Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label COVID-19. Show all posts
Showing posts with label COVID-19. Show all posts

Tuesday, February 01, 2022

Naka-home quarantine dahil sa Covid-19, Maaari nang makapag-apply ng SSS Sickness Benefit!





MANILA, Philippines — DAHIL sa patuloy na paglaganap ng Covid-19 sa iba't-ibang bahagi ng bansa, tila hindi na maiiwasang hindi mahawa sa nabanggit na sakit. Ngunit kung ikaw ay bakunado, madalas hindi malala ang mga sintomas mo ngunit kinakailangan mo pa rin na sumailalim sa quarantine para hindi na makahawa sa iba o sa mismong pamilya.

Bad news man ang pagkakaroon o pag-positibo sa Covid-19, may good news naman ang Social Security System o SSS sa mga miyembro nitong sumasailalim sa home quarantine matapos nahawa sa Covid-19.

Ito'y dahil sakop na ng SSS Sickness Benefit Program ang mga Covid-infected workers na nasa home quarantine.

Ayon sa SSS, maaaring makakuha ng sickness benefit ang isang miyembrong hindi makapag-trabaho dahil sa sakit at na-confine sa ospital man o sa bahay ng hindi bababa sa apat na araw.

Maliban sa mga employed members, nagbibigay din ng sickness benefit ang SSS sa mga self-employed, voluntary at overseas Filipino workers o OFW members.

Ads


Ano ang SSS Sickness Benefit Program?

Ang SSS Sickness Benefit Program ay arawang cash allowance na ibinibayad sa bilang ng mga araw na hindi nakakapag-trabaho ang isang miyembro dahil sa sakit o injury, at kabilang na rito ang pagka-hawa sa Covid-19.

Ang isang SSS member ay maaaring maka-avail ng hindi hihigit sa 120 days sa sickness benefit sa loob ng isang taon.

Para sa isang miyembro na nag-positibo sa Covid-19 at naka-home quarantine, maaari itong ma-qualify sa programa kung nakapag-bayad ito ng hindi bababa sa tatlong buwanang contribution sa huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit. 

Kailangan din nitong ma-confine sa ospital o sa bahay sa loob ng hindi bababa sa apat na araw.

Sa mga employed members, kailangan din na naubos na ng mga ito ang kanilang kasalukuyang company sick leave with pay at naipalam sa kanilang employer ang pagkakasakit.

Sa mga self-employed, voluntary at OFW members at sa mga nahiwalay na sa kanilang trabaho, kinakailangan ng mga ito na ipa-alam ng direkta sa SSS ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pag-file ng sickness benefit application.

Ads

Sponsored Links



Narito ang mga dagdag na requirements:

Ang mga Covid-infected members ay kinakailangag mag-presenta ng positive Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test o Rapid Antigen Test o RAT na isinagawa ng Department of Health-accredited facility.

Maaari din na mag-presenta ng RAT result gamit ang Food and Drug Administration-approved test kit.

Sakaling non-FDA-approved RAT result ang gagamitin, kailangang i-presenta ito kasama ang Certificate of Completion of Quarantine na inisyu at nilagdaan ng Medical Officer mula sa local government unit o sa Barangay Health Emergency Response Team.




©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, October 07, 2021

Bakunado kana ba laban sa Covid-19? Sumali sa Bakunado Panalo Raffle ng DOH at Manalo ng P1M!




MANILA, Philippines — UPANG mahikayat ang karamihan na magpabakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19, hindi ngayon nagpahuli ang Department of Health o DOH sa mga pakulo gaya ng ginagawa ng ibang bansa.

Sa post ng DOH sa Facebook page nito, nakalagay na may tsansang manalo ang bakunadong individual mula P100,000 hanggang P1 million na cash sa “Resbakuna Bakunado Panalo” program.

Isang daang winner ang pipilin mula Oktubre hanggang Disyembre habang P1 million naman ang cash prize sa grand draw na gagawin bago matapos ang taon.
Ads


Narito ang guidelines ng nabanggit na raffle:

Ano ang bakunado plano?
  • Ang Bakunado Panalo ay isang raffle na bukas sa mga Pilipinos nagpabakuna kontra-COVID-19.
Sinu-sinu ang pwedeng sumali at manalo?
  • Isa itong nationwide raffle. Lahat nang nabakunahan na 18 na taon pataas ay maaring sumali. Ang mga sumusunod ay hindi maaaring sumali sa raffle:

  • Kamag-anak ng mga tauhang kabilang sa nag-organisa ng raffle;

  • Mga opisyal ng gobyerno, mula nasyonal hanggan sa nibel ng barangay;
Paano sumali? Hanggang kailan pwedeng sumali?
  • Para makasali sa raffle, kailangan niyo munang mag-register. I-text ang RESBAKUNAREG <space> NAME/AGE/ADDRESS to 8933 para mag-register. (Hal. RESBAKUNAREG Juan Dela Cruz/45/Blk 6 Lot 18 Golden Subd. Pasig City)

  • Pagkatapos mag-register, pwede kayong kumuha ng raffle entry sa pamamagitan ng pagtetext ng RESBAKUNA <space> 1st letter ng vax brand/pang-ilang dose/LGU/date ng bakuna to 8933. (Hal. RESBAKUNA M/2/Pasig City/March 5, 2021)

  • Pwedeng sumali mula October 4, 2021 hanggang December 15, 2021. Magpabakuna para dumami ang pagkakataong manalo!
May bayad po ba para sumali sa raffle?
  • Ang bawat entry sa e-raffle ay PHP 1.00 ng cellphone load lamang.
Ilang raffle entry ang matatanggap ko kapag nagpabakuna?
  • Makakatanggap ng 1 raffle entry ang lahat ng may isang dose, at 3 entry kung fully vaccinated na ang isang indibidwal.

  • Para sa seniors, doble ang matatanggap na raffle entry sa kanilang pagpapabakuna.

  • Makakatanggap ng 1 raffle entry ang lahat ng may isang dose, at 3 entry kung fully vaccinated na ang isang indibidwal.

  • Para sa seniors, doble ang matatanggap na raffle entry sa kanilang pagpapabakuna.
Ads

Sponsored Links




Dapat ba nakakumpleto na ng bakuna para makasali? Pwede bang sumali kahit nakaka-isang dole pa lamang ng bakuna?
  • Maaaring sumali kahit isang dose pa lamang ang iyong bakuna. Siguraduhing kumpletuhin mo ang iyong ikalawang dose para mas maraming pagkakataong manalo!
Ilang tao ang pwedeng gumamit ng iisang cellphone number?
  • Isang pangalan lang po ang pwedeng nakarehistro kada-cellphone number o SIM card.
Pwede bang sumali ang mga senior citizen sa raffle?
  • Pwede sumali ang mga senior sa raffle. Ang mga Senior ay makakakuha ng dobleng entry sa kanilang pagsali.
Anu ano ang mga premyo na pwedeng mapanalunan?
  • Para sa buwan ng Oktubre and Nobyembre, mayroong 50 na mananalo ng PHP 5,000.
  • Sa grand draw sa Disyembre:
10 ang mananalo ng PHP 100,000,
1 ang mananalo ng PHP 500,000,
1 ang mananalo ng PHP 1,000,000

Paao pipilian ang mga mananalo?
  • Gagamit ng isang e-raffle system kung saan isasalang ang bawat raffle entry.
Kailan magaganap ang bawat draw sa e-raffle?
  • Ang resulta ng bawat raffle draw ay ilalabas sa katapusan ng bawat buwan.
Paano ko malalaman kung ako ang nanalo?
  • Hintayin ang tawag mula sa 8933 para malaman kung nanalo ka!

  • Maliban sa tawag, ipopost din ang pangalan mo sa DOH website (doh.gov.ph/vaccine) at sa lahat ng DOH platforms.
Paano ko makukuha ang aking premyo?
  • Ang premyo ay ipamimigay sa pamamagitan ng mga e-wallet.
Paano ko mapapatunayan na ako ay bakunado?
  • Kapag mananalo, kayo ay aming tatawagan. Kailangan lamang i-submit ang mga sumusunod:
Valid ID
Vaccination card
SIM card na ginamit sa pag-submit ng raffle entry

Paano iaannounce ang mga mananalo?
  • Maliban sa text, ipopost din ang pangalan mo sa DOH website (doh.gov.ph/vaccine) at sa lahat ng DOH platforms.
Paano ko malalaman kung ilang raffle entry ang meron ako?
  • I-text lamang ang RESBAKUNA<space>CHECK sa 8933.
Paano kung may katanungan pa ako tungkol sa raffle?
  • I-text lamang ang RESBAKUNA<space>HELP sa 8933.



©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, September 15, 2021

ALAMIN: COVID-19 vaccine injury package ng PhilHealth!






MANILA, Philippines — PATULOY ang pamamakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19 sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Masasabing normal ang mga pansamantalang side effects matapos ang vaccination dahil senyales ito ng immune response.

Ngunit may mga pagkakataon umano na nao-ospital ang isang tao matapos naturukan ng bakuna laban sa Covid-19. Dahil dito, naglabas ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ng compensation package para sa mga injuries na iniuugnay sa Covid-19 vaccines.

Binuo ang COVID-19 vaccine injury compensation package ng PhilHealth base sa Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021. Iniutos ng batas ang pagtatag ng COVID-19 national vaccine indemnity fund kung saan sakop nito ang mga seryosong adverse effect matapos nabakunahan.

Ads


Epektiboo ang nabanggit na PhilHealth package para sa mga vaccine-related injury simula Marso 23, 2020 hanggang March 2, 2026 o hanggang sa matapos ang Covid-19 vaccination program ng gobyerno.

Sino ang eligible sa PhilHealth package na ito?

Sakop ng benefit package na ito ng PhilHealth ang mga individual na nakaranas ng injury mula sa vaccination program ng gobyerno.

Kasama rin dito ang public sector at maaaring ma-avail ng lahat na nakakuha ng kanilang Covid-19 vaccination mula sa national vaccination program. Ito ang kinumperma ni PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo.

Importante din na nabigyan ng emergency use authorization o EUA ang Covid-19 vaccine na naiturok.

Magkano ang package?

Ang maximum amount na P100,000 ay ibibigay sa pasyente para sa hospitalization na resulta ng Covid-19 vaccination.  Sakali namang nag-resulta ng permanent disability at kamatayan ang pamamakuna, mabibigyan P100,000 ang beneficiary nito.

Ads

Sponsored Links



Ano-ano ang mga requirements?

Ayon sa PhilHealth, may isasagawang causality assessment na magsisilbing ebidensiya na may causal link sa pagitan ng injury at ng Covid-19 vaccine na ginamit.

Dapat makita sa resulta ng causality assessment ang "vaccine product-related reaction" o "vaccine quality defect-related reaction."

Ang mga beneficiaries ay dapat mag-file ng vaccine injury claim direkta sa PhilHealth. Kailangan ng mga ito na mag-sumite ng claim form na may additional documents bilang proof of hospitalization, permanent disability, o death as listed below.

Para sa hospitalization claims:
  • Proof of COVID-19 vaccination (vaccination card or slip)
  • Vaccine injury assessment survey
  • Statement of account per hospital admission
  • Official receipt indicating deductions from PhilHealth benefits, private insurers, and out-of-pocket payment for hospital bills
Para sa permanent disability claims:
  • Medical certificate
  • Vaccine injury assessment survey accomplished by the attending physician
  • Other documents that may be required to support the disability claim which can include a physical examination report describing the disabling manifestation and signed by a duly licensed physician.
Para sa survivorship claims in cases of death:
  • Vaccine injury assessment survey duly accomplished by the attending physician
  • Certified true copy of the principal's death certificate

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, June 01, 2021

P2,000 Ayuda sa Bawat Pinoy sa Bayanihan 3, Lusot na sa Kongreso!





MANILA, Philippines — APROBADO na ng House of Representive sa third at final reading ang isinusulong na Bayanihan to Arise As One Act or Bayanihan 3. 

Isang stimulos package na nagkakahalaga ng P401-billion ang panukalang batas na may layuning magbigay ng  "direct emergency and social amelioration" sa mga Filipinos na labis na naapektuhan ng pandemya dulot ng coronavirus disease o Covid-19.

Sa botong 238-0-1, inaprobahan ng mga mambabatas ang House Bill 9411 sa kabila ng pangamba na magiging batas ito na walang pondo dahil nirereserba na umano ang pera sa nalalapit  kampanya para sa  2022 national election.

"This P401-billion lifeline measure outlines additional interventions to ensure that our kababayans are provided direct emergency and social amelioration, have sustainable sources of income, and have stable access to affordable food and quality health services despite the impact of the COVID-19 crisis," ang naging pahayag ni House  Speaker Lord Allan Velasco said. 


Ads


Isa sa pinaka-sentro ng panukalang batas ang P216-billion na pondo para sa dalawang beses na cash aid na nagkakahalaga ng P2,000 na ipamimigay sa lahat na 108 million Filipinos, anuman ang edad at economic status ng isang tao.

Layunin nitong makapag-bigay ng one-time cash subsidy na P5,000 hanggang P10,000 sa bawat pamilyang apektado ng krisis sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine o mas istriktong restrictions.

Pinalawak din nito ang Small Business Wage Subsidy upang matulungan ang mga micro, small at medium enterprises na apektado ng pandemya habang may wage subsidy naman na P5,000 hanggang P10,000 sa mga kwalipikadong manggagawa.


Napapaloob din sa panukalang batas ang allocations para sa mga sumusunod:
  • wage subsidies
  • emergency assistance to quarantine-affected households
  • assistance to displaced workers
  • national nutrition
  • financial assistance to agri-fishery sector and cooperatives
  • medical assistance to indigents
  • local government support
  • free COVID-testing for seafarers and other overseas Filipino workers
  • pension and gratuity fund for retired military and uniformed personnel
  • support to basic and higher education
Ads

Sponsored Links



Popondohan umano ang panukalang batas mula sa unprogrammed funds at savings ng iba't-ibang mga government agencies.

Gagamitin din dito ang savings sa unang dalawang Bayanihan Laws at sobrang revenue collections mula sa mga tax or non tax revenue sources at mga bagong revenue collections.

Sa ngayon, nasa kamay na ng Senado ang nasabing panukalang batas.

Una nang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na malabong aprobahan ng Senado ang Bayanihan 3 bago mag-adjourn ang session.


©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, May 01, 2021

Manggagawang nagka-Covid-19, may matatanggap na allowance mula sa Employee's Compensation Commission




MANILA, Philippines — PARA sa isang karaniwang manggagawang Filipino nakapahirap magkasakit ngayong panahon ng pandemya dala ng coronavirus disease o Covid-19. 

Mas mahirap din kung mag-positibo sa Covid-19 na walang sapat na pagkukunan ng panggastos kahit na sagot pa ng gobyerno ang pagpapagamot. Dahil sa ilang araw na quarantine, hindi maiiwasan na apektado ang pamilya at apektado din ang trabaho na pangunahing pinagkukunan ng pera para sa mga pangangailangan.

Dahil dito maituturing na malaking tulong ang matatanggap na compensation ng sinomang Filipino workers na mag-popositibo sa Covid-19.


Ads


Ito'y matapos isinama na ng gobyerno sa listahan ng occupational and work-related disease ang Covid-19. Ibig sabihin, makakatanggap ng tulong ang sinomang trabahante na mag-popositibo sa Covid-19.

Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE, inaprobahan na ng board ng Employee's Compensation Commission (ECC) na mapabilang ang Covid-19 sa mga listahan ng mga sakit kung saan tatanggap ng compensation ang isang manggagawa.


Una rito, naglabas ang ECC ng Board Resolution No. 21-04-14 noong Abril 6 kung saan inisa-isa ang mga kondisyon para makatanggap ng compensation ang isang manggagawang nag-positibo sa Covid-19.

Ayon naman kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ang Social Security System o SSS at ang Government Service Insurance System bilang mga administering agencies ng ECC ang magpapatupad ng compensation policies.


Ads
Sponsored Links



“The ECC is continuously working to improve its policies and services to better serve the Filipino workers, especially during this trying time. We will persist to find ways and come up with measures that will mobilize assistance and respond to the crises brought by the CoViD-19 pandemic,” ang naging pahayag ni ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis.

“Meron po silang daily allowance na maki-claim sa employees compensation program. Ang maximum is P480 per day. Meron din pong medical benefit yung nagastos nila sa ospital net of PhilHealth kasi pwedeng i-reimburse a part of the out of pocket expenses sa hospital,” dagdag pa ni Banawis.

Sa ngayon, may 33 mga sakit na nasa List of Occupational and Work-related diseases.


Dagdag pa ng DOLE na nakatakda itong maglabas ng mga terms and condition sa implementation o kung paano ma-claim ang nasabing compensation.

Una nang inaprobahan ni Pangulong Duterte ang P20,000 na allowance para sa mahigit 31,000 na ECC pensioners na may partial o total disabilities o survivors ng mga ito.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, January 27, 2021

10 Bagay na Dapat Tandaan Kung Magpapabakuna Laban sa Covid-19





MANILA, Philippines — KINUMPERMA ng gobyerno ng Pilipinas na nasa 1 million doses ng bakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19 ang darating sa bansa sa darating na Pebrero.

Ang nasabing mga bakuna ay mula sa Astrazenica, Pfizer mula sa COVAX facility, at Sinovac.
Dahil dito, posible umanong mas maagang masimulan ang pamamakuna sa bansa.

Kung naghahanda ka sa pagpapabakuna, narito ang 10 mga bagay na iminumungkahi ng mga health experts na dapat nating gawin at hindi dapat gawin.

Ads


1. Magpa-bakuna kung schedule mo na.

Kung sa ibang bansa, may registration na ginagawa sa mga state o local health department para sa mga nagpapabakuna laban sa Covid-19, malaki ang posibilidad na ganito din ang mangyayari sa Pilipinas.

Una nang inihayag ng gobyerno na mauuna sa bakuna ang mga medical frontliners na susundan ng mga men-in-uniform o mga pulis at sundalo; mga vulnerable individuals, at mga indigents o mga residenteng walang kakayahang bumili ng bakuna.

2. Bago mag-duda, mag-research muna.

Huwag hayaang maapektuhan ng mga maling impormasyon ang desisyon mong magpabakuna. Hindi maikakailang may mga maling impormasyon na kumakalat sa social media ukol sa Covid-19 vaccine.

Kung may pagdududa sa bakuna, mag-research at magbasa mula sa mga pinagkakatiwalaang source gaya na lamang ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na isa sa maraming trusted organizations na may science-based facts ukol sa virus at sa mga available na bakuna.

Ads

3. Magpabakuna kahit nag-positibo na ng Covid-19.

Ayon sa CDC, malaki ang posibilidad ng re-infection sa Covid-19 dahilan kung bakit importanteng mabakunahan ang lahat laban sa nabanggit na sakit, kabilang na ang mga unang nag-positibo at gumaling sa virus.

Ngunit ayon sa CDC, para sa mga nabigyan ng monoclonal antibodies o convalescent plasma nang magkasakit ng Covid-19, kailangan mong maghintay ng 90 araw bago magpabakuna. Importante din na magpa-suri sa doktor bago magpa-schedule sa Covid-19 vaccine.

4. Huwag magpabakuna kung kasalukuyan kang may Covid-19 o na-expose sa Covid-19 positive.

Kung nag-positibo ka sa Covid-19 o na-expose sa taong may Covid-19, huwag kang pumunta sa vaccination site para magpabakuna hanggang sa hindi pa nawawala ang iyong sakit o kung hindi pa natatapos ang iyong isolation period.

Ito ang inihayag ni Dr. Michael Ison, professor sa division of infectious diseases and organ transplantation sa Northwestern University's Feinberg School of Medicine.

"Quite simply, you don't want to get people who are waiting in line sick. You don't want to get the health care staff sick," ang naging pahayag ni Ison.

Sponsored Links



5. Magpabakuna kahit na mayroon ka pang mga sintomas ng Covid-19 buwan na ang lumipas.

Dumarami ang bilang ng mga taong nagiging coronavirus "long-haulers" o mga taong patuloy na nakakaranas ng fatigue, brain fog, pananakit ng katawan at ulo, at iba pa, ilang buwan matapos napatay na ang virus sa kanilang sistema.

Ayon kay vaccine scientist Dr. Peter Hotez, professor at dean sa National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine sa Houston, hindi dapat maging rason ang mga nararanasang Covid-19 reactions para hindi magpabakuna. 

"We think long-haul symptoms are not due to active virus infection, but to prolonged inflammatory responses to the virus," ang naging pahayag ni Hotez.

6. Huwag magpaturok ng ibang bakuna sa loob ng 14 na araw matapos magpabakuna sa Covid-19

Ayon sa CDC, maghintay ng hindi bababa sa 14 na araw bago o pagkatapos magpaturok ng isa pang bakuna, kabilang na rito ang bakuna sa flu o shingles, upang makakuha ng bakuna sa Covid-19.

Ngunit kung aksidenteng nabakunahan ka sa loob ng dalawang linggo, importanteng ma-kompleto mo ang Covid-19 series ayon sa schedule nito.

7. Ipaalam sa mga vaccine staff ang iyong mga allergies at nakaraang allergic reactions.

Bihira ngunit may mga taong nakakaranas ng moderate-to-severe allergic reactions matapos nabigyan ng Moderna at Pfizer mRNA vaccines Dahil dito, siguruhing masabi sa mga vaccine staff o sa mga nurses sa vaccination site ang iyong mga nakaraang allergic reactions.

8.  Huwag magmaneho agad.

Ayon sa CDC, requirement sa lahat na nakatanggap ng coronavirus vaccine na maghintay ng 15 minuto bago mag-maneho. Kung mayroon namang severe allergic reaction ang isang tao, kinakailangan nitong maghintay ng hanggang sa 30 minuto bago magmaneho. Ito'y dahil posible umano ang adverse reaction gaya na lamang pagkahilo o mas malala pa habang nagmamaneho.

Kabilang sa mga common reactions ng bakuna ay ang pananakit at pamamaga ng injection site. May mga pagkakataon din umano at madalas nangyayari sa second Covid-19 shots kun saan nakakaranas ang mga nabakunahan ng Covid-like signs kagaya na lamang ng lagnat, labis na pagkapagod, pananakit ng ulo at panginginig.

9. Magpabakuna sa pangalawang shot ng Covid-19 vaccine inerekomendang time frame.

Ayon kay vaccine scientist Dr. Peter Hotez, professor at dean sa National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine sa Houston, importante ang ikalawang bakuna para sa siguradong proteksiyon.

"In looking at the Phase 1, Phase 2 data, what I saw with a single dose is some people had high levels of virus-neutralizing antibody, others were nonresponders,"

"So the major reason for the second dose is to get everybody to respond. If you just get a single dose, you don't really know where you stand."

Ayon sa CDC ang Pfizer-BioNTech doses ay dapat ibigay sa pagitan ng 21 araw habang ang pangalawang dose ng Moderna ay dapat ibigay 28 araw pagaktapos ng unang dose.

Ngunit kun problema umano ang pagpa-schedule para sa ikalawang dose, maaaring maghintay ng ilang araw pagkatapos ng due date o mas mahaba pa.

10. Panatilihin ang pagsusuot ng facemask at social distancing pagkatapos magpabakuna.

Ayon sa CDC, importante pa rin ang pagsusuot ng facemask at social distancing pagkatapos ng first at second dose ng Covid-19 vaccine.

Ito'y dahil ang first dose ay hindi nakakakapag-bigay ng sapat na immune response upang maproteksiyunan ang nabakunahan at mga taong nasa paligid nito. Ang ikalawang dose ng bakuna ang inaasahang magbibigay ng 95% protection sa loob ng isa hanggang dalawang linggo mula ng ibinigay ito, depende sa uri ng bakuna.

Sakabila nito, sinabi ng CDC na kahit fully vaccinated na ang isang tao, maaari pa rinitong maging carrier sang coronavirus.

"We ... don't yet know whether getting a COVID-19 vaccine will prevent you from spreading the virus that causes COVID-19 to other people," pahayag ng CDC.

Dagdag pa ng CDC upang maproteksiyunan ang iba, panatilihin ang pagsusuot ng facemask at social distancing, iwasan ang mga matataong lugar at ugaliin ang paghuhugas ng kamay.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, January 05, 2021

Pres. Duterte, Iniutos ang Pagpapaliban ng PhilHealth Contribution Hike




MANILA, Philippines — DAHIL sa krisis dala ng coronavirus disease o Covid-19, iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro nito na magsisimula sana ngayong Enero 2021.

Sa isang public briefing, sinabihan ni Duterte si PhilHealth chief Dante Gierran na suspendihin ang buwanang pagtaas ng Philhealth premium dahil sa Covid-19 pandemic.

"Huwag muna ngayon. No increase in contributions. I will look for the money to fill it up," pahayag ng pangulo.

Sa ilalim ng Universal Health Care o UHC Act, tataas simula ngayong Enero 2021 ng 3.5 percent ang premium rate ng PhilHealth.


Ads


Ibig sabihin nito, simula Enero 2021, magbabayad ng P350 kada buwan ang mga miyembrong may monthly basic salary na P10,000 habang ang nagsasahod naman ng P70,000 o higit pa kada buwan ay magbabayad ng P2,450 kada buwan.

Simula 2021, patuloy itong tataas kada taon ang hanggang 2024.

Ayon sa dating aide ni Duterte na si Senador Bong Go, kailangan ng mga mambabatas na maghain ng panukalang batas upang maipagpaliban ang PhilHealth increase at handa umano ang pangulong pirmahan ito.

Pabor din umano si Duterte na mag-aproba ng dagdag na pondo para sa PhilHealth.


Ads


Sponsored Links


Kaugnay nito, isang panukalang-batas ang inihain ni Senator Imee Marcos na may layuning ma-suspindi ang pagtataas ng PhilHealth premium rate contributions.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1966, pinasususpindi nito ang pagbabayad ng premium contribution ng PhilHealth ngayog 2021 at muling ipapatupad sa 2022.

“Section 10 of the said Act provides for a scheduled increase in premium contributions, on a per year basis. However, due to the current situation, in the wake of a pandemic, it is but appropriate to suspend such increase of premium contributions because it will only impose an additional burden to contributors during this period of overwhelming economic and financial difficulty,” ang naging pahayag ni Marcos sa explanatory note ng panukalang batas.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, December 09, 2020

OFW sa Taiwan, Pinagmulta ng P170,000 sa Paglabag sa Covid-19 Quarantine sa Loob Lamang ng 8 Segundo




MANILA, Philippines — MULTANG nasa P170,000 ang ipinataw ng mga otoridad sa Taiwan sa isang Filipino migrant worker matapos itong nahuli sa surveillance camera na lumabag sa quarantine rules ng bansa sa loob ng walong segundo.

Ayon sa Central News Agency o CNA ng Taiwan, naka-quarantine ang nabanggit na lalaki sa isang hotel sa Kaohsiung nang saglit itong lumabas sa kanyang kwarto papuntang hallway.

May iniwan umano ito sa labas ng pinto ng kanyang  kaibigan na naka-quarantine din sa nasabing hotel.


Ads


Ayon sa ulat, isang paglabag sa mandatory na 14-day quarantine period ang ginawa ng nabanggit na Pinoy. Ang penalty sa nasabing paglabag ay mula NT$100,000 hanggang 1 million.

Nakita naman sa security camera ng hotel ang paglabas ng nabanggit na Pinoy na umabot lamang sa walong segundo. Agad itong inireport ng hotel staff sa Department of Health ng Taiwan dahilan upang pagmultahin ito ng 100,000 Taiwan dollars o nasa P170,000.

Sa ilalim ng quarantine rule ng Taiwan, mariing ipinagbabawal ang paglabas ng kwarto ng mga taong isinasailalim sa 14-day mandatory quarantine period, gaano man ka tagal.





Ads


Sponsored Links

Simula Nobyembre, umaabot na umano sa siyam ang bilang ng mga migrant workers sa Kaohsiung na lumabag sa quarantine rules.

Napag-alaman na isa ang bansang Taiwan sa may pinaka-mabilis at epektibong aksiyon laban sa coronavirus disease o Covid-19. Sa 23 million na populasyon nito, mayroon lamang itong 716 Covid-19 cases habang pito lamang ang namatay.

Dahil umano ito sa mass testing at sa mabilis at epektibong contact tracing.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, October 06, 2020

Para Makasama ang Kabit, Lalaki sa India, Nagpanggap na may Covid-19!




Nalagay sa international headlines ang 28-anyos na lalaki sa India matapos itong nag-sinungaling sa kanyang pamilya at nagpanggap na nag-positivo sa Coronavirus Disease o Covid-19 bilang rason upang makasama ang kanyang babae.

Ayon sa ulat, tinawagan ni Manish Mishra ang asawa nito at ipina-alam na nag-positibo ito sa Covid-19 at ayaw na umano nitong mabuhay pa. Agad umano nitong pinatay ang kanyang telepono dahilan upang mangamba ang kanyang pamilya.

Agad namang tinawagan ng asawa ang kapatid ni Manish at sinabihan siya nitong mag-file ng missing person report sa Navi Mumbai Police.

Sa isinagawang imbestigasyon nalaman na ginamit ng 28-anyos na supervisor bilang rason ang kinakatakutang Covid-19 na sakit upang iwan ang pamilya nito at sumama sa kanyang kabit.

Ads


Nakumperma umano ito sa imbestigasyon matapos sinuyod ng mga kapulisan ang lahat na mga laboratoryo sa huling lokasyon nito at walang Manish Mishra na isinailalim sa Covid-19 test.

Sunod na pinuntahan ng mga pulis ang employer ng lalaki na isang logistics company at dito nalaman na tinanggal na ito sa trabaho matapos nasangkot sa kasong fraud.

Inimbistigahan din ng mga pulis ang mga kaibigan ni Manish at dito nalamang may kinakasama itong iba.

“We sent a team to his last known location, where we got his motorcycle and key, his backpack that he carried to work, and his helmet,” 

“We even checked the Vashi creek with the help of local fishermen, but could not find his body. We were certain that he was alive and so we kept looking.”

“Based on the last cell phone location in Airoli, we scanned all CCTV camera footage from the area and found him getting into a car,” ang naging pahayag ni Sanjeev Duhmal, senior inspector ng Vashi police.

Ads

Sponsored Links




Ayon sa mga pulis, tinanggal sa trabaho si Mishra at nasangkot sa financial fraud. Matagal na rin umano itong may babae dahilan upang iwan nito ang kanyang asawa at anak. Ito umano ang dahilan kung bakit nagpanggap itong may sakit at nagplanong magpakamatay.

Na-trace naman ng mga otoridad ang sasakyang sinakyan nito sa Ratnagiri at natunton ito sa Bhawarkua, Indore sa Madhya Pradesh kung saan nakatira ito sa kanyang babae.

Noong Setyembre 15 lamang ito kinuha ng mga pulis at ibinalik sa Navi Mumbai kung saan muli itong nakasama ng kanyang pamilya.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, September 15, 2020

ALAMIN: Sino-Sino ang Makakatanggap ng Tulong sa Ilalim ng Bayanihan 2





Nasa P165.5 Billion ang pondong napapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2  na gagamitin ng gobyerno laban pandemyang dulot ng coronavirus disease o Covid-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang maitutulong ng Bayanihan II sa muling pagbubukas ng ekonomiya, suporta sa mga negosyo at muling pagpapalago ng mga ito sa harap ng krisis.

Bahagi ng stimulus plan ang P140 billion na halaga ng regular appropriations at dagdag na standby fund na P25.5 billion.

Ngunit, saan ba mapupunta o sino-sino ang makikinabang sa ganito kalaking halaga ng pera?


Ads


Ayon sa batas, mapupunta sa mga sumusunod ang nasabing pondo!
  • P3 billion ang mapupunta sa Department of Health para sa dagdag na mga face mask, personal protective equipment, shoe covers, at face shields habang P13.5 billion ang inilaan para sa emergency employment at compensation ng mga health workers.
  • P4.5 billion ang mapupunta sa construction ng mga temporary isolation, quarantine facilities, at pagpapalapad ng mga kasalukuyang public hospitals.
  • P4.5 billion sa Department of National Defense bilang gastos sa pag-isolate at pagpapagamot ng mga bumabalik na overseas Filipino workers na nag-positibo sa Covid-19. P820 million sa Department of Foreign Affairs para sa repatriation efforts.
  • P13 billion ang gagamitin sa pagtulong sa mga displaced workers sa pamamagitan ng cash-for-work at iba pang uri ng tulong habang P6 billion sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang cash assistance sa mga lugar na isinailalim sa lockdown.
  • P5 billion ang inilaan sa pag-hire at training ng nasa 50,000 na mga contact tracers.
  • P10 billion bilang standby fund para sa Covid-19 testing at pagbili ng mga COVID-19 medicines at vaccines sakaling mayroon nang ma-develop.

Ads

Sponsored Links

Listahan ng ibang sektor na makakatanggap din ng pondo sa ilalim ng Bayanihan II
  • P39.472 billion bilang capital infusion sa mga government banks upang makapagbigay ang mga ito ng mas maraming loans, lalo na sa mga maliliit na negosyo.
  • P24 billion bilang assistance sa mga magsasaka at sa Plant, Plant, Plant initiative ng Department of Agriculture
  • P9.5 billion sa Department of Transportation upang matulungan ang mga negosyong labis na naapektuhan ng pandemya
  • P4.1 billion para sa tourism industry na kinabibilangan ng P100 million para sa training at subsidiya sa mga tour guides
  • P4 billion para sa Department of Education para sa implementasyon ng blended learning
  • P3 billion para sa development ng mga smart campuses sa buong bansa
  • P2 billion bilang pambayad sa mga interest ng local government loans mula sa mga state-run banks
  • P1.5 billion bilang assistance sa mga local government units
  • P1 billion para sa scholarship ng TESDA
  • P600 million bilang subsidies at allowance sa mga estudyanteng labis na naapektuhan ng pandemya
  • P300 million bilang subsidies at allowance ng mga teaching at non-teaching personnel, at part-time faculty ng mga state universities at colleges
  • P180 million bilang allowance para sa mga national athletes at coaches
  • P15 million para sa UP Diliman’s Computational Research Laboratory
  • P10 million bilang research fund ng Health Technology Assessment Council
  • P2.5 million para sa computer-based licensure ng Philippine Red Cross.

©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, September 14, 2020

Hiring ng 50,000 Contact Tracers, Sinimulan na ng Gobyerno; Qualified Ka Ba?





MATAPOS pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang "Bayanihan to Recover as One Act" o Bayanihan 2 Law, agad na sinimulan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hiring at training ng hindi bababa sa 50,000 na contact tracers sa buong bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magiging “the game-changer in the country’s COVID-19 response" ang nasabing mga contact tracers"
"Again, we thank the President and Congress for allocating much-needed funds for our COVID response,” ayon kay Año.


Ads


Sinabi ng DILG na 20,000 contact tracers ang itatalaga sa Luzon, 15,000 sa Visayas at dagdag na 15,000 sa Mindanao na ia-assign sa iba't-ibang mga Contact Tracing Teams ng mga Local Government Units.

Sa ngayon, may 97, 400  na contact tracers sa buong bansa at makakamit umano nito ang target na 150,000 contact tracers sa pamamagitan ng dagdag na 50,000 na iha-hire.

“With the additional 50,000 contact tracers, we will now be able to meet the Magalong formula of tracing 37 close contacts of 1 COVID patient up to the 3rd degree,” dagdag pa ni Año.


Ads

Sponsored Links




Magkano ang sahod ng isang contact tracer?

Sa ilalim ng draft guidlines ng DILG, sasahod ng minimum na P18, 784 per month ang isang contact tracers sa ilalim ng contract-of-service status.

Ano ang mga responsibilidad ng mga contact tracers?
  • Magsasagawa ng interviews, profiling at initial public health risk assessment sa kaso ng Covid-19 at mag identify sa close contacts ng mga ito
  • Mag-refer ng mga close contacts sa mga isolation facilities
  • Magsasagawa ng mas pina-igting na contact tracing sa tulong ng iba pang ahensiya at pribadong sektor
  • Magsasagawa ng daily monitoring sa mga close at general contact sa loob ng 14 na araw
  • Magsasagawa ng iba pang trabaho na may kaugnayan sa Covid-19 response

Sino ang qualified na mag-apply bilang contact tracers?
  • Kinakailangang may Bachelor's degree o college level sa allied medical course o criminology course
  • Dapat may kasanayan o skills sa data gathering, research at documentation
  • May kapasidad sa pagsasagawa ng interview sa Covid-19 cases at mga close contacts nito upang makakuha ng datus
  • May kakayahang itaguyod ang public health education messages
  • May kakayahan at handang magsagawa ng research and investigation

Saan isusumite ang Application Letter?

Maaaring mag-sumite ng application sa DILG Provicial Offices o City Field Office nationwide o sa DILG  websites. Kasama sa kailangang isumite ay ang mga sumusunod;

  • Letter of Intent
  • Personal Data Sheet
  • NBI Clearance
  • Drug Test Result
  • Diploma

Dagdag pa ng DILG na magiging prioridad sa hiring sakaling kwalipikado ang mga contractual personnel na hindi na-renew sa kanilang mga trabaho, mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga local employees na na-terminate sa trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o Covid-19.



©2020 THOUGHTSKOTO