Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, September 18, 2020

ALAMIN: Mga Loans na may 60-Days Extention sa Pagbabayad sa Ilalim ng Bayanihan 2




Panibagong grace period na naman sa pagbabayad ng mga loans ang ipapatupad ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan 2 Law. Sa ilalim ng batas, one-time 60-days na grace period ang ipapatupad na may layuning maibsan ang hirap ng publikong nakakaranas ng krisis sa ngayon dahil sa pandemyang dala ng coronavirus.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act, inuutusan nito ang mga sumusunod na magpatupad ng grace period sa pagbabayad ng mga loans na na may due date bago pa man ang Disyembre 31 na walang interes, penalties at iba pang charges.
  • Banks
  • Financing companies
  • Lending companies
  • Real Estate developers
  • Insurance Companies
  • Pre-Need Companies
  • Public and Private Financial Institutions
Ads


Sakop din ng batas ang mga loan sa mga sumusunod;
  • Government Service Insurance System
  • Social Security System
  • Home Development Mutual Fund (Pag-ibig Fund)
Pinapayagan ng batas ang extention ng maturity ng mga "existing, current and outstanding loans" na kinabibilangan ng mga sumusunod;
  • Salary Loan
  • Personal Loan
  • Housing Loan
  • Commercial Loan
  • Motor Vehicle Loans
  • Amortizations
  • Financial Lease Payments
  • Credit Card Payments

Ads

Sponsored Links



Nakasaad sa batas na “All loans may be settled on staggered basis without interest on interest, penalties and other charges until December 31, 2020 or as may be agreed upon by the parties,”
 
“Nothing shall stop the parties from mutually agreeing for a grace period longer than 60 days.” 

Maliban sa 60-days na moratorium sa loan payments, nakasaad rin sa Bayanihan Law ang 30 araw na palugit sa pagbabayad ng water, electric, telecommunication at iba pang utility bills sa mga lugar na sakop ng Enhanced Community Quarantine o ECQ na walang extra charges.


Pagkatapos umano ng grace period, maaring bayaran on staggered basis ang hindi nabayarang utility bills sa loob ng hindi bababa sa tatlong buwang installments.

Binibigyan din ng 30-araw na grace period ang pagbabayad sa renta sa mga residential at commercial establishments na walang interest, penalties at iba pang charges.

Ayon sa batas, “No increase in rent shall be imposed during the same period.” 



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: