Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Contact Us If YOU WANT TO INVEST FOR HOUSE and LOT NEAR And WITHIN TAGAYTAY

Name

Email *

Message *

Tuesday, February 01, 2022

P5,000 Covid-19 Assistance ng DOLE, Sino ang Puwede?






MANILA, Philippines — BUKAS na ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga gustong mag-apply para sa Covid-19 Adjustment Measures Program 3 o CAMP3.

Ito ay safety net program ng DOLE na magbibigay ng one-time na tulong pinansyal sa mga manggagawa sa pormal na sektor na naapektuhan ang trabaho dahil sa Covid-19 pandemic at pagpapairal ng Alert Level 3 pataas sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Umaabot sa P1 billion ang budget ng ahensiya sa implementasyon ng CAMP 3.



Ads


Magkano ang financial support sa ilali ng CAMP 3?

P5,000 na one-time financial assistance ang matatanggap ng mga affected workers at individuals sa private sector.

Sino sino ang sakop ng CAMP 3?

Sakop ng CAMP 3 ang mga manggagawa at individual na naapektuhan ang trabaho sa pagpapatupad ng Alert Level 3 pataas dahil sa Covid-19 pandemic mula Enero 2022 pataas.

Sino naman ang hindi sakop ng CAMP 3?

HIndi kasama sa CAMP 3 ang mga government employees, foreign nationals, maliban na lamang sa mga Persons of Concern at beneficiaries ng DOLE-DOT CAMP Odette.


Ads

Sponsored Links



Paano ang application process ng CAMP 3?

Application

I-sumite ang application sa reports.dole.gov.ph/camp3
Para sa mga apketadong establishments, mag-sumite ng report of Retrenchment, Temporary Closure o Permanent Closure kasama ang kumpletong listahan ng apektadong empleyado sa reports.dole.gov.ph/camp3 bago mag-sumit ng application sa nasabing portal.

Processing

Ang DOLE Regional o Field Offices ang tatanggap o susuri sa mga application na may kumpletong requirements. Makakatanggap ng email o text messages ang aplikante kung naaprubahan ang kanyang application o hindi.

Release of Financial Assistance

Matatanggap ang benepisyong P5,000 sa loob ng dalawang linggo matapos aprobahan ang aplikasyon sa pamamagitan ng money remittance o bank transfer direkta sa apektadong manggagawa.

Makakatanggap ng text mula sa money remittance center o bangko kung maaari na at kung paano i claim ang benepisyo.


Ano ang mga requirements sa pag-apply sa CAMP 3?

Para sa mga establishments, narito ang mga requirements na dapat i-comply:
  1. Report of Retrenchment, Temporary Closure o Permanent Closure habang napapasailalim sa Alert Level 3 pataas ang lugar at aktibong account sa DOLE Establishments Reporting System

  2. Latest payroll, not earlier than November 2021 na may kumpletong listahan ng mga apektadog empleyado o alinman sa mga sumusunod:
  • Proof of payment of wages via logbook or ledger
  • Employment contract
  • Cash voucher o petty cash voucher
  • Authority to debit account sent by employer to bank for the wages of employees
  • SSS, Philhealth, at Pag-IBIG Alphalist ot list of remittances
  • List of employees with 13th month pay
Para sa mga individuals, narito ang mga requirements na dapat i-comply:
  1. Malinaw na litrato ng aplikante na may hawak na valid government issued ID

  2. Notaryadong katibayan ng unemployment halimbawa, Certificate of Employment; Affidavit of Termination of Employment o Notice of Temporary o Notice of Temporary Layoff na may petsang pasok sa panahon Alert Level 3 o pataas ang lugar.
Sa ngayon, inanunsyo ng DOLE na nasa 58,000 application na ang kanilang natanggap para sa CAMP at posibleng masimulan na ang payout ngayong Pebrero.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: