Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS Loans. Show all posts
Showing posts with label SSS Loans. Show all posts

Monday, May 10, 2021

SSS, May Paalala sa mga Pensioners at Miyembro Upang 'Di Maloko!




MANILA, Philippines — MULING pina-alalahanan ngayon ng Social Security System o SSS ang kanilang mga miyembro at pensioners na mag-ingat sa mga manloloko, offline man o online.

Ito'y matapos naiulat sa Camarines Sur ang entrapment operation ng mga kapulisan laban sa taong nagpapakilalang abogado at empleyado ng SSS. Nanghihingi umano ito ng pera sa 18 biktima kapalit ng pag-proseso nito ng kanilang mga Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card application at ATM cards. Maliban dito, nag-aalok din ang suspek ng trabaho na maging encoders ng ahensiya.

Nilinaw ngayon ng SSS na suspendido pa ang UMID card application dahil sa coronavirus disease o Covid-19 pandemic. Ayon sa SSS, maglalabas sila ng abiso kung kailan ito babalik.


Ads


Naka-post din umano sa Civil Service Commission o CSC website, sa mga pangunahing newspapers sa SSS official website at social media accounts ang mga announcement ng ahensiya at lahat na vacant plantilla positions.

Ayon sa SSS, inisyuhan ng warrant of arrest ang suspek dahil sa paglabag nito sa Article 315 of the Revised Penal Code.

Kaugnay nito, nagbabala din ang SSS sa mga online fixers o mga taong nag-aalok ng SSS services kagaya na lamang ng paggawa ng SSS online account, pag-file ng loan, pag-check ng contribution at iba pa na may kapalit na bayad.

Ayon sa ahensiya, isang paglabag ito sa Republic Act No. 11032. Babala ng SSS, iwasang makipag-transaksiyon online sa mga hindi lehitimong SSS representatives.



Ads

Sponsored Links



Ito'y dahil maaaring malagay sa kompromiso ang iyong SS number at ma-biktima ka ng phishing o fraud. Paalala ng SSS, huwag na huwag ibibigay ang inyong personal data sa mga hindi otorisadong tao dahil maaaring magamit ang account mo sa hindi otorisadong pag-file ng loan sa ilalim ng iyong account.

Pinag-iingat din ng SSS ang mga pensioners sa mga scammers. Ayon sa ahensiya, hindi totoo na may ipinamimigay na COVID 19 Cash Allowance ang SSS sa mga pensioners nito.

Kapag nakatanggap umano ng ganitong text message, huwag ibigay ang inyong SS number o anumang personal na impormasyon upang ma-protektahan ang inyong mga benepisyo.

Paalala ng SSS sa mga members at pensioners, huwag basta maniwala sa mga text o Facebook messages na nanghihingi ng personal at SSS data.


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, April 12, 2021

Pres. Duterte, Iniutos ang grace period sa pagbabayad ng loans, renta ng mga na-lockdown



MANILA, Philippines — INIUTOS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grace period sa pagbabayad ng mga loans at renta ng mga nasa ilalim ng quarantine.

Ang nasabing grace period ay tatagal ng 30 araw o hanggang sa matapos ang quarantine, alinman ang mas tatagal.

Napapaloob ang nasabing kautusan sa panibagong Omnibus Guidelines on Implementation of Community Quarantine in the Philippines na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Marso 28.

Inilabas ang nabanggit na kautusan bago pa man inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna noong noong Marso 29.

Ads


Ano-anong mga loan ang sakop ng grace period?

Ang grace period para sa mga loan ay para sa mga lugar na isinailalim sa ECQ at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Una nang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tatagal sa ilalim ng ECQ ang "NCR Plus" hanggang Abril 30.

Ayon sa IATF, base sa Section 8 ng guidelines, ang mga loan sa mga sumusunod ay sakop ng grace period:
  • Lahat na mga bangko
  • Quari banks
  • Financing companies
  • Lending companies
  • Iba pang financial institutions, pribado man o pampubliko
  • Government Service Insurance System
  • Social Security System
  • Pag-IBIG Fund
"All banks, quasi-banks, financing companies, lending companies, and other financial institutions, public and private, including the Government Service Insurance System, Social Security System, and Pag-IBIG Fund, are directed to implement a minimum of a 30-day grace period from due date or until such time that the ECQ or MECQ is lifted, whichever is later, for the payment of all loans," the IATF said in Section 8 of the guidelines.

Ads

Sponsored Links



Kabilang sa nabanggit na mga loans ay ang mga sumusunod:
  • Salary Loan
  • Personal Loan
  • Housing Loan
  • Motor Vehicle Loan
Credit Card payment na magdu-due sa loob ng panahon na may quaratine
Dahil sa grace period, walang interest, penalties, fees o iba pang charges na dapat ipataw sa loan.

Para naman sa renta:

May grace period din sa renta sa mga lugar sa ilalim ng ECQ, MECQ at general community quarantine (GCQ).

Sa guidelines, mababasa ang mga sumusunod:

"For residential and commercial rents falling due within the duration of the ECQ, MECQ, and GCQ, on residential lessees and micro, small, and medium enterprises (MSMEs) and sectors not permitted to operate during said period, a grace period of 30 days from the last due date or until such time that the community quarantine is lifted," 

Layunin umano ng grace period na maibsan ang hirap ng mga Filipino na lalong naapektuhan ng mga ipinatupad na lockdown sa bansa.

Ayon ito sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang pangulo na maglabas ng kautusan ukol sa pagpapatupad ng grace periods.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, March 09, 2021

SSS sa mga Miyembro: Siguruhing Tama ang Account Information sa Online Enrollment




MANILA, Philippines — UPANG maiwasan ang problema sa disbursement ng loan o anumang benepisyo, hinihikayat ngayon ng Social Security System o SSS ang mga miyembro nito at mga sakop na employers na siguruhin ang tama at active na disbursement account para sa online enrollment sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) sa pamamagitan ng My.SSS portal.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na mababasura lamang ang disbursement account enrollment application ng miyembro kung hindi tama ang inilagay na account number o hindi wasto ang inapload na proof of account.

 “We urge our members and covered employers to triple-check the information they have entered before submission to the SSS to avoid inconveniences in their disbursement account enrollment,” ang naging pahayag ni Ignacio.


Ads


Sa pagparehistro, sinabi ng SSS na dapat siguruhin ang mga sumusunod:

  • Ang bank account ay kabilang sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating bank.

  • Ang pangalan ng miyembro o business name ng employer na naka-rehistro sa SSS ay pareho sa bank account na in-enroll.

  • Dapat din na siguruhin na ang inilagay ay bank account number at hindi ATM card number.

  • Sa mga cash cards na inisyu ng mga banko, dapat siguruhin na pinapahintulutan ng banko ang paggamit nito para sa SSS disbursement.

  • Siguraduhin din na sunod-sunod ang pagkalagay ng account number, walang space at walang non-numeric characters.

  • Para naman sa e-wallets at Remittance Transfer Companies (RTCs)/Cash Payout Outlets (CPOs), ang mga mobile numbers ay dapat na nakasulat sa format na 09171234567 or 09181234567, walang space o non-numeric characters.
Ads

Bilang dagdag na verification process upang maiwasan ang panloloko sa enrollment ng disbursement account at upang ma-validate ang ownership ng enrollee, kinakailangan ng mga miyembro o ng employers na mag-upload ng proof of account sa pamamagitan ng DAEM.

Kabilang sa mga tinatanggap na proof of accounts ay ang photo o scanned copy ng mga sumusunod:
  • Passbook
  • ATM Card
  • Validated Deposit Slip
  • Bank Certificate/Statement
  • Foreign Remittance Receipt
  • Screenshot ng online o mobile banking account
  • Mobile app account para sa e-wallets
Ngunit dapat na siguruhin ng mga miyembro na ang mga photos o scanned documents ay mababasa at colored.


Ayon sa SSS, hindi naman kinakailangan ang proofs of accounts sa mga sumusunod:
  • Unified Multi-Purpose Identification card enrolled as an ATM (UMID-ATM)
  • Bank accounts migrated from the Sickness and Maternity Benefits Payment thru the Bank (SMBPB) Module
  • DBP Cash Padala thru M Lhuillier, an RTC/CPO

Sponsored Links


Benefit and Loan Disbursement Channels

Ipinaliwanag naman ng SSS sa mga miyembro at sakop na employers na iba-iba ang disbursment channels ng bawat benepisyo at loans.

Sa ngayon, ang Retirement, Disability, Unemployment, Sickness at Maternity Benefits ng mga individual members gayundin ang Funeral at Death Benefits ng mga beneficiaries na miyembro din ng SSS ay ibinibigay sa pamamagitan ng UMID-ATMs, Union Bank of the Philippines (UBP) Quick Cards, PESONet participating banks, e-wallets, at RTCs/CPOs.

Binabayaran naman ng SSS ang Sickness at Maternity Benefit Reimbusement sa mga employers sa pamamagitan ng PESONet participating banks.


Ang pension loans at short-term member loans gaya ng Salary, Calamity, at Emergency ay nire-release sa pamamagitan ng UMID-ATMs at UBP Quick Cards. Ang mga short-term member loans ay maari din na i-release sa pamamagitan ng PESONet participating banks.

“Currently, we are receiving a high volume of applications in the DAEM. In response to this, we have assigned more employees to verify applications,” 

“We advise our members to refrain from going to our branches to follow-up on their disbursement account applications. Rest assured that we are continuously looking for ways to improve and expedite the DAEM verification process,” dagdag na pahayag ni Ignacio.

Matatandaan na sinimulan ng SSS ang pagpapatupad ng mandatory enrollment ng disbursement accounts sa PESONet-participating banks, e-wallets, or RTCs/CPOs in the DAEM noong nakaraang taon para sa mabilis at seguradong pamamaraan ng pagtanggap ng benepisyo o loan disbursement.




©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, March 06, 2021

SSS, May Paalala sa mga Miyembro Ngayong Panahon ng Pandemya




MANILA, Philippins — SA kabila ng pandemya, ipina-alala ngayon ng Social Security System o SSS sa mga miyembro ang kahalagahan ng patuloy na pagbabayad ng buwanang kontribusyon para sa patuloy din na mga benipisyo at prebelihiyo.

Dahil dito, hinihikayat ni SSS President at CEO Aurora C. Ignacio ang mga miyembro na boluntaryong nagbabayad ng kanilang kontribusyon at yaong mga nawalan ng trabaho na ipatuloy pa rin ang kanilang membership sa SSS. Ito'y dahil malaking tulong umano ang mabibigay ng SSS sa panahon ng pangangailangan.

Paliwanag ni Ignacio, makakatanggap ng social security benefits ang mga miyembrong regular na nagbabayad lalo na yaong pasado sa mga qualifying conditions na itinakda.



Ads


“Regularly-paying members are entitled to these social security benefits provided that they meet the specific qualifying conditions set for each benefit eligibility. It is also essential that the member is updated in paying his contributions to apply for such benefits or loans,” ang pahayag ni Ignacio.

Sa pagtantya ng SSS, nasa tatlong milyong miyembro ang huminto sa pagbabayad ng kanilang kontribusyon noong nakaraang taon dahil sa pansamantala o permanenteng pagkawala ng kanilang trabaho dahil sa mga nag-sarang negosyo.

“We do not want these members to lose the privilege of availing other benefits from SSS as a result of this situation. We have to convince them to come back, this time as voluntary paying members,” ang dagdag na pahayag ni Ignacio.


Ads

Sponsored Links



Simula Enero 2021, obligado na ang mga may trabahong miyembro ng SSS na magbayad ng 13% ng kanilang monthly salary credit o isang porsyentong pagtaas mula sa 12% noong nakaraang taon. Sa mga kumikita ng P3,000 hanggang P25,000 kada buwan, maghahati ang empleyado at employer nito sa kontribusyon na 4.5% at 8.5%.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, March 03, 2021

ALAMIN: Iba't-ibang Serbisyo ng SSS Online na Mapapakinabangan ng Miyembro





MANILA, Philippines — DINAGDAGAN pa ng Social Security System o SSS ang mga serbisyo nito sa kanilang online services portfolio bilang hakbang upang mas mapadali at pamabilis ang bawat transaksiyon ng miyembro at mga employer na hindi na kinakailangan pang pumunta sa alinmang branches ng SSS.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio layunin nito na mailapit sa mga miyembro, pensioners, sakop na mga employers at publiko ang kanilang mga serbisyo sa gitna ng mga restrictions dala ng coronavirus disease o Covid-19.

“For the past years, we have been gradually shifting our stakeholders’ way of transacting with us from face-to-face to online. The pandemic motivated us further to fast track our digital transformation initiatives, not only to provide our stakeholders with faster, more convenient, and more efficient means of transacting with us but also to ensure their safety,” ang naging pahayag ni Ignacio.


Ads


Sa ngayon kabilang sa serbisyo ng My.SSS Portal ay ang mga sumusunod:
  • Online applications ng Calamity Loan, Pension Loan, Retirement Benefits, Unemployment Benefit at Funeral Claims
  • Submission of Requests for Member Data Change for simple corrections for members
  • Submission of Sickness Benefit Reimbursement Application for employers
  • Pagkuha ng Real-Time Processing of Loans Payment Reference Number (RTPL-PRN)
  • Benefit Re-disbursement Module
  • Uploading ng proof of account, na dating kilala bilang Bank of Enrollment Module

Kaugnay nito, mas pinahusay din ng SSS ang online SSS number application nito at binigyan din ng access ang mga miyembro sa Remittance Transfer Company/Cash Payout Outlet (RTC/CPO) Reference Number Inquiry.


Maliban sa bago at mas pinagandang mga online services, may access na rin ang mga SSS members sa iba pang mga virtual services gaya ng mga sumusunod:
  • Viewing ng contribution at loan records
  • Mag-inquire sa status ng benefit claims
  • Mag-inquire para sa eligibility para sa benefit programs at iba.
Maliban sa My.SSS Portal, ang mga nabanggit ay maaari ring ma-access sa pamamagitan ng mga sumusunod:
  • SSS Mobile App
  • Text SSS
  • Self Service Express Terminals

Ads

Sponsored Links



Anu-ano pa ang mga serbisyong hati ng My.SSS Portal?

Sa pamamagitan ng My.SSS online, ang isang miyembro ay may access sa mga sumusunod:
  • Pag-view sa membership information nito
  • Listahan ng mga PRN payments nito
  • Mga address ng SSS branches sa buong bansa
  • Mag-file ng Salary Loans
  • Mag-submit ng Maternity Notifications para sa mga self-employed, voluntary and OFW members
  • Kumuha ng PRN para sa contributions
  • Mag-update ng contact information sa pamamagitan ng My.SSS Portal at SSS Mobile App.

Alam mo ba na sa paggamit mo ng My.SSS Portal, maaari mo ring magawa ang mga sumusunod:
  • Mag-set ng appointmet sa isang SSS branch
  • Mag-send ng request para sa SSS records
  • Mag-enroll ng Personal Equity and Savings Option (PESO) Fund o Flexi-fund
  • Gumamit ng simulated retirement calculator
  • Makita ang detalye ng iyong Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card o SSS ID
  • Baguhin ang password ng iyong My.SSS account
  • Gamit naman ang SSS Mobile App, maaaring mag-bayad ng contribution gamit ang PayMaya at Bank of the Philippine Island.

Sa mga employers naman, maaari nilang magawa ang mga sumusunod:
  • Ma-view ang kanilang contribution at loan records
  • Status ng bayad at benefit reimbursement claims
  • Ma-update ang kanilang contact information sa pamamagitan ng My.SSS Portal at SSS Mobile App.
  • Ma-view ang kanilang SSS information
  • Mag-submit ng Employment Reports (R-1A), Loan Collection Lists (ML2), Contribution Collection Lists (R3)
  • Mag-submit ng sickness notification at maternity notifications
  • Mag-generate ng PRN
  • Mag-certify ng loans at claims para sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng My.SSS portal.

Wednesday, February 03, 2021

5 Bagay na Dapat Mong Malaman Tungol sa PRN ng SSS!




MANILA, Philippines — SIMULA Abril 2021, magiging mandatory na ang paggamit ng computer-generated na payment reference number o PRN ng Social Security System o SSS.
Ayon sa ahensiya, sakop nito ang mga billing months ng Marso 2021 pataas.

Ano ang PRN?

Ang payment reference number o PRN ay system-generated number na naaayon sa loan billing statement ng individual member kagaya ng ma sumusunod:
  • Self employed
  • Voluntary
  • Overseas Filipino Workers
Maliban sa mga individual members, gagamitin din ito ng mga employer para mapadali ang agaran at tamang posting ng loan payments tugma sa kanilang loan accounts.


Ads



Sinabi ni SSS President at CEO Aurora C. Ignacio noong nakaraang taon pa sinimulan ng SSS ang implementasyon sa pagamit ng PRN para sa short-term member loan payment bilang bahagi ng Real-Time Processing of Loans (RTPL) program ng SSS.

Saan Maaaring Magamit ang PRN?

Ayon sa SSS, magiging mandatory na ang paggamit ng PRN sa pagbabayad ng mga sumusunod:
  • Salary Loan
  • Calamity Loan
  • Emergency Loan
  • Restructured Loan
“Since November 2020, we have been sending loan billing notices to member-borrowers and employers. This loan billing statement or notice contains a corresponding PRN, which individual members and employers must present when paying at SSS branches with Automated Tellering System (ATS) or any RTPL-compliant collecting partner,” bahagi ng pahayag ni Ignacio.


Ads

Paano Makakakuha ng PRN?

Mula sa unang araw hanggang ika-anim na araw kada buwan, magbibigay  ang SSS ng loan billing statements at notices na may kasamang PRN. Ipapadala ito sa mga individual members at employers sa pamamagitan ng kanilang email at registered mobile numbers.

Sakali umanong babaguhin ng individual member ang halaga ng kanyang babayaran, maari niya itong magawa sa pamamagitan ng kanyang My.SSS account o sa pagpunta sa SSS branches.

Para sa iba pang paraan para makakuha ng PRN, basahin ito — 6 Easy Steps para Makakuha ng PRN sa'yong My SSS Account.

Paano Gagamitin ang PRN?

Gagamitin ito sa pagbabayad ng individual members o employers. Maaaring i-print out ang kopya o i-screenshot ang PRN Loan and Statement of Account na may kasamang barcode. Makukuha ito sa pamamagitan ng  “RTPL PRN” module sa mga My.SSS accounts ng miyembro na makikita sa SSS website na — www.sss.gov.ph. 

Maliban dito, maaari ding i-presenta ang SMS ngg loan na may PRN mula sa SSS.


Sponsored Links



Saan Tinatanggap ang Pagbabayad ng Loan Gamit ang PRN?

Maliban sa mga SSS branches na may ATS, ang loan payments na may PRN ng mga individual members at employers ay tinatanggap din sa mga RTPL-compliant partners, Security Bank, at Union Bank of the Philippines.

Maaari ding magbayad ang mga individual members ng kanilang loan gamit ang PRN sa mga foreign branches ng Philippine National Bank.

Pagkatapos makapag-bayad, ang individual members at employers ay makakatanggap ng notification sa pamamagitan ng email at SMS na nagkukompirma ng bayad at posting.

Kinumperma naman ng SSS na tatanggapin na lamang hanggang March 31, 2021 ang mga non-PRN loan payments.


©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, December 08, 2020

6 Easy Steps para Makakuha ng PRN sa'yong My SSS Account





MANILA, Philippines — BILANG individual member ng Social Security System o SSS, magiging bahagi na ang paggamit ng Payment Reference Number o PRN sa pagbabayad ng anumang uri ng loan sa SSS.

May iba't-ibang paraan para makakuha ng PRN. Maaari itong makuha sa mga text message o Email mula sa SSS. Magpapadala ang SSS ng PRN Loans Billing Notices sa mobile number at email ng miyembro na naka-rehistro sa SSS.

Maaari din itong makuha sa mga SSS Branches sa pamamagitan ng Self-service Express Terminals o SETs, E-centers, at over-the-counter.

At isa sa pinaka-madali ay ang pagkuha ng PRN sa My.SSS Account sa SSS website.





Ads


Para sa mga individual members ng SSS gaya ng mga self-employed, voluntary at OFW-members, narito ang simpleng paraan para makakuha ng PRN sa pagbabayad ng inyong mga SSS loans.

Step — 1

Mag-log in lamang sa iyong My.SSS account.
I-enter ang iyong User ID at Password.
I-tick ang box sa tabi ng "I'm not a robto"
I-click ang "Submit".

Kung wala kang account sa SSS, alamin kung paano magparehistro — 5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online.

Kung may account ka naman, ngunit nakalimutan mo ang iyong username o password, alamin ang apat na paraan para marekober mo ito —  Forgot Password? 4 Ways Para Ma-Recover Ang Iyong My.SSS Online Account.


Step — 2

I-click ang RTPL tab upang makita ang active Payment Reference Number o PRN.
Tingan ang larawang nasa ibaba.


Step — 3

By default, ang "Amount to be Paid" portion ay parehas lamang sa "Amount Due.
Ngunit maaari mong baguhin ang "Amount to be Paid" sa pamamagitan ng pag-enter ng halagang nais mong bayaran.

Ngunit laging tandaan na maaaring magbayad ng mas maliit o mas malaki sa amount due ngunit hindi maaaring magbayad ng mahigit sa halaga ng "Outstanding Balance" ng iyong loan.

Lalabas naman ang error message sakaling mas malaking amount ang inilagay sa "Amount to be Paid" kumpara sa iyong Outstanding Balance.




Ads

Step — 4

I-click lamang ang "Save All" kung tapos mo nang baguhin ang amount o halaga ng iyong babayaran.

Maglalabas naman ng promt ang website na nagsasabing na-update na ang iyong record.



Step — 5

I-click lamang ang "PRN" para makita at ma-view ang modified PRN.



Step — 6

I-check ang lahat na detalye kung tama at i-click ang "Print".



Sponsored Links



Huwag kalimutang i-print ang PRN ng dalawang kopya. Isa para sa payor at isa para sa SSS.

ung may printed PRN kana, i-presenta lamang ito kung ikaw ay magbabayad sa mga sumusunod:
  • SSS Branches na may Automated Tellering Systems
  • RTPL-compliant SSS Collecting Partners (Banks and Non-Banks)
Hintayin ang payment posting notification na ipapadala ng SSS sa registered mobile number at email address mo ukol sa pagbabayad na ginawa.




Una nang inihayag ng SSS na simula Pebrero 1, 2021, magiging mandatory na ang paggamit ng PRN sa mga miyembrong magbabayad ng SSS loan.

Layunin umano nito ang mabilis at wastong posting ng loan payment sa account ng miyembro.


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, December 07, 2020

Magbabayad ng SSS Loans? Magiging Mandatory na ang Pag-gamit ng PRN!




MANILA, Philippines — IKAW ba ay self-employed, voluntary o OFW member ng Social Security System o SSS? Alam mo na ba ang tungkol sa mandatory na paggamit ng Payment Reference Number o PRN para sa pagbabayad ng loan? Ito'y sa ilalim ng Real-Time Processing of Loans (RTPL) ng SSS na mag-sisimula sa Pebrero 1, 2021, sakop ang buwan ng Enero 2021.

Ayon sa SSS, simula noong Nobyembre 9, 2020, sinimulan na rin nila ang pagpapadala ng Loan Billing Statement na may PRN sa mga employers at individual members.

Sa ngayon, maaari pang magbayad ng SSS loan kahit walang PRN, ngunit ayon sa ahensiya, hanggang Enero 31, 2021 na lamang ang huling araw na tatanggap ang mga ito ng non-PRN loan payments.

Ads


Magiging mandatory naman ang paggamit ng PRN para sa loan payments simula Pebrero 1, 2021.

Saan Makukuha ang PRN para sa mga Loans?
  • Ipapadala ng SSS sa pamamagitan ng text message o e-mail sa rehistradong mobile number o email address ng individual member o employer.
  • Makukuha din ito sa My.SSS registered account ng employer o individual member
  • PRN Loans Inquiry over the counter o sa mga e-Service Centers
  • Makukuha din ito sa mga Self-Service Express Terminals (SETs) sa mga SSS Branches


Ads

Narito naman ang proseso ng PRN Loans para sa mga employers at individual members.





Sponsored Links



Saan Maaaring Magbayad ng SSS Loans Gamit ang PRN?
  • Sa mga SSS Branches na may Automated Tellering Systems
  • RTPL-compliant SSS Collecting Partners (Banks at Non-Banks)
  • Sampung iba pang collecting partners na kasalukuyang nagpapatupad ng system enhancement at testing upang maging RTPL-compliant.



Sa pamamagitan umano ng paggamit ng PRN, magiging mabilis at wasto ang posting ng loan payment sa loan account ng member-borrower ng SSS.


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, December 03, 2020

Mga Dapat at 'Di Dapat Gawin Sa Pag-A-apply ng Loan!





Kaliwa't kanan ang ina-alok na loan o pautang ng mga bangko, lending institution maging ng mga government financial institution sa ngayon dahil sa krisis na dala ng coronavirus disease at ng iba't-ibang kalamidad sa bansa.

Dahil dito marami ang nahihikayat na mag-apply ng loan bilang isa sa pinaka-mabilis na solusyon sa panahon ng pangangailangan o kung may isang bagay na nais mong bilhin ngunit kulang sa pera gaya na lamang ng bahay o lupa.

Ngunit laging tandaan na hindi lahat ay may oportunidad na makapag-loan dahil sa mga requirements na kailangan isumite. Pinagbabasehan din sa loan ang iyong credit record at loan terms.

Narito ang mga bagay na dapat at hindi mo dapat gawing kung ikaw ay nagpaplanong mag-apply ng loan.

Ads


1. Alamin ang purpose ng loan.

Importanteng alam mo kung saan mapupunta ang loan mo. Pandagdag ba ito sa pinaplanong bahay? Pang-kapital sa maliit na negosyo? Pambili ng motorsiklo o sasakyan?  Pang-gastos sa bahay na nasira dahil sa bagyo, pang-tuition ng anak o perang pang-gastos sa bakasyon? 

Bago mag-apply ng loan, siguruhin munang may mabuting bagay itong mapupuntahan para hindi masayang — dahil ang loan ay isang utang na iyong babayaran.

2. Ikumpara ang mga loan na pagpipilian.

Masasabing simpleng desisyon lamang ang pag-apply ng loan, ngunit may malaking epekto ito sa buhay mo sa hinaharap. Halimbawa sa ngayon, kapwa may ina-alok na calamity loan ang Pag-IBIG Fund, Social Security System, at GSIS. Bago mag-apply ng loan sa alinman sa mga ito, ikumpara muna ang kanilang interest rates, loan amount na makukuha mo, payment terms at iba pang serbisyo bago mag-desisyon.

May mga loan din na kailangan ng co-maker o co-borrower. Sa ganitong uri ng mga loan, mag-ingat sa pagpili ng partner.

Ads
3.  Huwag magsumite ng maraming loan application nang sabay.

Ang pag-apply ng loan ay hindi kagaya ng raffle na "more entries you send, means more chances of winning". Laging tandaan na tuwing mag-a-apply ka ng loan, nalalaman ito ng credit rating organization. Sa prosesong ito, ina-alam ng mga lenders ang iyong credit history. Dito nalalaman kung nakapag-sumite kaba ng loan applications sa ibang financial institution at kung maayos mo ba itong nabayaran.

Kung nakita nila na tinanggihan ka na ng ilang beses, malaki ang posibilidad na mare-reject din ang loan application mo.

4. 'Di dahil kapwa ina-alok, kapwa mo ring a-aplayan.

Huwag din mag-sumite ng loan application ng sabay maging sa mga government financial institution gaya ng Pag-IBIG at SSS.

Halimbawa ulit ay ang SSS at Pag-IBIG na kapwa nag-aalok ng salary o calamity loan sa ngayon. Laging tandaan na hindi libre ang loan na pagkatapos mong natanggap ang pera ay wala ka nang obligasyong magbayad. Kung dalawang loan ang inaplayan at na-aprobahan, dalawa din ang kaltas sa buwanang sahod.

5. Isiping mabuti ang loanable amount.

Magkano ba ang kailangang pera? Kailangan ba talagang i-maximize ang loanable amount na ina-alok ng isang financial institution? Kung P15,000 lamang ang perang kinakailangan, pag-isipang mabuti kung ganitong amount lang ba dapat ang uutangin o kailangang tanggapin ang maximum na loanable amount na ina-alok sa iyo. Laging tandaan na ang loan ay may interes. Mas malaki ang loan, mas malaki ang interes.

Sponsored Links



6. Gawing regular ang pagbabayad ng mga kasalukuyang loans, gaya ng credit card, housing loan, o car loan.

Bilang isang borrower, importante ang iyong credit score dahil dito ibina-base ng mga financial institution ang desisyon kung ikaw ay pauutangin o hindi. Ayon sa mga eksperto, naka-base sa iyong payment history ang iyong credit score.

Ibig sabihin kung madalas kang hindi nakakapagbayad sa tamang oras at madalas mapatawan ng penalty fees, malaki ang posibilidad na mababasura ang iyong loan application.

7. Kung nag-iisip kang mangutang, iisipin mo rin ang pagbabayad.

Pag-aralang mabuti ang loan term o kung ilang buwan o taon mo maaaring mabayaran ang iyong loan. May mga taong pumipili ng shorter loan tenure dahil mas mabilis na mababayaran ang loan at mas maliit ang babayarang interes. May pumipili din ng mas mahabang loan tenure dahil sa mas kontrolado nila ang pagbabayad ng maliit na monthly payments.

Sa pag-a-apply ng loan, maaaring i-discuss sa lender ang pinaka-mainam na repayment period para hindi mabigla sa babayaran at mababayaran ito ng tama.

8. Mag-ipon!

Mag-ipon ng maraming pera hangga't kaya. Hindi sigurado ang loan at minsan, may mga loan na nangangailangan ng down payment, gaya na lamang ng ilang housing loan. Kung may naitatabing pera, may magagamit ka sakaling may extra expenses. Maliban dito, mas madaling maaprobahan ang loan kung makikitang may tumutubo kang savings account sa bangko.

9. Isipin ang collateral.

May mga financial establishments na nanghihingi ng collateral bilang panigurado sa loan na ibibigay sa iyo. Mayroon namang walang collateral, ngunit mas maganda kung mayroon kang naka-handa. Para sa mga secured loans, maaaring mapababa ng collateral ang interes ng loan mo.

 Dahil dito, mas mainam na alam mo kung anong properties ang maaari mong i-collateral sa loan gaya ng alahas, real estate, sasakyan at iba pa.

10.  Huwag balewalain ang fine print.

Basahin ang terms and condition ng iyong loan bago ito pirmahan. Posibleng dito mo mababasa ang mga dagdag na bayad kagaya na lamang ng pre-closure fees, processing charges, admin fees, check penalties, extension charges, o late payment fees. 

Dito mo mas mai-intindihan ang agreement na pinasok mo sa isang lending o financial institution kung saan ka nag-a-apply ng loan.

©2020 THOUGHTSKOTO