Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, April 28, 2014

12 FILIPINO NURSES ARE INFECTED WITH MERS CoV!


Kung may mga kaibigan at kakilala kayo na nagwowork sa mga hospital na nabanggit, please follow up on them at PAKISHARE. Let us offer prayers for our kababayans.

According to the Ministry of Health website, there are 339 Novel Corona Virus cases and 102 deaths in the Kingdom of Saudi Arabia. 





We really hope and pray that with the coming of the WHO experts here and some pharmaceutical companies, a vaccine will be develop so this will be over soon. 

A total of 12 Filipino nurses and a pharmacist as per our counting and according to MOH website news releases are infected with MERS Corona Virus. Some of them though has not developed any symptoms, and some status are stable and that is reassuring and calming. 


In Tabuk

1.    A  26-year-old Filipina female nurse, working at Prince Fahad bin Sultan Private Hospital. She has been in contact with a confirmed case, but she hasn’t developed any symptoms.

2.    A 24-year-old Filipina female nurse, working at Prince Fahad bin Sultan Private Hospital. She has been in contact with a confirmed case, but she hasn’t developed any symptoms.

3.    A 46-year-old Filipina female nurse, working at Prince Fahad bin Sultan Private Hospital. She has been in contact with a confirmed case, but she hasn’t developed any symptoms.

4.    A 37-year-old Filipina male nurse, working at Prince Fahad bin Sultan Private Hospital. He has been in contact with a confirmed case, but he hasn’t developed any symptoms.

 In Jeddah

1.    A 42-year-old Filipina female nurse. She has developed respiratory symptoms on 20th April, 2014. Then, she has been admitted to the Military Hospital in Jeddah on 22nd April, 2014. Now, her health status is stable.

2.    A 54-year-old -year-old Filipina female nurse, working at King Fahad Hospital. She has developed respiratory symptoms on 24th April, 2014. Now , her health status is stable.


In Riyadh

1.    A 38-year-old female Filipina pharmacist. She has been admitted to King Fahad Medical City on 22nd April, 2014, suffering from respiratory symptoms. Now, she is at IC unit, receiving the proper treatment, May Allah grant him speedy recovery.

2.    A 28-year-old female Filipina nurse, working at Dr. Sulaiman Al-Habib Hospital in Riyadh, but she hasn’t developed any symptoms.

3.    A 40-year-old female Filipina nurse, working at the Cardiac Section in the Military Hospital, who is in contact with a confirmed case, but she hasn’t developed any symptoms.

In Makkah

1.    A 40-year-old female Filipina nurse, working at Al-Noor Hospital. She has been in contact with a confirmed case, but she hasn’t developed any symptoms.

2.    A 30-year-old male Filipina nurse, working at the IC unit in the Al-Noor Hospital. He has been in contact with a confirmed case, and developed mild respiratory symptoms on 22nd  April, 2014. Now, His health status is stable.

3.    A 34-year-old female Filipina nurse, working at the IC unit in the Al-Noor Hospital. She has been in contact with a confirmed case, and developed respiratory symptoms on 21st April, 2014. Now, she is receiving the proper treatment at the hospital and her health status is stable.

Infographics Courtesy of HAAD


©2014 THOUGHTSKOTO

Saturday, April 26, 2014

Tatlong Pinoy Nurses sa Saudi Arabia, Apektado ng MERS CORONA VIRUS!


Sadyang nakakabahala na ang mga nangyayari sa bansang Saudi Arabia at mga karatig-bansa sa Middle East dahil sa MERS Corona Virus at ang matinding pagtaas ng bilang ng mga apektado nitong mga nakaraang araw lamang.

Ngayong araw, nasa 313 na ang apektado at umabot na sa 92 ang bilang ng mga namatay na apektado ng MERS, at nasa 4 ang namatay sa loob lamang ng 24 oras. 

We are hoping, praying na magkaroon na po ng vaccine at masugpo sa lalong madaling panahon ang nakakadismayang virus na ito. Hinihikayat namin ang lahat ng mga kababayan lalo na ang mga nagtratrabaho sa hospital, at medical sector na maging maingat at malinis para maiwasang mahawa ng sakit na ito. 

Alam namin na sinisikap ng Saudi Arabia ang lahat para magawan ng paraan na matigil ang pagkalat nito. Hinahangaan namin ang ating mga dakilang nurses na nakasalang sa mga hospitals saan mang panig ng mundo lalo na dito sa Middle East at sa bansang Saudi Arabia.
Courtesy of F.Resma for the photo. A Filipina nurse wearing a hospital protective suit.


Pinakamataas na bilang ng kaso at pagkamatay ay mula sa Riyadh, Jeddah, Al Ahsa, Dammam, Hafir Al Batin, Asir, Madinah, Al Jouf, Qassim at meron din daw sa Qatif, at mga apektado sa mga sumusunod na mga hospitals posted sa website ng Ministry of Health ng Saudi Arabia

MOH Hospitals - 103
Ministry of Defense - 46
National Guard Hospitals - 30
Security Forces Hospital - 6
Saudi Aramco Hospital - 14
Private Hospitals - 26
University hospitals - 6
King Faisal Specialist in Riyadh and Jeddah - 13

توزيع حالات (كورونا) حسب القطاعات الصحية من سبتمبر 2012 حتى 20 أبريل 2014م.JPG
Posted sa website ng MOH noong April 24th ay ang mga sumusunod na kaso.

Prince Sultan Military Medical City in Riyadh ​
  • Two stable Saudi male cases
  • One case of a female nurse with no symptoms
Security Forces Hospital in Riyadh​
One Saudi critical male case
King Saud Chest Diseases Hospital in Riyadh​One Saudi stable male case
King Fahad Hospital in Jeddah ​One stable case of a male intern, and another critical Saudi male case
King Saud Hospital in Jeddah 
One critical case of a female resident
Bakhsh Hospital in Jeddah ​One critical case of a male resident, and another stable case of a male resident
United Doctors Hospital in Jeddah  ​
 One critical case of a male resident
Al-Noor Hospital in Makkah One stable case of a female nurse​
Also Ohud Hospital in Madinah


Ayun sa ArabNews, tatlong mga Pinoy nurses ang apektado ng MERS Corona Virus. 
Isang 28 na taong gulang na babaeng nurse na nagtratrabaho sa Dr. Sulaiman Al Habib Hospital sa Riyadh, at dalawang nurses na nagtratrabaho sa Al Noor Hospital sa Makkah.

"Of the nurses who have contacted the virus, one was a 28-year-old female Filipino working at Dr. Sulaiman Al-Habib Hospital in Riyadh, but the bulletin said she hasn’t developed any symptoms.
Two other Filipino nurses, both working at Al-Noor Hospital in Makkah, also contacted the virus. One was a 40-year-old female who has been in contact with a confirmed case, but hasn’t developed any symptoms. The other was a 30-year-old male, also in contact with a confirmed case, and developed mild respiratory symptoms , but whose health status is stable."



©2014 THOUGHTSKOTO

Friday, April 25, 2014

The Videos is Hilariously Funny and Burj Khalifa Famous Pinnacle Base Jump



I can't help it. I admire the ladies who despite their fall, still manage to maintain their poise. But I cried laughing.


Funny Video.












©2014 THOUGHTSKOTO

Sunday, April 20, 2014

An OFW Died of MERS Corona Virus in Jeddah, Saudi Arabia?



Sa ulat ni Nash Maulana ng Inquirer Mindanao, isang OFW galing ng Mindanao na nagtratrabaho na ng limang taon sa Saudi Arabia ang namatay at ang dahilan daw ng ikinamatay ay ang nakakatakot na MERS Corona Virus o Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus. Ayon sa ama ni Husna, na dinala anak niya na OFW sa King Fahd Hospital sa Jeddah noon at namatay doon noong April 12, 2014. 


Sabi ng ama ni Husna ayon sa mga balita ng mga kamag-anak nila na nasa Jeddah na nagkaroon ng flu-like symptoms si Husna bago dinala sa King Fahd Hospital ngunit namatay siya pagkalipas ng ilang araw. Hindi na raw pinauwi ang mga labi dahil ipinagbabawal ayon sa “quarantine restrictions”


Kung totoo ang balitang ito, isang OFW sa UAE ang namatay dahil dito at ito ang isa pa sa Saudi Arabia.
May mga bagay na nais kung itanong kong may mga informational drive po ba, at may mga Tagalog posters and graphics ads na pinapakalat ang ating mga Embassies at Consulates sa UAE at KSA para sa mga kababayang OFW upang maging aware, mapalawak ang kaalaman kung paano maiwasan ang parang lumalalang sitwasyon na ito. 

Para sa mga detalye ukol sa sakit na ito. Basahin dito para sa ating kaalaman


ANO NGA BA ANG MERS CORONA VIRUS? BASAHIN ANG DETALYE DITO. PAGLILINAW SA NAKAKAMATAY NA SAKIT NA MERS CORONA VIRUS



COTABATO CITY, Philippines – An overseas Filipino worker from Maguindanao, who had worked in Saudi Arabia about five years already, recently died of suspected Middle Eastern Respiratory Syndrome-Coronavirus (Mers-CoV), the family said here.

Tidting Khalifa of Matanog, Maguindanao, said her 44-year old daughter, Husna, had been taken to the King Fahd Hospital in Jeddah and died there on April 12.

Husna, he said, had been in Saudi Arabia since 2009, on an assumed passport belonging to a Norisa Naing.
“It was given to her by her recruiter,” he said, without identifying the recruiter.
Khalifa, quoting information the family got from sources – including other relatives working in Jeddah — said his daughter had suffered from flu-like symptoms before being taken to the King Fahd hospital.
But she died a few days later.

Her remains were buried there due to quarantine restrictions, he said.
Mers-CoV has been giving Saudi health authorities a serious headache since first discovered there in 2012.
Victims suffering from Mers-CoV develop severe acute respiratory illness such as fever, cough, and shortness of breath. About 50 percent of the 206 victims diagnosed with the viral disease had died, the Saudi Ministry of Health said.










©2014 THOUGHTSKOTO

Wednesday, April 16, 2014

TIPS ON HOW TO AVOID GETTING INFECTED BY THE MERS CORONA VIRUS



 Country with Cases of MERS CORONA VIRUS
April 2012 to Present


Saudi Arabia

United Arab Emirates (UAE)

MALAYSIA

YEMEN

PHILIPPINES (OFW from UAE)

France, Italy

Jordan, Kuwait, Oman

Qatar

Tunisia

United Kingdom (UK)


The World Health Organization said it has been informed of 238 confirmed cases globally, including 92 deaths, since September 2012.
Click the image. 
PAGLILINAW SA NAKAKAMATAY NA SAKIT NA MERS CORONA VIRUS
Image from google.com




PAANO NAHAHAWA O NAGTRATRANSMIT ANG MERS CORONA VIRUS

Ayun sa limitadong impormasyon na alam natin base sa ating pagbabasa at research, hindi pa alam kung paano nalilipat ang virus na MERS mula sa isang tao pero maaring kagaya ng SARS:

* NALILIPAT SA ISANG TAO SA PAMAMAGITAN NG PAG-UBO o PAGBAHIN
(Transmission through respiratory droplets, via sneezing or coughing)
* Hindi diretsahang paglipat sa pamamagitan ng paghawak ng mga bagay o gamit na contaminated ng virus at pagkatapos ay nalilipat sa pamamagitan ng bunganga, ilong o mata.
* Diretsahang contact sa pasyente o maysakit ng MERS CORONA VIRUS

Image from rawstory.com



TIPS ON HOW TO SOMEHOW AVOID GETTING INFECTED BY THE MERS CORONA VIRUS


• Magsuot ng mask kung kinakailangan lalo na sa matataong lugar at pampublikong mga lugar.


• Gumamit ng Disinfectant Alcohol, Sanitizers, at ibang mga bagay na makakapatay ng mikrobyo.


• Maghugas ng kamay bago kumain at kapag humawak ng mga bagay na nahahawakan ng karamihang tao kagaya ng doors, elevators, at iba pa.



• Kung kinakailangan, iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig dahil naililipat ng mga maduduming kamay ang virus papasok sa ating katawan.



• Kapag bumabahing, gumamit ng tissue, panyo at iwasang bumahing sa dalawang kamay, bumahing sa braso o siko para di malagyan ng virus ang mga kamay.



• Iwasang makihalubilo sa mga taong maysakit.



• Uminom ng immune system boosters o vitamins, pampalakas ng resistansiya, kumain ng mga prutas at gulay at higit sa lahat wag magpuyat 
Magbigay ng sapat na pahinga sa katawan para lumakas ang resistensiya sa virus.









©2014 THOUGHTSKOTO

Thursday, April 10, 2014

P600, One Week Summer Kiddie Crew Workshop at McDonalds


"McDonald's Kiddie CREW Workshop"

Alam mo bang sa halagang P600.00 ay makakasali na ang inyong anak sa isang linggong Kiddie Crew Workshop ng McDonalds?

Ang Registration Period ay nagsimula noong February 14 to April 30, 2014
Registration Venue: All participating McDonald’s stores, tingnan ang mga listahan ng mga participating stores dito.  




Ang Registration Fee ay nagkakahalaga ng PHP 595.00 – P650.00 depende sa lokasyon.
Kasama na sa registration fee ang McDo shirt, cap, bag, artwork materials, pins/badges at the end of every activity, certificate, and meals for 5 days
Plus may Php 500.00 McCelebrations Gift Certificate to be given during Grand Graduation
Workshop Period

Ito ang mga week kung kalian magsisimula ang workshop ng mga bata.
(Confirm your child’s schedule with the store):
Week 1: March 24 to 28
Week 2: March 31 to April 4
Week 3: April 7 to 11
Week 4: April 21 to 25
Week 5: April 28 to May 2
Week 6: May 5 to 9
Week 7: May 12 to 16
Week 8: May 19 to 23
Week 9: May 26 to 30
Workshop Schedules (Schedule per store will depend on the number of registrants):
8:00am to 10:00am
1:30pm to 3:30pm
4:00pm to 6:00pm
Workshop Activities:
Ang mga itinuturo ay ang mga sumusunod, Values formation lecture: Teamwork, handwork, discipline, sharing
Tuturuan din ang mga bata ng On-the-floor training: front counter, drive-thru, lobby
Workshops: Apron Making, Burger Making, Talent Workshop, Jazz-Up Hat
Song and Dance: Kiddie Crew Theme Song, Do-the-Ronald, Dance Exercise

Parents’ Orientation: Starting March 22 (Please confirm final schedule with the store)
Grand Graduation:
A fun-filled day with music, meals, and booth activities for the whole family! Plus, a raffle draw for all Kiddie Crew graduates!
The whole family is invited. For only PHP 75.00 per person, any family member can join the fun with a free meal. All Kiddie Crew participants will also get a McCelebrations Gift Certificate worth PHP 500.00 that they can use within the year!
Grand Graduation Calendar :
May 3 – Laguna
May 10 – Pampanga
May 14 – Bacolod
May 17 – Cagayan de Oro
May 21 – Davao
May 24 – Cebu
May 31 to June 1 – Manila

Kaya mga kabayan, sali na, magparegister na sa pinakamalapit na McDonalds sa inyong lugar!

©2014 THOUGHTSKOTO

Tuesday, April 08, 2014

Paglilinaw sa Nakakamatay na Sakit na MERS Corona Virus

(Updated)

Tanong: Ano ang MERS ?




S: Ang MERS ay Middle East Respiratory Syndrome ( MERS ) ay isang viral na sakit sa paghinga . Ang MERS ay sanhi ng isang coronavirus tinatawag na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus " ( MERS - CoV ).



Graphics courtesy of KSA MOH

Q: Ano ang MERS - CoV?

S: MERS - CoV ay isang beta na coronavirus . Ito ay unang iniulat noong 2012 sa Saudi Arabia . Kakaiba ang virus na ito dahil bago pa lang na natagpuan at hindi pa nangyari sa mga tao noon kaya di pa alam ang lunas.

T: Anong mga Bansa ang nakumpirmang may MERS Cases?

April 2012 - present

France
Italy
Jordan
Kuwait
Oman
Qatar
Saudi Arabia
Tunisia
United Kingdom (UK)
United Arab Emirates (UAE)
Para sa impormasyon tungkol sa mga kaso at pagkamatay ayon sa bansa , click lang ang Web Site ng World Health Organization (WHO) dito

T: Ang MERS - CoV ba ay kapareho ng SARS virus?

S: Hindi. Ang MERS - CoV ay hindi katulad ng coronavirus na severe acute respiratory syndrome (SARS) noong 2003 . Gayunpaman , tulad ng SARS virus , ang MERS - CoV ay pinaka- katulad sa coronaviruses na natagpuan sa mga paniki o bats . Pinag-aaralan pa rin ng mga dalubhasa ang tungkol sa MERS .

T: Ano ang mga sintomas ng MERS ?

S: Karamihan sa mga tao na nakakuha o nahawaan ng MERS – CoV ay may mga sintomas ng mataas na lagnat, ubo, at mahirap at maigsing paghinga o shortness of breath. Halos kalahati ng mga apektado nito ay namatay. 
"Flu-like symptoms, respiratory and lung infections, coughing, fever, shortness of breath and pneumonia.French scientists warn that those with underlying medical conditions  — especially respiratory ailments — could be at a greater risk."

Q: Ang MERS ba ay kumakalat sa hangin o nagkakahawaan ang tao sa tao?

S: Ang MERS - CoV ay sinasabing nagkakahawaan kung ang isang tao ay may close o malapitang contact sa isang biktima ng MERS. Halos ang naglalabasang balita ay ang mga healthcare personnel ay nahawa ng apektadong pasyente na may MERS sa pamamagitan ng hangin via respiratory droplets o mga sneezing at pag-ubo ng isang apektado na maaring nalanghap ng isang tao. Kapag gumamit ng palikuran, hospital elevators o mga pampublikong sasakyan, gumamit ng sanitizer, maging maingat at malinis, at kung maari, magdisinfect sa loob ng kwarto. Patuloy pa ring pinag-aaralan ang kaso ng kakaiba at nakakamatay na sakit na ito.

T: Ano ang pinagmulan ng MERS - CoV ?


S: Maliban sa tao, maaring ang pinagmulan din daw ng MERS ay mga hayup at paniki.


T: Nakakabahala ba ang MERS?


S: Oo nakakabahala ang MERS-CoV. Karamihan sa mga tao na napatunayang may MERS at may impeksyon ay may malubhang karamdaman sa paghinga. Posibleng kumalat ito sa maraming tao at mga bansa. Sa mga OFW na nasa Middle East, maaring madala ang sakit na ito sa Pilipinas at mahawa ang mga kamag-anak at kapamilya. Kaya ibayong pag-iingat para sa mga kababayang OFW lalo na ang mga nagtratrabaho sa mga hospitals.

Q: Maaari pa rin bang maglakbay o mag-apply ng trabaho sa mga bansa sa Middle East o kalapit na mga bansa kung saan naganap ang mga kaso MERS?

S: Oo . Kailangan lamang ang ibayong pag-iingat tulad ng paghuhugas ng kamay at pag-iwas ng contact na mga taong may sakit. Mas makakasegurado kung may mask na suot sa matataong lugar.

T: Paano ako maaaring makatulong na maprotektahan ang sarili ko na hindi mahawa sa sakit?

S: Pinapayuhan ang mga tao na sundin ang mga tip na ito upang makatulong na maiwasan ang sakit na MERS-CoV:
  1.      Hugasan ang iyong mga kamay ng mas madalas na may sabon at tubig ng 20 segundo, at gawin din sa mga bata. Kung walang sabon at tubig, gamitin ang isang sanitizer o alcohol para maghugas ng kamay.
  2.      Takpan ang iyong ilong at bibig ng tissue kapag ikaw ay umuubo o nagbabahin at pagkatapos itapon ang tissue sa basurahan.
  3.      Iwasan ang pagkakalikot o pagkukusot ng iyong mga mata, ilong, at bibig na hindi naglinis ng kamay .
  4.      Iwasan ang malapit ng contact, gaya ng halik , isahang paggamit ng baso, o pagshashare ng mga gamit sa pagkain at utensils lalo na sa may mga sakit na tao.
  5.       Maglinis at magdisinfect ng madalas sa mga hinawahakang bagay tulad ng mga laruan at doorknobs, elevators, at pampublikong sasakyan o taxi.

T : Mayroon bang bakuna laban sa MERS?

S: Walang bakuna laban sa MERS - CoV. Patuloy pang nag-iimbento ang mga dalubhasa  ng vaccine laban sa sakit na ito.



Graphics courtesy of KSA MOH

T : Ano ang mga lunas, gamot o treatment?

S: Walang mga tiyak na treatment na inirerekomenda para sa mga sakit na sanhi ng MERS - CoV . Patuloy pang pinag-aaralan ng mga dalubhasa ang sakit at lunas sa sakit na ito.

Tanong: Ilan na ang namatay o naapektuhan ng sakit na ito?

Sagot: Nasa 169 na ang naapektuhan ng sakit na MERS at nasa 68 na ang namatay. Isang OFW sa UAE ang naitalang namatay at may limang apektado na kasalukuyang ginagamot. Sa Jeddah, Riyadh at Eastern Province ng KSA ay may mga apektado na rin at kasalukuyang ginagamot ngunit wala pang OFW ang naiulat na namatay. 











Infographics from the Saudi Arabia Ministry of Health

CoronaVirus-Infographic-Final01En.jpg
Sources: http://news.msn.com/world/mers-coronavirus-what-you-need-to-know
http://www.cdc.gov/coronavirus/mers/faq.html

©2014 THOUGHTSKOTO