MANILA, Philippines — INAPROBAHAN na ng House of Representative sa third at final reading ang panukalang batas na magbibigay ng P1 million sa mga Filipinos na aabot sa 101 years old at P25,000 sa mga aabot ng 80-anyos.
Sa isinagawang sesyon, inaprobahan ng Kongreso ang House Bill No. 10647 na nag-a-amyenda sa Republic Act No. 10868 o sa Centenarians Act of 2016.
Ang nasabing panukalang batas ay pinaboran ng 193 na mambabatas, walang negative at wala din nag-abstain.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang lahat na mga Filipino na aabot sa edad na 100 ay makakatanggap ng P100,000 habang P1 million naman ang matatanggap ng mga aabot sa 101-anyos.
Ads
Samantala, tatanggap naman ng cash gift na P25,000 ang mga Filipinos na aabot sa edad na 80, 85, 90 at 95-anyos.
Ang National Comission of Senior Citizens o NCSC ang naatasan na magpatupad ng nasabing batas sakaling maipatupad na.
Nakatakda namang i-sumite ng Kongreso sa Senado ang nasabing panukalang batas upang ma-aksyunan.
Ayon naman sa isa sa may akda ng panukalang batas na si Bukidnon Representative Manuel Zubiri, na kukunti lamang ang makakatanggap ng nabanggit na benepisyo dahil kukunti lamang ang aabot sa 101-anyos.
Ads
Sponsored Links
Ngunit sa panukalang batas, kasama na umano sa mga makakatanggap ng benepisyo ang mga Filipino octogenarians at nonagenarians o mga Filipinong umabot na sa edad 80 at 90-anyos pataas.
"To provide our beloved senior citizens the motivation to live longer, as well as to aid them the means to purchase medicines and other necessities, this bill seeks to expand the coverage of Republic Act No. 10868 to include those Filipinos who have reached the age of 80 and 90 years old," dagdag ni Zubiri.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment