MANILA, Philippines — HINDI maikakaila na goal o target talaga ng mga nagba-budget sa bahay na mapababaan ang gastos kada buwan, gastos man ito sa grocery, tubig o koryente. Ngayong panahon ng Covid-19 pandemic, marami sa atin ang naghahanap ng extra-income lalo na sa mga nawalan ng trabaho para makatulong sa bahay lalo na sa mga gastusin.
Isa sa mga lumalaking gastusin ngayong panahon ay ang bayarin sa koryente lalo na at nasa bahay lamang ang karamihan sa mga estudyante estudyante na kung hindi babad sa cellphone, nakatutuk naman sa computer o sa tv, maliban pa sa mga magulang na naka-work-from-home setting din.
Dahil sa walang tigil na gamit ng mga gadgets at appliances ngayong panahon, hindi talaga maiiwasan na tataas ang konsumo sa koryente, pero may mga bagay pa rin na maaaring gawin ang buong pamilya upang maiwasan ang sobrang pagtaas ng electric bills at makakatipid pa rin. Narito ang iilan sa mga dapat tandaan.
Ads
1. Limitahan ang paggamit ng microwave ovens at toasters
Itinuturing na bestfriends ng mga nagmamadali ang toasters at microwaves dahil napakadaling maghanda ng pagkain sa pamamagitan ng mga ito. Ngunit alam ba ninyo na ang mga appliances na ito ay kumukunsumo ng malaking halaga ng enerhiya na nagpapataas ng inyong electric bill?
Ang isang microwave ay may kakayahang mag-consume ng hanggang sa 1,200 watts on average habang ang toaster naman ay kayang mag-consume ng hanggang 1,200 hanggang 1,400 watts.
Sa pamamagitan ng pag-limita sa paggamit ng nabanggit na mga appliances sa bahay, makikita mo ang resulta nito sa iyong monthly electric bill.
Sa halip na gumamit ng microwave at toaster, mas maganda umano ang traditional ways sa paghahanda ng pagkain gaya na lamang ng paggamit ng pan at stove sa pagluluto ng agahan.
Ads
2. Gamitin ang timer sa AC
Dahil tropical country ang Pilipinas, hindi talaga maiiwasan ang matinding init ng panahon lalo na kung summer at sa mga lugar na halos wala ng puno ng kahoy. Ang pagkakaroon ng air conditioner sa loob ng bahay ay isa sa pinaka-inaasam ng pamilyang Pilipino.
Ngunit dahil sa mainit na panahon, isa rin ang air con sa pinaka-overused na appliances sa loob ng bahay na naging dahilan ng sobrang pagtaas ng electric bills mo. Halimbawa na lamang ang isang medium window AC unit na kumukunsumo ng hanggang sa 900 watts.
Ngunit may paraan para mapababa ang paggamit ng AC. Sa mga bagong air con unit o modelo, halos lahat ay may timer na na dapat na ring gamitin. Kung masarap na ang tulog sa gabi, madalas tinatamad na rin tayong tumayo upang patayin ang air con, dahilan kung bakit dapat i-set up ang timer nito.
Maliban pa dito, huwag gawin habit na paandarin ang air con buong araw dahil kung naabot na ng kwarto ang malamig na temperatura, maaari ka nang gumamit ng electric fan sa halip na tuloy-tuloy ang andar ng AC mo kahit inverter pa yan.
Sa ganitong paraan, pasasalamatan mo ang iyong sarili sa araw na darating ang iyong electric bill.
Sponsored Links
3. Gumamit ng task lighting!
Sa ngayon, maraming bahay talaga ang gumagamit ng general lighting. Ngunit kung gusto mong makatipid sa koryente, i-konsidera ang paggamit ng task lighting.
Sa task lighting, maiilawan lamang ang partikular na lugar na ginagamit, halimbawa kusina o ang desk mo.
Isa din sa paraan para makatipid sa koryente ay ang simpleng pagpatay ng mga ilaw na hindi ginagamit.
4. Gumamit ng LED lights
Itinuturing na isa sa pinaka-importanteng innovation sa lighting technology ang paggamit ng light-emitting diode o LED. Hindi lamang ito mas matipid sa koryente ngunit mas matibay din ito kung ikukumpara sa ibang mga ilaw gaya ng fluorescent lights.
Maaaring mas mahal ang presyo ng mga LED lights o bulb kung ihahambing sa mga traditional incandescent lights, ngunit alam niyo ba na mas matipid sa koryente ang mga bagong bulbs? Maliban dito, maganda din ang lighting ng LED lights at tumatagal.
5. Kunin sa saksakan ang mga hindi ginagamit na appliances
Kahit hindi ginagamit ngunit kung nakasaksak, kumukunsumo pa rin ng koryente ang mga appliances na ito dahil sa kanilang "on-standby mode". Dahil sa mga nakasaksak na appliances, maaaring madagdagan ng hanggang P50 ang bill mo sa koryente sa kada buwan.
Simulan ang energy-saving habits gaya na lamang ng simpleng pagtanggal sa saksakan ng mga hindi ginagamit na chargers at pagpatay sa mga hindi ginagamit na TVs, laptops, computers, electric fan at mga ilaw.
Ilan lamang ito sa mga napatunayan ng pamamaraan upang mapababa ang konsumo ng koryente sa bahay. Panahon na upang pababaan ang iyong electric bill at taasan ang savings sa pamamagitan ng consistent na pagsunod sa mga energy-efficient habits na ito!
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment