MANILA, Philippines — MAY kasabihan na walang mawawala kung ikaw ay maniniwala. Sa mga nais magkaroon ng positive energy sa kanilang mga bahay ngayon taon. Narito ang ilan sa mga simple at kayang gawin na mga tips mula sa feng shui expert na si Patrick Lim Fernandez.
1. Gumawa ng magkahiwalay na lugar sa trabaho at pagpapahinga
Dahil sa Covid-19 pandemic, naka work-from-home ang karamihan, sa ganitong set-up, nasa bahay na ang trabaho at halos hindi na mapag-hiwalay ang trabaho at pahinga. Ayon kay Fernandez, nakaka-apekto ito sa pagpasok ng "chi" o energy sa loob ng bahay.
Ipinaliwanag nito ang dalawang uri ng life energy. Ang "yin" na may kaugnayan sa pagpapahinga at ang "yang" na patungkol naman sa paggalaw at pagiging aktibo.
Sinabi ni Fernandez na importanteng magkahiwalay ang work at rest area sa loob ng bahay.
"Sometimes people may work from their beds, or they may sleep wherever they're working or in their offices, and you'll find that home to be compromised. Your active energy will be somewhat subdued and you'll be more restless,"
"So make sure you separate the yang side -- where you're working and you're active -- and your yin side, which is more for rest." paliwanag ni Fernandez.
Ads
2. Siguruhing 'di makalat ang main entrance ng bahay
Isa sa pinaka-importanteng bahagi ng bahay ang main entrance dahil dito unang pumapasok ang chi. Dapat lagi itong organized, maaliwalas at hindi makalat upang madaling makapasok at makagalaw sa ibang parte ng bahay ang good energy.
"You can imagine that your house is your body and the main door is your mouth. So if it's always full or it's hard to put things in, you won't be able to invite good energies in there," paliwanag ng feng shui expert.
3. Magkaroon ng lugar para sa mga pagtitipon o shared activities
Maliban sa mga lugar para sa pahinga at pagtatrabaho, inirerekomenda ni Fernandez ang pagkakaroon ng lugar sa bahay para sa mga pagtitipon-tipon o shared activities ng pamilya.
Paliwanag nito, nagbibigay ng good atmosphere sa bahay ang positive energy mula sa nasabing mga events.
"Try to find spaces or create spaces for these in your home," paliwanag nito.
Ads
Sponsored Links
4. Alamin ang 'good' at 'bad' sectors sa bahay
Dahil naka-base sa position ng mga bituin ang predictions ng mga Feng shui sa mga "good" at "bad" sectors sa bahay, nagbabago ito kada lunar year.
Paliwanag ni Fernandez na para sa Year of the Water Tiger, kabilang sa mga "lucky" areas sa bahay ay ang northeast (wealth), south (prosperity), southeast (for work/studying), at northwest (travel/fame), north (romance).
Samantala, makikita naman ang mga "negative" stars sa southwest (sickness) at center (disaster) ng bahay.
"Stand in the center of your home or office... Use a phone compass or a traditional compass to know where all these different sectors are [in your home]," paliwanag ni Fernandez.
5. I-activate ang 'good' sectors at supilin ang 'bad'
Paliwanag ni Fernandez na maaaring i-activate ang "good" sector sa bahay upang mapalakas ang pangkalahatang swerte. Marami umanong paraan upang magawa ito.
"First thing is if you have doors in the area, use the door. If you have a choice of using a door or not and it's in a good area, use that door," paliwanag nito.
"The other is spending time and occupying it. You could move your desk in the living room for studying or for working [if it is in a good sector]," dagdag pa nito.
Sa kabilang dako, iwasan ang anumang mga aktibidad sa mga "bad" sectors sa loob ng bahay at panatilihing tahimik ang lugar upang masupil ang negative energy dito.
6. Mag-decorate ng mga bagay na buhay o patuloy na gumagalaw
Isang paraan upang ma-activate ang "good sector" at mapabuti ang daloy ng chi sa loob ng bahay ay sa pamamagitan ng mga partikular na mga object o bagay.
Halimbawa nito ang mga bagay na buhay o patuloy na gumagalaw kagaya na lamang ng buhay na halaman at mga bulaklak, relo o wall clocks at water fountains.
"If you want to incorporate some movement in these lucky areas, there are some good, relatively inexpensive, and portable things you can put. Even Bluetooth speakers, you can charge them and put them anywhere and can create sound. That gives good energy," pahayag ni Fernandez.
"There are three plants we recommend: fortune plant, jade plant, and the palm," dagdag pa nito. Maaari din umanong maglagay ng succulents na walang sharp points.
Nagbabala naman feng shui expert sa mga tuyong bulaklak ("its chi has already left, it has no more energy to give") o mga halamang may spike dahil hindi ito naghihikayat ng positibong enerhiya.
7. Sa paglalagay ng mga furniture, kailangang balanse
Ayon kay Fernandez, maraming tao ang nasosobrahan sa paglalagay ng dekorasyon sa loob ng bahay gaya na lamang ng paglalagay ng maraming throw pillows.
Paliwanag nito na ang susi sa magandang feng shui sa bahay ay ang balance at hinihikayat nito ang paggamit ng mga bagay "that are more symmetrical and make more sense."
"Keep things organized and neat," ayon pa dito.
8. Iwasan ang paglalagay ng salamin sa dalawang lugar na ito
Ikinokonsiderang maganda sa feng shui ang paggamit ng mga salamin, ngunit ayon kay Fernandez hindi mo dapat ito ilagay sa dalawang lugar sa loob ng bahay - sa harap ng main door at sa tabi ng kama.
"Doing the former will reflect the flow of good energy, preventing it from entering the house."
"The other thing is putting mirrors beside your bed, or putting a TV by the foot of your bed.
Because what happens here is the energy keeps bouncing around when there's a reflective surface. If you can imagine you're lying in bed and you have this constant movement of life energy as you're sleeping, you'll be restless," paliwanag ni Fernandez.
"If you have a mirror in your bedroom, don't let it face the bed. If you have a TV facing your bed, try to cover it at night so that you won't feel restless when you get up,"dagdag pa nito.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment