Nung kinakausap ko sila "Dong" at "Jojo" kahapon, parang natatakot sila na nahihiya, para akong CIA na nagtatanong, nakashades kasi at nasa loob ng sasakyan, kaya bumaba ako habang nilalabas ni Dong ang kanyang mga paninda. Akala ko kasi baka mga takas o walang sahod na mga Kabayan na nagtitiis kahit nakabilad sa araw, nais ko lang sana matulungan, pero maayos naman ang trabaho maliit nga lang talaga ang sahod kaya lalo akong humanga sa kanilang sipag, tiyaga at pagtitiis.
Nakalimutan kong tanungin kung maayos ba ang pasahuran at hindi delayed kahit na sobrang baba lang ang kanilang sahod.
May kakilala rin ako si Roel, kaibigan namin ni Mrs. Thoughtskoto, ganyan na ganyan ang trabaho at sahod, nagpapart-time naman, masahista sa mga Pinoy dito na pagod sa trabaho.
Kanya-kanyang pakikipagsapalaran sa abroad. Kanya-kanyang diskarte para sa pamilya. Bawat OFW ay may kwento. Sikapin nating pakinggan ito, may matutunan tayong aral, at magsisilbing gabay kahit saan ka man, sa Pinas or sa ibang bansa.

Natutuwa tayo na ang ating munting larawan sa ibaba ay naging viral, bilang pagpupugay sa dalawang OFW na nagsasalamin ng buhay sa abroad, maliit ang sahod, nagtitiis at hindi nahihiyang gumawa ng marangal na trabaho para matustusan ang paliit na paliit ng kitang pinapadala sa pamilya.
Umabot na ito sa kasalukuyan ng 3,150 LIKES, 2,162 SHARES at 462 COMMENTS. Sa kay Dong at Jojo, magkikita pa tayong muli. Marami na tayong ginawang graphics at images na naging viral, ang iba umabot pa nga sa 60,000 Shares sa ating pages at groups pero ito ang image na pinagmamalaki ko, ang positive na bagay kung paano ang buhay OFW ay hindi madali pero alang-alang sa pamilya, pangarap at sipag at tiyaga ay nagiging inspirasyon para umangat sa buhay o umahon sa hirap.
Halos lahat ng mga comment ay nagpupugay sa ating mga bayaning Pinoy, at nagpaparinig sa mga mahal sa buhay sa Pinas na ingatan at pahalagahan ang perang pinapadala ng mga OFW.
Muli, salamat sa mga naglike, nagshare at nagcomment!

KWENTO NG DISKARTE SA ABROAD mula sa Facebook page ng Thoughtskoto
Siya si “Dong”, porter daw sila sa agency na nagdedeliver ng mga goods at bigas sa hospital, at ang nakatalikod na si "Jojo", ang kanyang kasama sa trabaho at kasosyo sa pagtitinda ng tuyo na mga isda kagaya ng dilis, sapsap at pusit sa kanto ng Balad sa Jeddah, KSA.
SAR600 lang ang sahod nila, katumbas ng P6,000 sa atin kaya napipilitan silang magtinda para may kaunting kikitain pampadala sa pamilya.
Nalungkot ako na doble sa triple ang sahod ko sa sinasahod nila pero halos garalgal ang boses kong nasambit na hinahangaan ko sila, na kahit sa gitna sila ng init ng Saudi, at sa gilid ng daan at paradahan, sila ay hindi nahihiyang kumita sa malinis na paraan.
Hindi po minimina ang pera sa abroad, bawat OFW may kwento kung paano nakikipagsapalaran at dumidiskarte sa buhay dito sa ibang bansa, sa gitna ng lungkot at pagtitiis. Ito ay halimbawa ng marangal na diskarte at hinahangaan natin ang mga kababayang ito.

©2013 THOUGHTSKOTO