Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS Online Account. Show all posts
Showing posts with label SSS Online Account. Show all posts

Tuesday, December 29, 2020

Simula Dec. 2020: SSS, May Dagdag Requirements sa mga kukuha ng Loan o Benipisyo!






MANILA, Philippines — Bilang miyembro ng Social Security System o SSS, malaki ang posibilidad na nakatanggap kayo ng email mula sa ahensiya nitong buwan ng Disyembre ukol sa SSS Disbursement Account Enrollment Module o DAEM.

Napapaloob sa nasabing email ang dagdag na requirement na hinihingi ngayon ng SSS sa mga miyembro nitong mag-a-apply ng loan o benipisyo mula sa pension fund.

Ayon sa SSS, layunin nitong mapangalagaan ang mga miyembro laban sa "unauthorized access" sa kani-kanilang mga My.SSS accounts.

Ads


Para masiguro na mapupunta sa totoong miyembro ang loan o benipisyo, minabuti ng SSS na magdagdag ng security measures upang maiwasan ang hindi tamang paglalagay ng bank details at hindi otorisadong pag-file ng benipisyo o loan applications.

Ang nasabing pagbabago ay ipinatupad na ng SSS simula Disyembre 21 kung saan ang mga miyembro ay kinakailangan nang mag-sumite ng proof of ownership ng bank o e-wallet account na naka-enroll sa kanilang Disbursement Account Enrollment Module o DAEM sa SSS Website.



Dahil dito, nire-request ng SSS ang mga miyembrong mag-log in sa kani-kanilang mga My.SSS Account sa SSS Website at i-submit o i-upload ang alinman sa mga sumusunod bilang proof of account sa pamamagitan ng DAEM. Siguruhing makikita dito ang iyong kompletong pangalan at account number o mobile number para sa verification o approval ng inyong disbursement account.

  • Passbook
  • ATM Card
  • Validated Initial Deposit Slip
  • Bank Certificate o Bank Statement (issued not later than 2019)
  • Screenshot ng mobile app account para sa e-wallet

Ads

Sponsored Links


Dagdag pa ng SSS na ipapa-alam sa miyembro sa pamamagitan ng email kung na-verified o na-aprobahan ng SSS ang inyong proof of account.

Nilinaw ng ahensiya na sa mga verified at approved accounts lamang nila ihuhulog ang loan o benefit proceeds inapply ng miyembro sa ahensiya.



©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, December 08, 2020

6 Easy Steps para Makakuha ng PRN sa'yong My SSS Account





MANILA, Philippines — BILANG individual member ng Social Security System o SSS, magiging bahagi na ang paggamit ng Payment Reference Number o PRN sa pagbabayad ng anumang uri ng loan sa SSS.

May iba't-ibang paraan para makakuha ng PRN. Maaari itong makuha sa mga text message o Email mula sa SSS. Magpapadala ang SSS ng PRN Loans Billing Notices sa mobile number at email ng miyembro na naka-rehistro sa SSS.

Maaari din itong makuha sa mga SSS Branches sa pamamagitan ng Self-service Express Terminals o SETs, E-centers, at over-the-counter.

At isa sa pinaka-madali ay ang pagkuha ng PRN sa My.SSS Account sa SSS website.





Ads


Para sa mga individual members ng SSS gaya ng mga self-employed, voluntary at OFW-members, narito ang simpleng paraan para makakuha ng PRN sa pagbabayad ng inyong mga SSS loans.

Step — 1

Mag-log in lamang sa iyong My.SSS account.
I-enter ang iyong User ID at Password.
I-tick ang box sa tabi ng "I'm not a robto"
I-click ang "Submit".

Kung wala kang account sa SSS, alamin kung paano magparehistro — 5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online.

Kung may account ka naman, ngunit nakalimutan mo ang iyong username o password, alamin ang apat na paraan para marekober mo ito —  Forgot Password? 4 Ways Para Ma-Recover Ang Iyong My.SSS Online Account.


Step — 2

I-click ang RTPL tab upang makita ang active Payment Reference Number o PRN.
Tingan ang larawang nasa ibaba.


Step — 3

By default, ang "Amount to be Paid" portion ay parehas lamang sa "Amount Due.
Ngunit maaari mong baguhin ang "Amount to be Paid" sa pamamagitan ng pag-enter ng halagang nais mong bayaran.

Ngunit laging tandaan na maaaring magbayad ng mas maliit o mas malaki sa amount due ngunit hindi maaaring magbayad ng mahigit sa halaga ng "Outstanding Balance" ng iyong loan.

Lalabas naman ang error message sakaling mas malaking amount ang inilagay sa "Amount to be Paid" kumpara sa iyong Outstanding Balance.




Ads

Step — 4

I-click lamang ang "Save All" kung tapos mo nang baguhin ang amount o halaga ng iyong babayaran.

Maglalabas naman ng promt ang website na nagsasabing na-update na ang iyong record.



Step — 5

I-click lamang ang "PRN" para makita at ma-view ang modified PRN.



Step — 6

I-check ang lahat na detalye kung tama at i-click ang "Print".



Sponsored Links



Huwag kalimutang i-print ang PRN ng dalawang kopya. Isa para sa payor at isa para sa SSS.

ung may printed PRN kana, i-presenta lamang ito kung ikaw ay magbabayad sa mga sumusunod:
  • SSS Branches na may Automated Tellering Systems
  • RTPL-compliant SSS Collecting Partners (Banks and Non-Banks)
Hintayin ang payment posting notification na ipapadala ng SSS sa registered mobile number at email address mo ukol sa pagbabayad na ginawa.




Una nang inihayag ng SSS na simula Pebrero 1, 2021, magiging mandatory na ang paggamit ng PRN sa mga miyembrong magbabayad ng SSS loan.

Layunin umano nito ang mabilis at wastong posting ng loan payment sa account ng miyembro.


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, October 12, 2020

6 Steps Para Ma-Enroll ang Iyong Disbursement Accout sa Iyong My.SSS Account





Dahil sa mas pinalawak na payment channel ng Social Security System o SSS, maaari nang matanggap ng mga pensioners at borrowers ang kanilang pera sa pamamagitan ng electronic wallet o remittance center.

Kasunod ito ng partnership ng SSS at Development Bank of the Philippines (DBP). Sa ilalim ng partnership, maari nang matanggap ng mga SSS-qualified employers, members at pensioners ang kanilang pera sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating banks.

Maliban dito, maari din na matanggap ng mga kwalipikadong miyembro at pensioners ang kanilang SSS benefits sa pamamagitan ng e-wallets kagaya na lamang ng PayMaya o cash pick-up arrangement sa pamamagitan ng DBP Cash Padala Thru M Lhuillier, isang Remittance Transfer Company/Cash Payout Outlet.

Kung wala pa kayong account sa My.SSS, maaring sundan kung paano sa post na ito — 5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online.

Ads


Layunin ng pagbabago na mapadali ang pamimigay ng benipisyo at short-term loans. Sa implementasyon nito, tuluyan nang hininto ng SSS ang pamimigay ng benipisyo sa pamamagitan ng tseke.

Dahil dito, hinihikayat din ng SSS ang mga qualified payees at member-borrowers na i-enroll ang kanilang disbursement account sa Bank Enrollment Module (BEM) na makikita sa ilalim ng E-service tab sa kani-kanilang My.SSS account sa website ng SSS na www.sss.gov.ph.


Pero, paano nga ba ito gagawin? Narito ang 6 Steps on How to Enroll Your Disbursement Account in your My.SSS Account!

Sakop o kailangang magpa-enroll dito ang lahat na mga employers, empleyado at mga individually-paying members kagaya ng mga self-employed, OFW at voluntary.
Sa iyong disbursement account idi-deposito ng SSS ang pera mula sa iyong benipisyo o loan application.

Exempted naman sa enrollment ang mga may UMID-ATM cards dahil dito na diretsong papasok ang halaga ng pension mo o loan mula sa SSS.


Ads

Sponsored Links



STEP — 1

Mag log-in sa iyong My.SSS Account

STEP — 2

I-click lamang ang Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) sa ilalim ng E-Services tab.

STEP — 3

Basahin ang reminders ukol sa account enrollment, i-check ang box na nagsasabing nabasa at naintindihan ninyo ito bago i-click ang "Proceed"


STEP — 4

Piliin ang iyong PESONet Participating Bank/ E-wallet/ Remittance Transfer Company (RTC)/ Cash Payout Outlet (CPO) mula sa drop down menu at i-encode ng dalawang beses ang hinihinging disbursement account number o mobile number.


STEP — 5

I-check ng box na nagsasabing sumasang-ayon kayo sa Data Collection and Usage Clause.
I-click ang "Enroll", at i-click ang "OK".

STEP — 6

I-check ang inyong email inbox ara sa Confirmation Notice mula sa SSS.


Samantala, narito naman ang mga important reminders ng SSS kung kayo ay mag e-enroll ng inyong disbursement account. Pina-alalahanan din ng SSS ang mga kwalipikadong payees at member-borrowers na siguruhing tama ang kanilang disbursement information bago ito i-enroll.








©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, September 09, 2020

5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online




Online transactions na ang patok ngayong panahon. Mula sa pag-order ng mga pagkain, shopping,  hanggang sa pagbabayad ng mga bills maging sa mga government transactions ay maari mo nang ma-proseso online. Mas komportable, mas madali, mas matipid dahil hindi mo na kailangang pang pumunta mismo sa opisina para pumila sa mga serbisyong gusto mong makuha.

Kung online transaction lamang ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang Social Security System o SSS. Kung miyembro ka ng SSS, importanteng mayroon kang My.SSS account upang mabilis mong ma-check ang iyong contribution at iba pang serbisyong dala nito.

Ads


Narito ang 5 simple steps on How to Register SSS Online!

Step No. 1

Gamit ang inyong cellphone o computer na konektado sa internet, pumunta lamang sa website ng SSS na sss.gov.ph. Siguruhing naka-check ang captcha na nagsasabing "I'm Not a Robot" at i-click ang "Submit".

Sa kanang bahagi ng website makikita ang PORTALS, i-click lamang ang "Member".

Sa Member Log-In, i-supply lamang ang mga impormasyong kinakailangan gaya ng USER ID at PASSWORD.

I-check ulit ang "I'm Not A Robot" at i-click ang "Submit"
Para sa mga wala pang account sa SSS, i-click ang "Not yet registered in My.SSS" May limang option na pagpipilian, pumili lamang ng isa na ginamit mo noong nagpa-rehistro ka sa SSS.






Ads

Sponsored Links

Step No. 2

Ibigay ang mga impormasyong hinihingi sa online form —SSS number, first name, middle name, surname, date of birth, email address at iba pa.

Pagkatapos nito, i-enter lamang ang hinihinging code sa space na nakalaan at i-check ang "I accept the Terms of Service" bago i click ang "Submit".


Step No. 3

I-check ang inyong email para sa email validation na ipinadala ng SSS.gov.ph. Siguruhing aktibo ang email address na ibinigay sa Step No. 2 para matanggap email validation na darating sa loob ng 30 minutes.

Sa email makikita ang link ng inyong online registration at magsisilbi din itong patunay na sa iyo ang email address na iyong ibinigay sa Step No. 2.


Step No. 4.

I-active ang iyong My.SSS account sa pamamagitan ng pag-fill up sa online form ng mga hinihinging personal information gaya ng complete name, address, postal code, contact number, preferred user ID, at password.

Siguruhing tama ang mga ibinigay na impormasyon, pagkatapos i-check lamang ang "I accept the terms and conditions" bago i-click ang "Submit".
Pagkatapos mong nai-submit lahat na information, makakatanggap ka ng notification mula sa SSS sa step na ito.

Step No. 5

Muling i-check ang iyong email address para sa SSS confirmation ng iyong online registration.

Dito isi-send ng SSS ang iyong confirmation email na nagsasabing successful ang inyong registration online.

Mababasa din sa email ang iyong user ID at password na iyong magagamit sa pag-log in sa My SSS account online.

Importanteng itago o i-memorize ang iyong User ID at password dahil kakailanganin mo ito sa pag-log in sa iyong account.

Kung SSS member ka, magpa-rehistro ng online account para sa mabilis na transaction. Maliban sa mga miyembro, maari ding magparehistro para sa online SSS acount ang mga sumusunod;
  • Employees with SSS coverage
  • Self-employed or voluntary members
  • Overseas Filipino workers (OFWs)
  • Unemployed spouses with at least one month posted SSS contribution
  • Kasambahays and other household employees
  • Employers
Narito ang mga transaksiyong maari mong gawin online gamit ang iyong My.SSS account!
  • View, download and print your membership records
  • Check your posted contributions
  • Make online transactions such as filing an SSS salary loan application and applying for SSS maternity benefit
  • Check your SSS loan repayment records
  • View details on your SSS benefit claims
  • Schedule appointments with an SSS branch 
  • Ask questions, report a complaint, and discuss your concerns about SSS-related issues on the Members Forum within the online portal