Dahil sa internet, mas naging madali ang buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil sa coronavirus kung saan, hindi advisable ang lumabas kung hindi naman talaga kailangan o importante.
At dahil din sa internet, maraming bagay na ang nagagawa online kabilang na rito ang pag-order ng pagkain, pag-grocery, pag-shopping, maging sa pagbayad ng mga utility bills.
Siyempre, hindi din pahuhuli ang mga government agencies gaya ng Pag-IBIG Fund kung online ang pag-uusapan. Ito'y dahil maari na ring mag-apply ng loan at magbayad ng loan online!
Sa post na ito, pag-uusapan natin kung paano mag-bayad ng loan online sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG!
Ads
Uri ng Pag-IBIG Loan na maaring bayaran online
- Housing Loan
- Multi-Purpose Loan
- Calamity Loan
Narito ang limang simpleng steps kung paano mag-bayad ng mga loan sa Pag-IBIG sa online. Maliban sa pagbabayad ng loan, alam mo ba na maari ka ring mag-bayad ng iyong mandatory contribution o regular savings online at voluntary savings sa Pag-IBIG? Yes, pwedeng-pwede na po yan sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG!
Ads
Sponsored Links
STEP 1
Pumili lamang sa tatlong uri ng loan kung alin ang iyong babayaran.
Kung housing loan ang babayaran, i-enter lamang ang Housing Account Number.
Pag-IBIG MID Number naman ang hinihingi kung ikaw ay magbabayad ng Multi-Purpose o Calamity Loan.
Sa pamamagitan ng Housing Account Number o Pag-IBIG MID Number, malalaman ng Pag-IBIG ang account name ng borrower na automatic na lalabas sa 'Borrower's Name'.
Huwag kalimutang pumili at i-check ang member category — local o overseas.
Ilagay lamang ang halaga ng amortization at automatic din na ika-calculate ng Pag-IBIG website ang magiging convenience fee o service charge na 1.75% sa halagang iyong ibabayad.
Ilagay lamang ang iyong mobile number o email address para sa payment confirmation.
I-enter ang captcha code. Basahin at i-check ang 'I Agree with the Terms and Condition'.
I-click lamang ang "Next".
STEP 2
Makikita mo dito ang summary ng mga impormasyong iyong ibinigay sa STEP 1. I review lamang ito at kung tama, i-click ang proceed.
Kung may nais ka namang baguhin, i-click lamang ang "Back" at babalik ito sa STEP — 1.
STEP 3
Maaari mong bayaran ang iyong Pag-IBIG loan sa pamamagitan ng Credit o Debit Card.
I-enter lamang ang pangalan, card number, expiration nito at CVV.
Makikita mo rin dito ang total ammount na babayaran mo.
I-click lamang ang proceed.
STEP 4
Hihingan ka ng Pag-IBIG ng OTP o One-time-password na i-sesend sa iyong mobile number.
I-enter lamang ito at i-click ang 'Submit'.
STEP 5
I-check ang iyong email. Agad na magpapadala ng resibo ang PayMaya bilang partner ng Pag-IBIG Fund sa kanilang Online Payment.
Sa resibo na ito, makikita mo ang iyong transaction number, petsa kung kailan ka nagbayad, payment method, at total amount na iyong ibinayad!
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment