Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Covid-19 Pandemic. Show all posts
Showing posts with label Covid-19 Pandemic. Show all posts

Saturday, August 21, 2021

PhilHealth, may Covid-19 package na para sa mga naka-home quarantine!


MANILA, Philippines — SIMULA Setyembre 2, 2021, sasagutin na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHeath ang check-up at home kit ng mga miyembro na mag-popositibo sa coronavirus disease o Covid-19 na walang sintomas o asymptomatic at sa bahay na magpapagaling.

Ayon sa PhilHealth Circular 2021-0014, nagkakahalaga ng P5,900 ang package para sa mga PhilHealth member na nag-positibo sa Covid-19 na asymptomatic o mild lang ang sintomas at sa bahay lang magka-quarantine, pagkatapos dumaan as Barangay Health and Emergency Response Team o BHERTS. 

"Kung meron na, yun tatanggapin na sya ng provider, first consultation kailangan face to face tapos yung susunod virtual na... Inilagay na namin sa package ang home kits na may alcohol, pulse oximeter, thermometer, vitamins, oral rehydration," ani PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo. 



Ads


Narito ang PhilHealth Circular 2021-0014 o Covid-19 Home Isolation Package o CHIBP.



Ads

Sponsored Links



Nilinaw ng Philhealth na bukas lamang ang nabanggit na package sa mga lugar na idedeklara ng Inter-Agency Task Force o IATF na may surge o labis na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Mananatili naman ang ibang COVID-19 insurance package ng PhilHealth sa mga miyembrong makakaranas ng mild, moderate, severe, at critical na kaso ng COVID-19.

Ngunit ang mga kinakailangang gamot gaya ng pinabibiling remdesivir o tociluzimab ay sasagutin na ng pasyente.



©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, June 21, 2021

P18 Billion sa Bayanihan 2, 'di pa nagagamit ayon sa Palasyo




MANILA, Philippines — HINDI pa nagagamit ang nasa P18 billion na pondo para sa Covid-19 response ng Pilipinas sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Ang masaklap, nakatakdang mag-expire ang nabanggit na pondo sa katapusan ng buwan. Ito ang kinumperma ng palasyo ng Malacañang.

Ayon kay Malacañang Spokesman Harry Roque, umaabot sa P123.2 billion o 87.01% ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang nagamit.

"Tama po na mayroon pa tayong P18.4 billion or 13 percent na hindi pa nao-obligate," pahayag ni Roque sa isang press briefing. Hindi naman nito nilinaw kung bakit hindi nagamit ang natitirang pondo.


Ads



Una rito, isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda ang "special session" habang naka-recess ang Kongreso upang mapalawig ang validity ng Bayanihan 2.

Babala nito na kung matatapos na ang legislative funding sa Hunyo 30, matatapos na rin ang budget para sa Covid-19 contact tracers na kinuha sa ilalim ng Bayanihan 2.


Ayon naman kay Roque na tatanungin niya si Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapatawag ito ng special session o hindi.

"We respect po the wisdom of Congress dahil sila naman po talaga ang nagbibigay ng polisiya" saad ni Roque.

Ads

Sponsored Links



Una rito, nag-recess na ang Kongreso noong Hunyo 5 at babalik ang session sa Hulyo 26 kasabay ng ika-anim na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Sa Senado naman, hindi umano prioridad ang pagpasa ng Bayanihan 3.

Ayon kay Senate President Vicente "Tito" Sotto III na nais nilang unahin ang pagtalakay sa extention ng Bayanihan 2.

Sa ngayon, pending pa sa committee level ang kanilang bersiyon ng panukalang batas na may layuning palawigin ang validity ng Bayanihan 2. Tatalakayin umano nila ito sa pagbabalik ng session sa Hulyo 26.


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, April 16, 2021

'Ayuda' Soon? Pag-Aproba sa Bayanihan 3, Minamadali!




MANILA, Philippines - PLANO ngayon ng House of Representative na magsagawa ng special session para sa mabilis na pagpasa ng Bayanihan 3.

Ito'y upang masagot ang tulong na panawagan ng mga Filipino na apektado ng mga pinahabang lockdown lalo na sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Ayon kay House Deputy Speaker Mikee Romero, kasama sa kanilang agenda ang "fast-tracking" ng Bayanihan 3 at planong magsagawang special session upang agad na maipasa ang panukalang batas.


Ads


Dahil dito, inaasahan na sisimulan agad ng House of Representative ang deliberation ng Bayanihan 3 na magbibigay ng panibagong round ng tulong sa mga negosyong nagsara at cash assistance sa mga trabahante at low-income families na naapektuhan ng pandemya.

Inaasahan naman ng mga House leaders na agad na maipasa sa committee level ang panukalang batas at isasalang sa plenary debate sa pagbabalik ng session sa Mayo 17.


Ano ang napapaloob sa Bayanihan 3?

Napapaloob sa Bayanihan 3 o sa isinusulong na Bayanihan to Arise as One Act ang malaking tulong at stimulos bill na may layuning makatulong sa mga Filipino sa gitna ng pandemya.

May anim na panukalang batas na inihain sa House of Representatives ukol sa Bayanihan 3 na iniisa na sa ngayon.

Isa sa mga ito ang version na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco kung saan sa ilalim ng panukalang batas, gagamitin ang P420 billion na pondo bilang tulong sa mga negosyante, mahihirap na pamilya, agriculture workers, mga nawalan ng trabaho, mga guro, estudyante at mga naapektuhan ng bagyo.


Ads

Sponsored Links



Una rito, naantala ang pag-pasa ng nabanggit na panukalang batas dahil na rin sa agam-agam ng mga economic managers ng gobyerno kun saan kukunin ang pera bilang pondo sa nabanggit na mga programa.

Ngunit sa ngayon, nilinaw ni Velasco na bukas na umano ang mga economic managers at pinag-aaralan na ang posibleng funding sources para sa Bayanihan 3.

Sa Senado, dalawang panukalang batas naman ang inihain ukol sa large-scale aid distribution. Kabilang rito ang P485 billion na Bayanihan 3 bill na inihain ni Senator Ralph Recto at P335 billion naman na  "expanded stimulus package" bill ni Senator Manny Pacquiao. 


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, October 09, 2020

"No 13th Month Pay" sa Disyembre, Pinag-aaralan ng DOLE




ISA ang 13th month pay sa inaasahan ng maraming mga trabahanteng Pinoy pag-dating ng Disyembre. Malaking tulong ito bilang pang-regalo, panghanda sa Pasko at Bagong Taon, pambayad ng utang habang ang iba naman ay inilalaan ito sa savings.

Ngunit dahil sa coronavirus disease o Covid-19, may mga empleyadong posibleng hindi makakatanggap ng 13th month pay ngayong Disyembre.

Ito'y matapos kinumperma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinag-aaralan nila kung anong mga kompanya ang maaring i-exempt sa pagbabayad ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.


Ads


“Sa batas, may exemption of payment pagka ‘yong business establishment is characterized as distressed kaya we have to come up with an advisory to determine what is the meaning of a distressed company or distressed business establishment. Para ma-exempt sila from the payment,” ang naging pahayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.


“Pero sabi ko nga instead of going through that, why don’t we consult both labor and management, pag-usapan na lang nila na medyo mahirap ngayon ang panahon, ‘di kami kumikita baka naman pwedeng i-defer. To me that might be the more acceptable formula to address the issue,” dagdag pa ng opisyal.

Para magawa ito, nilinaw ng ni Bello na kailangang magpalabas ng advisory ang DOLE ukol sa mga kompanyang mako-konsiderang "distressed".

Ads


Sponsored Links



Ngunit ayon kay Bello, na "more acceptable" ang pagpapaliban sa pagbibigay ng 13th month pay. Posibleng mas papaboran umano ng mga negosyante ang pagpapaliban sa pagbabayad ng 13th month pay sa mga susunod na buwan.

Sa ngayon, pag-aaralan umano nila ang posibilidad na i-exempt ang mga micro, small and medium enterprises o MSMEs sa pagbibigay ng nasabing benipisyo. Samantala, required naman ang mga kompanyang may capitalization na P1 million pataas sa na magbigay ng 13th month pay.

“Pakiusapan natin ‘yong mga businessmen na one-time lang naman ito. Kung kaya ninyo ibigay, ibigay. Kung hindi, baka pwede I-postpone,” dagdag na pahayag ni Bello.


Ang 13th Month Pay ay mandatory benefit na ipinagkakaloob sa mga empleyado ayon sa Presidential Decree No. 851 na nag-uutos sa mga employers na magbigay ng 13th month sa lahat ng rank and file employees nito.


©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, September 05, 2020

OWWA, may tig-P10,000 na educational assistance sa mga anak ng mga OFWs na apektado ng COVID-19






Marami ang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease o Covid-19. Isa sa pinakanaapektuhan nito ay ang mga Overseas Filipino Workers o OFW. Ayon sa Department of Foreign Affairs, mahigit na sa 125,000 na mga OFWs ang napauwi dahil sa Covid-19 pandemic. May mga namatay na rin at na-stranded o hindi na nakabalik sa kani-kanilang mga trabaho dahil sa krisis na ito.

Dahil dito, isang educational assistance program para sa mga anak ng mga repatriated OFWs ang inilunsad ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Nasa P400 milyon ang pondo na inilaan ng ahensiya bilang educational assistance sa mga anak ng mga OFWs na napauwi dahil sa Covid-19 pandemic. Kukunin ang pondo mula sa budget ng OWWA at para lamang sa unang taon ng implementation ang kabuuang P400 million.


Ads


Paliwanag ni Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III, tinatawag na Project EASE ang programa o Educational Assistance through Scholarship in Emergencies. Sa ilalim ng programa, magbibigay ang OWWA ng P10,000 kada taon na hindi lalagpas sa apat na taon sa mga kwalipikadong dependents ng mga OFWs.

Layunin ng “Project EASE” na mabigyan ng educational assistance ang mga kwalipikadong college-level dependents ng mga member-OFW na naapektuhan ng Covid-19.

“True to its mandate of providing holistic programs and services to the OFWs and their families, the OWWA board has set aside funds to support the education of college-level dependents of active OWWA member-OFWs”, saad ni DOLE Secretary Bello.

“As the project title suggests, we intend to ease the impact of the pandemic on the lives of our dear OFWs”, dagdag pa nito.


Ads

Sponsored Links


Para maka-avail ng educational aid, importanteng active ang OWWA status ng isang OFW sa panahong napauwi o na-repatriate matapos ang deklarasyon ng outbreak noong Pebrero 1.

Kabilang sa mga eligible dependents ay ang mga anak nga kasado o single parent na OFW, gayundin ang mga kapatid ng single na overseas workers.
Hindi naman kasali sa programa ang mga beneficiaries na nakakuha na ng iba't-ibang schoolarship grants mula sa OWWA. Hindi rin pasok sa programa ang mga inactive OWWA members at mga undocumented OFWs.
Sa mga interesadong OWWA-member OFWs, maaring mag-apply online sa pamamagitan ng  http://ease.owwa.gov.ph o i-contact ang OWWA Regional Offices sa inyong lugar para sa dagdag na detalye.

Ang nasabing programa ay iba pa sa inihayag ni Pangulong Duterte na magbibigay ang gobyerno ng tig-P30,000 sa mga anak ng mga OFWs na naapektuhan ng kasalukuyang pandemya.

©2020 THOUGHTSKOTO