sa pamamagitan ng dagdag na 50,000 na iha-hire.

“With the additional 50,000 contact tracers, we will now be able to meet the Magalong formula of tracing 37 close contacts of 1 COVID patient up to the 3rd degree,” dagdag pa ni Año.


Ads

Sponsored Links




Magkano ang sahod ng isang contact tracer?

Sa ilalim ng draft guidlines ng DILG, sasahod ng minimum na P18, 784 per month ang isang contact tracers sa ilalim ng contract-of-service status.

Ano ang mga responsibilidad ng mga contact tracers?
  • Magsasagawa ng interviews, profiling at initial public health risk assessment sa kaso ng Covid-19 at mag identify sa close contacts ng mga ito
  • Mag-refer ng mga close contacts sa mga isolation facilities
  • Magsasagawa ng mas pina-igting na contact tracing sa tulong ng iba pang ahensiya at pribadong sektor
  • Magsasagawa ng daily monitoring sa mga close at general contact sa loob ng 14 na araw
  • Magsasagawa ng iba pang trabaho na may kaugnayan sa Covid-19 response

Sino ang qualified na mag-apply bilang contact tracers?
  • Kinakailangang may Bachelor's degree o college level sa allied medical course o criminology course
  • Dapat may kasanayan o skills sa data gathering, research at documentation
  • May kapasidad sa pagsasagawa ng interview sa Covid-19 cases at mga close contacts nito upang makakuha ng datus
  • May kakayahang itaguyod ang public health education messages
  • May kakayahan at handang magsagawa ng research and investigation

Saan isusumite ang Application Letter?

Maaaring mag-sumite ng application sa DILG Provicial Offices o City Field Office nationwide o sa DILG  websites. Kasama sa kailangang isumite ay ang mga sumusunod;

  • Letter of Intent
  • Personal Data Sheet
  • NBI Clearance
  • Drug Test Result
  • Diploma

Dagdag pa ng DILG na magiging prioridad sa hiring sakaling kwalipikado ang mga contractual personnel na hindi na-renew sa kanilang mga trabaho, mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga local employees na na-terminate sa trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o Covid-19.



©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, September 12, 2020

Paalala ng DOH: 'Wag Pigiling Lumabas ng Ospital ang mga Pasyenteng 'Di Makakabayad ng Bill




DAHIL sa krisis dulot ng coronavirus 2019 o Covid-19, mas nagiging mahirap ang buhay ng mga tao, lalo na ng mga mahihirap. Dahil dito, muling pina-alalahanan ngayon ng Department of Health o DOH ang mga ospital sa buong bansa na hindi nila maaring pigilin ang paglabas ng isang pasyente na kulang ang pambayad o wala pang maipambayad sa kanilang hospital bills.

Sa isang panayam, inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bawal ang hospital dentention sa ilalim ng Republic Act 9439 o Anti-Hospital Detention Act.


Sa ilalim ng Republic Act 9349, maaring pagmultahin ng hanggang P50, o kaya ay makulong ng hanggang anim na buwan ang sinumang opisyal o empleyado ng isang medical facility na mapapatunayang nanggipit ng isang pasyenteng hindi kayang barayan ang hospital bill. 

Ads


Una rito nakatanggap ang DOH ng mga impormasyon ukol sa isang pribadong ospital na nag-detain ng isang pasyente na walang maibayad sa kanyang hospital bill.

Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na obligado pa rin ang pasyenteng magbayad ng kanilang bill kung kaya't kinakailangan nitong mag-iwan ng dokumento o identification card sa ospital upang matiyak na hindi nila tatakbuhan ang kanilang obligasyon.


“Bawal po tayo mag-detain ng ating pasyente because they cannot pay as of this time. Alam niyo naman ang mga ospital ay entities din po ang mga ito na gumagastos and they need din po na mabayaran sila,” ang pahayag ni Vergeire.

“Although hindi tamang nagde-detain ng pasyente pero kailangan ang pasyente o ang pamilya ay makapag-iwan ng katunayan na babalik ka,” dagdag pa niya.
Ads

Sponsored Links


Ang maaari aniyang gawin ng pasyente ay gumawa ng sulat o promissory note para sa pagsasa-ayos ng bayarin. “They can leave a promissory note with the promise of course that they can pay in installment kung kailangan,” ani Vergeire.

Hindi rin umano maaring i-refer ang isang pasyente o kaanak nito sa isang lending facility para makakuha ng loan na pambayad sa ospital.
“It is also not a good practice that hospitals will be directing patients to lending facilities and all. Ang kailangan lang po that is acceptable, humihinigi lang po sila ng ID na iiwanan nila or something than can be tracked pa rin ang pasyente,” dagdag pa niya.


Paalala rin ng DOH na dapat maayos ang usapan at walang magigipit sa ganitong sitwasyon.

“It is an internal arrangement between the hospitals and patients. Una, kailangan din natin intindihin ang side ng hospital mayroon kasing naiwan na pera na hindi mababayaran,” ani Vergeire.

Kung nakaranas ng panggigipit sa mga ospital, maaaring maghain ng reklamo sa Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng DOH upang maimbestigahan ang isyu.


Nangyayari ang hospital detention sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • The patient who is partially or fully recovered has expressed his/ her intention to leave the hospital or medical clinic, or the attending physician has issued a discharge order
  • The patient is not confined in a private room and is financially incapable to settle in part or in full the corresponding hospital bills or medical expenses/ hospitalization expenses
  • Patient has executed a promissory note covering the unpaid hospital bills or medical expenses/ hospitalization expenses
  • The officer or employee of the hospital or medical clinic responsible for releasing the patient has restrained him from leaving the hospital premises.
Ano ang penalty sa mga lalabag?

Mapaparusahan ng multang hindi bababa sa P20,000 ngunit hindi naman hihigit sa P50,000 ang sinomang opisyal o empleyado ng ospital o medical clinic na responsable sa pagpapalabas ng mga pasyente sakaling mapatunayang nilabag nito ang Republic Act No. 9439.
Maliban sa multa, maari din itong makulong mula isa hanggang anim na buwan.


©2020 THOUGHTSKOTO