SA panahon ngayon, mahirap ang mag-ipon pero kung gugustuhin, magagawan ng paraan, malaki o maliit man ang sinasahod ng isang tao. Madalas na tanong sa sarili, "Saan napunta ang pera ko?" Pero kung magpapakatotoo tayo, alam natin kung saan napupunta ang perang kinikita natin. Alam natin sa ating mga sarili kung paano tayo gumastos kahit hindi pa natin ilista ang ating mga expenses.
Importante ang pagkakaroon ng ipon upang may magamit sa mga panahon ng emergency. Kung isa ka sa mga namumuhay na umaasa lamang sa sweldo o paycheck to paycheck, ngayon pa lamang, dapat ugaliin na ang pag-iipon na maaaring magamit sa pagsisimula ng sideline o maliit na negosyo balang araw na magiging dagdag income na rin.
Upang mas maging exciting ang pag-iipon, maaari kang pumili sa 6 Ipon Challenge na Maaari mong Subukan ngayong 2022!
Ads
Narito ang mga limang tips ng mga financial advisors na sina Jem Empaynado at Chieri Nagase ng TIPid, isang platform na may layuning matulungan ang mga taong magkaroon ng financial freedom.
1. Tanungin ang sarili: Ano ang mga rason sa likod ng iyong problema sa pera?
Gustong mag-ipon ng pera at nagawa mo ito sa loob ng isang buwan, ngunit hindi na nagagawa sa mga sumusunod na buwan.
Alamin ang mga dahilan kung bakit hindi mo kayang maging consistent sa pag-iipon. Tukuyin ang mga problema at simulan ang pag-resolba nito. Kung nahihirapan kang mag-ipon dahil sa utang, kailangan mong gumawa ng "debt payment plan".
Kun kailangang maghanap ng extra income para mabayaran agad ang utang, maaari mo itong gawin. May mga "sideline" na maaaring gawin gaya ng online selling at iba pa.
2. I-lista ang mga expenses.
Saan nga ba napupunta ang perang kinikita ko? Bago ito mapunta sa iba't-ibang expenses gaya ng bayad sa tubig at koryente, expenses sa loob ng bahay at iba pa, kailangan mo munang magtabi para sa savings o investment. Ito ang tinatawag nilang "paying yourself first" kung saan may particular na amount mula sa'yong income na dapat ay naitatabi mo para sa emergency at iba pang pangangailangan.
Baliktad sa nakagawian nating mga Filipino, dapat nauuna ang "paying yourself first" bago i-budget ang natitirang amount sa mga gastusin.
Ads
Sponsored Links
3. Ikonsidera ang pagkakaroon ng hiwalay na mga accounts.
Inirerekomenda ng mga financial advisors na magbukas ng magkahiwalay na account sa banko para sa savings, emergency funds o para sa investment.
Sa pamamagitan nito, hindi ka matutuksong gamitin ito. Laging tandaan na hindi mo kailangan ng malaking pera para simulan ang pagbubukas ng magkahiwalay na accounts sa bangko.
Maaari kang mag-simula sa maliit na halaga. Buwan-buwan maaari mo itong hulugan hanggang sa magiging ma-kasanayan na ang pag-iipon o pag-iimpok sa banko.
Hindi ito madali sa una, ngunit kailangan lang talaga ng disiplina at sa pamamagitan ng pakunti-kunti ngunit regular na pag-iipon, maaaring makamit mo ang iyong target na halaga.
4. Gawing automatic ang lahat!
Isa ito sa mga technique na dapat sundin ng lahat. Mag-set ng auto-debit arrangement sa iyong banko sa kada sahod upang bago mo pa man ma withdraw ang iyong pera, naka-set aside na ang pambayad sa "pay yourself first" o sa iyong savings.
Maaari mo rin gawin nito sa iba pang mga expenses at bills gaya ng pambayad sa internet, tubig at koryente. Sa pamamagitan nito, nababayaran agad ang mga kailangan o importanteng bayaran sa loob ng isang buwan.
Maaari mo rin na i-enroll sa online banking ang iyong sahod upang bago pa man ito magiging pera, mababayaran mo na ang dapat mong bayaran.
5. Magkaroon ng rasonableng bugdet sa online shopping
Siyembre deserve mo pa rin na bumili ng mga bagay na makapagpapasaya sa'yo. Sa pagba-budget o financial planning, kailangan mo pa ring maging masaya sa ginagawa mo. Kung shopping, online man o hindi ang sagot dito, kailangan mo ito bilang self-care.
Upang maging responsableng spender, kailangan mong magkaroon ng monthly budget para sa iyong mga personal expenses. Sa pamamagitan nito, maiiwasan natin ang impulsive buying o pabigla-biglang pamimili na hindi pinag-planuhan. Ngunit bago maglaan ng budget sa online shopping, isipin muna ang mga utang na dapat bayaran lalo na kung lumalaki ang interes nito.
Hindi naman talaga madali ang pag-iipon lalo na kung marami ang gastusin, ngunit may kasabihan na "If there's a will, there's a way." Iba ang pakiramdam kung may ipon dahil nagkakaroon tayo ng financial freedom lalo na kung wala tayong utang.
Kung may sapat na ipon pagdating ng panahon, maaari mo itong i-invest o gamiting kapital sa pagsisimula ng maliit na negosyo na pandagdag sa income mo.
Hindi ka rin mahihirapan sa paghahanap ng pera sa panahon ng pangangailangan dahil may naitago ka.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment