Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label calamity loan. Show all posts
Showing posts with label calamity loan. Show all posts

Thursday, April 08, 2021

Paano Mag-apply ng Pag-IBIG Calamity Loan sa Gitna ng Banta ng Covid-19?




MANILA, Philippines — ISINAMA na ng Pag-IBIG Fund ang digital processing sa mga loans nito na kinabibilangan ng Calamity Loan sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Marso 17 nang isinailalim ni Pangulong Duterte sa state of calamity ang bansa base sa Proclamation 929 na inilabas nito. Inaasahang tatagal nang anim na buwan ang state of calamity maliban na lamang kung tatapusin ito ng mas maaga o palalawigin ng pangulo.

Dahil marami ang nawalan ng trabaho at mga humintong negosyo, maraming mga Pinoy ngayon ang nangangailangan ng financial assistance.

Ads


Sa kanilang Facebook page, sinabi ng ahensiya na mayroon silang Pag-IBIG Fund Calamity Loan Program na naglalayong magbigay ng agarang tulong-pinansiyal sa mga apektadong miyembro sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Narito ang updated loan application process na inilabas ng Pag-IBIG Fund kung paano makapag-apply ng Calamity Loan sa gitna ng banta ng Covid-19.


Sino ang kwalipikadong mag-apply ng Pag-IBIG Fund Calamity Loan?

Ayon sa website ng Pag-IBIG, dapat may kontribusyon ang miyembro na nakatira sa lugar na isinailalim sa state of calamity.

Dapat may kontribusyon ito na hindi bababa sa 24 na buwan at sapat na proof of income para maging kwalipikado.

Kung may kasalukuyang Pag-IBIG Fund Housing Loan, MPL at o Calamity Loan, importanteng updated ang iyong pagbabayad para maging kwalipikado.



Ads

Sponsored Links



Paano naman mag-apply ng Pag-Ibig Fund Calamity Loan digitally?

Ayon sa updated guide na inilabas sa kanilang Facebook page, dapat punan ng aplikante ang Calamity Loan Form.

Hindi na kailangan pirma sa mga mag-aapply digitally bilang alternatibong proseso sa mga taong walang access sa printers.

Sa mga may printer naman, kailangan pa ring pirmahan ang form, i-scan o kunan ng picture ang napunan na application forms at iba pang requirements.

Sa mga nagpi-fill-out ng form digitally, siguruhing mayroong Adobe Acrobat Reader upang magawa mo ito digitally.


Kung tapos nang napunan ang form, i-save ito bilang PDF at i-send sa Human Resources (HR) department ng inyong kompanya, authorized company representative o Fund Coordinator, kasama ang isang valid ID at picture ng harap at likod ng inyong Loyalty Card Plus, o Landbank, UCPB o DBP cash card.

Ang inyong company HR personnel o sinomang incharge ang siyang magpapadala sa pamamagitan ng email ng application form kasama ang iba pang mga requirements sa Pag-IBIG Fund email address na naka-assign sa inyong lugar.

Ano naman ang mga requirements para sa Calamity Loan application?

• Completely filled-out application form
• Filled-out Employer Confirmation of STL Application with your name 
• 1 valid ID
• Front and back images of your Loyalty Card Plus, or Landbank, UCPB or DBP cash card.

Ipapa-alam naman ng Pag-IBIG Fund sa mga first time borrowers na walang Loyalty Card Plus, Landbank o DBP Cashcard kung paano nila matatanggap ang kanilang loan proceeds.
Magkano ang maaaring ma-utang?

Ayon sa Pag-IBIG Fund, ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring maka-utang nang hanggang sa "80% of their total Pag-IBIG Regular Savings."

"It consists of their monthly contributions, their employer’s contributions, and accumulated dividends earned."

Hanggang kailangan maaaring umutang ang mga qualified applicants?

Ayon sa Pag-IBIG ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring makapag-apply ng loan "within a period of 90 days from the declaration of a state of calamity."

Gaano naman ka tagal ang processing period ng application pagkatapos naisumite ang mga mga dokumento?

Ayon kay Pag-IBIG vice president Kalin Franco-Garcia, target nilang mairelease ang calamity loan proceeds sa loob ng tatlo hanggang pitong araw mula nang matanggap ang application.

"This early, we apologize to our members as our usual processing time takes less than two days. However, in this pandemic that we are currently facing, we would like to assure our members that Pag-IBIG Fund is doing everything it can to release loans as fast as possible,"

Paano babayaran ang loan at magkano ang interest rate?

Ayon sa Pag-IBIG website, "the loan is payable within 24 months and comes with the initial payment due on the 3rd month after the loan release."

Paano ko malalaman na aprobado na ang aking loan?

Ayon sa Pag-IBIG, makakatanggap ng text messages ang mga miyembro na nagkukumperma ng loan approval at naihulog na ito sa Loyalty Card Plus, LandBank o DBP Cashcard.

Saan ko maaaring i-email ang mga requirements?

Here's the list of email addresses assigned based on your office address.
Handa na ba ang Pag-IBIG na tumanggap ng mga aplikasyon lalo na't isinailalim naman sa state of calamity ang buong bansa?

Ayon kay Kalin, tinatanggap nila ang mga Calamity Loan application mula sa mga miyembro sa mga sumusunod na lugar:

a.  National Capital Region
b. Buong Luzon
c.  Mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ kung saan naapektuhan ang mga pangkabuhayan


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, December 03, 2020

Mga Dapat at 'Di Dapat Gawin Sa Pag-A-apply ng Loan!





Kaliwa't kanan ang ina-alok na loan o pautang ng mga bangko, lending institution maging ng mga government financial institution sa ngayon dahil sa krisis na dala ng coronavirus disease at ng iba't-ibang kalamidad sa bansa.

Dahil dito marami ang nahihikayat na mag-apply ng loan bilang isa sa pinaka-mabilis na solusyon sa panahon ng pangangailangan o kung may isang bagay na nais mong bilhin ngunit kulang sa pera gaya na lamang ng bahay o lupa.

Ngunit laging tandaan na hindi lahat ay may oportunidad na makapag-loan dahil sa mga requirements na kailangan isumite. Pinagbabasehan din sa loan ang iyong credit record at loan terms.

Narito ang mga bagay na dapat at hindi mo dapat gawing kung ikaw ay nagpaplanong mag-apply ng loan.

Ads


1. Alamin ang purpose ng loan.

Importanteng alam mo kung saan mapupunta ang loan mo. Pandagdag ba ito sa pinaplanong bahay? Pang-kapital sa maliit na negosyo? Pambili ng motorsiklo o sasakyan?  Pang-gastos sa bahay na nasira dahil sa bagyo, pang-tuition ng anak o perang pang-gastos sa bakasyon? 

Bago mag-apply ng loan, siguruhin munang may mabuting bagay itong mapupuntahan para hindi masayang — dahil ang loan ay isang utang na iyong babayaran.

2. Ikumpara ang mga loan na pagpipilian.

Masasabing simpleng desisyon lamang ang pag-apply ng loan, ngunit may malaking epekto ito sa buhay mo sa hinaharap. Halimbawa sa ngayon, kapwa may ina-alok na calamity loan ang Pag-IBIG Fund, Social Security System, at GSIS. Bago mag-apply ng loan sa alinman sa mga ito, ikumpara muna ang kanilang interest rates, loan amount na makukuha mo, payment terms at iba pang serbisyo bago mag-desisyon.

May mga loan din na kailangan ng co-maker o co-borrower. Sa ganitong uri ng mga loan, mag-ingat sa pagpili ng partner.

Ads
3.  Huwag magsumite ng maraming loan application nang sabay.

Ang pag-apply ng loan ay hindi kagaya ng raffle na "more entries you send, means more chances of winning". Laging tandaan na tuwing mag-a-apply ka ng loan, nalalaman ito ng credit rating organization. Sa prosesong ito, ina-alam ng mga lenders ang iyong credit history. Dito nalalaman kung nakapag-sumite kaba ng loan applications sa ibang financial institution at kung maayos mo ba itong nabayaran.

Kung nakita nila na tinanggihan ka na ng ilang beses, malaki ang posibilidad na mare-reject din ang loan application mo.

4. 'Di dahil kapwa ina-alok, kapwa mo ring a-aplayan.

Huwag din mag-sumite ng loan application ng sabay maging sa mga government financial institution gaya ng Pag-IBIG at SSS.

Halimbawa ulit ay ang SSS at Pag-IBIG na kapwa nag-aalok ng salary o calamity loan sa ngayon. Laging tandaan na hindi libre ang loan na pagkatapos mong natanggap ang pera ay wala ka nang obligasyong magbayad. Kung dalawang loan ang inaplayan at na-aprobahan, dalawa din ang kaltas sa buwanang sahod.

5. Isiping mabuti ang loanable amount.

Magkano ba ang kailangang pera? Kailangan ba talagang i-maximize ang loanable amount na ina-alok ng isang financial institution? Kung P15,000 lamang ang perang kinakailangan, pag-isipang mabuti kung ganitong amount lang ba dapat ang uutangin o kailangang tanggapin ang maximum na loanable amount na ina-alok sa iyo. Laging tandaan na ang loan ay may interes. Mas malaki ang loan, mas malaki ang interes.

Sponsored Links



6. Gawing regular ang pagbabayad ng mga kasalukuyang loans, gaya ng credit card, housing loan, o car loan.

Bilang isang borrower, importante ang iyong credit score dahil dito ibina-base ng mga financial institution ang desisyon kung ikaw ay pauutangin o hindi. Ayon sa mga eksperto, naka-base sa iyong payment history ang iyong credit score.

Ibig sabihin kung madalas kang hindi nakakapagbayad sa tamang oras at madalas mapatawan ng penalty fees, malaki ang posibilidad na mababasura ang iyong loan application.

7. Kung nag-iisip kang mangutang, iisipin mo rin ang pagbabayad.

Pag-aralang mabuti ang loan term o kung ilang buwan o taon mo maaaring mabayaran ang iyong loan. May mga taong pumipili ng shorter loan tenure dahil mas mabilis na mababayaran ang loan at mas maliit ang babayarang interes. May pumipili din ng mas mahabang loan tenure dahil sa mas kontrolado nila ang pagbabayad ng maliit na monthly payments.

Sa pag-a-apply ng loan, maaaring i-discuss sa lender ang pinaka-mainam na repayment period para hindi mabigla sa babayaran at mababayaran ito ng tama.

8. Mag-ipon!

Mag-ipon ng maraming pera hangga't kaya. Hindi sigurado ang loan at minsan, may mga loan na nangangailangan ng down payment, gaya na lamang ng ilang housing loan. Kung may naitatabing pera, may magagamit ka sakaling may extra expenses. Maliban dito, mas madaling maaprobahan ang loan kung makikitang may tumutubo kang savings account sa bangko.

9. Isipin ang collateral.

May mga financial establishments na nanghihingi ng collateral bilang panigurado sa loan na ibibigay sa iyo. Mayroon namang walang collateral, ngunit mas maganda kung mayroon kang naka-handa. Para sa mga secured loans, maaaring mapababa ng collateral ang interes ng loan mo.

 Dahil dito, mas mainam na alam mo kung anong properties ang maaari mong i-collateral sa loan gaya ng alahas, real estate, sasakyan at iba pa.

10.  Huwag balewalain ang fine print.

Basahin ang terms and condition ng iyong loan bago ito pirmahan. Posibleng dito mo mababasa ang mga dagdag na bayad kagaya na lamang ng pre-closure fees, processing charges, admin fees, check penalties, extension charges, o late payment fees. 

Dito mo mas mai-intindihan ang agreement na pinasok mo sa isang lending o financial institution kung saan ka nag-a-apply ng loan.

©2020 THOUGHTSKOTO

Sunday, November 15, 2020

SSS, May Assistance Package sa mga Binagyo!





MANILA, Philippines — DAHIL sa sunod-sunod na malalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas nitong huling quarter ng taon, magbubukas ang Social Security System o SSS ng assistance package para sa mga miyembro at pensioners nitong nasa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Ang nasabing assistance package ay magsisimula sa Nobyembre 27, 2020 at para ito sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pinsalang iniwan ng mga bagyong Rolly, Quinta at Ulysses.


Ads



Kabilang sa nasabing mga assistance package ay ang mga sumusunod:
  • Calamity Loan Assistance Program o CLAP
  • Three-month Advance Pension for SS and Employees’ Compensation pensioners
  • Direct House Repair and Improvement Loan

Ads

Sponsored Links



Nilinaw naman ng SSS na sa Nobyembre 27 hanggang Pebrero 26, 2021 lamang ang application para sa CLAP at Three-month Advance Pension.

Buong taon naman maaaring aplayan ang Direct House Repair and Improvement Loan mula sa petsang inilabas ang circular para rito.

Umaasa naman ang SSS na makakatulong ang nasabing assistance package sa mga binagyong miyembro at pensioners.


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, November 13, 2020

ALAMIN: Mga Pautang ng SSS, GSIS at Pag-IBIG Fund sa mga Binagyo




Patapos na ang taong 2020 ngunit tila hindi natatapos ang mga problemang dala ng iba't-ibang kalamidad sa bansa. Maliban sa krisis na dala ng Coronavirus pandemic o Covid-19, pinalala naman ng sunod-sunod na mga bagyo ang hirap ng buhay ng marami nating kababayan na una nang naapektuhan ng iba't-ibang kalamidad.

Dahil sa sunod-sunod na mga bagyo, marami ang nawalan ng bahay at pangkabuhayan at kailangan ngayong bumangon para makapag-simula muli.

Maliban sa pagkain at matutulugan, isa sa pinaka-kailangan ng mga binagyo ay pera para makapagpaayos ng bahay na sinira ng malakas na bagyo at makapag-simulang muli sa kani-kanilang pangkabuhayan.

Kung ikaw ay isang miyembro ng SSS, GSIS at Pag-IBIG Fund at regular ang hulog ang hulog mo ng iyong contribution, tiyak na may malalapitan ka sa panahon ito dahil may mga pautang ang nasabing mga government financial institution sa mga binagyo.

Ads


Mga pautang ng Pag-IBIG Fund!

Pag-IBIG Fund Multi-purpose Loan!

Kung kumpleto ang mga requirements at dokumentong hinihingi ng Pag-IBIG, sa loob ng dalawang araw, maaari mo nang makuha ang iyong Pag-IBIG Multi-Purpose Loan.

Requirements para sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan
  • Multi-Purpose Loan Application Form
  • Valid ID
  • Proof of Income
Proseso para sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan
  • Mag-sumite ng accomplished Multi-Purpose Loan Application Form at mga hinihinging dokumento
  • Kumuha ng STL Acknowledgement Receipt
  • Sa nakatakdang petsa, kunin ang iyong loan.

Pag-IBIG Calamity Loan — Ayon sa Pag-IBIG Fund, nasa P4.4 billion kanilang pondong inilaan para sa calamity loan ng kanilang mga miyembro o 80% ng savings.

Hindi tulad ng Pag-IBIG Multi-Purpose Loan na bukas para sa lahat na miyembro, ang Pag-IBIG Calamity Loan ay para lamang sa mga residente ng lugar na isinailalim sa state of calamity.

Para sa mga interesadong mag-apply ng Pag-IBIG Calamity Loan basahin ito —  Calamity Loan ng Pag-IBIG Fund, Maaari Nang Aplayan! Alamin Kung Kwalipikado Ka!

Kung walang koryente o access sa internet, maaaring aplayan ang mga inaalok na loan ng Pag-IBIG sa kani-kanilang mga branches. Kung may access naman sa internet, maaari ito sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG.


Ads
Sponsored Links



Pautang ng Social Security System o SSS

Inanunsyo na rin ng Social Security System (SSS) na magkakaroon ito ng assistance package sa mga binagyo. Una rito, umaabot sa P28 billion umano ang nailabas ng ahensiya sa naunang calamity loan dahil sa Covid-19.

Maaari din namang mag-apply ng salary loan ang mga miyembro ng SSS kung saan makakakuha ang mga ito ng hanggang P40,000 depende sa kanilang kontribusyon.

Sa mga interesadong mag-apply para sa SSS salary loan, basahin ito — Gamit ang Mobile Phone, Makakapag-apply ka ng SSS Salary Loan Online.


"Kailangan lang magrehistro sa my.sss at 'yon nga pong disbursement account na puwedeng savings account o PayMaya o M Lhuillier, puwede pong piliin niyo 'yon at i-enroll niyo sa inyong my.sss para doon niyo maa-avail ang ating salary loan online," ang naging pahayaga ni SSS Spokesperson Fernan Nicolas.


Pautang ng Government Service Insurance System (GSIS)

May ina-alok na emergency o calamity loan at multi-purpose loan ang GSIS sa mga miyembro nito.

Qualifications para sa GSIS Calamity Loan
  • Kasalukuyang nasa serbisyo at hindi naka-leave without pay
  • Walang nakabinbin na criminal o administrative case
  • Walang kulang o nakabinbing utang sa buwanang kontribusyon
  • Walang ibang loan o utang na nakadeklara
  • Residente o kawani ng pamahalaan na nasa ilalim ng state of calamity
Maaari itong maiproseso sa pamamagitan ng:

A. GSIS Wireless Automated Processing System (G-W@PS)

Dalhin lamang ang eCard Plus sa alinmang tanggapan ng GSIS na mayroong W@PS kiosk.

Gamit ang G-W@PS, piliin ang “Emergency Loan” mula sa “Loan” menu at sundin ang mga hakbang na ibibigay upang makumpleto ang transaksiyon.

B. Pag-aapply sa Tanggapan

Sagutan ang application form sa alinmang tanggapan ng GSIS.

Kabilang sa mga kondisyon ng GSIS Emergency Loan ay ang pagbabayad nito sa loob ng tatlong taon o 36 na buwanang hulog. Ang 6% na interes nito ay maidaragdag lamang kada taon (annum). Sa pagkuha ng loan na ito, mayroong ibibigay na kuwenta ng utang at ng buwanang amortisasyon nito. Kung ang emergency loan ay dumaan sa proseso ng pagre-renew, ang balanse sa natitirang loan ay ibabawas sa bagong loan.

Ayon sa GSIS, maaaring pagsabayin ang dalawang loan.
"Basta kaya pa ng kaniyang paying capacity, basta ang kaniyang net-take home pay, huwag bababa ng P5,000," ani GSIS Executive Vice President Nora Malubay.


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, November 09, 2020

Calamity Loan ng Pag-IBIG Fund, Maaari Nang Aplayan! Alamin Kung Kwalipikado Ka!





MANILA, Philippines — Miyembro ka ba ng Pag-IBIG Fund at isa sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo? Alam mo ba na maaari ka nang mag-apply ng Calamility Loan sa Pag-IBIG?

Sa ilalim ng section 16 sa Republic Act 10121 o “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010”, may kapangyarihan ang pangulo ng Pilipinas at bawat pinuno ng local government na ideklarang nasa ilalim ng state of calamity ang isa o higit pa sa kanilang hurisdiksiyon.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay naaayon sa rekomendasyon ng mga konseho—LDRRMC (Local Disaster Risk Reduction Management Council) para sa lokal na pamahalaan, habang ang NDRRMC (National Disaster Risk Reduction Management) naman ang nagpapayo nito sa Pangulo.

Sa oras na nasa State of Calamity ang isang lugar, ang mga residente nito ay magkakaroon ng pagkakataong mag-loan o umutang sa gobyerno nang walang labis na interes at ito ngayon ang ina-alok ng Pag-IBIG Fund.


Ads


Dahil sa mga nagdaang bagyo sa Pilipinas, partikular na ng bagyong "Rolly", marami sa mga lugar sa bansa ang isinailalim sa state of calamity.

Ayon sa Pag-IBIG Fund, handa nilang tulungan ang mga miyembrong naapektuhan ng Bagyong Rolly.

“We are ready to help our members affected by Typhoon Rolly with our Calamity Loan Program. In fact, taken together with recent calamities, we have 226,170 affected members who are eligible to borrow a total of P4.4 billion in calamity loans. We have also begun establishing service desks in areas affected by Typhoon Rolly to bring our services closer to our members to help them apply for a loan.  This is in line with the directive of President Rodrigo Roa Duterte to provide Filipinos with responsive social benefits especially during trying times,” ang naging pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, head ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 11- member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Sa ilalim ng Calamity Loan Program ng Pag-IBIG Fund, maaaring maka-utang ang mga miyembro ng hanggang 80% sa kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Savings, na kinabibilangan ng kanilang monthly contributions, share ng kanilang employer at naipong dividends.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, maaaring makapag-apply ng Calamity Loan ang mga qualified borrowers sa loob ng 90-araw mula nang ideneklara ang state of calamity sa kanilang lugar. 

Mababa lang din ang interes ng Calamity Loan ng Pag-IBIG Fund na nasa 5.95% per annum.

“Members in affected areas who still have access to internet service and have a Loyalty Card Plus, Land Bank of the Philippines or United Coconut Planters’ Bank (UCPB) cash card, may file their loan applications via Virtual Pag-IBIG.  This would allow them to file and receive their loans safer and faster, so that they can continue to tend to the needs of their families as they recover from the effects of the typhoon,” ang dagdag na pahayag ni Del Rosario.


Ads
Sponsored Links



Pag-IBIG Calamity Loan Qualifications:

Maaaring makakuha nito ang kahit sinong miyembro ng Pag-IBIG na...
  • Nakapag-contribute ng hindi bababa sa 24-buwan

  • Nakapag-contribute ng limang buwan sa loob ng huling anim na buwan

  • Residente ng lugar na nasa State of Calamity

Pag-IBIG Calamity Loan Requirements:

Ang mga sumusunod ay kailangang ipasa sa alinmang tanggapan ng Pag-IBIG:

  • Calamity Loan Application Form (makukuha sa www.pagibigfund.gov.ph at sa msimong tanggapan ng Pag-IBIG)

  • Photocopy ng dalawang valid ID

  • Katibayan ng kabuhayan/income

  • Declaration of Being Affected by Calamity (para sa mga pormal na empleyado lamang)
Maaaring ipasa ang aplikasyon sa Pag-IBIG Calamity Loan sa loob lamang ng 90 araw matapos ang deklarasyon ng State of Calamity.

Ang amortization ng Pag-IBIG Calamity Loan ay 24 na buwan at may grace period na tatlong buwan. Magsisimula ang pormal na pagbabayad sa ika-apat na buwan mula sa araw kung kailan mo natanggap ang iyong loan.

Pagtatapos ng Pag-IBIG Fund, nasa P4.4 billion na halaga ng calamity loans ang handang ibigay sa mga miyembrong naapektuhan ng bagyong Rolly.


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, June 18, 2020

SSS Calamity Loan, Bukas at Pwede na Online!, Narito ang mga Dapat Mong Malaman

Binuksan na ng SSS ang kanilang website portal para sa mga miyembro na gusto mag-apply ng calamily loan na a
abot sa P20,000. 
Ito ang tinatawag na Calamity Loan Assistance Program o CLAP via the SSS portal My.SSS. Nandito ang mga dapat mong malaman at proseso sa pag-aapply ng Calamity Loan  
Ads

WATCH THE VIDEO BELOW TO UNDERSTAND ABOUT THE SSS CALAMITY LOAN ASSISTANCE PROGRAM (CLAP)
Ads
Sponsored Links
Sundan ang limang proseso o mga hakbang para sa pag-aapply ng SSS Calamity Loan.


PAANO ANG PAG-AAPPLY NGAYON NG SSS CALAMITY LOAN or CLAP?

Ang aplikasyon para sa loan program ay sa pamamagitan ng  online SSS portal o ang MY.SSS.

ANO ang mga QUALIFICATIONS para sa CALAMITY LOAN?

Ang mga miyembro ng SSS ay makakapag-apply ng calamity loan sa mga paraang ito.

HIndi bababa sa 36 months ng contributions; 
anim sa mga ito ay dapat (6) posted sa loob ng 12 months bago pa ang aplikasyon 

Dapat nagbabayad ng existing loan o hiram bago pa mag-apply ng panibagong loan                       
Dapat hindi nakatanggap ng ayuda galing sa SSS benefit or claim such as:
Permanenteng disability
Death
Retirement Program

Documents needed

WHAT TO PREPARE TO APPLY FOR LOAN?

Duly accomplished Calamity Loan Assistance Application Form (accessible in the sss.gov website)
Barangay Certification
At least one (1) primary ID:
Unified Multi-Purpose ID (UMID)
Passport
Professional Regulation Commission (PRC) ID
Seaman’s Book
Driver’s License
Or two (2) secondary IDs
Company ID
PhilHealth ID
Senior Citizen ID
Voter’s ID
Taxpayer’s Identification Number (TIN) ID

FOR OFW, HOW TO APPLY FOR LOAN AND WHAT ARE THE REQUIREMENTS?

A proxy or a representative in the Philippines. 

Authorization letter from the OFW
Scanned and printed copies of valid ID of the OFW plus the original valid ID of the representative

WHERE TO GET THE LOAN AMOUNT?

Loan proceeds will be transferred to a bank account. If you are planning to apply you need to have a bank account. Once approved, loan proceeds will be credited through member’s enrolled bank account.” 

CHECK BELOW HOW TO CONNECT YOUR BANK ACCOUNT TO YOUR SSS ACCOUNT

WHEN IS THE LOAN PAYABLE?

The loan will be payable in 27 months. The payment will be payable after 3 months of loan approval. Loan interest will be 10 percent per annum. View the video graphics below.


No photo description available.


SSS opens COVID-19 Calamity Loan Assistance Program;

applications to be accepted online

The Social Security System (SSS) on Monday opened its Calamity Loan Assistance Program (CLAP) for its members who are affected by the coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
SSS President and CEO Aurora C. Ignacio said the SSS estimates around 1.74 million potential member-borrowers for the program.
Depending on the average of their monthly salary credit in the last 12 months, members may apply for a loan of up to P20,000.
"We recognize that the impact of COVID-19 is greater than other calamities we have faced in the past. With that in mind, we have extended the payment term of this particular CLAP to 27 months, inclusive of a three-month moratorium period, and have lessened the interest rate to six percent per annum," Ignacio said.
Normally, CLAPs have a payment term of 24 months and an interest rate of 10 percent per annum.
Loan amortizations for COVID-19 calamity loans will begin in the fourth month from their respective approval dates. No advance interest will be charged for the said loan. A service fee of one percent of the loan amount will be charged and deducted from the loan proceeds.
Loan payments not remitted on its due date will bear a one percent penalty per month.
To qualify for the loan, a member must: have at least 36 monthly contributions, six of which should be posted within the last 12 months before the application; have a work or home address within the Philippines as reflected in the SSS database; have not been granted any final benefit such as total permanent disability or retirement; and have no outstanding loans under the Loan Restructuring Program or previous CLAPs.
Members must also be registered at the My.SSS web portal on the SSS website at www.sss.gov.ph to apply for the loan.
"The threat of COVID-19 will likely remain in the coming months. To this end, we have developed an online facility in the My.SSS web portal in which we will receive all calamity loan applications to reduce face-to-face transactions in our branches," Ignacio explained.
Documents proving that a member is a resident of a declared calamity area, which is a usual requirement for the CLAP, will no longer be required for COVID-19 calamity loans since the entire country is placed under the state of calamity.
Member-borrowers may choose to receive their loan proceeds via their respective Unified Multi-Purpose Identification cards enrolled as an ATM, Union Bank of the Philippines Quick Card, or through checks sent to their preferred mailing address.
"Through the CLAP, we are hoping to help with the financial needs of our members who may have lost their sources of income or suffered financial burden due to the COVID-19 situation," Ignacio said.

Qualified members may apply for the said CLAP until September 14, 2020.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, April 28, 2020

PAG-IBIG Fund Target Mairelease Ang Cash Loan Sa Loob ng 20 Working Days

Narito ang ilang bahagi sa mga tanong at sagot galing sa video ng interview sa Vice President ng Pag-IBIG Fund. Para sa kabuuang katanungan, sundan lamang sa link, pati ang pagdodownload ng form na fifill upan at mga email address kung saan ninyo ipapadala ang inyong application at requirements. Nasa P860M pa lang ang naibigay ng Pag-IBIG Fund, meron silang P3Bilyon hanggang P5Bilyon na budget, ibig sabihin marami pa silang miyembro na pwedeng iapprove. Q: Ano ang mga short term loans na pwedeng maavail ng mga Pag-IBIG Members? A: May dalawang uri ng short term loans, ang multi-purpose loan at ang calamity loan. May mga pansamantalang proseso ang short term loans, at ito ay via email lamang. Q: Magkano ang pwede maavail ng isang miyembro na short term loan? A: Sa Multi-Purpose Loan o Calamity Loan, pareho na 80% ng iyong kabuuang hulog o Savings sa Pag-Ibig Fund ang pwedeng maavail. Q: Sino ang pwedeng mag-avail ng Multi Purpose Loan at Calamity Loan? A: Ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na meron ng 24-months contribution. Hindi kailangang sunod-sunod ang kontribusyon o tuloy-tuloy Basta meron po kayong hulog in the past 6 months, pwedeng makaavail ng MPL or Calamity Loan Q: Ano ang proseso ng pag-aapply ng loan online? A: Pumunta sa website at hanapin ang Fillable Form para hindi na kailangang pirmahan. Click dito para sa Fillable form MULTI PURPOSE LOAN APPLICATION FORM CALAMITY LOAN APPLICATION FORM Pagkatapos nito, pakipicturan ng isang valid ID, at CashCard or ATM kung saan namin idedeposit ang loan. Kailangan din ng employer certification. Pwedeng gumawa ang employer ng certification at papicturan o isend sa inyong email. Ang lahat ng requirements na ito ay ipapadala sa PAG-IBIG ay email address kung nasaan ang inyong opisina. Para sa listahan ng EMAIL ADDRESS, sundan dito sa link Q: Gaano katagal ang proseso ng loan? A: Bago ang ECQ, 2 days lang ang processing ng loans, nacrecredit na ang loan proceeds. Post ECQ, after ng ECQ dumagsa po ang Multi purpose Loan at Calamity Loan applications habang kumunti naman ang mga tao ng Pag-IBIG na pwedeng pumasok ng opisina. Sa dalawang combination po yun, medyo matagal po ang aming processing ngayon. Target po namin marelease ang loan proceeds within 20 working days Q: Papaano kung walang Cash Card, LandBank o Loyalty Card? A: Dati nung walang cash card nakakapagissue ang Pag-Ibig ng tseke, sa ngayon naghahanap pa ng paraan, at kasalukuyang nakikipag-usap ang Pag-IBIG sa mga electronic disbursement facilities para ipamahagi ang loan proceeds sa mga miyembro na walang cash cards o ATM cards. Q: Paano kung natigil ang paghuhulog pwede pa bang makapag-avail ng loan? A: Kahit natigil, kung nakapaghulog ng isang beses sa loob ng 6 months, pwedeng makapagloan Q: Paano malalaman na approve na ang loan o kung magfollow-up sa Pag-Ibig Fund? A: Nagpapadala po kami ng text message to tell you kung kailan napasok ang inyong loan proceeds sa ATM Para sa mas madami pang tanong at kasagutan, sundan lamang sa link sa ibaba More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/pag-ibig-fund-short-term-loan.html
Ngayong panahon na kailangang kailangan ng tulong pinansyal o cash ng mga miyembro ng Pag-IBIG, napakahalaga ng pagkakataon na magkaloan. Sa Pag-IBIG fund, merong Multi-Purpose Loan, at merong Calamity Loan
Ads

Anu-ano nga ba ang mga ayudang alok ng PAG-IBIG Fund ngayong may COVID-19 pandemic? Alamin sa panayam ng CNN Philippines kay PAG-IBIG Vice President Atty. Karin-Lei Franco Garcia
Ads


Sponsored Links


Narito ang ilan sa mga tanong at sagot galing sa video ng interview sa itaas.

Q: Ano ang mga short term loans na pwedeng maavail ng mga Pag-IBIG Members?

A: May dalawang uri ng short term loans, ang multi-purpose loan at ang calamity loan. May mga pansamantalang proseso ang short term loans, at ito ay via email lamang. 

Q: Magkano ang pwede maavail ng isang miyembro na short term loan?
A: Sa Multi-Purpose Loan o Calamity Loan, pareho na 80% ng iyong kabuuang hulog o Savings sa Pag-Ibig Fund ang pwedeng maavail.

Q: Sino ang pwedeng mag-avail ng Multi Purpose Loan at Calamity Loan?
A: Ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na meron ng 24-months contribution. Hindi kailangang sunod-sunod ang kontribusyon o tuloy-tuloy basta meron po kayong hulog in the past 6 months, pwedeng makaavail ng MPL or Calamity Loan

Q: Ano ang proseso ng pag-aapply ng loan online?
A: Pumunta sa website at hanapin ang Fillable Form para hindi na kailangang pirmahan. Click dito para sa Fillable form

MULTI PURPOSE LOAN APPLICATION FORM 

CALAMITY LOAN APPLICATION FORM

Pagkatapos nito, pakipicturan ng isang valid ID, at CashCard or ATM kung saan namin idedeposit ang loan. Kailangan din ng employer certification. Pwedeng gumawa ang employer ng certification at papicturan o isend sa inyong email. Ang lahat ng requirements na ito ay ipapadala sa PAG-IBIG ay email address kung nasaan ang inyong opisina. Para sa listahan ng EMAIL ADDRESS, sundan dito.

Q: Gaano katagal ang proseso ng loan
A: Bago ang ECQ, 2 days lang ang processing ng loans, nacrecredit na ang loan proceeds. Post ECQ, after ng ECQ dumagsa po ang Multi purpose Loan at Calamity Loan applications habang kumunti naman ang mga tao ng Pag-IBIG na pwedeng pumasok ng opisina. Sa dalawang combination po yun, medyo matagal po ang aming processing ngayon. Target po namin marelease ang loan proceeds within 20 working days

Q: Papaano kung walang Cash Card, LandBank o Loyalty Card?
A: Dati nung walang cash card nakakapagissue ang Pag-Ibig ng tseke, sa ngayon naghahanap pa ng paraan, at kasalukuyang nakikipag-usap ang Pag-IBIG sa mga electronic disbursement facilities para ipamahagi ang loan proceeds sa mga miyembro na walang cash cards o ATM cards.

Q: Paano kung natigil ang paghuhulog pwede pa bang makapag-avail ng loan?
A: Kahit natigil, kung nakapaghulog ng isang beses sa loob ng 6 months, pwedeng makapagloan

Q: Paano malalaman na approve na ang loan o kung magfollow-up sa Pag-Ibig Fund?
A: Nagpapadala po kami ng text message to tell you kung kailan napasok ang inyong loan proceeds sa ATM

Q: Hanggang kailan pwede mag-apply ng Multi Purpose Loan o Calamity Loan?
A: Ang Multi Purpose Loan ay walang deadline, anytime pwedeng mag-apply, pero ang Calamity loan ay within 3 months pagkatapos magdeclare ng calamity sa inyong lugar.

Q: Hanggang ilan ang pwedeng makaavail ng Multi-Purpose Loan at Calamity Loan?
A: As of now, nakapagrelease na ang Pag-Ibig ng P861M or nasa 50,000 na miyembro, pero nagallocate ang Pag-IBIG ng P3B to 5Billion sa Multi Purpose Loan at Calamity Loans.

Q: Paano po kung may Existing Loans, pwede pa rin bang makapag-avail?
A: Kung meron po kayong Multi-Purpose Loan, pwede po kayong magreavail ng inyong Multi Purpose Loan basta nakapag6 months na kayong bayad at dapat updated ng inyong MPL.

Q: Paano kung walang employer o voluntary member pero naghuhulog, pwede po ba akong makapagloan?
A: Pwedeng deretsong magemail sa Pag-IBIG kahit hindi na dumaan sa employer, pwedeng mag-attach ng proof of income o payslip o ITR.

Q: Paano kung may existing na housing loan, pwede pa rin bang mag-apply ng MP Loan o Calamity Loan?
A: Pwede pa rin mag-apply kahit may housing loan, basta updated ang pagbabayad ng loans.

Q: Qualified ba ang mga OFWs sa Multi Purpose Loan o Calamity Loan ng Pag-IBIG Fund?
A: Yes. Qualified ang OFWs, dapat nakapaghulog ng 24 months at nakapaghulog kahit isang beses for the past 6 months.

Q: Kapag first time borrower, wala pang Cash Card
A: Hindi pa nakakapagcredit ng loan proceeds hanggang walang cash card, naghahanap pa ng paraan ang Pag-IBIG.

Q: Nagloan ako ng MPL ng March 5, before the ECQ pero hanggang ngayon wala pang balita?
A: Covered, Pag-ibig will continue processing lahat ng applications 

Q: Nakamaternity Leave ako simula December hanggang March, pwede pa ba akong makapagavail ng loan?
A: Opo. Kahit nakamaternity, that is a paid leave, pwede pa ring makapagapply ng loan. 
Q: Retired na ako, pwede ba akong makapagloan?
A: Kung retired na po kayo, hindi na po kayo Pag-Ibig fund member, meron po kayong pwedeng iclaim sa Pag-Ibig, lahat ng Pag-IBIG savings ay pwedeng makukuha o maclaim pero after na po ng ECQ dahil face to face o personal po ito. 



©2020 THOUGHTSKOTO