Ano ang Project-EASE ng OWWA?
Tinatawag na Educational Assistance Through Scholarship in Emergencies (EASE). Ito ay isang component ng CARE Program para sa mga Oversease Filipino Workers o OFW na naapektuhan ng Coronavirus Disease o Covid-19 pandemic. Layunin ng programa na makapag-bigay ng educational assistance na P10,000 per annum na hindi hihigit sa apat na taon para sa mga college level na qualified dependent ng mga active OWWA-OFW members.
Sino ang kwalipikado para sa Project EASE?
Kwalipikado sa programa ang mga dependents ng mga active OFW members, land-based, sea-based at mga Balik Manggagawa na na-repatriate mula noong ideneklara ang Covid-19 outbreak sa bansa noong Pebrero 1, 2020 hanggang sa panahong ma-deklara na itong kontrolado ng World Health Organization o WHO.
Ads
Sino ang mga eligible dependents ng mga OWWA member-OFWs?
- Anak ng kasal o single parent OFW
- Kapatid ng single na OFW
Sino naman ang hindi covered o hindi qualified sa Project EASE?
- Mga dependents na may kasalukuyang scholarship grants sa ilalim ng ODSP, EDSP, ELAP-Education at CMWSP
- Mga in-active OWWA Members
- Undocumened workers
Ads
Sponsored Links
Ano Ano ang mga Requirements?
- Accomplished application form para sa Project EASE na makikita sa website ng OWWA
- I-submit ito sa email ng OWWA Regional Welfare's Office sa inyong lugar kasama ang kopya ng mga sumusunod:
- Valid Passport
- Flight Ticket of boarding pass o arrival stamp/sticker na naka-attached sa passport bilang patunay na nakabalik ito ng bansa mula Pebrero 1
- Official Receipt o iba pang proof of OWWA membership para sa validation
- Proof of relationship sa OFW, alinman sa mga sumusunod;
- Birth certificate ng anak kung ang active OFW ay kasal o single parent
- CENOMAR ng OFW at birth certificate ng OFW at kapatid nito, kung ang active OWWA member-OFW ay single
- Certificate of Grades of the dependent mula sa last school year o semester na pinasukan nito na may passing mark sa lahat na subject
Paano Mag-Apply para sa Project-EASE?
- Ang qualified active OWWA member-OFW na nakabalik sa bansa simula noong Pebrero 1, 2020 ang siyang magpa-file ng application para sa kanilang designated child beneficiaries sa pamamagitan ng online platform na http://owwa.gov.ph at i-submit ang lahat na mga requirements sa pamamagitan ng email ng OWWA RWO.
- Makakatanggap ng serial reference o tracking number ang aplikante sa pamamagitan ng SMS o email para ma-monitor nito ang status ng kanyang application
- Ang mga aplikante naman na nag-sumite ng hindi kompleto o hindi valid na mga requirements ay makakatanggap din ng SMS o e-mail ng mga kulang o invalid na mga requirements.
- Ang mga naaprobahang application ay mabibigyan ng downlable at printable Scholarship Agreement online, para sa pirma at notarization
- Ang napirmahan at notaryadong Scholarship Agreement ay kailangang maipadala muli sa concerned Regional Welfare's Office.
- I-aanunsyo ang mga kwalipikadong beneficiaries para sa Project EASE at matatanggap ng mga ito ang assistance sa pamamagitan ng bank remittance direkta sa bank account ng student-beneficiaries.
Paalala ng OWWA na iisang slot lamang ang ibibigay sa mga mag-asawang OFW na kapwa eligible sa nabanggit na programa. Importante din na mayroong active account number ang kwalipikadong beneficiaries ng Project-EASE na nakapangalan sa kanila para sa pagtanggap ng nasabing remittance kada taon.
Basahin: OWWA, may tig-P10,000 na educational assistance sa mga anak ng mga OFWs na apektado ng COVID-19
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment