Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label salary loan. Show all posts
Showing posts with label salary loan. Show all posts

Monday, December 18, 2023

Paano Mag File ng SSS Salary Loan Online?








MANILA, Philippines — MAY biglaang pangangailangan o gastusin? Kinulang ba ang budget sa pagpapagawa ng bahay o renovation? Pwedeng sagutin yan ng Social Security System o SSS! Mas pinadali ang proseso dahil online na ang filing!

Ang cash loan ay maaaring aplayan ng mga employed, self-employed member o voluntary members. Malaking tulong ito para sa mga short-term credit needs ng mga miyembro.

Sa mga nagtatanong kung paano mag-apply online ng SSS Salary Loan, sundan lamang ang simpleng proseso!


Ads






Ads

Sponsored Links








©2023 THOUGHTSKOTO

Monday, April 12, 2021

Pres. Duterte, Iniutos ang grace period sa pagbabayad ng loans, renta ng mga na-lockdown



MANILA, Philippines — INIUTOS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grace period sa pagbabayad ng mga loans at renta ng mga nasa ilalim ng quarantine.

Ang nasabing grace period ay tatagal ng 30 araw o hanggang sa matapos ang quarantine, alinman ang mas tatagal.

Napapaloob ang nasabing kautusan sa panibagong Omnibus Guidelines on Implementation of Community Quarantine in the Philippines na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Marso 28.

Inilabas ang nabanggit na kautusan bago pa man inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna noong noong Marso 29.

Ads


Ano-anong mga loan ang sakop ng grace period?

Ang grace period para sa mga loan ay para sa mga lugar na isinailalim sa ECQ at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Una nang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tatagal sa ilalim ng ECQ ang "NCR Plus" hanggang Abril 30.

Ayon sa IATF, base sa Section 8 ng guidelines, ang mga loan sa mga sumusunod ay sakop ng grace period:
  • Lahat na mga bangko
  • Quari banks
  • Financing companies
  • Lending companies
  • Iba pang financial institutions, pribado man o pampubliko
  • Government Service Insurance System
  • Social Security System
  • Pag-IBIG Fund
"All banks, quasi-banks, financing companies, lending companies, and other financial institutions, public and private, including the Government Service Insurance System, Social Security System, and Pag-IBIG Fund, are directed to implement a minimum of a 30-day grace period from due date or until such time that the ECQ or MECQ is lifted, whichever is later, for the payment of all loans," the IATF said in Section 8 of the guidelines.

Ads

Sponsored Links



Kabilang sa nabanggit na mga loans ay ang mga sumusunod:
  • Salary Loan
  • Personal Loan
  • Housing Loan
  • Motor Vehicle Loan
Credit Card payment na magdu-due sa loob ng panahon na may quaratine
Dahil sa grace period, walang interest, penalties, fees o iba pang charges na dapat ipataw sa loan.

Para naman sa renta:

May grace period din sa renta sa mga lugar sa ilalim ng ECQ, MECQ at general community quarantine (GCQ).

Sa guidelines, mababasa ang mga sumusunod:

"For residential and commercial rents falling due within the duration of the ECQ, MECQ, and GCQ, on residential lessees and micro, small, and medium enterprises (MSMEs) and sectors not permitted to operate during said period, a grace period of 30 days from the last due date or until such time that the community quarantine is lifted," 

Layunin umano ng grace period na maibsan ang hirap ng mga Filipino na lalong naapektuhan ng mga ipinatupad na lockdown sa bansa.

Ayon ito sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang pangulo na maglabas ng kautusan ukol sa pagpapatupad ng grace periods.

©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, April 08, 2021

Paano Mag-apply ng Pag-IBIG Calamity Loan sa Gitna ng Banta ng Covid-19?




MANILA, Philippines — ISINAMA na ng Pag-IBIG Fund ang digital processing sa mga loans nito na kinabibilangan ng Calamity Loan sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Marso 17 nang isinailalim ni Pangulong Duterte sa state of calamity ang bansa base sa Proclamation 929 na inilabas nito. Inaasahang tatagal nang anim na buwan ang state of calamity maliban na lamang kung tatapusin ito ng mas maaga o palalawigin ng pangulo.

Dahil marami ang nawalan ng trabaho at mga humintong negosyo, maraming mga Pinoy ngayon ang nangangailangan ng financial assistance.

Ads


Sa kanilang Facebook page, sinabi ng ahensiya na mayroon silang Pag-IBIG Fund Calamity Loan Program na naglalayong magbigay ng agarang tulong-pinansiyal sa mga apektadong miyembro sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Narito ang updated loan application process na inilabas ng Pag-IBIG Fund kung paano makapag-apply ng Calamity Loan sa gitna ng banta ng Covid-19.


Sino ang kwalipikadong mag-apply ng Pag-IBIG Fund Calamity Loan?

Ayon sa website ng Pag-IBIG, dapat may kontribusyon ang miyembro na nakatira sa lugar na isinailalim sa state of calamity.

Dapat may kontribusyon ito na hindi bababa sa 24 na buwan at sapat na proof of income para maging kwalipikado.

Kung may kasalukuyang Pag-IBIG Fund Housing Loan, MPL at o Calamity Loan, importanteng updated ang iyong pagbabayad para maging kwalipikado.



Ads

Sponsored Links



Paano naman mag-apply ng Pag-Ibig Fund Calamity Loan digitally?

Ayon sa updated guide na inilabas sa kanilang Facebook page, dapat punan ng aplikante ang Calamity Loan Form.

Hindi na kailangan pirma sa mga mag-aapply digitally bilang alternatibong proseso sa mga taong walang access sa printers.

Sa mga may printer naman, kailangan pa ring pirmahan ang form, i-scan o kunan ng picture ang napunan na application forms at iba pang requirements.

Sa mga nagpi-fill-out ng form digitally, siguruhing mayroong Adobe Acrobat Reader upang magawa mo ito digitally.


Kung tapos nang napunan ang form, i-save ito bilang PDF at i-send sa Human Resources (HR) department ng inyong kompanya, authorized company representative o Fund Coordinator, kasama ang isang valid ID at picture ng harap at likod ng inyong Loyalty Card Plus, o Landbank, UCPB o DBP cash card.

Ang inyong company HR personnel o sinomang incharge ang siyang magpapadala sa pamamagitan ng email ng application form kasama ang iba pang mga requirements sa Pag-IBIG Fund email address na naka-assign sa inyong lugar.

Ano naman ang mga requirements para sa Calamity Loan application?

• Completely filled-out application form
• Filled-out Employer Confirmation of STL Application with your name 
• 1 valid ID
• Front and back images of your Loyalty Card Plus, or Landbank, UCPB or DBP cash card.

Ipapa-alam naman ng Pag-IBIG Fund sa mga first time borrowers na walang Loyalty Card Plus, Landbank o DBP Cashcard kung paano nila matatanggap ang kanilang loan proceeds.
Magkano ang maaaring ma-utang?

Ayon sa Pag-IBIG Fund, ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring maka-utang nang hanggang sa "80% of their total Pag-IBIG Regular Savings."

"It consists of their monthly contributions, their employer’s contributions, and accumulated dividends earned."

Hanggang kailangan maaaring umutang ang mga qualified applicants?

Ayon sa Pag-IBIG ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring makapag-apply ng loan "within a period of 90 days from the declaration of a state of calamity."

Gaano naman ka tagal ang processing period ng application pagkatapos naisumite ang mga mga dokumento?

Ayon kay Pag-IBIG vice president Kalin Franco-Garcia, target nilang mairelease ang calamity loan proceeds sa loob ng tatlo hanggang pitong araw mula nang matanggap ang application.

"This early, we apologize to our members as our usual processing time takes less than two days. However, in this pandemic that we are currently facing, we would like to assure our members that Pag-IBIG Fund is doing everything it can to release loans as fast as possible,"

Paano babayaran ang loan at magkano ang interest rate?

Ayon sa Pag-IBIG website, "the loan is payable within 24 months and comes with the initial payment due on the 3rd month after the loan release."

Paano ko malalaman na aprobado na ang aking loan?

Ayon sa Pag-IBIG, makakatanggap ng text messages ang mga miyembro na nagkukumperma ng loan approval at naihulog na ito sa Loyalty Card Plus, LandBank o DBP Cashcard.

Saan ko maaaring i-email ang mga requirements?

Here's the list of email addresses assigned based on your office address.
Handa na ba ang Pag-IBIG na tumanggap ng mga aplikasyon lalo na't isinailalim naman sa state of calamity ang buong bansa?

Ayon kay Kalin, tinatanggap nila ang mga Calamity Loan application mula sa mga miyembro sa mga sumusunod na lugar:

a.  National Capital Region
b. Buong Luzon
c.  Mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ kung saan naapektuhan ang mga pangkabuhayan


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, November 13, 2020

ALAMIN: Mga Pautang ng SSS, GSIS at Pag-IBIG Fund sa mga Binagyo




Patapos na ang taong 2020 ngunit tila hindi natatapos ang mga problemang dala ng iba't-ibang kalamidad sa bansa. Maliban sa krisis na dala ng Coronavirus pandemic o Covid-19, pinalala naman ng sunod-sunod na mga bagyo ang hirap ng buhay ng marami nating kababayan na una nang naapektuhan ng iba't-ibang kalamidad.

Dahil sa sunod-sunod na mga bagyo, marami ang nawalan ng bahay at pangkabuhayan at kailangan ngayong bumangon para makapag-simula muli.

Maliban sa pagkain at matutulugan, isa sa pinaka-kailangan ng mga binagyo ay pera para makapagpaayos ng bahay na sinira ng malakas na bagyo at makapag-simulang muli sa kani-kanilang pangkabuhayan.

Kung ikaw ay isang miyembro ng SSS, GSIS at Pag-IBIG Fund at regular ang hulog ang hulog mo ng iyong contribution, tiyak na may malalapitan ka sa panahon ito dahil may mga pautang ang nasabing mga government financial institution sa mga binagyo.

Ads


Mga pautang ng Pag-IBIG Fund!

Pag-IBIG Fund Multi-purpose Loan!

Kung kumpleto ang mga requirements at dokumentong hinihingi ng Pag-IBIG, sa loob ng dalawang araw, maaari mo nang makuha ang iyong Pag-IBIG Multi-Purpose Loan.

Requirements para sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan
  • Multi-Purpose Loan Application Form
  • Valid ID
  • Proof of Income
Proseso para sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan
  • Mag-sumite ng accomplished Multi-Purpose Loan Application Form at mga hinihinging dokumento
  • Kumuha ng STL Acknowledgement Receipt
  • Sa nakatakdang petsa, kunin ang iyong loan.

Pag-IBIG Calamity Loan — Ayon sa Pag-IBIG Fund, nasa P4.4 billion kanilang pondong inilaan para sa calamity loan ng kanilang mga miyembro o 80% ng savings.

Hindi tulad ng Pag-IBIG Multi-Purpose Loan na bukas para sa lahat na miyembro, ang Pag-IBIG Calamity Loan ay para lamang sa mga residente ng lugar na isinailalim sa state of calamity.

Para sa mga interesadong mag-apply ng Pag-IBIG Calamity Loan basahin ito —  Calamity Loan ng Pag-IBIG Fund, Maaari Nang Aplayan! Alamin Kung Kwalipikado Ka!

Kung walang koryente o access sa internet, maaaring aplayan ang mga inaalok na loan ng Pag-IBIG sa kani-kanilang mga branches. Kung may access naman sa internet, maaari ito sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG.


Ads
Sponsored Links



Pautang ng Social Security System o SSS

Inanunsyo na rin ng Social Security System (SSS) na magkakaroon ito ng assistance package sa mga binagyo. Una rito, umaabot sa P28 billion umano ang nailabas ng ahensiya sa naunang calamity loan dahil sa Covid-19.

Maaari din namang mag-apply ng salary loan ang mga miyembro ng SSS kung saan makakakuha ang mga ito ng hanggang P40,000 depende sa kanilang kontribusyon.

Sa mga interesadong mag-apply para sa SSS salary loan, basahin ito — Gamit ang Mobile Phone, Makakapag-apply ka ng SSS Salary Loan Online.


"Kailangan lang magrehistro sa my.sss at 'yon nga pong disbursement account na puwedeng savings account o PayMaya o M Lhuillier, puwede pong piliin niyo 'yon at i-enroll niyo sa inyong my.sss para doon niyo maa-avail ang ating salary loan online," ang naging pahayaga ni SSS Spokesperson Fernan Nicolas.


Pautang ng Government Service Insurance System (GSIS)

May ina-alok na emergency o calamity loan at multi-purpose loan ang GSIS sa mga miyembro nito.

Qualifications para sa GSIS Calamity Loan
  • Kasalukuyang nasa serbisyo at hindi naka-leave without pay
  • Walang nakabinbin na criminal o administrative case
  • Walang kulang o nakabinbing utang sa buwanang kontribusyon
  • Walang ibang loan o utang na nakadeklara
  • Residente o kawani ng pamahalaan na nasa ilalim ng state of calamity
Maaari itong maiproseso sa pamamagitan ng:

A. GSIS Wireless Automated Processing System (G-W@PS)

Dalhin lamang ang eCard Plus sa alinmang tanggapan ng GSIS na mayroong W@PS kiosk.

Gamit ang G-W@PS, piliin ang “Emergency Loan” mula sa “Loan” menu at sundin ang mga hakbang na ibibigay upang makumpleto ang transaksiyon.

B. Pag-aapply sa Tanggapan

Sagutan ang application form sa alinmang tanggapan ng GSIS.

Kabilang sa mga kondisyon ng GSIS Emergency Loan ay ang pagbabayad nito sa loob ng tatlong taon o 36 na buwanang hulog. Ang 6% na interes nito ay maidaragdag lamang kada taon (annum). Sa pagkuha ng loan na ito, mayroong ibibigay na kuwenta ng utang at ng buwanang amortisasyon nito. Kung ang emergency loan ay dumaan sa proseso ng pagre-renew, ang balanse sa natitirang loan ay ibabawas sa bagong loan.

Ayon sa GSIS, maaaring pagsabayin ang dalawang loan.
"Basta kaya pa ng kaniyang paying capacity, basta ang kaniyang net-take home pay, huwag bababa ng P5,000," ani GSIS Executive Vice President Nora Malubay.


©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, November 03, 2020

Kailangan ng Emergency Loan Dahil sa Bagyo o Iba pang Kalamidad? Narito ang 5 Maari Mong Mautangan




Maraming dahilan kung bakit nangungutang ang isang tao. Madalas ito'y dahil kailangang-kailangan niya ng pera bilang pangtustos sa mga pangangailangan nito at ng kanyang pamilya, lalo na kung biktima ito ng kalamidad gaya na lamang ng nagdaang bagyo o iba pang sakuna sa buhay.

Ngunit sa panahon ngayong may pandemya, saan pa nga ba maaaring mangutang kung ikaw ay labis na nangangailangan?

Ayon sa isang financial adviser na si Aneth Ng-Lim sa write up nitong nailathala sa Abs-cbn news, marami pa rin ang pwedeng pagpilian na mahihiraman ng pera. Ngunit pinayuhan ni Lim ang mga nagpa-planong mangutang na timbangin munang mabuti kung ano ang pinka-madaling bayaran para hindi ito pagsisihan sa huli.


Ads


Samantala, narito ang lima na maaaring makatulog sa iyo kung ikaw ay nangangailangan ng emergency loan ngayong panahon.

1. Salary Loan

Kung ikaw ay isang empleyado, option mo ang salary loan kung ito ay inaalok sa inyong kompanya. Dito sa Pilipinas, maraming employer ang nagbibigay ng salary loan sa kani-kanilang mga empleyado. 

Madalas, mas mababa ang interes kung ikukumpara sa pag-utang mula sa mga credit cards o bangko.

Hindi mo rin kailangan ng napakaraming dokumento sa salary loan dahil ang application nito ay maaring i-proseso ng Human Resource Department ng kompanya ninyo. Madali mo ring matatanggap ang loan at madali mo ring mabayaran dahil karamihan, salary deduction ang pagbabayad nito.


2. GSIS, SSS at Pag-IBIG Loan

Napakaraming loan benefit mula sa GSIS, SSS at Pag-IBIG ang maaring pagpilian. 

May consolidated at emergency loan ang GSIS habang ang SSS at Pag-IBIG naman ay may ina-alok na Salary Loan at Calamity Loan sa kanilang mga miyembro.

Bilang miyembro ng nasabing mga institusyon, karapatan mong humiram ng pera sa mga ito lalo na kung maayos ang monthly contribution mo. Ngunit bago pa man mag-apply ng loan sa nasabing mga institution, i-check muna ang kanilang mga interest at payment terms para hindi ka mahirapan sa pagbabayad.


Ads

Sponsored Links



3. Mga Kaibigan at Kamag-Anak

Kung gipit sa pera, maaaring subukan ang panghihiram sa mga kaibigan o kamag-anak. Maghanda ng maayos at totoong paliwanag kung bakit kailangan mangutang. Magkasundo sa interes kung kinakailangan at pag-usapan kung kailan mo mababayaran.

Sa lahat na utang siguruhin ang pagbabayad lalo na sa mga kaibigan at kamag-anak. Hindi maikakaila na maraming relasyon ang nasisira dahil sa mga utang na hindi nabayaran.


4. Bangko at Credit Card

Maraming bangko ang nag-aalok ng personal loan na makakatulong sa panahon ng kagipitan. Kung may credit card ka, maaari ka ring mag-apply ng cash loan sa iyong credit card companies sa pamamagitan ng pag-withdraw mula sa iyong credit card, maliban pa sa cash advance facility nito.

Ngunit doble ingat sa panghihiram sa bangko o credit card dahil mataas ang interes nito at kung hindi mo mababayaran sa takdang panahon, maaaring malubog ka sa interes ng utang mo.

Kung uutang sa bangko o credit card, siguruhing may pambayad ka dahil may mga late charges fee ito, penalties, maliban pa sa interest.


5. Online Credit at Loan Applications

Maraming loan application at online credit na maaaring ma-avail online. Sa ganitong mga online loan application maaaring makahiram ng pera mula P10,000 pataas. Napaka-simple din ng paraan sa pag-apply ngunit mag-ingat sa mga ganitong uri ng loan dahil madalas napakataas ng interes ng mga ito. Marami sa mga ito ang humihingi ng “privacy waivers” at access sa social media account mo. Kapag di ka nakabayad, posibleng hihiyain ka online.

Sa pangungutang ugaliin ang pagbabayad, maging sa mga government financial institution, bangko o sa mga kakilala mo. Kung maganda ang iyong credit history o record sa mga kakilala mo o sa bangko, hindi magdadalawang isip ang mga itong pahiramin ka ng pera sa panahong nangangailangan ka.


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, September 18, 2020

ALAMIN: Mga Loans na may 60-Days Extention sa Pagbabayad sa Ilalim ng Bayanihan 2




Panibagong grace period na naman sa pagbabayad ng mga loans ang ipapatupad ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan 2 Law. Sa ilalim ng batas, one-time 60-days na grace period ang ipapatupad na may layuning maibsan ang hirap ng publikong nakakaranas ng krisis sa ngayon dahil sa pandemyang dala ng coronavirus.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act, inuutusan nito ang mga sumusunod na magpatupad ng grace period sa pagbabayad ng mga loans na na may due date bago pa man ang Disyembre 31 na walang interes, penalties at iba pang charges.
  • Banks
  • Financing companies
  • Lending companies
  • Real Estate developers
  • Insurance Companies
  • Pre-Need Companies
  • Public and Private Financial Institutions
Ads


Sakop din ng batas ang mga loan sa mga sumusunod;
  • Government Service Insurance System
  • Social Security System
  • Home Development Mutual Fund (Pag-ibig Fund)
Pinapayagan ng batas ang extention ng maturity ng mga "existing, current and outstanding loans" na kinabibilangan ng mga sumusunod;
  • Salary Loan
  • Personal Loan
  • Housing Loan
  • Commercial Loan
  • Motor Vehicle Loans
  • Amortizations
  • Financial Lease Payments
  • Credit Card Payments

Ads

Sponsored Links



Nakasaad sa batas na “All loans may be settled on staggered basis without interest on interest, penalties and other charges until December 31, 2020 or as may be agreed upon by the parties,”
 
“Nothing shall stop the parties from mutually agreeing for a grace period longer than 60 days.” 

Maliban sa 60-days na moratorium sa loan payments, nakasaad rin sa Bayanihan Law ang 30 araw na palugit sa pagbabayad ng water, electric, telecommunication at iba pang utility bills sa mga lugar na sakop ng Enhanced Community Quarantine o ECQ na walang extra charges.


Pagkatapos umano ng grace period, maaring bayaran on staggered basis ang hindi nabayarang utility bills sa loob ng hindi bababa sa tatlong buwang installments.

Binibigyan din ng 30-araw na grace period ang pagbabayad sa renta sa mga residential at commercial establishments na walang interest, penalties at iba pang charges.

Ayon sa batas, “No increase in rent shall be imposed during the same period.” 



©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, April 28, 2020

Sa Mga Mag-aapply ng Calamity Loan, Antay Muna Sabi ng SSS

Kinalampag ang Social Security System ng mga miyembro nito dahil matatapos na ang Abril pero wala pa ring nailalabas na calamity loan ang ahensiya. Kinalampag ang Social Security System ng mga miyembro nito dahil matatapos na ang Abril pero wala pa ring nailalabas na calamity loan ang ahensiya. Ang sabi naman ng SSS para sa mga mag-aapply ng Calamity Loan, antay muna dahil inuuna pa ang mga nag-aaplay na employer para sa SBWS na ayuda na 5k to 8K para sa mga trabahante na nawalan ng sahod o kita at habang sinosolusyunan pa ang website na hindi kinaya ang dami ng umaaccess at nag-aapply.

Dumadaing na ang ilang miyembro ng SSS dahil hindi pa rin nila natatanggap ang kanilang calamity loan. Narito ang sagot ng SSS kaugnay ng pagkaantalang ito
Ads

Dahil maya't maya ang pagcheck ng mga miyembro ng website ng SSS para sa makapag-apply ng calamity loan, o makapag-apply ng salary loan pero ilang araw na down ang website nito, na siya namang ikinadismaya ng mga miyembro. Halos nagkasabay kasi ang SBWS o Small Business Wage Subsidy o ayuda sa mga trabahante galing sa DOF, BIR at SSS at ang pag-apply ng SSS Calamity Loan o CLAP na sana ay sisimulan noong April 24, 2020.
 ANO BA ANG SMALL BUSINESS WAGE SUBSIDY (SBWS) PROGRAM? 

Bibigyan ng P5K to P8K ng DOF, BIR at SSS ang mga Empleyado ng Small Businesses!

Dahil sa down ng website ng SSS, mga employer lang muna ang makaaccess ng website para sa mga mag-aapply ng SBWS. Mapapatagal na rin muna ang pag-aapply ng online calamity loan habang sinusolusyunan muna ang website na hindi kinaya ang dami ng nag-aapply. 
Ads


Sponsored Links


Nilinaw naman ng SSS na online pa rin ang pag-aapply ng calamity loan. Para sa impormasyon kung paano ang proseso, sundan lamang dito. 

Inaantay ng mga miyembro na makapag-aplay ng calamity loan para maihanda ang pambayad sa mga bayarin kagaya ng utility bills, at panggastos sakaling di pa agad makabalik o makasahod sa trabaho. 

P20,000 SSS CALAMITY LOAN ASSISTANCE PROGRAM (CLAP)

SSS WEBSITE UPDATE AS OF APRIL 26, 2020: 
Employers will now provide updated bank accounts, PayMaya accounts, or mobile numbers (for those using the MLhuillier payout option) on behalf of their employees.

Under the drop down menu labelled 'Banks':
To receive payout thru MLhuillier, choose 'DBP Cash Padala thru MLhuillier'
To receive payout thru PayMaya, choose 'PAYMAYA'

Kindly input your employee's cellphone number in the "Bank Account Number" field.

Employees no longer need to update or create their My.SSS accounts for the Small Business Wage Subsidy (SBWS) program.

Please be informed that we have temporarily dedicated the SSS website (www.sss.gov.ph) for employers to apply for the SBWS program on behalf of their employees. We are working on getting all other services relative to employer and employee membership, contributions, benefit and loan applications and payments back online as soon as possible as well.

We deeply apologize for the inconvenience this may have caused. Thank you very much for your patience and understanding.


SEE ALSO:


More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/sss-contact-details.html

Bilang isang miyembro ng SSS, may ideya ka ba kung magkano ang matatanggap mong SSS pension pagkatapos mong magbayad ng iyong kontribusyon?Bibigyan namin kayo ng idea kung paano ito kinocompute

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/social-security-pension-benefits.html



More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/short-term-cash-loan-PAG-IBIG.html

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, April 04, 2020

SSS P20K Calamity Loan Makapag-apply na Online

Ang Social Security System (SSS) ay magbibigay ng P20,000 calamity loan para tulungan ang mga miyembro nito sa gitna ng kinakaharap na krisis dahil sa enhanced community quarantine at paglaban sa sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19) ayun kay SSS head of public affairs Fernan Nicolas.

Ads

Ayun pa sa opisyales, lalabas ang programa at benepisyong ito sa susunod na dalawang linggo at pwedeng makapagapply ang miyembro ONLINE at hindi kailangang mag-apply ng personal dahil sa nakakahawang sakit na Corona Virus. 

“Pino-program lang po namin ang aming computer system kasi first time po na mago-offer kami ng calamity loan using the online facility, kasi nga po bawal lumabas ang mga tao,” ayun kay Nicolas sa interview sa radyoTV na Dobol B sa News TV. Sundan ang proseso ng pa-aapply ng PAG-IBIG CALAMITY LOAN dito.

“By second week of April po, puwede na po iyang ma-avail. Mai-implement na po namin iyan.”

Ayun pa kay Nicolas, ang mga miyembro ng SSS  also said that SSS na may kasalukuyang salary loan ay pwede pa ring makabenepisyo o makapag-apply ng calamity loan basta ang isang miyembro ay patuloy na nagbabayad ng kanyang loan sa tamang oras. 
Ads


Sponsored Links


“As long as hindi ka delinquent borrower, puwede ka sa calamity loan,” saad ni Nicolas.

Ang bawat aktibong miyembro ay pwedeng makapag-apply ng salary loan online sa pamamagitan ng paglog-in sa MySSS o sa website ng SSS. Sundan dito ang proseso paano makapag-apply ng SALARY LOAN ONLINE gamit ang mobile phone

“Sa regular salary loan, wala ng masyadong documentation na kailangan. May form lang online, at ipa-process po ito ng SSS. Ginagawan po namin ng paraan na maipasok ito sa savings account nila,” patuloy pa ni Nicolas.

Sa mga pensyonado naman ay pwede silang makapag-apply ng SSS Pensioners Loan. Sundan ang SSS PENSIONERS LOAN dito

Ang mga SSS members naman na nawalan ng trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, ay pwedeng makakuha ng benepisyo ng unemployment benefit program na pwedeng magbigay sa miyembro ng mahigit sa P20,000, depende sa salary ng isang empleyado. Ito po ay hindi utang at hindi babayaran sa SSS kundi ayuda o tulong dahil sa pagkawala ng trabaho. Dapat miyembro ka ng SSS at nagbabayad sa loob ng 36 months o tatlong taon.


“Ito po ang ayuda natin para makapagsimula sila ulit,” 
SEE ALSO:

Image may contain: phone

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, March 20, 2020

Gamit ang Mobile Phone, Makakapag-apply ka ng SSS Salary Loan Online

A SALARY LOAN is a cash loan granted to an employed, currently- paying self-employed or voluntary member. It is intended to meet the member's short-term credit needs.

Tanong: Makakapag-apply ba ako ng ONLINE kahit saan ako ng SSS Salary Loan?

Sagot: Oo, basta konektado online, at may SSS App, napakabilis lang ng aplikasyon ng salary loan.

Tanong: Sino ang pwedeng magsalary loan sa SSS?

Sagot: Kung ninanais na mag 1 month salary loan, kailangan may 36 months na posted na kontribusyon o equivalent na nakapaghulog ng kontribusyon sa loob ng 3 tatlong taon. Kung 2 months na equivalent ng sahod ang ninanais na mailon, kailangan may 72-months na nakapaghulog sa SSS.
Para sa kabuuang detalye at mga kasagutan sa mga katanungan andito ang lahat ng Q and A hinggil sa Salary loan ng SSS basahin sa ibaba.
  1. A one-month salary loan is equivalent to the average of the member borrowers latest posted 12 Monthly Salary Credits (MSCs), or amount applied for, whichever is lower.
  2. A two-month salary loan is equivalent to twice the average of the member borrower's latest posted 12 MSCs, rounded to the next higher monthly salary credit, or amount applied for, whichever is lower.
  3. The net amount of the loan shall be the difference between the approved loan amount and all outstanding balance of short-term member loans.
Watch the Step-By Step Guide In Tagalog and in Mobile App on How to Apply for an SSS Salary Loan in the video below
Ads

Applying for an SSS Salary Loan is now easier! Since last year, SSS loan application needs to be done online.
1. Register or Log-in at My.SSS via www.sss.gov.ph
2. Apply for Salary Loan Online
3. Receive a text message confirming loan approval.
4. Pay using your Payment Reference Number (PRN)

Watch the Step by Step video guide below how to apply for SSS Salary Loan using a mobile phone
Ads
Sponsored Links



Tanong: Makakapag-apply ba ako ng ONLINE kahit saan ako ng SSS Salary Loan?

Sagot: Oo, basta konektado online, at may SSS App, napakabilis lang ng aplikasyon ng salary loan.

Tanong: Sino ang pwedeng magsalary loan sa SSS?

Sagot: Kung ninanais na mag 1 month salary loan, kailangan may 36 months na posted na kontribusyon o equivalent na nakapaghulog ng kontribusyon sa loob ng 3 tatlong taon. Kung 2 months na equivalent ng sahod ang ninanais na mailon, kailangan may 72-months na nakapaghulog sa SSS.

Para sa kabuuang detalye at mga kasagutan sa mga katanungan andito ang lahat ng Q and A hinggil sa Salary loan ng SSS.

Tanong: Magkano ang pwedeng mailoan?
Sagot: Ang one-month-salary loan ay katumbas ng posted average ng huling (12) monthly salary credit or MSC, rounded off sa next higher MSC o ang inyong nais na loan amount kung alin man ang mas mababa.

Ang two-month salary loan ay katumbas ng doble ng posted average ng huling labindalawang (12) MSC, rounded off sa next higher MSC o ang iyong nais na loan amount kung alin man ang mas mababa.

Tanong: Ano ang mga paraan ng pag-apply ng salary loan?
Sagot: Mag-submit ng application sa SSS website (www.sss.gov.ph). MAg-register at log-in lamang sa My.SSS at i-click ang E-Services.

Pwede ring gamitin ang My.SSS login sa SSS Mobile App at Self-Service Express Terminals para mag-apply ng salary loan.

Tanong: Paano Makukuha ang loan?
Sagot: Direkta itong maki-credit sa SSS-issued UMID EMV ATM Card o sa pamamagitan ng UnionBank Quick Card, o tseke.



READ ALSO:

Narito ang step by step na proseso ng SSS Calamity Loan. 
SSS Calamity Loan Assistance Program ( CLAP ) na pwedeng maiapply online sa SSS Website and My.SSS portal. If you are planning to apply for a loan, check the process below.
More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/sss-calamity-loan-clap.html


Ano-Ano at Magkano ang Makukuha mong SSS Benefits Dahil sa Lockdown at COVID19?
More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/03/sss-benefits-covid19.html


Some questions and answers about SSS Salary Loan

TANONG:  Ask ko lang po kung pwede ba ako makarenew ng salary loan?

SAGOT: Sa ilalim po ng guidelines ng regular salary loan, ang renewal ay papayagan pagkatapos mabayaran ang at least 50% ng original principal amount, nakatapos ng at least 50% ng term (one year) ng loan at aktibong nagbabayad ng kontribusyon bilang empleyado, self-employed o voluntary member, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.

Maaaring matunghayan ang rekord online. Sundan po lamang ang link sa ibaba para inyong gabay sa pagrerehistro online.

https://www.youtube.com/watch?v=xvIul1gaFDk

O gamit ang SSS Mobile app-

https://play.google.com/store/apps/details?id=com.sssproject

https://apps.apple.com/ph/app/sss-mobile-app/id1376067900?fbclid=IwAR1Uoi45p-SIEkYE3tFzKgOXk6MdHa0qAYa_eFJ1SfKV0aaIUzQrmQ8nQ8c



TANONG: 
Tanong ko lang, nag apply ako ng salary loan last November 7, sa Union Bank ATM daw po ang disbursement, mga ilang araw po ba yun bago dumating kasi until now chineck ko wala parin sa account ko?

SAGOT: 
Philippine Social Security System : Ang crediting po ng approved salary loan sa UnionBank Quickcard ay 7 to 10 working days upon settlement nito. Maaaring subukan from time to time na i-check ang status nito sa inyong account.

TANONG
Pwede po ba mag apply for short term loan kahit 31 months lang ang contribution?

SAGOT:
Philippine Social Security System  Para sa salary loan,ang isang miyembro ay kailangan na aktibong nagbabayad ng kontribusyon bilang empleyado, self-employed o voluntary member at nakapaghulog ng hindi kukulangin sa 36/72 buwang hulog, kung saan mayroong at least anim (6) na kontribusyon sa loob ng labing-dalawang buwan bago ang pagsusumite ng aplikasyon.




HOW TO SUBMIT YOUR ONLINE SALARY LOAN APPLICATION:
(For separated self-employed, OFW and Voluntary members)

1️⃣ Go to the SSS website (www.sss.gov.ph)

2️⃣ Log-in as a Member (input User ID and Password) and click SUBMIT.

3️⃣ Click the E-SERVICES tab.

4️⃣ Click APPLY FOR SALARY LOAN. If eligible for a salary loan, your loanable amount and local mailing address will be displayed. You may opt to select a lower loan amount.

5️⃣ The loan proceeds will be deposited in the Member’s UMID-ATM Savings Account/Unionbank of the Philippines (UBP) Quick Card or register your other UBP Savings Account Number.

6️⃣ Otherwise, check will be sent via registered mail to the Member’s local mailing address. If the local mailing address is not updated, go to My.SSS Beta Portal or download the SSS Mobile App to update your local mailing address.

Note: Currently, only UBP accounts are accredited for electronic loan disbursement.

7️⃣ Read the terms and conditions carefully and click the box for “I agree to the Terms of Service.” Then click PROCEED.

8️⃣ VIEW, DOWNLOAD OR PRINT the Loan Disclosure Statement.

9️⃣ After viewing/printing the statement, click SUBMIT or CANCEL.

🔟 After submitting your salary loan application, a confirmation message will be displayed. You may copy the transaction number or print the acknowledgment page itself, or refer to the email notification sent to your registered email address.

NOTE: You will be notified through email about your salary loan application’s status. You will also receive a text notification after the salary loan application has been approved.




SEE ALSO:



Narito ang 7 paraan para makontak ang SSS lalo na sa panahon ngayon na sarado o limitado ang pagbubukas ng mga opisina nila. Nandito ang mga impormasyon saang panig ka man ng Pilipinas o ng buong mundo para makakonek o makipagugnayan sa SSS, maging makapagtanong o inquire hinggil sa iyong account, sa paraan ng SOCIAL MEDIA, WEBSITE, PHONE, EMAIL, MOBILE APP, SMS/TEXT, SELF SERVICE MACHINES.

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/sss-contact-details.html


Bilang isang miyembro ng SSS, may ideya ka ba kung magkano ang matatanggap mong SSS pension pagkatapos mong magbayad ng iyong kontribusyon?
Bibigyan namin kayo ng idea kung paano ito kinocompute. 

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/social-security-pension-benefits.html


Ang Social Security System (SSS) ay magbibigay ng P20,000 calamity loan para tulungan ang mga miyembro nito sa gitna ng kinakaharap na krisis dahil sa enhanced community quarantine at paglaban sa sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19) ayun kay SSS head of public affairs Fernan Nicolas.

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/sss-calamity-loan-online.html



Pwede Kang Makaavail ng Pag-IBIG Calamity Loan na P20K Pataas Depende sa Total Contribution

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/03/pwede-kang-makaavail-ng-pag-ibig.html




©2020 THOUGHTSKOTO