Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, September 12, 2020

Paalala ng DOH: 'Wag Pigiling Lumabas ng Ospital ang mga Pasyenteng 'Di Makakabayad ng Bill




DAHIL sa krisis dulot ng coronavirus 2019 o Covid-19, mas nagiging mahirap ang buhay ng mga tao, lalo na ng mga mahihirap. Dahil dito, muling pina-alalahanan ngayon ng Department of Health o DOH ang mga ospital sa buong bansa na hindi nila maaring pigilin ang paglabas ng isang pasyente na kulang ang pambayad o wala pang maipambayad sa kanilang hospital bills.

Sa isang panayam, inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bawal ang hospital dentention sa ilalim ng Republic Act 9439 o Anti-Hospital Detention Act.


Sa ilalim ng Republic Act 9349, maaring pagmultahin ng hanggang P50, o kaya ay makulong ng hanggang anim na buwan ang sinumang opisyal o empleyado ng isang medical facility na mapapatunayang nanggipit ng isang pasyenteng hindi kayang barayan ang hospital bill. 

Ads


Una rito nakatanggap ang DOH ng mga impormasyon ukol sa isang pribadong ospital na nag-detain ng isang pasyente na walang maibayad sa kanyang hospital bill.

Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na obligado pa rin ang pasyenteng magbayad ng kanilang bill kung kaya't kinakailangan nitong mag-iwan ng dokumento o identification card sa ospital upang matiyak na hindi nila tatakbuhan ang kanilang obligasyon.


“Bawal po tayo mag-detain ng ating pasyente because they cannot pay as of this time. Alam niyo naman ang mga ospital ay entities din po ang mga ito na gumagastos and they need din po na mabayaran sila,” ang pahayag ni Vergeire.

“Although hindi tamang nagde-detain ng pasyente pero kailangan ang pasyente o ang pamilya ay makapag-iwan ng katunayan na babalik ka,” dagdag pa niya.
Ads

Sponsored Links


Ang maaari aniyang gawin ng pasyente ay gumawa ng sulat o promissory note para sa pagsasa-ayos ng bayarin. “They can leave a promissory note with the promise of course that they can pay in installment kung kailangan,” ani Vergeire.

Hindi rin umano maaring i-refer ang isang pasyente o kaanak nito sa isang lending facility para makakuha ng loan na pambayad sa ospital.
“It is also not a good practice that hospitals will be directing patients to lending facilities and all. Ang kailangan lang po that is acceptable, humihinigi lang po sila ng ID na iiwanan nila or something than can be tracked pa rin ang pasyente,” dagdag pa niya.


Paalala rin ng DOH na dapat maayos ang usapan at walang magigipit sa ganitong sitwasyon.

“It is an internal arrangement between the hospitals and patients. Una, kailangan din natin intindihin ang side ng hospital mayroon kasing naiwan na pera na hindi mababayaran,” ani Vergeire.

Kung nakaranas ng panggigipit sa mga ospital, maaaring maghain ng reklamo sa Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng DOH upang maimbestigahan ang isyu.


Nangyayari ang hospital detention sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • The patient who is partially or fully recovered has expressed his/ her intention to leave the hospital or medical clinic, or the attending physician has issued a discharge order
  • The patient is not confined in a private room and is financially incapable to settle in part or in full the corresponding hospital bills or medical expenses/ hospitalization expenses
  • Patient has executed a promissory note covering the unpaid hospital bills or medical expenses/ hospitalization expenses
  • The officer or employee of the hospital or medical clinic responsible for releasing the patient has restrained him from leaving the hospital premises.
Ano ang penalty sa mga lalabag?

Mapaparusahan ng multang hindi bababa sa P20,000 ngunit hindi naman hihigit sa P50,000 ang sinomang opisyal o empleyado ng ospital o medical clinic na responsable sa pagpapalabas ng mga pasyente sakaling mapatunayang nilabag nito ang Republic Act No. 9439.
Maliban sa multa, maari din itong makulong mula isa hanggang anim na buwan.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: