MANILA, Philippines — DAHIL sa patuloy na paglaganap ng Covid-19 sa iba't-ibang bahagi ng bansa, tila hindi na maiiwasang hindi mahawa sa nabanggit na sakit. Ngunit kung ikaw ay bakunado, madalas hindi malala ang mga sintomas mo ngunit kinakailangan mo pa rin na sumailalim sa quarantine para hindi na makahawa sa iba o sa mismong pamilya.
Bad news man ang pagkakaroon o pag-positibo sa Covid-19, may good news naman ang Social Security System o SSS sa mga miyembro nitong sumasailalim sa home quarantine matapos nahawa sa Covid-19.
Ito'y dahil sakop na ng SSS Sickness Benefit Program ang mga Covid-infected workers na nasa home quarantine.
Ayon sa SSS, maaaring makakuha ng sickness benefit ang isang miyembrong hindi makapag-trabaho dahil sa sakit at na-confine sa ospital man o sa bahay ng hindi bababa sa apat na araw.
Maliban sa mga employed members, nagbibigay din ng sickness benefit ang SSS sa mga self-employed, voluntary at overseas Filipino workers o OFW members.
Ads
Ano ang SSS Sickness Benefit Program?
Ang SSS Sickness Benefit Program ay arawang cash allowance na ibinibayad sa bilang ng mga araw na hindi nakakapag-trabaho ang isang miyembro dahil sa sakit o injury, at kabilang na rito ang pagka-hawa sa Covid-19.
Ang isang SSS member ay maaaring maka-avail ng hindi hihigit sa 120 days sa sickness benefit sa loob ng isang taon.
Para sa isang miyembro na nag-positibo sa Covid-19 at naka-home quarantine, maaari itong ma-qualify sa programa kung nakapag-bayad ito ng hindi bababa sa tatlong buwanang contribution sa huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit.
Kailangan din nitong ma-confine sa ospital o sa bahay sa loob ng hindi bababa sa apat na araw.
Sa mga employed members, kailangan din na naubos na ng mga ito ang kanilang kasalukuyang company sick leave with pay at naipalam sa kanilang employer ang pagkakasakit.
Sa mga self-employed, voluntary at OFW members at sa mga nahiwalay na sa kanilang trabaho, kinakailangan ng mga ito na ipa-alam ng direkta sa SSS ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pag-file ng sickness benefit application.
Ads
Sponsored Links
Narito ang mga dagdag na requirements:
Ang mga Covid-infected members ay kinakailangag mag-presenta ng positive Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test o Rapid Antigen Test o RAT na isinagawa ng Department of Health-accredited facility.
Maaari din na mag-presenta ng RAT result gamit ang Food and Drug Administration-approved test kit.
Sakaling non-FDA-approved RAT result ang gagamitin, kailangang i-presenta ito kasama ang Certificate of Completion of Quarantine na inisyu at nilagdaan ng Medical Officer mula sa local government unit o sa Barangay Health Emergency Response Team.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment