Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS Contribution Hike. Show all posts
Showing posts with label SSS Contribution Hike. Show all posts

Thursday, May 27, 2021

Pres. Duterte, Pinirmahan na ang Batas na Pipigil sa SSS Contribution Hike




MANILA, Philippines — INAPROBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay kapangyarihan sa Chief Executive ng bansa na ipagpaliban ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System o SSS sa panahon ng state of calamity dahil sa Coronavirus disease o Covid-19 pandemic.

Ito'y base sa inilabas na dokumento ng Malacañang noong Huwebes, May 27.

Sa dokumento, inaprobahan ng pangulo ang Republic Act 11548 na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas sa rekomendasyon ng Social Security Commission na suspendihin ang 1 porsyentong pagtaas sa contribution rate at monthly salary credits ng SSS.


Ads


Naka-saad sa batas na epektibo ito habang nasa ilalim ng state of calamity ang bansa. Matatandaan na ideneklara ni Pangulong Duterte ang state of calamity sa bansa sa pamamagitan ng Proclamation 929 noong nakaraang taon at pinalawig hanggang Setyembre ngayong taon sa pamamagitan ng Proclamation 1021.

Una nang inihayag ng SSS na naayon sa batas ang pagtataas ng monthly contribution rate sa 13% simula ngayong taon. Dahil dito, tataas P70 pesos ang monthly contribution ng mga miyembro.

Ayon kay SSS Chairman and Finance Secretary Carlos Dominguez na sa pamamagitan ng rate increase, masisiguro ang long-term viability ng pension fund, mapapalapad ang coverage at benepisyo para sa mga miyembro at kanilang mga benepisyaryo sa ilalim ng Social Security Act of 2018

"Any drop in collections may lead to cash flow and liquidity issues. This could endanger the SSS’ ability to provide its members and their beneficiaries with benefits and loan privileges," pahayag ni Dominggo.


Ads

Sponsored Links



Ayon naman sa ibang mambabatas, hindi napapanahon ang rate hike dahil sa Covid-19 pandemic kung saan maraming mga negosyo ang nahihirapang kumita at milyon-milyon ang nawalan ng trabaho.

Hiling na lamang nito sa SSS na pagbutihin pa ang kanilang collection scheme upang mapataas ang pension fund.


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, March 26, 2021

Pagtaas ng SSS Contribution, Nakatakdang Ihinto!




MANILA, Philippines — PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang mapigilan ang pinatutupad ng pagtaas sa premium contribution ng Social Security System o SSS.

Sa kani-kanilang plenary sessions, pinagtibay ng House of Representatives at ng Senado ang bicameral conference committee report sa mga hindi nagkakasundong probisyon ng House Bill No. 8512 at ng Senate Bill No. 2027.

Sa ilalim ng panukalang batas, binibigyan ng otorisasyon ang pangulo na kumunsulta sa Secretary of Finance bilang ex-officio chairperson ng Social Security Commission, sa pag-suspendi sa implementasyon ng naka-schedule na pagtaas ng SSS contribution rates “in times of national emergencies when the public interest so requires.”


Ads


Aamyendahan din ng panukalang batas ang Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Nakasaad sa Social Security Act of 2018 na pinahihintulutan ang Social Secutity Commission, ang pinaka-mataas na governing body ng SSS na taasan ang contribution rate ng 1 percent kada taon.

Dahil dito, mula sa 12% noong nakaraang taon, ipinatupad ng SSS ang 13% na SSS contribution simula noong Enero 2021.


Ads
Sponsored Links



Noong Enero, una nang inihayag ng SSS na handa nitong suspendihin ang pagpapatupad ng pagtaas ng contribution rate ng mga miyembro ngayong taon sakaling may batas na maipapasa at kung magpapalabas ng kautusan si Pangulong Duterte.

“Kung iyan po ay isasabatas or imamandato po sa amin ng Palasyo o ng Presidente, kami po ay susunod,”ang naging pahayag ni SSS President at CEO Aurora Ignacio.

“Ito po ay pinatupad para rin po magamot natin iyong nabawas sa fund life noong 2017 because of the additional na P1,000 pension at para na rin po sumagot sa ating unemployment benefit at expanded maternity leave,” dagdag na pahayag ni Ignacio.

Una nang iniutos ni Pangulong Duterte ang pag-suspendi sa contribution increase na ipapatupad sana ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth dahil pa rin sa krisis na dala ng coronavirus pandemic.


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, January 25, 2021

Pagsuspinde sa Contribution Hike ng SSS, Philhealth, Lusot sa House Panel




MANILA, Philippines — LUSOT na sa dalawang komite sa House of Representatives ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa pangulo na suspindihin ang mga contribution hike sa panahon ng national emergencies.

Inaprobahan ng Committee on Health ang House Bill No. 9316 o panukalang batas na nagbibigay kapangyarihan sa chief executive ng bansa na suspindihin ang naka-schedule na constribution increase ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth, sa pag-amyenda sa section 10 ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Law.

Sa isinagawang hearing, sinabi ni Nerissa Santiago, Acting Executive Vice President at COO ng PhilHealth, na maaapektuhan ang ilan sa kanilang programa dahil pagka-antala ng contribution hike.


Ads


Ihinalimbawa nito ang pagpapatupad ng kanilang out-patient program na "Konsulta" sa ibang mga lugar sa bansa na magiging limitado umano habang mababawasan naman ang iba pang benefit packages.

Sa ilalim ng batas, magbabayad ng 3.5% sa kanilang buwanang sahod ang mga miyembro ng Philhealth simula 2021 na tataas hanggang sa umabot ito ng 5% sa 2025.

Ngunit naantala ang implementasyon nito dahil na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, inaprobahan din ng Committee on Government Enterprises and Privatization ang House Bill No. 8317 na nagbibigay kapangyarihan sa pangulo na suspindihin ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System o SSS, na nag-aamyenda sa section 4 ng Republic Act 11191 o Social Security Act of 2018.


Ads

Sponsored Links



Sa isinagawang hearing, kinumperma ni SSS President at CEO Aurora Ignacio na mawawalan ng nasa P15 billion ang ahensiya kung matutuloy ang suspensiyon. 


Tataas din umano ang mga hindi pa nabayarang liabilities ng SSS kung hindi itutuloy ang contribution hike ngayong taon.

Ang dalawang panukalang batas ay inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco at ipinadala na sa plenaryo para sa second at third reading.


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, January 22, 2021

Higit sa P41-B, Mawawala sa SSS Sakaling 'Di Matuloy ang Contribution Hike





MANILA, Philippines — MAHIGIT sa P41 billion na halaga ng contribution umano ang mawawala sa Social Security System o SSS sakaling hindi itutuloy ang naka-schedule na contribution increase ngayong taon.

Ayon kay SSS president and chief executive officer Aurora Ignacio, P41.37 billion na halaga ng contribution ang mawawala sa SSS at pagkaluging nasa P14.90 billion.


Paliwanag ni Ignacio, tataas din ang unfunded liability ng ahensiya na sa ngayon ay nasa P9.46 trillion sakaling hindi matuloy ang pagtataas ng contribution.

Ito umano ang dahilan kung bakit kinokontra ng ahensiya ang proposal ng House of Representatives na ipagpaliban o ihinto ang naka-schedule na contribution rate hike sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.


Ads


Ang nasabing batas ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019 kung saan pinapayagan ang Social Security Commission, ang pinaka-mataas na governing body ng SSS na ipatupad ang 1% na contribution rate kada taon simula 2019 hanggang sa umabot ito ng 15%.


Dahil dito, simula 2021, tataas sa 13% mula 12% ang contribution rate ng SSS.

Paliwanag ni Ignacio na nakaapekto sa pondo ng ahensiya ang coronavirus pandemic dahil sa mga programang ipinatupad ng mga ito kagaya na lamang ng mga sumusunod:
  • Extention ng contribution deadline
  • Advance pension crediting
  • Covid-19 calamity loans
  • Unemployment Benefits
  • Moratorium on loan payments

“Postponing or stopping the implementation of the increase in member contributions will further exacerbate our already dire financial position,” 

“The additional peso contributions are relatively small, ranging from P15 to P100 for employed members, from P30 to P200 for self-employed and voluntary members, and from P80 to P200 for OFW (overseas Filipino worker) members,” ang naging pahayag ni Ignacio.


Ads


Sponsored Links



Paliwanag din ng opisyal na maliit lamang ang dagdag na peso contribution at matagal na umano itong nakaplano para mapalago ang expanded benefits ng SSS na ibinibigay sa mga miyembro simula 2017.

Kabilang umano sa mga expanded benefits ang mga sumusunod:
  • Dagdag na P1,000 monthly benefit allowance
  • Exapanded maternity benefits
  • Unemployment insurance benefits
“When put together, the small scheduled increase in contributions would be equivalent to around P41 billion of benefits and loans to 3.3 million beneficiaries,” 

“This amount should continue to enable the SSS to grant even more benefits and loans for the greater good of the SSS membership, both present and future,” dagdag na pahayag ni Ignacio.



©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, January 05, 2021

Magiging Monthly Contribution Mo sa SSS Simula Enero 2021, Alamin!




MANILA, Philippines — INILABAS na ng Social Security System o SSS ang bagong SSS contribution payment schedule na pinatutupad imula Enero 2021.

Ayon sa SSS, layunin ng increase sa contribution rate at minimum at maximum monthly salary credits o MSCs na masigurong magpapatuloy ang delivery ng social security protection sa lahat na mga miyembro nito at kanilang mga benepisyaryo.

Sinabi ni SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na naiintindihan ng SSS ang mga panawagan ng mga miyembro at iba pang grupo na ipagpaliban ang increase, ngunit may layunin umano itong maprotektahan ang buhay ng pondo ng ahensiya.

“We understand the plight of our covered employers and members, but, at the same time, it is our duty to secure the long-term viability of the SSS fund entrusted to us for the continuous delivery of SSS benefits to our current and future members, as well as their beneficiaries," 

“Moreover, these scheduled reforms are pursuant to Republic Act No. 11199 or the Social Security Act of 2018. Thus, we are bound by law to implement it,” ang naging pahayag ni Ignacio.





Ads


Simula Enero 2021, itinaas sa 13% mula sa 12% ang cntribution rate ng SSS.

Itinaas din sa P3,000 mula sa P2,000 ang minimum monthly salary credit o MSC, maliban na lamang sa mga Kasambahay at OFW members na ang MSC ay mananatili sa P1,000 para sa mga Kasambahay at P8,000 para sa mga OFWs.

Itinakda naman sa P25,000 mula sa P20,000 ang maximum MSC.

Para sa mga employed members, land-based OFWs at sea-based OFW members, ang dagdag na one percert ay hahatiin sa pagitan ng miyembro at ng employer nito. Sa contribution breakdown, sasagutin ng employer ang 8.5% habang 4.5% naman ang babayaran ng miyembro.

Bilang halimbawa, ang isang miyembro sa ilalim ng P10,000 MSC ay magbabayad na ngayon ng P1,300 na monthly contribution, mas mataas ng P100 mula sa P1,200 noong 2020.

Kung employed ang isang miyembro ang P100 na dadag contribution ay hahatiin ng miyembro at employer. Ang P50 ay magmumula sa employer para sa total employer share nito na P850 at P50 din mula sa miyembro para sa total member share nito na P450.





Ads

Sponsored Links



Kung ang MSC ay para sa computation ng benipisyo sa ilalim ng regular social security program na nasa P20,000, may share naman na mapupunta sa Worker's Investment and Savings Program o WISP ang kontribusyon ng mga miyembrong may higit sa P20,000 na buwanang sahod

Halimbawa, ang isang miyembro na nagbabayad sa ilalim ng P25,000 MSC. Base sa 13 percent na contribution rate, nasa P3,250 ang monthly contribution nito kung saan P2,600 nito ang mapupunta sa regular social security fund habang ang P650 naman ay mapupunta sa WISP.

Paliwanag ng SSS na sa nasabing reporma, mabibigyan ang mga miyembro ng pagkakataong mas makapag-impok para sa retirement nito.

Samantala, alamin sa SSS table of contribution kung magkano na ang babayaran mo simula Enero 2021!



©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, January 04, 2021

Pagtaas ng SSS, PhilHealth Contribution, Pinasususpindi





MANILA, Philippines — KALIWA'T kanan ngayon ang panawagan ng iba't-ibang grupo na huwag munang ituloy ang pagtaas ng kontribusyon ng Social Security System o SSS.

Una nang inihayag ng SSS na ipapatupad simula Enero 2021 ang contribution hike.

Kaugnay nito nanawagan si Senator Richard Gordon sa SSS na mag-sumite ng proposal sa Senado kung paano masuspindi ang implementasyon ng 2021 contribution increase na hindi nalalagay sa panganib ang buhay ng pension fund.


Ads


Ayon kay Gordon, kailangan man at naaayon sa batas ang pagtataas ng SSS contribution ngayong 2021 ngunit hindi umano ito naaangkop sa ngayon lalo na't maraming mga negosyo ang nalugi dahil sa pandemya.

“While there is a need and the law mandates an increase in SSS contributions in 2021, we see that this is untimely, especially at a time when businesses are down,” 

“When RA 11199 was enacted, our lawmakers did not have an inkling that a pandemic would occur and greatly affect our economy,” ang naging pahayag ni Sen. Richard Gordon.

“It’s only halfway through the year and this is already higher than the 2021 budget of PHP4.5 trillion. We need to balance the interest of the people who are greatly affected by the pandemic, as well and the interest to protect the funds of the SSS),” dagdag ni Gordon.

Ngunit inako din ng senador na mahirap pigilan ang 2021 contribution hike ng SSS dahil mangangailangan ito ng bagong batas dahil napapaloob sa RA 11199 o Social Security Act of 2018 ang pagtataas ng kontribusyon.

Ads


Sponsored Links



Sa ilalim umano ng batas, wala din umanong probisyon na nagbibigay kapangyarihan sa SSS na pigilan ang increase.

“We will discuss this at the committee and if necessary, we will craft a new law to make it easy for the people to get through the pandemic while continuing to pay their SSS contributions,” pagtatapos ni Gordon.

Samantala, maliban kay Gordon, nanawagan din sa gobyerno ang Gabriela Women’s partylist at ang Federation of Free Workers (FFW) na suspendihin ang implementasyon ng contribution hike ng SSS at ng PhilHealth na kapwa magsisimula ngayong Enero.


Ayon sa nabanggit na labor at partylish organization, hindi pa naka-ahon sa epekto ng pandemya dahil sa Covid-19 ang mga manggagawa at hindi umano ito napapanahon.

Dahil dito, nanawagan si House Assistant Minority Leader Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Duterte na suspendihin ang contribution hike ng PhilHealth at SSS.

“The President can order the suspension of the hikes in the same way that overseas workers were spared from the collection of PhilHealth premium even without amendments to the Universal Healthcare (UHC) Law,” 

“We cannot just insist on the implementation of the law when corruption still mars the agency and when the majority of our workers are still struggling to make ends meet amid the pandemic and crisis,” ang naging pahayag ni Brosas.

Kinikwestiyon din nito ang SSS kung bakit tila ipinapasa sa ng SSS mga manggagawa ang mga subsidiyang kanilang ibinibigay sa kanilang mga miyembro.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, December 09, 2020

SSS Contribution, Tataas Simula Enero 2021




MANILA, Philippines — SA kabila ng krisis dulot ng Covid-19 pandemic, kinumperma ng Social Security System o SSS na tuloy ang pagpapatupad ng pagtaas ng contribution rate sa 13 percent mula sa kasalukuyang 12% simula Enero 2021.

Una rito, naglabas ng apat na circular si SSS president at chief executive Aurora C. Ignacio ukol sa new schedule ng SSS contributions para sa mga sumusunod;
  • Employers and employees
  • Self-employed
  • Voluntary members at Non-working spouse
  • Household employers at kanilang helpers o kasambahay
Ibig sabihin ng mas malaking contribution rate, mas malaki din ang ibabayad ng mga employees at employers sa kanilang SSS membership sa kabila ng krisis sa ngayon.


Ads



Table of Contribution para sa mga Employers and Employees:
Table of Contribution para sa mga Self-Employed:
Table of Contribution para sa mga Voluntary and Non-working Spouse:
Table of Contribution para sa mga Household employers and Kasambahay:
Ads

Sponsored Links



Sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019, pinapayagan dito ang Social Security Commission o SSC, ang highest governing body ng SSS na magtaas ng contribution rate ng 1% kada isang taon simula 2019 hanggang sa umabot ito ng 15 percent.

Una rito, tumaas sa 12 percent mula sa dating 11 percent ang contribution rate ng SSS at tataas sa 13 percent sa susunod na taon, 14 percent sa 2023 at 15 percent sa 2025.

Kasabay ng pagtataas ng contribution, ipapatupad din ng SSS sa 2021 ang mandatory hike sa minimum monthly salary credit (MSC) sa P3,000 mula sa kasalukuyang P2,000 at maximum MSC sa P25,000 mula sa kasalukuyang P20,000.

Nilinaw ni Ignacio na inaprobahan ng SSC sa pamamagitan ng isang resolution ang nasabing mga adjustment sa contribution rate at minimum at maximum MSCs.


©2020 THOUGHTSKOTO